You are on page 1of 4

Module_14

CAMARINES SUR NATIONAL HIGH SCHOOL


CITY OF NAGA

BANGHAY ARALIN
ESP Grade 8

L.C:
a. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga karahasan sa paaralan.
b. Pamanatayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos upang maiwasan at
matugunan ang mga karahasan sa kanyang paaralan

I. Layunin

a. Nakikilala ang mga uri, sanhi at epekto ng mga umiiral na karahasan sa paaralan
b. Nasusuri ang mga aspekto ng pagmamahal sa sarili at pagmamahal sa kapwa na kailangan
upang maiwasan at tugunan ang karahasan sa paaralan
c. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang maiwasan at masupil ang mga karahasan sa
kaniyang paaralan.

II. Paksang Aralin

a. Paksa: KARAHASAN SA PAARALAN


b. Sangunian: Edukasyon sa Pagpapahalaga 8 pp. 367 –400 Modyul 14
c. Kagamitan: Papel at Panulat

III. Pamamaraan

a. Panimulang Gawain
1. Palangin
2. Balik tanaw sa Modyul 13.
3. Paunang pagtataya (pahina 368 – 371, Modyul 14 –Ikaapat na Markahan)
4. Panghikayat na katanungan:
a. Ano ang pambubulas?
b. Naranasan mo na ba ang mabulas? Ikaw ba ay nambubulas?

b. Pagganyak

Panuto: Kumpletuhin ng mga SLOGAN tungkol sa pambubulas.

Gabay na tanong:
A. Ano ang kahulugan ng binuong slogan?

1
Module_14

c. Pagtalakay

1. Gawain

Panuto: Panuorin ang video clip na pinamagatang “Ronan’s Escape”


Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Bumuo ng pangkat na binubuo ng limang grupo para sa pagsusuri. Sagutin ang mga sumusunod na
gabay na tanong:

A. Ano kaya sa tingin mo ang profile na karakter ng nambubulas?


B. Ano naman kaya ang profile na karakter ng binubulas?
C. Ano-ano ang mga epekto ng pambubulas?
D. Kung ikaw ay isa sa kaklase ni Ronan ano ang pwede mong gawin?

2. Pagpapalalim

Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8


Ika-apat na Markahan
Modyul 14: KARAHASAN SA PAARALAN

Kahulugan ng Pambubulas o Bullying


– Sinasadya o malisyosong pagtatangka ng isang tao o pangkat na saktan ang katawan o isipan
ng isa o mahigit pang biktima sa paaralan.
– Matatawag na pambubulas kung isasagawa ng paulit-ulit o may potensyal na maulit sa takdang
panahon.

Uri ng Pambubulas
1. Pasalitang Pambubulas – pagsasalita o pagsusulat ng masasamang salita laban sa isang
tao. Hal. pangangantyaw, pangungutya, panunukso, panlalait, pang-aasar, paninigaw,
pagmumura, pang-iinsulto, at pagpapahiya sa harap ng maraming tao.
2. Sosyal o Relasyonal – ito ay may layuning sirain ang reputasyon at ang pakikipag-ugnayan
sa ibang tao. Hal. pagkakalat ng tsismis.
3. Pisikal – ito ay pisikal na pananakit sa isang indibidwal o pangkat at paninira ng kaniyang
pag-aari. Hal. panununtok, paninipa, pananampal, pangungurot atbp.

Profile na Karakter ng Nambubulas


1. Mas malamang na napalaki ng isang pamilyang napabayaan na gawin ang lahat ng kaniyang
gustong gawin at hindi napaalalahanan lalo na sa mga hindi tamang nagagawa.
2. Hindi naramdaman sa kaniyang pamilya ang pagmamahal.
3. Hindi napalago ang komunikasyon at ugnayan sa loob ng pamilya.
4. Ginamitan ng pananakit bilang disiplina.
5. Nakita ang pagiging marahas ng magulang na magdudulot ng pagkakaroon ng damdamin
ng poot sa kapwa at malaon ay makaramdam ng kasiyahan sa pananakit sa iba.

2
Module_14

Profile na Karakter ng Binubulas


1. Kaibahang Pisikal (Physically Different) – maaring may kapansanan, masyadong mataba o
payat, mahina o astigin, masyadong matangkad o bansot, atbp.
2. Kakaibang Estilo ng Pananamit (Dresses Up Differently) – kung ang suot ay masyadong
bulgar o konserbatibo manamit.
3. Oryentasyong Sekswal (Sexual Orientation) – pagiging mahina bilang isang lalaki o astigin
bilang isang babae.
4. Madaling mapikon (Short-tempered)
5. Balisa at di panatag sa sarili (Anxious and Insecure) – kawalan ng seguridad sa sarili ay
isang palatandaan ng kahinaan.
6. Mababa ang tinging sa sarili (Low Self-Esteem) – kawalan ng tiwala sa sarili.
7. Tahimik at lumalayo sa nakararami (Quiet and Withdrawn)
8. Wala kang kakayahang ipagtanggol ang sarili ( Inability to defend oneself)

Mga Epekto ng Pambubulas


1. May posibilidad na magkaroon ng labis na pagkabalisa, kalungkutan, suliranin sa pagtulog
(sleep difficulties), mababang tiwala sa sarili, maging sakit ng ulo at tiyan at pangkalahatang
tensiyon kumpara sa mga kabataan na hindi nagiging biktima ng pambubulas. Magdudulot
ng stress sa biktima kung kaya’t nagiging sakitin.
2. Kakaunti ang kaibigan o maaring walang kaibigan.
3. Posibilidad na ang biktima ng pambubulas mismu ay maging marahas, maaaring sa
panahon ng pambubulas o sa hinaharap.

IV. Paglalahat

Ang karahasan sa paaralan o sa kahit na saang lugar ay bunga ng pagtalikod ng taong gumagawa
nito sa tunay at dalisay na kahulugan ng pagmamahal. Kahit na sino ay sasang-ayon na kapag mananatili
ang pagmamahal sa gitna ng lahat ng ugnayan ay walang sinuman ang makaiisip na magdulot ng sakit
o panganib sa buhay ng kaniyang kapwa. Ngunit katulad naman ng anumang halaman o puno ito ay
kailangang ipunla, alagaan at palaguin dahil matututuhan lamang ang magmahal kung ito ay
naiparamdam o naiparanas.

V. Paglalapat

Panuto:
Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na uri ng pambubulas ang inilalarawan sa mga
sitwasyon.
A. Pisikal C. Sosyal
B. Pasalita D. Cyber

1. Isinulat ni Jose ang pangungutya sa kwaderno ng kanyang kamag-aral na madalas nilang


pagkatuwaan ng barkada.

2. Pinagpasapasahan ng isang grupo ng magbabarkada ang sapatos ni Juan at isinabit sa itaas ng


pisara kung saan hindi niya kayang abutin.

3
Module_14

3. Nagpost sa Facebook ng masasama at mapanirang salita si Guia upang pagpistahan at mapa-


usapan ang bagong kamag-aral dahil sa inggit niya dito.

4. Sa harap ng ibang kaklase ay sinigawan ni Lorna si Jose at tinawag itong baboy at mangmang.

5. Paupo na c Jake ng tanggalan ito ng upuan ng isa niyang kamag-aral na naging dahilan upnag
siya ay pagtawanan.

VI. Ebalwasyon

1. Ang pangangantyaw, pangungutya, panunukso, panlalait, pang-aasar, paninigaw, pagmumura,


pang-iinsulto, at pagpapahiya sa harap ng maraming tao ay anong uri ng pambubulas.
a. Pisikal c. Sosyal
b. Pasalita d. Pasulat

2. Ito ay may layuning sirain ang reputasyon at ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Hal. pagkakalat
ng tsismis.
a. Pisikal c. Sosyal
b. Pasalita d. Pasulat

3. Ang mga sumusunod ay naidudulot ng pambubulas maliban sa:


a. May posibilidad na magkaroon ng labis na pagkabalisa
b. Katuwaan ng barkada
c. suliranin sa pagtulog
d. mababang tiwala sa sarili

4 – 5. Ano ang maaring mong magawa kapag nakakita ka ng binubulas?

VII. Takdang Aralin

Magsaliksik sa kahulugan ng Agwat Teknolohikal. Magbigay ng halimbawa. Isulat ang sagot sa


inyonh kuwaderno.

Prepared by: Checked by:

MARK EARL A. TABINAS ALMA BELLA A. SEGARRA-CASTILLO


Grade 8 Teacher M I – CNHS Val. Ed. Coordinator

NOTED:

JOSE B. CIELO
Department Head, Filipino and EsP Dept.
4

You might also like