You are on page 1of 6

Modyul 6: Ang EMOSYON

Ang buhay ay punong-puno ng makukulay na karanasan at


pakikipag-ugnayan na nagbibigay-sigla at kahulugan dito. Mula sa
mga karanasang ito ay napukaw ang iba’t ibang emosyon at
damdamin. Ang aspektong emosyonal ng tao, katulad ng
pagdamdam, paggusto, pagmamahal, at pagkapoot ay hindi
nakabatay sa katuwiran o ano pa man.

Ano nga ba ang Emosyon?

Ang emosyon, kagyat may kaugnayan ito sa mga obhetong


tinatawag na pagpapahalaga. Kagyat na ibinibigay ang mga
pagpapahalaga sa atin ng mismong pagkilos ng paggusto, ng
pinakapangunahing kilos ng pagmamahal at pagkapoot, at
samakatuwid hindi na nangangailangan ang mga ito ng isang
kaisipang namamagitan sa kanila. Nadarama muna ang mga
pagpapahalaga bago nahuhusgahan ang mga ito.
May apat na uri ng damdamin:

 Pandama (sensory feelings)


- Ito ay tumutukoy sa limang karamdamang pisikal o mga
panlabas na pandama na nagdudulot ng panandaliang
kasiyahan o paghihirap ng tao.

 Kalagayan ng Damdamin (feelings state)


- Ito ay may kinalaman sa kasalukuyang kalagayan na
nararamdaman ng tao. Halimbawa nito ay kasiglahan,
katamlayan, may gana, walang gana.

 Sikkong Damdamin (physical feelings)


- Ang pagtugon ng tao sa mga bagay sa kaniyang paligid ay
naiimpluwensiahan ng kasalukuyang kalagaya ng kaniyang
damdamin.

 Espiritwal na Damdamin (spiritual feelings)


- Ayon kay Dr. Manuel B. Jr., ang mga espiritwal na
damdamin ay nakatuon sa paghubog ng pagpapahalaga sa
kabanalan tulad ng pag-asa at pananampalataya.
May mga Pangunahing Emosyon:

Pagmamahal (love) Pagkamuhi (hatred)


Paghangad(desire) Pag-iwas (aversion)
Pagkatuwa(joy) Pagdadalamhati (sorrow)
Pag-asa (hope) Kawalan ng pag-asa
Pagiging matatag(courage) (despair)
Pagkatakot (fear)
Pagkagalit (anger)

Ang mga emosyon na hindi mapamamahalaan ay maaaring hindi


maganda ang imluwensiya sa ating mga kilos at papapasiya sa
sitwasyong may krisis, suliranin , o pagkatilo. Ngunit hindi sapat ang
kakayahan upang mapamahalaan ang kanilang emosyon. Nabalitaan
mo ba na ang isang mag-aaral ay nakasakit sa kamag-aral dahil sa
selos? O kaya’y isang tatay na nagmumukmok na lang sa bahay
matapos matanggal sa trabaho? Ilan lamang ito sa mga pagkakataon
na hindi napamahalaanan ng maayos ang emosyon kung kaya’t
nagbubunga ng mga reaksiyong hindi maganda sa sarili at sa
pakikipagkapuwa. Ito ang dahilan kung bakit kailangan ng tao ng
literasiya sa kanyang emosyon.
Ayon kay Feldman (2005, ph.346), sa pamamagitan ng emosyon ay:

a. Nababatid ng tao ang nangyayari sa kaniyang paligid at nabibigyan


ito ng katuturan ng kaniyang isip. Kung ikaw ay binantaan ng
iyong kamag-aral na sasaktan paglabas ng paaralan ang
karaniwang mararamdaman ay takot. Dahil sa nararamdaman
mong takot ikaw marahil ay agad na aalis upang hindi na kayo
magpang-abot.
b. Nakatutukoy ang higit na angkop na kilos kung sakaling
maramdaman muli ang damdamin. Nakapagiingat at nakaiiwas
ang tao sa posibleng panganib na dala ng sitwasyong nararanasan
sa sarili at sa kapuwa.
c. Nagagamit ang pakikipagkomunikasyon at pakikipag-ugnayan sa
kapuwa. Ang napapahayag ng emosyon ay maaaring marahan o
lantad tulad ng ekspresyon ng iyong mukha, pagsuntok sa pader,
pag-iyak o pagtawa ng malakas. Sa pamamagitan ng emosyon,
naipababatid natin ang tunay nating nararamdaman at
naipahihiwatig ang mga pangangailangan natin at inaasahan mula
sa iba.
Proyekto

Sa

E.s.P

Ipinasa ni:
Geri Chamille Peru

Ipapasa kay:
Millisa F. Ortiz
MODYUL 6

ANG
EMOSYON

You might also like