You are on page 1of 7

MGA PALATANDAAN NG MABUTI AT DI-MABUTING

PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBA
Ang pakikisalamuha sa iba ay isa sa mahalagang bahagi sa buhay ng bata. Marami siyang natututunan at
nagagawa kasama ang mga tao sa paligid niya.
Ang pagkakaroon ng malusog na relasyon ay makatutulong upang mapabuti ang pangkabuuang
kalusugan at kagalingan ng isang tao.

Mabuti Di Mabuti

Maganda ang pakiramdam mo sa iyong


Malungkot, may galit, takot at nag-aalala
sarili kapag nasa paligid ka ng ibang tao.

Hindi pinapangunahan ang desisyon ng isa’t Kinokontrol ang isa sa mga nais nitong

isa gawin

May tiwala sa isa’t isa. Walang tiwala sa isa’t isa.

Masaya kung magkasama ngunit


Ayaw makisalamuha sa iba.
nakagagawa din ng mga bagay na magkaiba.

Nakakakilos ka ng walang pagkukunwari. Nakakakilos ng di-normal.

Iginagalang ang opinyon ng isa’t isa. Ipinagpipilitan ang sariling opinion

Hindi natatakot sa ibang tao. May takot at walang tiwala sa sarili

Buuin mo: Ayusin ang mga pantig na nasa ibaba at buuin ang salita at isulat sa patlang.

1. SA-LA-KI-MU-KI-HA-PA _________________________

2. KAS-YON-MU-KO-NI _________________________

3. WA-LA-TI _________________________

4. PAG-LANG-GA _________________________

5. PAT-TA _____________________

Gawain 1: Tignan at suriin ang mga larawan. Sagutin ang mga kasunod na tanong.

1. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan?

2. Ano ang maitutulong ng mga ito sa pagkakaroon ng mabuting pakikipagugnayag /pakikisalamuha sa iba?
Gawain 2
Lagyan ng tsek (√ ) sa tabi ng mga katangian kung ito ay nagpapahiwatig ng mabuting relasyon. Lagyan
ng ekis ( X ) kung ito naman ay nagpapahiwatig ng hindi mabuting relasyon.
( __ ) 1. pagkakaintindihan ( __ ) 6. pagmamahalan

( __ ) 2. pag-aaway ( __ ) 7. pagsasakitan

( __ ) 3. Pagbibigayan ( __ ) 8. pagdududa

( __ ) 4. katapatan ( __ ) 9. pagkakaisa

( __ ) 5. pagseselos ( __ ) 10. pagtitiwala

Gawain 3:

Paano ka magkakaroon ng mabuting pakikipag-uganayan/ pakikisalamuha sa iba? Ilagay sa loob ng


1.
organizer ang iyong sagot.

2.

3.
MABUTING
PAKIKIPAG-UGNAYAN

4.

KAHALAGAHAN NG MABUTING PAKIKIPAG-UGNAYAN


SA PAGPAPANATILI NG KALUSUGAN
Gawain

MGA ALALAHANING MENTAL, EMOSYONAL AT SOSYAL


Ang mga alalahaning mental, emosyonal, at sosyal ay may malaking epekto sa kalusugan ng tao – bata
man o matanda. Ilan sa mga ito ay ang social anxiety (pagkabalisa sa pakikisalamuha) at mood swings
(pagkamasumpungin).
Ang social anxiety o pagkabalisa sa pakikisalamuha ay tumutukoy sa mga taong labis ang pagkatakot
sa pakikisalamuha sa iba, sila ay may mataas na antas ng pagiging mahiyain, kulang ang tiwala sa sarili,
sensitibo, at nag-iisip ng punang negatibo. Sila ay nakakaramdam ng depresyon, pagkapahiya, at pangliliit sa
sarili.
Ang mood swings o pagkamasumpungin ay ang pabagu-bago ng emosyon ng tao. Minsan ay masaya at
minsan naman ay malungkot, minsan napakaliksi o napakabilis kumilos, at minsan naman nanlulumo sa
kapaguran. Ang pagiging sumpungin ay pangkaraniwang nangyayari sa buhay ng tao subalit kung umaabot na
ng ilang linggo ito ay humanhantong na sa bipolar disorder o labis-labis na pagbabago ng damdamin. Maaari
rin itong maging depresyon o labis-labis na kalungkutan.
Gawain 1:

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at sitwasyon. Lagyan ng tsek (✓) ang bilang na
nagpapakita ng palatandaan ng pagkakaroon ng social anxiety at mood swings at ekis (x) naman kung hindi.
________1. Si Jose ay magiliw sa pagsali sa iba’t-ibang paligsahan sa inyong paaralan.
________2.Si Ana ay madalas makaramdam ng takot kapag siya ay pinapakilala sa ibang tao.
________3.Isa sa mga paboritong gawin ni Berto tuwing sabado ay tumulong sa mga gawaing
bahay.
________4. Napapansin mo na ang iyong bagong kamag-aral ay ayaw dumalo sa anumang
okayson o pagsasalo sa inyong paaralan.
________5. Habang naglalaro kayo ng iyong kaibigan, bigla na lamang siyang natahimik at
ayaw nang magkipag-usap sayo.
________6.Si Juan ay isa mga kaklase mo na ayaw sumali sa inyong pangkatang gawain dahil
ayaw niyang makisalamuha sa iba.
________7. Isa sa mga kaklase mo ang masayahin ngunit napakabilis magbago ng emosyon
tulad ng pagiging magagalitin o minsan naman may malungkutin.
________8. Ang pag-eehersisyo ang isa sa unang ginagawa ng mga mag-aaral sa klase ni Sir
Amor.
________9.Isa sa ugaling kapansin-pansin kay Maria ay ang panginginig ng kanyang katawan
kapag siya ay tinatanong ng guro sa klase.
_______10. Ang paghuhugas ng kamay bago kumain ay madalas gawin ng pamilya nila Aling Rita.
Gawain 2:
Isulat ang salitang TAMA kung ang sumusunod na pangungusap ay mga dapat gawain kapag nakakaranas ng
social anxiety; MALI kung hindi.
________1. Magkaroon ng tiwala sa sarili.
________2. Mag-ehersisyo kasama ang ibang tao.
________3. Isipin ang mga negatibong puna ng kaibigan at kapamilya.
________4. Sumama at makipagkaibigan sa mga taong negatibo ang pag-iisip.
________5. Magdasal araw-araw at dagdagan ang pananampalataya sa Diyos.

EPEKTO NG PAMBU-BULLY SA SOSYAL, MENTAL,


AT EMOSYONAL NA KALUSUGAN NG TAO
Ang pang-aapi o bullying ay may tatlong uri ng pang-aabuso. Emosyonal, berbal o sinasambit at pisikal.
Karaniwan itong nagaganap sa mga paraan ng pamumuwersa katulad ng pananakot o intimidasyon. Maaari
itong maganap sa paaralan, cyberworld o social media, trabaho at pampublikong lugar.
Ang pambubully ay maaaring mangyari sa pamamagitan ng salita o pisikal na pananakit. Ang mga
halimbawa ng pisikal na pambu-bully ay pagsuntok, pagsipa, pagtulak, at paninira ng gamit ng iba. Samantala,
ang mga halimbawa naman ng pambu-bully sa pamamagitan ng pananalita ay ang panunukso, pang- iinsulto,
pananakot, pangungutya, paninigaw at pagtawag ng ibang pangalan sa kapwa. Ang pananakot at paninigaw sa
ibang tao o pangungutya ay isa ring uri ng pambu-bully.
Ang cyber bullying ay isa pang uri ng pambu-bully sa pamamagitan ng internet kung saan may
pananakit o pang-aabuso. Kadalasan, itinatago ang katauhan ng taong nang-aabuso upang siya ay makapanakit
sa ibang tao sa pamamagitan ng pagkukumento ng masasakit na salita gamit ang internet.
Ang bullying ay hindi kaaya-aya. Ito ay hindi nakalulutas ng anumang problema at hindi rin
nakapagdudulot ng kahit anong kabutihan sa tao. Ang pinakamabisang paraan upang malutas ang bullying ay
paggalang at pagiging kaibigan sa ibang tao.
Ang pag-uugali ng isang bata ay nakukuha sa mga kaugalian ng mas
nakatatanda sa kanila, mga nagaganap sa kanyang sarili at kanyang kapaligiran. Halimbawa ng mga
pangyayaring nakaaapekto sa bata ang pasya ng mga magulang na maghiwalay, paglipat ng paaralan at
pagkaligalig o stress. Ang pambubully at paulit-ulit na panunukso ay isang agresibong pag-uugali na
nagdudulot ng negatibong epekto sa taong dumaranas nito. Ito’y maaaring humantong sa depresyon na maging
sanhi ng kawalang tiwala sa sarili.

Narito ang ilang mga paraan upang makaiwas sa pang-aabuso o panghaharas:


 Huwag mapikon at huwag gumanti.
 Umiwas sa mga taong nambu-bully o nangha-harass.
 Iwasang sumagot sa mga nangungutya.
 Magkaroon ng tiwala sa sarili.
 Isumbong sa guro o sa kinauukulan.
 Magkaroon ng pananalig sa Diyos

Panuto: Pagtambalin ang mga salitang nasa HANAY A sa mga kahulugan na nasa
HANAY B. Isulat ang titik ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B

1. hindi makatulog a. takot


2. mahina ang katawan b. sakitin
3. pagiging malungkot c. insomnia
4. pag-iwas sa mga tao d. depresyon
5. pagliban sa klase e. absenteeism
f. pangha-harass

Gawain 1: Panuto: Isulat ang salitang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at Mali naman kung
hindi.
______1. Ang pagiging palakaibigan sa kapwa ay mabuting gawain.
______2. Kung ang isang tao ay may problema, siya ay hindi makatulog.
______3. Ang taong sakitin ay nakapagsasagawa ng iba’t ibang gawain sa araw- araw.
______4. Ang depresyon o pagiging malungkutin ay nakatutulong sa emosyonal na kalusugan.
______5. Ang pagpapakamatay ay isang mabuting paraan upang makalimutan ang mga
problema.
______6. Ang pagiging masayahin ay may magandang epekto sa emosyonal na kalusugan ng tao.
______7. Ang taong may matalas na pag-iisip ay madaling makalutas ng anumang problema sa buhay.
______8. Ang pagkakaroon ng isang masayang pamilya ay nakatutulong sa ating magandang
kalusugan.
______9. Ang pagkakaroon ng hindi magandang relasyon sa kapwa ay nakatutulong sa sosyal na kalusugan ng
tao.
______10. Ang pagsali sa iba’t ibang isports ay isa sa mga paraan upang maiwasan ang
masamang gawain.

Gawain 2: Panuto: Isaayos ang mga letra ng bawat bilang upang makabuo ng salita. Gamitin ang unang titik ng
salita bilang gabay sa pagsagot.

1. XANITEY - A

2. PEDESNOYR - D

3. MIASNION - I

4. ENABOYLET - B

5. HAPANGRASSHA - P

ISAPUSO
Gawain 3: Panuto: Bilugan ang titik sa ilalim ng larawan kung ito ay nagpapakita ng epekto ng

pambu-bully at lagyan ng ekis (✖) kung hindi.

A BCD

Health - Week 1 & 2 - LAS

Laruin ang larong, paano kaya kung...........


1.May nakita kang kaklaseng inaasar at pinipikon ng isa pang kaklase
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2.Minura ka ng iyong kaklase
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3.Nasaktan mo ang damdamin ng isa mong kaklase.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
4.Nakita mo na ang kaklase mo ay minamaltrato ng tatay niya
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Kumpletuhin Mo Ito....
Dagdagan ng salita o lipon ng mga salita upang makabuo ng makabuluhang pangungusap sa pag-iwas sa
mga bully, panunukso at pang-aabuso.
1. Kapag ako ay nakakita ng batang tinutukso agad ko itong
__________________________________________________________________
2. Ang mga batang nang bubully ay dapat isumbong sa guro upang sila ay
____________________________________________________________________
3. Maiiwasan ko na ako ay mabully o tuksuhin sa kung ako ay
____________________________________________________________________
4. Malalabanan natin ang bullying kung tayo ay
____________________________________________________________________
5. Ang bullying, panunukso at pang-aabuso ay bagay na di ko gagawin dahil ito ay
______________________________________________________________________.
ANSWER KEY:
MGA PALATANDAAN NG MABUTI AT DI-MABUTING PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBA
Buuin mo: 1. PAKIKISALAMUHA 3. TIWALA 5. TAPAT
2. KOMUNIKASYON 4. PAGGALANG
Gawain 1
1. Mabuting pakikitungo sa kapwa. (Tanggapin ang ibang tamang sagot)
2. Maaaring magkakaiba ang sagot
Gawain 2
1. √ 3. √ 5. X 7. X 9. √
2. X 4. √ 6. √ 8. X 10. √
Gawain 3:
Mga posibleng kasagutan: (Maaari ring tanggapin ang ibang mga tamang sagot)
- kapag may paggalang sa kapwa
- kapag may respeto sa bawat indibidwal
-may pag iingat sa mga bagay na ibinabahagi ng kapwa (confidence)
-may paggalang sa anumang pangkat o lahi

KAHALAGAHAN NG MABUTING PAKIKIPAG-UGNAYAN SA PAGPAPANATILI NG


KALUSUGAN
GAWAIN
1. masaya 5. kalusugan
2. pamumuhay 6. kakayahan
3. pakikipag-ugnayan 7. buhay
4. kapwa

Gawain 1.

1. x 3. X 5. / 7. /
2. / 4. / 6. / 8. X
3. /
Gawain 2
1.TAMA 2.TAMA 3.MALI 4. MALI 5. TAMA

EPEKTO NG PAMBU-BULLY SA SOSYAL, MENTAL, AT EMOSYONAL NA KALUSUGAN NG


TAO

HANAY A / HANAY B
1. c 2. b 3. d 4. a 5. E

GAWAIN 1
1. Tama 3. Mali 5. Mali 7. Tama 9. Mali
2. Tama 4. Mali 6. Tama 8. Tama 10. Tama

Gawain 2
1. ANXIETY 2. DEPRESYON 3. INSOMNYA 4. BAYOLENTE 5. PANGHAHARASS

Gawain 3
A. B. C. D.

You might also like