You are on page 1of 21

Ang Makabuluhang

Pakikipagkapwa (Emosyon)

ARALIN 2.3
SURIIN MO!
1. Ano ang ipinapahiwatig
ng larawan?

2. Alin
sa mga damdamin o
emosyon ang madalas
mong maramdaman?
Ang Emosyon

Ang buhay ay punong-puno ng makukulay na karanasan at pakikipag-


ugnayan na nagbibigay-sigla at kahulugan dito. Mula sa mga karanasang
ito ay napukaw ang iba’t ibang emosyon at damdamin.
• Sa pilosopiya ni Scheler (Dy, 2007) ang damdamin ang
pinakamahalagang larangan ng pag-iral ng tao.
• Ang damdamin ay may kaugnayan sa mga obhetong tinatawag na mga
pagpapahalaga.
• Hindi basta-bastang nakokontrol o napamamahalaan ang mga damdamin;
di tuluyan ang pagkontrol o pamamahala sa mga ito, sa pamamagitan ng
pagkontrol ng kanilang mga sanhi o epekto (pagsasakatawan, kilos).
• “Ang emosyon o damdamin (Ingles: emotion, feeling) ay ang
pakiramdam ng isang tao na hindi nagagawa ng pisikal kundi ng
mental at sikolohikal na gawain na makikita sa kilos, gawa, o ang
ugali ng isang indibidwal. Iba iba ang emosyon na mararamdaman
sa buhay tulad ng saya, lungkot, pagsisisi, pag-galit, tuwa at iba
pa. Lahat ng tao ay may emosyon, maaring manhid ang isang tao
na minsan makaramdam kung siya ay hindi mapag-bigay at
mapagpatawad. Maari ring ang emosyon ng isang tao ay dulot ng
pag-ibig o pagmamahal
(https://tl.wikipedia.org/wiki/Damdamin).”
May Apat na Uri ng Damdamin:

1. Pandama (sensory feelings).


Ito ay tumutukoy sa limang karamdamang pisikal o mga panlabas
na pandama na nakapagdudulot ng panandaliang kasiyahan o
paghihirap sa tao. Halimbawa ng mga ito ay pagkagutom,
pagkauhaw, kalasingan, halimuyak, panlasa, kiliti, kasiyahan, at
sakit. Sa katotohanan, ang kasiya-siya ay higit na naiibigan. Ang
ilan ay hinaharap ang hindi kasiya-siya bilang pagsasakripisyo tungo
sa pagtatamo ng mas mataas na halaga.
May Apat na Uri ng Damdamin:

2. Kalagayan ng damdamin (feelings state).


Ito ay may kinalaman sa kasalukuyang kalagayan na
nararamdaman ng tao. Halimbawa nito ay kasiglahan, katamlayan,
may gana, walang gana.
May Apat na Uri ng Damdamin:

3. Sikikong damdamin (psychical feelings).


Ang pagtugon ng tao sa mga bagay sa kaniyang paligid ay
naiimpluwensiyahan ng kasalukuyang kalagayan ng kaniyang damdamin. Dahil
ang tao ay may likas na kagalingan o kahusayan, at may pagpapahalaga sa
mabuti, ang kaniyang dagliang tugon ay maaaring mapagbago ng kaniyang
kalooban at pag-iisip tungo sa positibong panlipunang pakikipag-ugnayan. Ilan
lamang sa mga halimbawa nito ay sobrang tuwa, kaligayahan. kalungkutan,
kasiyahan, pagdamay, mapagmahal, poot.
May Apat na Uri ng Damdamin:

4. Ispiritwal na damdamin (spiritual feelings).


Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr., ang mga ispiritwal na
damdamin ay nakatuon sa paghubog ng pagpapahalaga sa kabanalan
tulad ng pag-asa at pananampalataya. Narito ang talaan ng
pangunahing emosyon na hango sa aklat ni Esther Esteban na
Education in Values: What, Why, and For Whom: (1990, ph. 51).
MGA PANGUNAHING EMOSYON
 
 Pagmamahal (love) Pagkamuhi (hatred)
 Paghahangad (desire) Pag-iwas (aversion)
 Pagkatuwa (joy) Pagdadalamhati (sorrow)
 Pag-asa (hope) Kawalan ng pag-asa (despair)
 Pagiging matatag (courage) Pagkatakot (fear)
  Pagkagalit (anger)
Ang mga emosyon sa unang hanay ay nakasisiya ngunit nangangailangan
ng wastong pamamahala. Bagaman natuwa ka sa nakita mong tsokolate sa
inyong refrigerator ngunit alam mo na hindi sa iyo ito kaya hindi mo ito
dapat na kainin. Mahalaga na ikaw ay makapagtimpi at makapagpigil sa
pagkuha nito.

MGA PANGUNAHING EMOSYON 


 Pagmamahal (love) Pagkamuhi (hatred)
Paghahangad (desire) Pag-iwas (aversion) Pagdadalamhati

(sorrow) Kawalan ng pag-asa
 Pagkatuwa (joy) (despair) Pagkatakot (fear)
 Pag-asa (hope) Pagkagalit (anger)
 Pagiging matatag (courage)
Ang mga emosyon sa ikalawang hanay ay nagpapahirap sa damdamin dahil ito ay nakatatakot,
nakalulungkot, at nagdudulot ng sakit sa kalooban ng tao. Sa ganitong pagkakataon ay kailangan
ang katatagan ng loob (fortitude) upang malampasan ang hirap at takot na nararamdaman. Ang
birtud na ito ay nagbibigay ng kakayahan sa tao na malampasan ang kahirapan, labanan ang mga
tukso at pagtagumpayan ang mga balakid tungo sa higit na maayos na pamumuhay.
Napakahalaga na pinag-iisipang maigi ang gagawin lalo na sa panahon na nawawalan ka na ng
pag-asa at pilit na iniiwasan ang pangyayari dala nang bigat ng suliranin at hindi alam kung ano
ang gagawin. Mahalaga na maging mahinahon, pagnilayan ang sitwasyon, at pag-isipang mabuti
ang pinakamainam na gawin upang maiwasan ang pagsisisi sa huli. Ayon kay Sto. Tomas de
Aquino, ang matalinong paghusga ay hindi lamang tumutukoy sa kung ano ang dapat gawin ng
tao sa pagharap sa mga krisis sa buhay, kung hindi kakayahang makagawa ng pasiya sa
napapanahong paraan.
MGA PANGUNAHING EMOSYON 
 Pagmamahal (love) Pagkamuhi (hatred)
 Paghahangad (desire) Pag-iwas (aversion)
 Pagkatuwa (joy) Pagdadalamhati (sorrow)
 Pag-asa (hope) Kawalan ng pag-asa (despair)
 Pagiging matatag (courage) Pagkatakot (fear)
Pagkagalit (anger)
Ayon kay Feldman (2005, ph.346), sa pamamagitan ng emosyon ay:
a. Nababatid ng tao ang nangyayari sa kaniyang paligid at nabibigyan ito ng katuturan
ng kaniyang isip. Kung ikaw ay binantaan ng iyong kamag-aral na sasaktan paglabas
ng paaralan ang karaniwang mararamdaman ay takot. Dahil sa naramdaman mong
takot ikaw marahil ay agad na aalis upang hindi na kayo magpangabot.
b. Nakatutukoy ang higit na angkop na kilos kung sakaling maramdaman muli ang
damdamin. Nakapag-iingat at nakaiiwas ang tao sa posibleng panganib na dala ng
sitwasyong nararanasan sa sarili at sa kapwa.
c. Nagagamit ang pakikipagkomunikasyon at pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Ang mga emosyon na hindi napamamahalaan ay maaaring hindi maganda ang
impluwensiya sa ating mga kilos at pagpapasiya sa sitwasyong may krisis, suliranin, o
pagkalito. Ito ang dahilan kung bakit kailangan ng tao ng literasiya sa kaniyang emosyon.
Ayon kay Seeburger, F. (1997, ph.30), ang literasiyang pandamdamin ay tumutukoy sa
dalawang bagay.
1. kakayahang alamin at unawain ang mga sariling emosyon; at
2. matukoy at maramdaman ang damdamin na angkop o akma lamang sa sitwasyon na
kinakaharap.
Nakita ng mga ilang siyentipiko tulad nina Salovey, Gardner, at Goleman ang
kahalagahan ng pamamahala sa emosyon sa pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapwa.
Kapag napagtagumpayan ng tao ang pamamahala ng kaniyang emosyon, nangangahulugan
na mataas ang kaniyang EQ o Emotional Quotient na kilala rin sa tawag na Emotional
Intelligence.
Paano napauunlad ng EQ ang tao? Narito ang limang pangunahing elemento ng EQ
(Goleman, D., 1998):
1. Pagkilala sa sariling emosyon.
Mahalaga na may kamalayan sa sariling damdamin. Ito ay makatutulong sa
pagkakaroon ng pang-unawa sa sarili. Ikaw ay nakagagawa ng pagpapasiya sa iyong
sarili at hindi ka lang sunod nang sunod sa nais ng iba.
 
2. Pamamahala sa sariling emosyon.
Ang kakayahang mapamahalaan ang ating emosyon ay mahalaga dahil ang mga
ito ay may epekto sakalagayan ng ating kalooban at pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ang
taong may ganitong kakayahan ay madaling makabangon sa mga pagsubok sa buhay at
makamit ang kaniyang mga mithiin sa buhay.
3. Motibasyon o kakayahang magtimpi o magpigil na
gawin ang isang bagay na hindi dapat
Kakayahang magtimpi o magpigil na gawin ang isang
bagay na hindi dapat upang matupad ang isang layunin.
Ang taong may ganitong kakayahan ay may disiplina sa
sarili at hindi pabigla-bigla ang pagpapasiya.
4. Pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba.
Ito ay kakayahang makadama sa damdamin at pangangailangan ng iba. Ang
taong may ganitong kakayahan ay marunong ding bumasa at bigyan ng kahulugan ang
kilos ng iba. Maaari din siyang sumangguni upang humingi ng tulong sa mga kapamilya
at mga pinagkakatiwalaang kaibigan.

5. Pamamahala ng ugnayan.
Ito ay nangangahulugan na napamamahalaan nang wasto ang emosyon sa
pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman sa pagpapanatili ng
magandang ugnayan.

Anumang emosyon ay mahalaga. Ang pamamahala natin dito ay maaaring


makabubuti o makasasama sa ating pakikipagkapwa. Ngunit, sa pamamagitan ng wastong
pamamahala ng mga ito, napauunlad natin ang ating pakikipagkapwa.
Mahalaga na makapagbalangkas ka ng pamamaraan upang makayanan at
mapagtagumpayan mo ang mga emosyon bunga ng iyong pinagdaraanan at
mga karanasan. Ilan sa mga mungkahing paraan upang mapamahalaan ang mga
ito ay (Moratό, Jr., 2007):
a. Tanungin ang sarili, “hahayaan ko bang magawa ko ang di karapat-
dapat o mas pipiliin kong gumawa ng makabubuti?” Hindi lamang ang sarili
ang nagiging biktima sa ating maling pamamahala ng ating emosyon.
Mahalagang naipahahayag natin ito nang maayos upang mapanatili natin ang
ating mabuting ugnayan sa ating kapwa.
b. Tanggapin na ikaw ay takot harapin ang takot, ngunit isipin na
mayroon pang higit na magandang mangyayari. Maging positibo sa
pagharap sa hamon ng buhay.
c. Isaisip na ang tagumpay ay hindi nasusukat sa yaman,
kapangyarihan, at pagiging tanyag kung hindi sa kakayahan na
mamuhay nang may pagpapahalaga at dangal.
d. Matutong tanggapin na may hangganan ang lahat ng bagay na
mayroon tayo, tao man o bagay. Hindi naman ito nangangahulugan na
magiging wala kang pakialam o wala silang halaga sa iyo.
e. Sa tuwing ikaw ay nawawalan ng pag-asa, isipin na may mga taong
maaari mong pagkatiwalaan at mahingan ng tulong. Buksan ang
isipan at kalooban na kaya mong makamit ang hangarin sa buhay.
Ang mga iminungkahing paraan kalakip ang mga birtud ay nakatutulong
upang mapamahalaan ang emosyon at maging magandang gabay sa
pagpapasiya tungo sa matiwasay na pamumuhay at maging produktibong
miyembro ng lipunan. Hangad ng bawat isa ay magkaroon ng
matiwasay, masaya, at makabuluhang buhay sa pamamagitan nang
mabuting ugnayan sa sarili at sa kapwa. Kaya nararapat lamang na sa
araw-araw nating pamumuhay ay piliing maigi ang mga bagay na
pagtutuunan nang higit na pansin. Mahalaga na magtiwala sa sarili, sa
kapwa, at sa Diyos sa paggawa ng pagpapasiya tungo sa ikauunlad ng
iyong pakikipagkapwa.
AYUSIN MO!
Sagutin ang mga katanungan sa pamamagitan ng pag-aayos ng
mga ginulong titik.

1. Ito ay ang pakiramdam ng isang tao na hindi nagagawa ng pisikal kundi ng


mental at sikolohikal na gawain na makikita sa kilos, gawa, o ang ugali ng isang
indibidwal. Y O S E M O N EMOSYON
2. Sa pilosopiya ni Scheler (Dy, 2007) ang _______ang pinakamahalagang
larangan ng pag-iral ng tao. DAMINDAM DAMDAMIN
3. Ang Emotional Quotient ay kilala rin sa tawag na ______?

TIOEMONAL INGENCETELLI
EMOTIONAL INTELLIGENCE
GAWAIN 2.7

Ano ang Batayang Konsepto na naunawaan mo mula sa babasahin?


Gabay mo ang sagot sa mahalagang tanong na: Ano ang kabutihang  
naidudulot ng pamamahala ng emosyon? Bakit mahalaga ang katatagan Pagpapahalaga Birtud
(fortitude) at kahinahunan (prudence)? Kumpletuhin ang batayang
Galit Sarili
konsepto. Piliin sa kahon ang angkop na salita. Isulat ang sagot sa
bawat patlang. Katatagan Pakikipagkapuwa

Kahinahunan Pagkamuhi
Ang pagtataglay ng mga ___________________ at Kalungkutan Takot
__________________ ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng
____________at ______________. Ang _____________ (fortitude) at Pagmamahal Damdamin
__________________(prudence) ay nakatutulong upang harapin ang
matinding ______________, matinding _________________,
_______________ at_________________.

You might also like