You are on page 1of 19

EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO (EsP) 8
Modyul 7:
EMOSYON
LAYUNIN:
1. Natutukoy ang magiging epekto sa kilos at pagpapasya nang wasto
at hidi wastong pamamahala ng mga pangunahing emosyon.
2. Nasusuri kung paano naiimpluwensiyahan ng isang emosyon ng
pagpapasya sa isang sitwasyon na may krisis, suliranin, o pagkalito
3. Napangangatwiranan na ang pamamahala nang emosyon sa
pamamagitan ng pagtataglay ng mga birtud ay nakatutulong sa
pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapwa.
4. Napangangatwiran na ang katatagan(fortitude) at
kahinahunan(prudence) ay nakatutulong upang harapin ang
matinding pagkamuhi, kalungkutan, takot at galit.
5. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapamahalaan nang
wasto ang emosyon.
Gawain 1:
SITWASYON SA SARILING BUHAY NA EPEKTO NG EMOSYON SA
MGA NAGING DAHILAN NG EMOSYON IYONG KILOS AT PAGPAPASYA

P Pinagluto ako ni nanay ng baon Magpapasalamat kay nanay na may


PAGMAMAHAL ngiti.
A

N
PAG – ASAM
G

U PAGKAGALAK

A PAG – ASA

I KATATAGAN

N
PAGKAMUHI
G

PAG – IWAS
E

M
PIGHATI
O
KAWALAN NG
S PAG –ASA

O PAGKATAKOT

N
PAGKAGALIT
EMOSYON

• Ang nararamdaman ng tao.


• Ito ay kagyat na pagtugon ng tao sa mga bagay
na kanyang nakita, naramdaman, narinig o
nalasahan na binigyan ng interpretsyon ng
kanyang pag-iisip.
Apat na uri ng damdamin:
1. Pandama (sensory feelings)
Tumutukoy sa limang karamdamang pisikal o mga panlabas
na pandama na nakapagdudulot ng panandaliang kasiyahan o
paghihirap sa tao.
Hal.
pagkagutom,pagkauhaw, halimuyak, kiliti, kasiyahan at sakit.

2. Kalagayan ng damdamin (feelings state)


Ito ay may kinalaman sa kasalukuyang kalagayan na
nararamdaman ng tao.
Hal.
Kasiglahan, katamlayan, may gana, walang gana
Apat na uri ng damdamin:
3. Sikikong pandamdamin (psychical feelings)
Ang pagtugon ng tao sa mga bagay sa kanyang paligid ay
naiimpluwensiyahan ng kasalukuyang kalagayan ng kanyang
damdamin. Dahil ang tao ay likas na kagalingan at may
pagpapahalaga sa mabuti, ang kanyang dagliang tugon ay maaaring
mapagbago ng kanyang kalooban at pag-iisip tungo sa positibong
panlipunang pakikipag-ugnayan.
Hal.
sobrang tuwa, kaligayahan, kalungkutan, kasiyahan,
pagdamay, pagmamahal, poot

4. Ispiritwal na damdamin (spiritual feelings)


Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., ito ay nakatuon sa paghubog ng
pagpapahalaga sa kabanalan tulad ng pag-asa at pananampalataya.
MGA PANGUNAHING EMOSYON
Pagmamahal (love) Pagkamuhi (hatred)

Paghahangad (desire) Pag – iwas (aversion)

Pagkatuwa (joy) Pagdadalamhati (sorrow)

Pag – asa (hope) Kawalan ng Pag – asa (despair)

Pagiging matatag (courage) Pagkatakot (fear)

Pagkagalit (anger)
* Ang emosyon sa unang hanay ay nakakasiya ngunit
nangangailangan ng wastong pamamahala.
* Ang emosyon sa ikalawang hanay ay nagpapahirap sa
damdamin dahil ito ay nakatatakot, nakalulungkot, at
nagdudulot ng sakit sa kalooban ng tao.

Ang mga birtud tulad ng katatagan ay nagbibigay ng


kakayahan sa tao na malampasan ang kahirapan, labanan ang
mga tukso at pagtagumpayan ang mga balakid tungo sa higit na
maayos na pamumuhay.
Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang matalinong paghusga ay
hindi lamang tumutukoy sa kung ano ang dapat gawin ng tao sa
pagharap sa mga krisis sa buhay, kundi kakayahang makagawa ng
pasiya sa napapanahong paraan.
Magandang dulot sa sarili at ugnayan sa kapwa kung
mapamahalaan ng wasto ang emosyon ayon kay
Feldman (2005)
1. Nababatid ng tao ang nangyayari sa kanyang paligid at
nabibigyan ito ng katuturan ng kanyang isip.
2. Nakatutukoy ng higit na angkop na kilos kung sakaling
maramdaman muli ang damdamin.
3. Nagagamit sa pakikipagkomunikasyon at pakikipag-ugnayan sa
kapwa
Ang emosyon na hindi napamamahalaan ay maaaring hindi
maganda ang impluwensiya sa ating kilos at pagpapasya sa
sitwasyong may krisis, suliranin, o pagkalito. Ngunit hindi lahat
ay sapat ang kakayahan upang mapamahalaan ang kanyang
emosyon. Ito ang dahilan kung bakit kailangan ng tao ng
literasiya sa kanyang emosyon.
LITERASIYANG PANDAMDAMIN ay
tumutukoy sa dalawang bagay:

a. kakayahang alamin at unawain


ang mga sariling emosyon
b. matukoy at maramdaman ang
damdamin na angkop o akma
lamang sa sitwasyon na
kinakaharap
- Seeburger, F (1997)
Emotional Quotient (EQ)/
Emotional Intelligence (EI)

-Kakayahang pamahalaan ang sariling


emosyon para sa pagpapaunlad ng sarili at
pakikipagkapwa. Kapag napagtagumpayan
ng tao ang pamamahala ng kanyang
emosyon, nangangahulugan na mataas
ang kanyang EQ.
5 PANGUNAHING ELEMENTO NG EQ
(Mga Paraan ng Pagpapaunlad ng EQ)

1. Pagkilala sa sariling emosyon


Ito ay makatutulong sa pagkakaroon ng pang-unawa
sa sarili. Ikaw ay nakagagawa ng pagpapasiya sa iyong
sarili at hindi ka lang sunod nang sunod sa nais ng iba.
2. Pamamahala sa sariling emosyon
Ito ay may epekto sa kalagayan ng ating kalooban at
pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ang taong may ganitong
kakayahan ay madaling makabangon sa mga pagsubok sa
buhay at makamit ang kanyang mga mithiin sa buhay.
5 PANGUNAHING ELEMENTO NG EQ
(Mga Paraan ng Pagpapaunlad ng EQ)
3. Motibasyon
Ito ay kakayahang magtimpi o magpigil na gawin ang
isang bagay na hindi dapat upang matupad ang isang
layuning higit na mahalaga para sa ikabubuti ng iba.
Ang taong may ganitong kakayahan ay may disiplina sa
sarili at hindi
pabigla-bigla sa pagpapasya.
Naglalaan siya ng oras upang
makapag-relax at magnilay.
5 PANGUNAHING ELEMENTO NG EQ
(Mga Paraan ng Pagpapaunlad ng EQ)

4. Pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba


Ito ay kakayahang makadama sa damdamin at
pangangailangan ng iba. Ang taong may ganitong
kakayahan ay marunong ding bumasa at bigyan ng
kahulugan ang kilos ng iba. Maaari ring siyang
sumangguni upang humingi
ng tulong sa mga kapamilya
at mga pinagkakatiwalaang
kaibigan.
5 PANGUNAHING ELEMENTO NG EQ
(Mga Paraan ng Pagpapaunlad ng EQ)

5. Pamamahala ng ugnayan
Ito ay nangangahulugan na napamamahalaan nang
wasto ang emosyon sa pakikipag-ugnayan sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman sa
pagpapanatili ng magandang ugnayan. Mahalaga sa
pagpapanatili ng magandang ugnayan ang pagtitiwala
sa sarili, malawak at bukas ang
isipan at kalooban,paggalang ,
pagtanggap sa mga pangyayari,
at pagiging tapat sa sinasabi.
Ang pamamahala natin ng ating emosyon ay
maaaring makabubuti o makasasama sa ating
pakikipagkapwa. Ngunit, sa pamamagitan ng
wastong pamamahala ng mga ito, napapaunlad
natin ang ating pakikipagkapwa.
Hindi lamang ang sarili ang nagiging biktima
ng ating maling pamamahala ng ating emosyon.
Mahalagang maipahayag natin ito nang maayos
upang
mapanatili ang ating
magandang ugnayan
sa ating kapwa.
Mga Mungkahing Paraan upang Mapamahalaan
ang Emosyon ayon kay Morato Jr. (2007)
1. Tanungin ang sarili, “hahayaan ko bang magawa ko
ang di karapat – dapat o mas pipiliin kong gumawa ng
makakabuti”. Mahalagang naipapahayag natin ito nang
maayos upang mapanatili natin ang ating mabuting
ugnayan sa ating kapwa.

2. Tanggapin na ikaw ay takot at harapin ang takot,


ngunit isipin na mayroon pang higit na magandang
mangyari. Maging positibo sa pagharap sa hamon ng
buhay.
Mga Mungkahing Paraan upang Mapamahalaan
ang Emosyon ayon kay Morato Jr. (2007)
3. Isaisip na ang tagumpay ay hindi nasusukat sa yaman,
kapangyarihan at pagiging tanyag kundi sa kakayahan na
mamuhay nang may pagpapahalaga at dangal.
4. Matutong tanggapin na may hangganan ang lahat ng
bagay na mayroon tayo, tao man o bagay. Hindi naman
ito nangangahulugan na magiging wala kang pakialam o
wala silang halaga sa iyo.
5. Sa tuwing ikaw ay nawawalan ng pag-asa, isipin na
may taong maaari mong pagkatiwalaan at mahingan ng
tulong. Buksan ang isipan at kalooban na kaya mong
makamit ang hangarin sa buhay.
Nakita natin ang epekto ng
padalos-dalos nating pasiya at kilos
dala ng mga negatibong emosyon
na hindi mapamahalaan. Madalas
ay hindi nagiging maganda ang
idinudulot nito sa ating sarili at
higit sa iba.

You might also like