You are on page 1of 3

Department of Education

Region VIII
Ormoc City Division
District VII
RUSTICO CAPAHI SR. MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Sabang Bao, Ormoc City

BANGHAY ARALIN SA ESP 8


PETSA: Feb. 4 & 7, 2020 ARAW: Martes at Biyernes

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga isyu at
Pangnilalaman suliraning kaugnay sa pakikipagkapwa.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mga mag-aaral ang tamang kilos bilang
paghahanda sa susunod na yugto ng buhay bilang nagdadalaga at
nagbibinata at sa pagtupad nila ng kanilang bokasyong
magmahal.

C. Mga Kasanayan sa Naisasagawa ang tamang kilos tungo sa paghahanda sa susunod


Pagkatuto Isulat ang code sa na yugto ng buhay bilang nagdadalaga at nagbibinata at
bawat kasanayan sa pagtupad niya ng kanyang bokasyong magmahal.
1. Nakapagsusuri ng mga napapanahong isyu ayon sa tamang
pananaw sa Sex Drive o Libido.
2. Nakapagbibigay ng mga solusyon sa mga sitwasyon tungkol sa
Puppy Love.
3. Nakapaglalahad ng tamang paraan sa pagmamahal sa kapwa
at kalinisang puri. EsP8IP-IVa-13.4

II. NILALAMAN Modyul 13 : Ang Seksuwalidad ng Tao


Itala ang mga Kagamitang Panturo na gagamitin sa bawat araw.
III. KAGAMITANG PANTURO
Gumamit ng iba’t ibang kagamitan upang higit na mapukaw ang
A. Sanggunian
interes at pagkatuto ng mga mag-aaral.
1. Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p.119
2. Kagamitang Pang-Mag-
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p.335-366
aaral
3. Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan Gabay sa Kurikulum ng Filipino
mula sa Portal ng
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Powerpoint presentation
Panturo
IV. PAMAMARAAN
Sa tulong ng guro, magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa
A. Balik-aral sa Nakaraang pornograpiya at sa iba’t ibang sitwasyon na posibleng kaharapin
Aralin o Pagsisimula ng ng isang teenager lalo na ang mga may karelasyon. (gawin sa
Bagong Aralin loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

B. Paghahabi sa Layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin
Aralin ng aralin.
1. Nakapagsusuri ng mga napapanahong isyu ayon sa tamang
pananaw sa sex drive o libido.
2. Nakapagbibigay ng mga solusyon sa mga sitwasyon tungkol sa
puppy love.
3. Nakapaglalahad ng tamang paraan sa pagmamahal sa kapwa
at kalinisang puri.
B. Pag-usapan ng guro at mag-aaral upang magkaroon ng linaw
ang tungkol sa sex drive o libido, puppy love, pagmamahal sa
kapwa at kalinisang puri. (gawin sa loob ng 5 minuto)
(Collabortaive Approach)
Pangkatin ang mag-aaral sa 6 grupo. Ipamahagi ang mga
cartolina, lapis, pentel pens at pangkulay. Gumawa ng poster na
C. Pag-uugnay ng Halimbawa nagpapakita ng sumusunod na tema ayon sa nabasang sanaysay.
saBagong Aralin Papiliin ang bawat pangkat ng lider na magpapakita at
magpapaliwanag ng ginawa. (gawin sa loob ng 10 minuto)
(Reflective Approach/ Collaborative)

Pangkat 1 – Ang Seksuwalidad ng Tao


Pangkat 2 – Ang Sex Drive o Libido
Pangkat 3 – Ang Puppy Love
Pangkat 4 – Ang Paggamit ng Kapwa at Pagmamahal
Pangkat 5 – Ang Kalinisang Puri
Pangkat 6 – Ang Pagmamahal ay Mapagbuklod

D. Pagtalakay ng Bagong Basahin ng bawat grupo ang sumusunod na sanaysay. (gawin sa


Konsepto at Paglalahad ng loob ng 10 minuto) (Collaborative Approach)
Bagong Kasanayan #1
Pangkat 1 – Ang Seksuwalidad ng Tao
Pangkat 2 – Ang Sex Drive o Libido
Pangkat 3 – Ang Puppy Love
Pangkat 4 – Ang Paggamit ng Kapwa at Pagmamahal
Pangkat 5 – Ang Kalinisang Puri
Pangkat 6 – Ang Pagmamahal ay Mapagbuklod

E. Pagtalakay ng Bagong Basahin ang sumusunod na artikulo tungkol sa napapanahong


Konsepto isyu at sagutan sa notbuk ang mga gabay na tanong. (gawin sa
at Paglalahad ng Bagong loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
Kasanayan #2
Ayon kay Dr. Melvin Anchell, isang psychiatrist, sa eded na
8-12, ang ibang enerhiyang seksuwal ng tao ay naibabaling at
ginagamit sa paglinang ng damdaming pagkamahabaging
kinakailangan para makontrol ang simbuyo ng kalupitan. Ang
pagpukaw ng seksuwal sa murang edad na ito sa pamamagitan
ng pornograpiyaay nakasisira sa paglinang ng pagkamahabagin.
Kung wala ang pagiging mahabagin, ang mga kabatan ay
nasusuong sa mga silakbo ng bayolenteng asal.
Karamihan ng mga awitin ng mga kabataan ngayon ay
nakabababa ng pananaw sa mga kababaihan at sa
seksuwalidad. Nakasisirang puri rin ito sa mga kalalakihan dahil
ang mga awit na ito ay madalas na tungkol sa kung ano ang
kanilang makukuha at hindi ang kanilang maibibigay sa
pakikipag-ugnayan sa kababaihan. Maling pananaw sa pakikipag-
ugnayan sa katapat na kasarian ang mensahe ng mga awiting ito.
Habang paparami nang paparami ang mga kabataang nalululong
sa pornograpiya, isang mapanganib na mensahe ang nakikintal
sa kanilang isipan: ang pakikipagtalik nang walang kaakibat na
pagmamahal o pananagutan.

1. Anong maling pananaw sa pakikipag-ugnayan sa katapat na


kasarian ang pinalalaganap ng pornograpiya? Ipaliwanag.
2. Bilang isang kabataan, paano mo mapapangalagaan ang iyong
sarili laban sa mga midyang nagpapalaganap ng
pornograpiya? Magbigay ng mga ilang paraan.

Ipaskil ang mahahalagang tanong, sagutin ito sa inyong notbuk


F. Paglinang sa Kabihasaan gamit ang graphic organizer sa ibaba: (gawin sa loob ng 10
(Tungo sa Formative minuto) (Reflective Approach)
Assessment)
KATANUNGAN: Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tamang
pananaw sa seksuwalidad? Ano ang kahulugan ng
pagmamahal at tamang pananaw sa seksuwalidad?
G. Pagtataya ng Aralin Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel. Limang puntos bawat katanungan. (gawin sa
loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
1. Ano ang kabuluhan ng mga pinag-aralan ko tungkol sa
seksuwalidad sa aking pag-unlad bilang tao?
2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga
pagkatuto tungkol sa tamang seksuwalidad ng tao?
3. Ano-anong positibong pananaw sa pakikipag-ugnayan sa
katapat na kasarian ang isinasaad ng babasahin?
H.. Karagdagang Gawain para
saTakdang-Aralin at
Remediation
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
Inihanda ni:
Angelica P. Heraldo
SST-I

You might also like