You are on page 1of 5

Department of Education

Region VIII
Ormoc City Division
District VII
RUSTICO CAPAHI SR. MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Sabang Bao, Ormoc City

BANGHAY ARALIN SA ESP 8


PETSA: Feb. 11, 2020 ARAW: Martes

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga karahasan
Pangnilalaman sa paaralan.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang angkop na kilos upang maiwasan
ang karahasan sa paaralan at matugunan ang mga sanhi nito.
C. Mga Kasanayan sa Nakikilala ang mga uri, sanhi at epekto ng mga umiiral na
Pagkatuto Isulat ang code sa karahasan sa paaralan.
bawat kasanayan a. Nasusuri ang mga aspekto ng pagmamahal sa sarili at
pagmamahal sa kapwa na kailangan upang maiwasan at tugunan
ang karahasan sa paaralan
b. Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin
c. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang maiwasan at
masupil ang mga karahasan sa kanyang paaralan. EsP8-KP-IVc-
14.1

II. NILALAMAN Modyul 14 : Karahasan sa Paaralan


Itala ang mga Kagamitang Panturo na gagamitin sa bawat araw.
III. KAGAMITANG PANTURO
Gumamit ng iba’t ibang kagamitan upang higit na mapukaw ang
A. Sanggunian
interes at pagkatuto ng mga mag-aaral.
1. Gabay ng Guro Gabay ng Guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p.179-188
2. Kagamitang Pang-Mag-
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p.367-400
aaral
3. Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/888
mula sa Portal ng
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturong Biswal: LCD projector, laptop, video clip mula sa
Panturo Internet url:http//www.youtube.com/watch?v=zilfZx0XX5lh at
http://www.youtube.com/watch?=ToPwDFFt6Sk
www.youtube.com/watch?v=KnNWGZZXofs
IV. PAMAMARAAN
Sagutin ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin.
A. Balik-aral sa Nakaraang (gawin sa loob ng 5 minuto) (Inquiry-based Approach)
Aralin o Pagsisimula ng
Bagong Aralin Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sa sagutang papel. 1.
Ang sumusunod ay mga umiiral na karahasan sa paaralan
maliban sa:
a. Pambu-bully b. Pandaraya c. Fraternity d. Gang

2. Ang sumusunod ay mga sanhi ng pambu-bully sa paaralan


maliban sa:
a. Pagkakaranas ng karahasan sa tahanan
b. Paghahanap ng mapagkakatuwaan
c. Pagkakaroon ng pagkakaibang pisikal
d. Pagkakaroon ng mababang marka sa klase

3-4. Basahin at unawain ang kaso ni Rebecca sa ibaba.


Pagkatapos, sagutin ang bilang 3-4.
Ang unang mga taon sa hayskul ay isang labis na pahirap sa akin.
Pinatindi ito ng mga taong walang ibang pinagkakatuwaan kung
hindi ang pambu-bully sa kapwa. May mag-aaral na natuwang
sulatan ako ng masasamang salita, tinukso-tukso, sinundan-
sundan pag-uwi at niloko sa telepono. Isinumbong ko na siya sa
aming guidance counselor at ipinaalam ko rin sa aming prinsipal
ngunit wala pa ring nagbago. Isang araw sa aming klase, sinuntok
niya ako, sinaklot ang aking kamay na sobrang masakit na. Hindi
ako nakatiis. Sinampal at minura ko na siya, kaya binitawan niya
ako. Mula noon, iniwasan niya na ako at di na sinaktan. Ayaw ko
ng karahasan, kaya di ko lubos maisip bakit ako gumanti. Dahil
dito, kinamuhian ko ang aking sarili. Sana pinalampas ko na lang
ang panggugulo niya. Sa panahon ng pag-aaral kasi, naghahanap
ang isang kabataang tulad ko sa aking sarili, na kahit ganoon kaliit
na bagay ay may epekto sa aking buhay hanggang pagtanda.

3. Ano ang pangunahing paksa ng sanaysay?


a. Ang pagtuntong ng hayskul
b. Ang kasamaan ng ugali ng isang nambu-bully
c. Ang epekto ng pambu-bully sa biktima
d. Ang paghihiganti, nagpapahinto sa panggugulo

4. Ano ang naging epekto kay Rebecca ng pambu-bully sa kanya


ng kanyang kaklase?
a. nahirapan sa pag-aaral b. napilitang gumanti
c. kinamuhian ang sarili d. hinanap ang sarili

5. Ano ang nararapat na tugon ng mga may kinauukulan ng


paaralan sa pambu-bully?
a. Hindi iintindihin dahil natural lamang sa mga kabataan ang
kalikutan.
b. Pagalitan ang nambu-bully pagkatapos ay pabalikin sa klase.
c. Suspindihin ang gumagawa ng pambu-bully sa paaralan.
d. Humanap ng pangmatagalan at mabisang paraan sa pagsupil
sa karahasan sa paaralan.

B. Paghahabi sa Layunin ng 1. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin
Aralin ng aralin.
a. Nakikilala ang mga uri, sanhi at epekto ng mga umiiral na
karahasan sa paaralan
b. Nasusuri ang mga aspekto ng pagmamahal sa sarili at
pagmamahal sa kapwa na kailangan upang maiwasan at tugunan
ang karahasan sa paaralan
c. Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin
d. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang maiwasan at
masupil ang mga karahasan sa kanyang paaralan.

2. Ipamahagi ang paper strip sa bawat mag-aaral at ipasulat ang


kasagutan sa tanong na ito,
“Bakit mahalaga ang pag-iwas sa anumang uri ng karahasan sa
paaralan at ang aktibong pakikisangkot upang masupil ito?”
(gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

PAGBUO NG PUZZLE:
Pangkatin ang klase sa apat na grupo. Buuin ang puzzle, maaari
C. Pag-uugnay ng Halimbawa ring gumawa ng sariling puzzle pieces. Matapos mabuo ang lahat
saBagong Aralin ng puzzle ay sagutin ang sumusunod na tanong. (gawin sa loob
ng 10 minuto) (Collaborative/Contructivist Approach)

1. Ano ang sinisimbolo ng mga larawang iyong


nabuo sa puzzle?
2. Anong mga sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay sa
paaralan ang iyong naalala nang makita mo ang mga larawan?
Ibahagi.

D. Pagtalakay ng Bagong A. Panoorin ang video clip na may pamagat na “Bullying victim
Konsepto at Paglalahad ng speaks out” sa youtube na may url:
Bagong Kasanayan #1 http//www.youtube.com/watch?v=zilfZx0XX5lh at sa
http://www.youtube.com/watch?=ToPwDFFt6Sk na may pamagat
na Kapuso Mo, Jessica Soho Bully learns his lesson upang
matukoy ang isang pangunahing dahilan ng karahasan sa
paaralan.

B. Habang pinanonood ang video, itala ang hinihingi sa bawat


kolum sa ibaba:
Sanhi ng Pagkakaroon ng Epekto ng Pagkakaroon ng
Karahasan sa Paaralan Karahasan sa Paaralan

C.Matapos gawin ang mga ito ay sagutin ang sumusunod na


katanungan:
1. Mayroon ka bang katulad na karanasan sa paaralan o di kaya
ay nakasaksi ng katulad na mga sitwasyon sa paaralan o sa
pamayanan? Ibahagi.
2. Sa iyong palagay, bakit kaya may nambu-bully? Bakit may
binu-bully?
3. Bakit kaya lumalaganap ang ganitong sitwasyon sa paaralan
maging sa ating bansa? Ipaliwanag.(gawin sa loob ng 12
minuto) (Inquiry-based Approach)

E. Pagtalakay ng Bagong Panoorin ang video clip sa website na ito:


Konsepto www.youtube.com/watch?v=KnNWGZZXofs. Habang pinanonood
at Paglalahad ng Bagong ang video ay itala ang mahahalagang pangyayari sa napanood
Kasanayan #2 gamit ang katulad na pormat sa ibaba. (gawin sa loob ng 5
minuto) (Inquiry-based Approach)

Sanhi ng Paglahok Epekto ng Mga Maling


sa Gang Paglahok ng Gang Paniniwala at
Pagpapahalagang
Nakita mula sa
Palabas

Pasagutan sa bawat pangkat ang mga katanungan. (gawin sa loob


F. Paglinang sa Kabihasaan ng 5 minuto) (Collaborative Approach)
(Tungo sa Formative Unang pangkat- Ano ang pangunahing dahilan kung bakit mas
Assessment) pinili ng tauhan na iwan ang kanyang pamilya?
Ano ang naging epekto sa kanya ng paglahok sa gang? Isa-isahin.
Ikalawang pangkat- Ano-anong mga paniniwala ang maituturing
mong mali kung ibabatay sa tamang pamantayan? Anong bahagi
ng video ang nagpapakita ng sitwasyon kung saan
nagmumukhang mabuti ang isang bagay o gawa na masama?
Patunayan.
Ikatlong pangkat- Ano ang gang para sa iyo? Ano ang maidudulot
ng paglaganap ng ganitong uri ng samahan sa
paaralan?
Ikaapat na pangkat-Ano ang magagawa ng isang kabataang
katulad mo upang ito ay mapigilan at masugpo?

G. Pagtataya ng Aralin Sagutin ang sumusunod na katanungan:(gawin sa loob ng 5


minuto) (Reflective Approach)
1. Ano ang mga uri ng karahasan na umiiral sa paaralan? (2
puntos)
2. Ano ang pambu-bully? (2 puntos)
3. Ano ang mga uri ng pambu-bully? (2puntos)
4. Ano ang sanhi ng karahasan sa paaralan? (2 puntos)
5. Ano ang epekto ng pambu-bully? (2puntos)
H.. Karagdagang Gawain para
saTakdang-Aralin at
Remediation
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
Inihanda ni:
Angelica P. Heraldo
SST-I

You might also like