You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
DIVISION OF PAMPANGA

Modified Strategic Intervention


Material

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikalawang Markahan- Ikalimang Linggo

1
Modyul 7: EMOSYON

ALAMIN

Isang mapayapang buhay sa iyo maminamahal kong mag-


aaral. Sa mga nakaraang modyul, natuklasan mo ang iba’t ibang
pamamaraan ng pakikipagkapwa tungo sa pagpapaunlad ng iyong
pagkatao at pagtamo ng isang mapayapang lipunan. Sa
pagkakataong ito, ating pag-uusapan ang mga paraan upang
mapanatili mong payapa ang iyong ugnayan sa sarili at sa kapwa
tungo sa makabuluhang pakikipagkapwa.
Marahil ay naranasan mo na ang tumalon dahil sa isang
magandang balita. Magpasalamat dahil sa galak. Ilan lamang sa
mga pagkakataon na nagpapakita ng paraan ng pagpapahayag g
emosyon. Ikaw, paano mo pinamamahalaan nang wasto ang iyong
emosyon upang manatiling mabuti ang iyong pakikipag-ugnayan sa
kapwa?.

Matapos ang modyul na ito, bilang mag-aaral ikaw ay inaasahang:


1. Natutukoy ang magiging epekto sa kilos at pagpapasiya nang
wasto at hindi wastong pamamahala ng mga pangunahing
emosyon.
2. Nasusuri kung paano naiimpluwensiyahan ng isang emosyon
ang pagpapasiya sa isang sitwasyon na may krisis, suliranin o
pagkalito.

SUBUKIN

Panuto: Piliin ang pinakaangkop na pangangasiwa ng emosyon sa


bawat sitwasyon. Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa inyong
papel.

1. Nalilito si Carl kung anong kurso ang kukunin niya sa kolehiyo


bagama’t nakapasa siya sa pagsusulit para sa iba’t ibang kurso.Sa
iyong palagay, ano ang pinakamainam niyang gawin upang
mapili niya ang angkop na kurso para sa kaniya?
A. Huwag munang mag-aral ng kolehiyo hangga’t hindi niya napag-
iisipan ang kursong kukunin niya.
B. Magtanong at humingi ng payo sa mga nakatatanda.
C. Pag-isipan at pag-aralang mabuti ang desisyon na gagawin upang
hindi magsisi sa huli.
D. Pumili sa alinmang kurso dahil naipasa naman niya ang
pagsusulit.

2. Sa panahon ng krisis sa ating buhay na dala ng negatibong


emosyon, mahalaga na tayo ay magrelax. Alin sa mga sumusunod
ang hindi magandang paraan ng pagrerelax?
A. pagbabakasyon
B. paglalakad sa parke
C. paninigarilyo
D. panonood ng sine
3. Ito ay kagyat na tugon o reaksyon ng tao sa mga bagay na
kanyang nakikita , nararamdaman,naamoy,nalalasahan at naririnig
na binibigyan ng interpretasyon ng kanyang pag-iisip.
A. Desisyon
B. Emosyon
C. Kilos
D. Mood
4. Nagbibigay ito ng palatandaan sa ibang tao ng tunay mong
nararamdaman. Ano ito?
A. ang ating mga opinion
B. ang ating mga kilos o galaw
C. ang ating ugnayan sa kapwa
D. ang mabilis na pagtibok ng ating puso.
5. Nasaktan mo ang iyong kapatid dahil ginamit niya ang iyong damit
ng walang paalam. Ano sa palagay mo ang idudulot ng iyong
ginawa?
A. Nailabas mo ang iyong sama ng loob.
B. Hindi na niya uulitin ang kanyang ginawa.
C. Gumaan ang iyong loob dahil ikaw ay nagalit.
D. Magkakaroon ng masamang epekto sa inyong ugnayan.

BALIKAN

Ang damdamin ay may kagyat na kaugnayan sa mga


obhetibong tinatawag na pagpapahalaga. Kagyat na ibinibigay ang
mga pagpapahalaga sa atin sa mismong pagkilos ng pagkagusto, ng
pinakapangunahing kilos ng pagmamahal at pagkapoot, at samakatwid
hindi na nagangailangan ang mga itong isang kaisipang namamagitan
sa kanila.Nadarama na ng tao ang mga pagpapahalaga bago
nahusgahan ang mga ito.Ang wastong pangangasiwa ng emosyon ay
lubhang makatutulong upang mapanatili ang magandang pakikipag-
ugnayan sa ibang tao.Nahuhubog nito ang mga pagpapahalaga at
mga birtud na dapat.
Gawain 1.

Panuto: Suriin ang mga pahayag sa ibaba. Piliin sa mga emosyon na nasa
ibaba ang angkop sa bawat pahayag. Isulat sa papel ang angkop na
emosyon na napili.

Pagmamahal Katatagan Pagkatakot Pag-asam Pagkamuhi

Pagkagalit Pagkagalak Pag-iwas Pag-asa Pighati

Kawalan ng Pag-asa

1. Ano ang nararamdaman mo? May problem ka ba? May maitutulong


ba ako?.

2. Tiyak na matutuwa si Nanay! Nakapasa ako sa pagsusulit para sa


isang scholarship sa kolehiyo.

3. May tiwala ako sa iyong kakayahan at sigurado akong mananalo ka!.

4. Naku! Hindi pa ako tapos sa pagsagot sa aking mga modules!

5. Hinaan mo nga ang volume ng cellphone mo! Nakikita mong


nagbabasa ako.

6. Malapit ng umuwi si tatay, ano kaya ang sinasabi niyang sorpresa?

7. Sobrang trapik naman dito! Mahuhuli na ako sa pagpasok nito.

8. Birthday na ni Nanay sa Sabado. Sorpresahin natin siya.

9. Itago ninyo ako! Andyan na naman ang nanunukso sa akin.

10. Napakayabang mo naman! Akala mo ikaw ang pinakamagaling!

SURIIN

Gawain 1.

Panuto: Magbalik-tanaw sa iyong nakaraan. Alalahanin ang mga


sitwasyon sa buhay mo na nagging dahilan ng iba’t ibang emosyon.
Kumpletuhin ang mga pahayag sa ibaba kung kailan ito nararamdaman
at ano ang nagiging tugon dito?

1. Nakadama ako ng pagmamahal mula kay nanay noong ako ay


kanyang_________________________ kaya naman ako
ay______________sa kanya.

2. Ako ay nagalak noong ako ay________________ kaya ako


ay_________.

3. Nagalit ako sa kaklase ko dahil _______________ kaya siya ay


aking____________________.

4. Ako ay nakadama ng pag-asa sa kabila ng problema noong


_______________ kaya ako ay _____________________

5. Minsan ng nasubok ang aking katatagan noong


____________________ dahil doon, ako ay
______________________________

Gawain 2. Suriin ang bawat aytem at isulat ang mga katagang AKO ITO
kung ito ay ginagawa mo o HINDI AKO ITO kung hindi mo ito ginagawa.
Isulat sa tugunang papel ang iyong kasagutan.

1. Ako ay madalas gumagawa ng pasya batay sa aking


nararamdaman.
2. Nababagabag ako kapag ako ay may nasasaktang ibang tao.
3. Naipapahayag ko ang aking damdamin sa iba ng walang pag-
aalinlangan.
4. Nalilibang ako tuwing ako ay laging nakikipagkwentuhan at
tumatawa palagi.
5. Hindi ako nababahala sa negatibong nararamdaman ng iba.

AGYAMANIN

Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon. Isulat ang iyong posibleng


mararamdaman at itutugong aksyon sakaling mangyari sa iyo
ang mga ito. Isulat sa papel ang iyong sagot.

Sitwasyon Mararamdaman
Itutugong
Kilos

1. Kinausap ka ng guro mo dahil 1. 1.


isinumbong ka ng kamag-aral mo na
nangopya sa isa mong kamag-aral
kung kaya nakakuha ka ng mataas na
iskor sa pagsusulit.

2. Nakarating sa iyong kaalaman na 2. 2.


ang matalik mong kaibigan ay
naaksidente at malubha ang
kalagayan.

3. Ikaw ay napili ng iyong guro upang 3. 3.


isali sa isang paligsahan sa Matematika.

4. Nahuli ka ng kaklase mo kinukuha mo 4. 4.


ang pitaka ng iyong guro.

5. Tuwang-tuwa ang kaibigan mo dahil 5. 5


natulungan mo siyang masolusyunan
ang kanyang problema.

ISAISIP

Ang buhay ay punung-puno ng mga makukulay na karanasan at


pakikipag-ugnayan na nagbibigay sigla at kahulugan dito. Mula sa karanasang
ito ay napupukaw ang iba’t ibang emosyon at damdamin. Ayon sa pilosopiya ni
Scheler (Dy, 2007) ang damdamin ang pinakamahalagang larangan ng pag-iral
ng tao.

Apat na Uri ng Damdamin

1. Pandama (sensory feelings) –tumutukoy sa limang karamdamang pisikal o


mga panlabas na pandama na nagdudulot ng panandaliang kasiyahan o
paghihirap ng tao. Halimbawa ng mga ito ang pagkagutom, pagkauhaw
kalasingan at kiliti.

2. Kalagayan ng damdamin (feeling state)- may kinalaman sa kasalukuyang


kalagayan na nararamdaman ng tao. Halimbaawa nito ay kasiglahan at
katamlayan.

3. Sikikong damdami (psychical feelings)- pagtugon ng tao sa mga bagay sa


kaniyang paligid ay naiimpluwensyahan ng kasalukuyang kalagayan ng
kanyang damdamin. Ilan lamang sa mga halimbawa nito ay sobrang tuwa ,
kaligayahan, kalungkutan , kasiyahan o poot.

4. Ispiritwal na damdamin (spiritual feelings) – nakatuon sa paghubog ng


pagpapahalaga sa kananalan tulad ng pag-asa at pananampalataya. (Dr.
Manuel B. Dy Jr.)

Mga pangunahing Emosyon

Pagmamahal (love) Pagkamuhi (hatred)


Paghahangad (desire) Pag-iwas (aversion)
Pagkatuwa (joy) Pagdadalamhati (sorrow)
Pag-asa (hope) Kawalan ng pag-asa (despair)
Pagiging matatag (courage) Pagkatakot (fear)
Pagkagalit (anger)
Ang mga emosyon sa unang hanay ay nakasisiya ngunit
nangangailangan ng wastong pamamahala, samantalang ang mga emosyon
sa ikalawang hanay ay nagpapahirap sa damdamin dahil ito ay nakatatakot,
nakalulungkot at nagddudulot ng sakit sa kalooban.

Ayon kay Feldman (2005, ph.346) sa pamamagitang ng emosyon ay:


a. Nababatid ng tao ang nangyayari sa kanyang paligid at nabibigyan ito ng
katuturan ng kanyang isip.
b. Natutukoy ang higit na angkop na kilos kung sakaling maramdaman muli
ang damdamin.
c. Nagagamit ang pakikipagkomunikasyon at pakikipag-ugnayan sa
kapwa.

Binabati kita at matagumpay mong naisagawa ang mga naunang


gawain! Halika ka at ating ipagpatuloy ang pagtuklas ng mga kaalaman .

ISAGAWA

Gawain 1.

Panuto: Sa mga gawaing ginawa at mga nabasang seleksyon, tunay na


napakahalaga ng emosyon sa isang tao. Sa isang malinis na papel,ipakita ang
kalagahan ng emosyon na may pamagat na “Salamat may emosyon.”Maari ito
ipahiwatig sa pamamagitan ng pagsulat ng awit, tula o sanaysay o kaya
pagguhit ng poster o paggawa ng isang slogan.

TAYAHIN

Panuto: Basahin at unawaiin ang bawat pahayag. Gumuhit ng hugis puso na


may kulay pula kung mabuti ang impluwensya ng emosyon at hugis puso
na may kulay itim sa inyong papel kung masama ang impluwensya ng
emosyon.

1. Lubos na nagpasalamat si Carlo sa kanyang matalik na kaibigan dahil sa


pagtulong nito sa kanya na tapusin ang proyekto niya.

2. Tinapik ng malakas sa balikat ni Francis ang kanyang katabi dahil sa


pagkagulat niya sa video na pinapanood nila sa cellphone .

3. Nagsisigaw ng malakas ang magkakaibigan sa sobrang saya nila na


nararamdaman .

4. Nagkukulong sa kwarto si Shane dahil napagalitan siya ng kanyang nanay.

5. Sa pagpahiya ni Lyndon sa panunukso sa kanya ng kanyang kamag-aral,


binato niya ito ng bag at ito ay nasaktan.

6. Nakakuha ng unang pwesto sa paligsahan si Anne, dahil dito, siya lumapit sa


kanyang guro at nagpasalamat dahil sa paggabay nito sa kanya.

7. Sa sobrang saya na nararamdaman ni Mang Delfin sa pagkapanalo sa Lotto


, niyaya niya ang kanyang mga kaibigan na magsugal at magsabong.

8. Labis na nasaktan si Perla sa pagpanaw ng kanyang ina kung kaya siya ay


hindi lumalabas ng bahay o nakikipagkwentuhan.

9. Sinunog ng ama ni Louie ang kanyang mga kwaderno dahil nabalitaan niya
na hindi ito pumapasok sa ilan sa kanyang mga asignatura.

10. Nagtatalon sa sobrang tuwa ni Edzel dahil nanalo ito sa isa pa-raffle at
naapakan nito ang paa ng isang manonood at ito ay nabugbog.

11. Nagsisimba si Rina sa tuwing araw ng Linggo kahit madalas nakakaranas ito
ng matitinding pagsubok na nagdudulot sa kanya ng kalungkutan .

12. Sa kabila ng pambubuska kay Troy ng kanyang mga kamag-aral, pinipili


nitong manatiling pokus sa kanyang pag-aaral.

13. Masayang sinasalubong at puno ng ngiti sa kanyang mukha ang umaga sa


kabila ng mga pagsubok na kanyang kinakaharap sa buhay.

14. Dahil sa Covid 19, nagkukulong sa kwarto at malimit maglaro ng mga online
games sa cellphone si Mark dahil sa pagkaabagot nito at hindi makalabas ng
bahay.

15. Pansamantalang nagtayo ng maliit na tindahan sa harap ng bahay nila si


Mang Tony dahil sa pagtigil ng kanyang trabaho bunsod ng pandemiya.

KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Batay sa mga bagong kaalaman, sumulat ng isang sanaysay kung


paano nakakaapekto ang emosyon sa pagbuo ng isang pagpapasya sa buhay
mo. Magbigay ng isang naapapanahong halimbawa. Ang sanaysay ay
maaring buuin ng 5-10 pangungusap.
SUSI SA PAGWAWASTO

Subukin:
1.C, 2.C, 3. B,4. B,5. D
Balikan :
1. Pag-aasam 6. Pag-asam
2. Pagkagalak 7. Pagkagalit
3. Pag-asa 8. Pag-asam
4. Pagkatakot 9. Pag-iwas
5, Pagkagali 10. Pagkagalit

*Lahat ng Gawain mula sa Suriin hanggang sa Karagdagang Gawain ay


walang tiyak na sagot. Depende sa sagot ng mag-aaral. Gagamitan ng Rubric
sa Pagtataya
Tayahin:
1. pula 6. pula 11. pula
2. itim 7. Itim 12. pula
3. itim 8. Itim 13. pula
4. itim 9. Itim 14. itim
5. itim 10.itim 15. pula

MGA SANGGUNIAN

Esteban, E. (1990). Education in values: what, why, and for whom. Manila :

Sinagtala Publishers Inc.

Kawanihan ng Edukasyon Sekundarya, Kagawaran ng Edukasyon. 2010. Gabay sa


Pagtuturo sa Edukasyon sa Pagpapahalaga para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon
Sekundarya (SEC). Pasig City: Awtor

Feldman, R (2005). Understanding Psychology. New York: McGraw-Hill

Dy, Jr. M (2007). Mga babasahin sa piloposiyang moral. Ateneo de Manila University.

On Defining Emotions and On Types of Emotions: Retrieved from http://en


Wikipedia.org/wiki/ Stratification_o_emotional_ life (Scheler). November 9, 2012.

On Types of Emotions. Manuel B. Dy Jr. The Philosopy of Value, The Value of Philosophy
( Chapter xv).
Pambansang Pagsasanay ng mga Tagapagsanay ng mga Guro sa 2010

Secondary Education Curriculum. Pasig City: Kawanihan ng


Edukasyong

Sekondarya.Larawan mula sa Internet (Bing Search)

You might also like