You are on page 1of 2

Department of Education

SAN CRISTOBL INTEGRATED HIGH SCHOOL


“MAY PAG-ASA SA PAGBASA”
Project 3 P's
ABRIL_AP_EMOLD_1

Mga dapat tandaan upang mapaunlad ang pangunawa:

Gumamit ng Hanapin ang Isulat ang Hatiin sa


Palawakin Pairalin ang Magbasa sa
mga Context pangunahing buod ng maliliit na
ang pagiging pinakamaina
clue o mga ideya ng binasang bahagi ang
bokabularyo. mausisa m na oras.
susing salita. binasa. teksto. mga detalye

I. LAYUNIN: Nasusuri ang kahalagahan ng pagboto na siyang makapagpabago sa mga gawaing pampamahalaan.
II. PAKSA: Pakikilahok sa Eleksyon

Ayon sa Artikulo II, seksyon I ng ating Saligang Batas, ang Pilipinas ay isang Estadong republikano at
demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambahayan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga
awtoridad na pampamahalaan. Ito ay patunay lamang na ang kapangyarihan ng isang estado ay wala sa
pamahalaan at sa mga taong bumubuo nito sa halip, ito ay nagmumula sa mga mamamayan.

Ang pakikilahok sa eleksyon ang pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng mamamayan. Ang pagboto
ay isang obligasyon at karapatang politikal na ginagarantiyahan ng ating Saligang Batas. Ayon sa Artikulo V ng
Saligang Batas ng 1987 ang maaaring makaboto ay (a) mamamayan ng Pilipinas (b) hindi diskwalipikado ayon
sa isinasaad ng batas (c) 18 taong gulang pataas at tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon at sa lugar kung saan
niya gusting bumoto nang hindi bababa sa anim na buwan bago mag-eleksyon.

Mga diskwalipikadong bumoto (a) mga taong nasentensyahan na makulong nang hindi bababa sa isang
taon. Maaari siyang makaboto muli pagkaraan ng limang taon pagkatapos niyang matapos ang parusang inihatol
sa kanya (b) mga taong nasentensyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon, sedisyon, paglabag sa anti-
subversion at firearms law at anumang krimeng laban sa seguridad ng bansa. Maaari siyang makaboto muli
pagkaraan ng limang taon pagkatapos niyang matapos ang parusang inihatol sa kanya (c) mga taong idineklara
ng eksperto bilang baliw.

Sa pamamagitan ng pagboto nakapili ang mga mamamayan ng mga opisyal ng pamahalaan na sa tingin
nila ay maglilingkod nang maayos. At sa pamamagitan ng ating pagboto tayo mismo ang nagtatakda ng
kinabukasan ng ating bayan. Pantay-pantay ang mga tao pagdating sa pagboto. Bawat isang Pilipino ay mayroon
lamang isang boto, mayaman o mahirap man. Ngunit ang isang boto ay lubhang makapangyarihan sapagkat
maaari nitong baguhin ang takbo ng buhay ng mga Pilipino.

Narito ang ilang sa mga salita na mababasa sa teksto sa itaas. Unawain ang kahulugan ng mga ito.

Saligang Batas Diskwalipikado Sedisyon Anti-subversion


(pangngalan) (pang-uri) (pangngalan) (pang-uri)

- Katipunan ng ng - Ito ay ang alisan ng - Ito ay ang - Ito ay tumutukoy sa


mga pangunahing karapatan o panggugulo laban anumang gawain na
simulain, mapagwalang - sa estado o ang layunin ay
pamantayan at karapatan. pagsalungat sa may sirain ang
doktrina na dapat kapangyarihan. pamahalaan.
sundin ng mga
mamamayan.
PANDIWA – Ang pandiwa o verb kung tawagin sa wikang Ingles ay isang salita o bahagi ng salita na nagsasaad
ng kilos o galaw, pangyayari, o katayuan ng isang tao, hayop, o bagay.

Gamit ng Pandiwa
Mayroong tatlong gamit ng pandiwa: ang pandiwang nagpapahayag ng aksyon, karanasan, at pangyayari.
1. Gamit ng Pandiwa bilang Aksyon- Kapag ito ay may aktor o tagaganap ng kilos. Maaaring tao o bagay ang
aktor. Halimbawa: Tumalima si Laura sa lahat ng gusto ni Adolfo.
2. Gamit ng Pandiwa bilang Karanasan- Maaaring magpahayag ang pandiwa ng karanasan, damdamin o emosyon. Sa
ganitong sitwasyon, may nakararanas ng damdamin o saloobing inihudyat ng pandiwa. Halimbawa: Namangha si
James sa kagandahan ni Kiray.
3. Gamit ng Pandiwa bilang Pangyayari
Ito ay resulta ng pangyayari. Maaaring may mga ekspresyon ng sanhi at bunga. Halimbawa: Naglayas si Sara
dahil sa pagmamalupit ng kanyang ama.

Sanggunian: https://www.slideshare.net/irishme/mito-at-gamit-ng-pandiwa

Pangalan:
Baitang at Seksyon: _____________
ABRIL_AP_EMOLD_1

PANUTO. Unawain at sagutang mabuti ang mga tanong at piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Bansa na may ganap na kapangyarihang angkin ang sambahayan at nagmumula sa kanila ang lahat ng awtoridad na
pampamahalaan.
A. Singapore B. Indonesia C. Pilipinas D. China
2. Ayon sa Artikulong ito Seksyon I ng Saligang Batas, ang Pilipinas ay isang Estadong repunlikano at demokratiko.
A. I B. II C. III D. IV
3. Ito ay isang obligasyon at karapatang politikal na ginagarantiyahan ng ating Saligang Batas ng 1987.
A. Pagpili B. Paglahok C. Pagboto D. Pagtamasa
4. Anong taong gulang maaaring bumoto ang isang tao?
A. 15 taong gulang B. 16 taong gulang C. 17 taong gulang D. 18 taong gulang
5. Ilang beses lamang maaaring makaboto ang isang tao tuwing halalan?
A. isa B. dalawa C. tatlo D. apat
6. Sino ang maaaring makaboto sa halalan?
A. 18 taong gulang at mamamayan ng Pilipinas C. Diskwalipikado ayon sa isinasaad ng batas
B. Tumira sa America ng isang taon at bumalik para bumoto D. Hindi mamamayan ng Pilipinas
7. Sino ang itinuturing na diskwalipikadong bumoto?
A. 18 taong gulang at mamamayan ng Pilipinas C. Mamamayan ng Pilipinas
B. Hindi diskwalipikado ayon sa Saligang Batas D. Mga taong idineklara ng mga eksperto bilang baliw
8. Ano ang layunin ng pagboto?
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
9. Bakit lubhang makapangyarihan ang pagboto ng isang tao?
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
10. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang kahalagahan ng pagboto na siyang makakapagpabago sa mga
gawaing pampamahalaan?
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________

Inihanda ni: DIANE D. SOLIS


Binigyan Pansin ni: KEVIN A. GUNO
Inaprubahan ni: DONNY ARIS C. MALVAR, EdD

You might also like