You are on page 1of 22

PAMAMAHALA NG

EMOSYON, TULONG SA
DESISYON NATIN
Ano ba ang ibat-ibang emosyon?
• Iba’t ibang uri ng emosyon ang nararamdaman ng tao
sa kaniyang araw-araw na buhay saan man sila
naroroon. Iba’t iba rin ang nagiging bunga ng mga
emosyong ito. Minsa, nadadala tayo ng emosyon sa
mas mabuting kalagayan at minsan naman sa masama.
Dahil dito, mahalagang matutuhan mo, bilang isang
kabataan kung paano mapamamahalan ang iyong
emosyon. Upang higit na matutuhan ang wastong
pamamahala ng emosyon, alamin muna natin kung ano
ang emosyon.
Ano ba ang emosyon?
• Ang emosyon, ayon kay Hockenbury ay isang kumplikadong,
kalagayan kung saan mayroong tatlong pangunahing
element:
• 1.Karanasang subhektibo(subjective experience),
• 2. Pisyolohikal o reaksiyon sa loob ng katawan (physiological
response),
• 3. Galaw o pagpaakita ng emosyon o damdamin (behavioral or
expressive esponse)
1. Karanasang Subhektibo(Subjective experience)
• Ayon kay Cherry (2016), sinasabi ng maraming
mananaliksik na higit na subhektibo (subjective) ang
pagdanas ng emosyon.
• Halimbawa ang galit, lungkot at saya ay iba’t iba ang
dating at reaksiyon sa iba’t ibang tao.
• Ang pagkapayak o tindi ng mga damdaming ito ay
may kaugnayan sa mga nagging personal na karanasan
ng bawat tao.
2. Pisyolohikal o reaksiyon sa loob ng katawan (physiological
response)

• Ang reaksiyon naman ng ating katawan ay ayon sa ating pisyolohikal


o likas na kalagayan ng katawan. Hindi ito halata agad ng ibang tao,
daahil ang nervous system ng katawan ang tumutugon sa emosyon.
Halimbawa: nagpapawis ang palad, mabilis ang tibok ng puso,
nasisira ang tiyan, hindi nakahinga kapag natatakot o nag-aalala;
mayroong inaatake sa puso, sa sobrang tuwa, lungkot o takot;
mayroong nawawalan ng ganang kumain dahil sa matinding
negatibong emosyon at m ayoong nagkakasakit.
• Ilan lamang ang mga nabanggit sa patunay na kahit na pareho ang
nararamdaman, iba’t iba parin ang reaksiyon ng katawan. Naaayon
ito sa pamamahala ng emosyon ng tao.
3. Galaw ng katawan o pisikal na pagpapahayag ng
emosyon o damdamin(behavioral or expressive response)

•Ang reaksiyong ito ay kitang-kita ng iba kapag


nagagalit ang isang tao. Ipinapaypo ng mga
sikolohista at mga doctor, na ang galit tulad ng
ibang hindi kaaya-ayang damdamin ay dapat
pamahalaan, upang hindi ito makasama sa sariling
katawan at sa mga taong nagging dahilan kaya
nagkaroon ng negatibong damdamin ng isang tao.
•Positibo, negatibo, payak o matindi-
anomang damdamin ang ating maranasan,
mahalagang pamahalaan natin ang mga ito,
upang hindi nito maapektuhan ang ating
katawan o magkaroon tayo ng kaaway dahil
sa matinding pagpapahayag ng mga
negatibong damdamin.
Ang Anim na Pangunahing Emosyon ni Paul Ekman
1. Takot- Emosyonal na reaksyon
ng katawan sa panganib.
Panginginig, pagtigas ng
kalamnan, mabilis ang pagtibok
ng puso at paghinga, inihahanda
ang ating katawan upang kumilos
tungo sa kaligtasan, tulad ng
pagtakbo nang mabilis. Ito ay
nakatutullong upang makaalis
tayo sa panganib o makaiwas na
makarating tayo sa panganib.
Galit
• Emosyong nagpapahayag ng bagay
na kinaaayawan. Inihahanda ang tao
na ipagtanggol ang sarili, mga
minamahal, o anomang bagay na
pinapahalagahan. Inihahanda nito
ang katawan sa pakikipaglaban,
tulad ng pagbuo ng kamao,
pagsingkit ng mga mata, pagtigas ng
katawan, pagtaas ng balikat at iba
pa. Ang hindi mapigilang galit ay
maaaring magbunga ng personal o
panlipunang problema.
Kalungkutan
• Emosyong nagppahayag ng
kawalan o kahirapan. Tahimik,
walang gana o hindi nakikipag-
ugnayan sa iba. Ang katawan ay
nahuhukot, kagat ang labi at kung
minsan ay kasabay ang luha. Ayon
sa mga eksperto, kapag nagtagal
ang ganitong emosyon, ang taong
ito ay magiging mabagal sa
pagproseso ng impormasyon.
Pagkadiri o Pagkarimarim
• Emosyong nagpapahayag ng
reaksiyon sa marumi,
nakahahawa at
nakapaghihimaksik. Dalawa ang
uri nito: pisikal na pagkarimarim
at moral na pagkarimarim.
Kumukulubot ang itaas na labi
at ilong at iniiwaan ang
nakadiring amoy, bagay o
maling gawi o kaisipan.
Kasiyahan
• Emosyong nagpapahayag ng iba't ibang
positibong damdamin, mula sa simpleng
kasiyahan hanggang sa rurok ng
kaligayahan. Ito ay nararamdaman
kapag nararanasan o nakikita ang bagay
na nakapagpapaunlad sa sarili. Iibigin
itong ulitin, upang mramdaman muli
ang kasiyahan. Ngumingiti, ang dulo ng
mga mata ay naniningkit, at magaan
ang katawan kapag ang tao ay
nasisiyahan.
Pagkamangka
• Emosyong nararamdaman kapag
may nangyaring hindi inaasahan.
Mabilis ang damdaming ito.
Kurbado at tumataas ang mga
kilay, lumalaki ang mata at
tumataas at kumukulubot ang
noo at nakanganga kapag
namangha.
• Sa kabuuan, ang mga emosyon na ating nararamdaman, positibo o negatibo
man, ay mahalagang mapamahalaan. Nang sa gayon ay hindi ito magkaroon ng
masamang bunga sa ating katawan o sa mga tao sa ating paligid.
• Kapag pamamahala sa emosyon ang pag-uusapan, hindi maiiwasang banggitin
ang katalinuhang pang-emosyonal o emotional intelligence (Goleman:1998)
• Emotional Intelligence ay ang kakayahang kumilala, gumamit, umunawa at
mamahala ng emosyon sa positibong paraan upang mawala ang suliranin,
maramdaman ang damdamin ng iba, mapaglabanan ang mga hamong
dumarating at makaiwas sa gulo.
• Ang kakayahang ito, ayon kina Segal at kasama, ay nakatutulong sa pagkilala
sa pag-unawa sa damdaming mararanasan ng iba.
• Kadalasan, ang kakayahang ito ay prosesong hindi pasalita (non-verbal) na
nakatutulong sa pag-iisip at may impluwensiya kung paano ka nakikipag-
ugnayan sa iba.
Ang Apat na Pagkakakilanlan ng Emotional Intelligence
1. Pagkakakilala sa Sarili(Self-awareness)-Kilala mo ang iyong
emosyon at kung paano nito naapektuhan ang iyong isip at
ikinikilos. Alam mo ang iyong kalakasan at kahinaan at mayroon
kang tiwala sa sarili.
2. Pamamahala sa Sarili(Self-Management)-Kaya mong pigilan
ang biglaang emosyon at reaksiyon, pamahalaan nang wasto
ang emosyon, magkusa, tuparin ang mga ipinangako at kayang
sabayan ang mga pagbabago.
3. Panlipunang Pagkakakilala(Social Awareness)- Nauunawaan
at nasusundan mo ang mga emosyon, pangangailangan at
suliranin ng ibang tao at mga kaganapan sa isang pangkat o
organisasyon.
4. Pamamahala sa Relasyon (Relationship
Management)- Marunong kang magbuo at magpanatili
ng magandang relasyon, malinaw ang pakikipag-
komunikasyon, nagbibigay ng inspirasyon sa iba,
gumagawa nang maayos, kasama ang pangkat at
magaling mag-ayos ng mga kaguluhan.
• Bukod sa emotional intelligence, nakatutulong sa pag-
unlad ng sarili at pakikipagkapuwa ang pagtataglay ng
mga birtud(virtue).
Ang Birtud at ang Emosyon
• Maari bang mangyari na ang isang tao na puno ng birtud ay
masira ang pamamahala ng emosyon dahil sa kawalan ng
tamang kaalaman ukol dito?
• Ito ang tanong ni Bennet na kaniyang artikulong, “Virtue and
ur Emotion” sa Catholic Womanhood e-magazine. Posible,
ayon sa mga sikolohista, sapagkat kailangan ang balanseng
buhay-emosyonal. Ito ang unang pangangailangan sa
paglago na birtud sa buhay ng isang tao, ayon kay Bennet.
Kung may malalim na sugat na hindi makalimutan ng isang
tao, haharangan ito ng kaniyang hangaring gumawa ng
mabuti.
Ang Relasyon ng Emosyon sa Birtud
• Ang birtud, dagdag ni Bennet, ay ang kasanayan sa paggawa ng
mabuti. Ang paggawa ng mabuti ay nagiging bahagi na ng karakter,
sa pamamagitan ng paulit-ulit na paggawa nang mabuti na siya
namang humuhubog sa mga gawi ng tao, kaya sila ay nasasanay na sa
paggawa ng mga bagay na mabuti.
• Ang mga birtud na katatagan(fortitude) at kahinahunan(prudence),
ang dalawa sa mga mahahalagang birtud na nakatutulong upang
harapin ang matining pagkamuli, matinding kalungkutan, takot at
galit.
• Ang pagtanggap at pamamahala ng emosyon sa pamamagitan ng
pagtataglay ng dalawang birtud na ito ay nakatutulong sa
pagpapaunlad sa sarili at pakikipagkapuwa.
Payo ng mga Eksperto tungkol sa Pamamahala ng
Emosyon:
• Bigyan ng pansin ang mga pangyayari. Makababawas
ito sa tindi ng emosyon sa suliranin.
• Bigyan ng pansin ang mga pangyayaring kayang
pamahalaan. Isunod ang mga bagay na
nangangailangn ng tulong ng iba.
• Gawing payak o simple ang mga pangyayari. Madalas,
ang mga negatibong damdamin ay bunga lamang ng
negatibong kaisipan.
Paano Nananatiling Kalmado Ang Mga Matagumpay
Na Tao? ni Dr. Travis Bradberry
• Pinasasalamatan Nila Kung Anong Meron Sila
• Iniiwasan Nilang Magtanong ng “Paano Kung”
• Nananatili Silang Positibo
• Sila ay Nagdi-disconnect
• Binabawasan Nila ang Pag-inom ng Caffeine
• Natutulog Sila
• Pinipigilan Nila ang Negatibong Pakiki-usap sa Sarili
• Humihinga Sila
• Gumagamit Sila ng Support System
Sagutin ang mga Tanong:
• Pumili sa isang emosyon. Ilarawan ito ayon sa tatlong elemento?
• Ano-ano ang anim na pangunahing emosyon ayon kay Ekman?
• Ibigay ang apat na pagkakailanlan ng emotional intellegence. Paano
ito makatutulong sa pakikipagugnayan sa kapuwa?
• Ayon kay Bennet, ano ang unang hakbang sa paglago ng birtud na
siyang nakatutulong upang mapaunlad ang sarili at ang
pakikipagkapwa?
• Magbigay ng isang panyayaring naranasan kung saan nakaramdam ng
matinding emosyon. Paano mo ito pinamahalaan?

You might also like