You are on page 1of 4

Ang Emosyon

Ang buhay ay punong-puno ng makukulay na karanasan at pakikipagugnayan na


nagbibigay-sigla at kahulugan dito. Mula sa mga karanasang ito ay napukaw ang iba’t
ibang emosyon at damdamin.
 Sa pilosopiya ni Scheler (Dy, 2007) ang damdamin ang
pinakamahalagang larangan ng pag-iral ng tao.
 Ang damdamin ay may kaugnayan sa mga obhetong tinatawag na mga
pagpapahalaga
 Hindi basta-bastang nakokontrol o napamamahalaan ang mga damdamin;
di tuluyan ang pagkontrol o pamamahala sa mga ito, sa pamamagitan ng
pagkontrol ng kanilang mga sanhi o epekto (pagsasakatawan, kilos).
“Ang emosyon o damdamin (Ingles: emotion, feeling) ay ang pakiramdam ng
isang tao na hindi nagagawa ng pisikal kundi ng mental at sikolohikal na gawain na
makikita sa kilos, gawa, o ang ugali ng isang indibidwal. Iba iba ang emosyon na
mararamdaman sa buhay tulad ng saya, lungkot, pagsisisi, pag-galit, tuwa at iba pa.
Lahat ng tao ay may emosyon, maaring manhid ang isang tao na minsan makaramdam
kung siya ay hindi mapag-bigay at mapagpatawad. Maari ring ang emosyon ng isang
tao ay dulot ng pag-ibig o pagmamahal (https://tl.wikipedia.org/wiki/Damdamin).”

May apat na uri ng damdamin:


1. Pandama (sensory feelings). Ito ay tumutukoy sa limang karamdamang
pisikal o mga panlabas na pandama na nakapagdudulot ng panandaliang kasiyahan o
paghihirap sa tao. Halimbawa ng mga ito ay pagkagutom, pagkauhaw, kalasingan,
halimuyak, panlasa, kiliti, kasiyahan, at sakit. Sa katotohanan, ang kasiya-siya ay higit
na naiibigan. Ang ilan ay hinaharap ang hindi kasiya-siya bilang pagsasakripisyo tungo
sa pagtatamo ng mas mataas na halaga.
2. Kalagayan ng damdamin (feelings state). Ito ay may kinalaman sa
kasalukuyang kalagayan na nararamdaman ng tao. Halimbawa nito ay kasiglahan,
katamlayan, may gana, walang gana.
3. Sikikong damdamin (psychical feelings). Ang pagtugon ng tao sa mga bagay sa
kaniyang paligid ay naiimpluwensiyahan ng kasalukuyang kalagayan ng kaniyang
damdamin. Dahil ang tao ay may likas na kagalingan o kahusayan, at may
pagpapahalaga sa mabuti, ang kaniyang dagliang tugon ay maaaring mapagbago ng
kaniyang kalooban at pag-iisip tungo sa positibong panlipunang pakikipag-ugnayan. Ilan
lamang sa mga halimbawa nito ay sobrang tuwa, kaligayahan, kalungkutan, kasiyahan,
pagdamay, mapagmahal, poot.
4. Ispiritwal na damdamin (spiritual feelings). Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr., ang
mga ispiritwal na damdamin ay nakatuon sa paghubog ng pagpapahalaga sa kabanalan
tulad ng pag-asa at pananampalataya.
Narito ang talaan ng pangunahing emosyon na hango sa aklat ni Esther Esteban
na Education in Values: What, Why, and For Whom: (1990, ph. 51).
MGA PANGUNAHING EMOSYON

Pagmamahal (love) Pagkamuhi (hatred)


Paghahangad (desire) Pag-iwas (aversion)
Pagkatuwa (joy) Pagdadalamhati (sorrow)
Pag-asa (hope) Kawalan ng pag-asa (despair)
Pagiging matatag (courage) Pagkatakot (fear)
Pagkagalit (anger)
Ang mga emosyon sa unang hanay ay nakasisiya ngunit nangangailangan ng
wastong pamamahala. Bagaman natuwa ka sa nakita mong tsokolate sa inyong
refrigerator ngunit alam mo na hindi sa iyo ito kaya hindi mo ito dapat na kainin.
Mahalaga na ikaw ay makapagtimpi at makapagpigil sa pagkuha nito.
Ang mga emosyon sa ikalawang hanay ay nagpapahirap sa damdamin dahil
ito ay nakatatakot, nakalulungkot, at nagdudulot ng sakit sa kalooban ng tao. Sa
ganitong pagkakataon ay kailangan ang katatagan ng loob (fortitude) upang
malampasan ang hirap at takot na nararamdaman. Ang birtud na ito ay nagbibigay ng
kakayahan sa tao na malampasan ang kahirapan, labanan ang mga tukso at
pagtagumpayan ang mga balakid tungo sa higit na maayos na pamumuhay.
Napakahalaga na pinag-iisipang maigi ang gagawin lalo na sa panahon na nawawalan
ka na ng pag-asa at pilit na iniiwasan ang pangyayari dala nang bigat ng suliranin at
hindi alam kung ano ang gagawin. Mahalaga na maging mahinahon, pagnilayan ang
sitwasyon, at pag-isipang mabuti ang pinakamainam na gawin upang maiwasan ang
pagsisisi sa huli. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang matalinong paghusga ay hindi
lamang tumutukoy sa kung ano ang dapat gawin ng tao sa pagharap sa mga krisis sa
buhay, kung hindi kakayahang makagawa ng pasiya sa napapanahong paraan.

Ayon kay Feldman (2005, ph.346), sa pamamagitan ng emosyon ay:


a. Nababatid ng tao ang nangyayari sa kaniyang paligid at nabibigyan ito ng
katuturan ng kaniyang isip. Kung ikaw ay binantaan ng iyong kamag-aral na sasaktan
paglabas ng paaralan ang karaniwang mararamdaman ay takot. Dahil sa naramdaman
mong takot ikaw marahil ay agad na aalis upang hindi na kayo magpang-abot.
b. Nakatutukoy ang higit na angkop na kilos kung sakaling maramdaman muli
ang damdamin. Nakapag-iingat at nakaiiwas ang tao sa posibleng panganib na dala ng
sitwasyong nararanasan sa sarili at sa kapwa.
c. Nagagamit ang pakikipagkomunikasyon at pakikipag-ugnayan sa kapwa.

7
Mahalaga na makapagbalangkas ka ng pamamaraan upang makayanan at
mapagtagumpayan mo ang mga emosyon bunga ng iyong pinagdaraanan at mga
karanasan. Ilan sa mga mungkahing paraan upang mapamahalaan ang mga ito ay
(Moratό, Jr., 2007):
a. Tanungin ang sarili, “hahayaan ko bang magawa ko ang di karapat-dapat o
mas pipiliin kong gumawa ng makabubuti?” Hindi lamang ang sarili ang nagiging
biktima sa ating maling pamamahala ng ating emosyon. Mahalagang naipahahayag
natin ito nang maayos upang mapanatili natin ang ating mabuting ugnayan sa ating
kapwa.
b. Tanggapin na ikaw ay takot harapin ang takot, ngunit isipin na mayroon pang
higit na magandang mangyayari. Maging positibo sa pagharap sa hamon ng buhay.
c. Isaisip na ang tagumpay ay hindi nasusukat sa yaman, kapangyarihan, at
pagiging tanyag kung hindi sa kakayahan na mamuhay nang may pagpapahalaga at
dangal.
d. Matutong tanggapin na may hangganan ang lahat ng bagay na mayroon tayo,
tao man o bagay. Hindi naman ito nangangahulugan na magiging wala kang pakialam o
wala silang halaga sa iyo.
e. Sa tuwing ikaw ay nawawalan ng pag-asa, isipin na may mga taong maaari
mong pagkatiwalaan at mahingan ng tulong. Buksan ang isipan at kalooban na kaya
mong makamit ang hangarin sa buhay.

Ang mga iminungkahing paraan kalakip ang mga birtud ay nakatutulong upang
mapamahalaan ang emosyon at maging magandang gabay sa pagpapasiya tungo sa
matiwasay na pamumuhay at maging produktibong miyembro ng lipunan. Hangad ng
bawat isa ay magkaroon ng matiwasay, masaya, at makabuluhang buhay sa
pamamagitan nang mabuting ugnayan sa sarili at sa kapwa. Kaya nararapat lamang
na sa araw-araw nating pamumuhay ay piliing maigi ang mga bagay na pagtutuunan
nang higit na pansin. Mahalaga na magtiwala sa sarili, sa kapwa, at sa Diyos sa
paggawa ng pagpapasiya tungo sa ikauunlad ng iyong pakikipagkapwa.

Ang buhay ay sadyang makulay, punong puno ng iba’t ibang karanasan na maaring
maging daan sa pagbuo ng iyong pagkatao. Ang gawaing ito ay makakatulong upang
matuklasan mo ang iba’t ibang emosyon na maaring maramdaman ng tao.

Gawain 1: “The ABC’s of Emotion”

Panuto:
1. Mag-isip ng mga emosyon na maaaring magsimula sa unang letra ng alpabeto.
2. Maaring ito ay salitang English o Filipino.
3. Sa bawat emosyon, isulat ang karanasan kung kailan mo ito naramdaman, kung
hindi naman, magsaliksik kung ano ang ibig sabihin o kahulugan ng emosyon na
ito.
Hal.
K – Kasiyahan
Nakaramdam ako ng kasiyahan ng binigyan ako ng regalo ng aking kaibigan.
A _______________________ N________________________
B_______________________ O________________________
C_______________________ P________________________
D_______________________ Q________________________
E_______________________ R________________________
F_______________________ S________________________
G_______________________ T________________________
H_______________________ U________________________
I________________________ V________________________
J________________________ W_______________________
K________________________ X________________________
L________________________ Y________________________
M________________________ Z________________________

4. Ano ang iyong natuklasan sa natapos na gawain? Ipaliwanag.


5. Bakit mahalaga na matukoy mo ang tamang emosyon sa bawat karanasan mo?
6. Sa palagay mo, naramdaman mo na ba ang lahat ng emosyon na naisulat mo?
Bakit?

You might also like