You are on page 1of 47

1 /1 0

ARALIN 5 :

EMOSYON

Inihanda ni:
BB. ELLA MAE M. AGUILAR, T-I
IBA'T IBANG EMOSYON

EMOSYON
Suriin natin ang larawan.
Suriin natin ang larawan.

Ito ay nagsasaad ng konseptong


“pakikipagkaibigan”. Ito ay likas na bahagi ng
ating buhay ang pagkakaroon ng kaibigan mula
sa ating kabataan hanggang sa pagtanda.

Sila ang taong nagiging karamay natin sa mga


panahong tayo ay naguguluhan at nakararamdam
ng pighati sa buhay at naging sandalan sa
pagkakataong sinubok tayo ng panahon. Sila rin ang
kasama natin sa pagkakataong tayo ay
nagtagumpay o naging masaya sa ating pakikibaka.
TANONG:
1. Ano ang papel ng isang kaibigan?
2. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kaibigan?
3. Paano mo mailalarawan ang isang tunay na
kaibigan?
Ano ang masasabi mo sa larawan?
Ano ang masasabi mo sa larawan?
Ito ay nagpapahiwatig ng iba’t ibang
emosyong nararamdaman sa mga
bagay- bagay na nakapaligid sa atin.
Sa mga pagkakataong tayo ay masaya
sa bagay na napanalunan, o nagulat
sa mga pangyayaring hindi natin
inaasahan o di naman kaya ay
umiinit ang ulo sa galit sa taong
mapang-api sa kapwa.
Likas na sa atin ang pagkakaroon ng iba’t-ibang emosyon
at kung paano natin ito ipinapahayag ay nakabatay sa
kung anong uri ng sitwasyon o pagkakataong hinaharap.

Anuman ang emosyong ating ipinapakita ay may


kaakibat na paraan kung paano natin ito haharapin.
Upang mas lalo pang lumawak ang inyongkaalaman, AKO muna ang
gagawapara magkaroon kayo ng gabay.
Handa na ba kayo? Ngayon, KAYO na naman ang gagawa
atgawing huwaranang aking ginawa.
Damdamin - ang pinakamahalagang larangan ng pag-iral
ng tao. (Pilosopiya ni Scheler)
Ang buhay ng tao ay sadyang nababalot ng kahiwagaan at makukulay na
karanasan. Ang bawat karanasan ng tao ang siyang pinagmumulan at
pinaghuhugutan ng iba’t-ibang emosyon at damdamin.

Ang emosyon ng tao ay kusang nadaramabataysa mga pangyayari o pagkakataong


hinaharap.Ang aspektong emosyonal ng tao ay nakabatay sa kung ano ang kanyang
pinapahalagahan na naaayon sa kanyang damdamin o nadarama.
Ayon kay Feldman (2005, ph.346), sa pamamagitan ng emosyon ay:

A. Nababatid ng tao ang nangyayari sa kanyang paligid at nabibigyan ito


ngkatuturan ng kanyang isip,
B. Nakatutukoy ng higit na angkop na kilos kung sakaling maramdaman
muli ang damdamin at
C. Nagagamit sa pakikipagkomunikasyon at pakikipag-ugnayan sa kapwa
Ang mga emosyon ay nangangailangan ng wastong pamamahala
sapagkat ito ay nakakaapekto sa ating kiloso pagpapasiyang gagawin.
Maaaring ito ay magdudulot ng mabuti o masamang epekto hindi lamang sa
ating sarili kundi maging sa ating pakikipagkapwa tao. Kung kaya ay
nararapat na pag-isipang maigi ang bawat hakbang na gagawin lalo na sa
mga pagkakataon o panahong tayo ay nabibigatan sa isang sitwasyon o may
krisis na kinakaharap sa buhay. Hindi agad nakokontrol ang silakbo ng ating
damdamin kung kaya’t nararapat tayo ay magkaroon ng sapat na kakayahan
at katatagan ng loob (fortitude) at kahinahunan (prudence) na alamin at
unawain ang emosyong ipinapakita upang matukoy ang angkop o akmang
pagpapasya sa sitwasyong kinakaharap.
Higit sa lahat, dapat nating taglayin ang pagkakaroon ng
matalinong paghuhusga upang mangibabaw ang positibong
resulta sa likod ng pagpapasiyang gagawin sa kabilang iba’t
ibang emosyong ating ipinapakita. Nasa atin nakasalalay ang
pagpili ng tamanghakbang na gagawin kung kaya ay piliin
ang ikabubuti sa sarili at maging sakapwaupang magkaroon
ng saysay ang ating buhay.
1 /1 0
ARALIN 6:

EMOSYON

Inihanda ni:
BB. ELLA MAE M. AGUILAR, T-I
SUBUKIN:
SUBUKIN:
SUBUKIN:
SUBUKIN:
TAMANG SAGOT:

1 .D
2.A
3.D
4.A
5 .C
BALIKAN

_______1. Dapat maging kalmado sa anomang sitwasyong kinakaharap.


_______2. Pag-isipang mabuti ang bawat pagpapasyang gagawin.
_______3. Makinig sa payo ng nakatatanda at sundin kung ito ay may
mabuting ibubunga.
Tanong:
1. Bakit mo ito naramdaman?
2. Alin sa mga mukha ng emosyon ang iyong nararamdaman
ngayon?
Gawain 2
Panuto: Ngayon ay nais kong matukoy ninyo ang emosyong nangingibabaw at
maibibigay ninyo ang angkop na mga kilos na nagpapakita ng katatagan at
kahinahunan na tutugon sa bawat sitwasyon gamit ang estilong face- to -face. AKO
muna ang magbibigay ng tugon sa unang sitwasyon.
EMOSYON
Ang tao ay naiiba sa lahat ng nilikha ng Diyos. May isip
at puso tayo na wala sa iba pa Niyang nilikha. Nakadarama
tayo nang naaayon sa ating nakikita at nararamdaman. Sa
bawat karanasan natin ay may kaakibat na emosyon at
damdamin. Sa pilosopiya ni Scheler (Dy,2007) ang
damdamin ang pinaka mahalagang larangan ng pag-iral ng
tao.
May apat na uri ng damdamin. Ito ay ang mga
sumusunod:

1. Pandama (sensory feelings).

- Tumutukoy ito sa limang karamdamang pisikal o mga


panlabas na pandama na nakapagdudulot ng
panandaliang kasiyahan o paghihirap sa tao. Halimbawa
nito ay ang pagkagutom, pagkauhaw, kalasingan,
halimuyak panlasa, kiliti, kasiyahan, at sakit. Sa
katotohanan, ang kasiya- siya ay higit na naiibigan. Ang
ilan ay hinaharap ang hindi kasiya-siya bilang
pagsasakripisyo tungo sa pagtatamo ng mas mataas na
halaga.
2. Kalagayan ng damdamin (feeling state).

- Ito ay may kinalaman sa kasalukuyang


kalagayan na nararamdaman ng tao.
Halimbawa nito ay kasiglahan, katamlayan,
may gana, walang gana.
3. Sikikong damdamin (psychical feelings).

- Ang pagtugon ng tao sa mga bagay sa kanyang paligid


ay naiimpluwensyahan ng kasalukuyang kalagayan ng
kanyang damdamin. Dahil ang tao ay may likas na
kagalingan o kahusayan, at may paghahalaga sa
mabuti, ang kanyang dagliang tugon ay maaring
mapagbago ng kanyang kalooban at pag-iisip tungo sa
positibong panlipunang pakikipag- ugnayan.

Halimbawa:
sobrang tuwa, kaligayahan, kalungkutan, kasiyahan,
pagdamay, mapagmahal, poot.
4. Ispiritwal na damdamin (spiritual feelings).

- Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr., ang mga ispiritwal


na damdamin ay nakatuon sa paghubog ng
pagpapahalaga sa kabanalan tulad ng pag-asa at
pananampalataya
Mga pangunahing emosyon hango sa aklat ni Esther Esteban na
Education in Values: What, Why and for Whom: (1990, ph.51).
May mga pagkakataon na hindi napapamahalaan
nang maayos ang emosyon kung kaya’t nagbubunga ito
ng mga reaksyong hindi maganda sa sarili at
pakikipagkapwa. Ito ang dahilan kung bakit kailangan
ng tao ng literasiya sa kanyang emosyon. Ayon kay
Seeburger, F. (1997, ph.30)ang literasiyang
pandamdamin ay tumutukoy sa dalawang bagay.
Una, ang kakayahang alamin at unawain ang mga sariling
emosyon; at pangalawa, matukoy at mararamdaman ang
damdamin na angkop o akma lamang sa sitwasyon na
kinakaharap.

Kailangan lamang na mapagtagumpayan ng tao ang


pamamahala ng kanyang emosyon. Kapag nagawa niya ito
nangangahulugan lamang na mataas ang kanyang EQ o
Emotional Quotient na kilala rin sa tawag na Emotional
Intelligence.
Paano napauunlad ng EQ ang tao?

Narito ang limang pangunahing elemento ng EQ (Golman, D.,


1998):

1. Pagkilala sa sariling emosyon.


2. Pamamahala sa sariling emosyon.
3. Motibasyon
4. Pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba.
5. Pamamahala ng ugnayan.
TANDAAN:

- Anumang emosyon ay mahalaga. Ang pamamahala natin


dito ay maaaring makabubuti o makasasama sa ating
pakikipagkapwa. Ngunit mas mainam na mamuhay tayo
nang matiwasay at may maayos na pakikipagugnayan sa
ating kapwa.

-Anumang damdamin o emosyon ang mararamdaman ay


nararapat lamang na mapamamahalaan ito nang maayos
upang maisagawa o matukoy ang angkop na kilos ng mga
sitwasyong kinakaharap.
Tanong:

1. Ano ang
mensaheng nais
iparating ng
komiks istrip?

2. Paano napayapa ni
Donna ang kanyang
damdamin?

You might also like