You are on page 1of 27

Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Week 5-6
Ikalawang Markahan

EMOSYON
I N I H A N D A N I :

MELISSA M. GUBALA
E S P 8 G U R O
EMOSYON
• Sa pilosopiya ni Scheler (Dy, 2007) ang damdamin ang
pinakamahalagang larangan ng pag-iral ng tao. Ang aspektong
emosyonal ng tao, katulad ng pagdamdam, paggusto,
pagmamahal at pagkapoot ay hindi nababatay sa katwiran o
anopaman. Ang damdamin, ibig sabihin, kagyat na may
kaugnayan ito sa mga obhetong tinatawag na mga
pagpapahalaga.
M AY A P A T N A U R I N G D A M D A M I N :
1. Pandama (sensory feelings).
• Ito ay tumutukoy sa limang karamdamang pisikal o mga panlabas na
pandama na nakapagdudulot ng panandaliang kasiyahan o
paghihirap sa tao.
• Halimbawa ng mga ito ay pagkagutom, pagkauhaw, kalasingan,
halimuyak, panlasa, kiliti, kasiyahan, at sakit. Sa katotohanan, ang
kasiya-siya ay higit na naiibigan.
M AY A P A T N A U R I N G D A M D A M I N :
2. Kalagayan ng damdamin (feelings state).
• Ito ay may kinalaman sa kasalukuyang kalagayan na
nararamdaman ng tao.
• Halimbawa nito ay kasiglahan, katamlayan, may gana,
walang gana.
M AY A P A T N A U R I N G D A M D A M I N :
3. Sikikong damdamin (psychical feelings).
Ang pagtugon ng tao sa mga bagay sa kaniyang paligid
ay naiimpluwensyahan ng kasalukuyang kalagayan ng
kaniyang damdamin.
M AY A P A T N A U R I N G D A M D A M I N :
4. Ispiritwal na damdamin (spiritual feelings).
Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr., ang mga ispiritwal na
damdamin ay nakatuon sa paghubog ng pagpapahalaga sa
kabanalan tulad ng pag-asa at pananampalataya.
Pangunahing emosyon hango sa aklat ni Esther Esteban na Education in
Values: What, Why, and For Whom: (1990,ph.51)

Pangunahing Emosyon
Pagmamahal (love) Pagkamuhi (hatred)
Paghahangad (desire) Pag-iwas (Aversion)
Pagkatuwa (joy)
Pag-asa (hope) Pagdadalamhati (sorrow)

Pagiging matatag (courage) Kawalan ng pag-asa (despair)

Pagkkatakot (fear)
Pagkagalit (anger)
EMOSYON

• Hindi madaling kontrolin ang emosyon ng tao


ngunit maari itong magawa sa pagkakaroon ng
mga pagpapahalga.
Katatagan ng loob (fortitude)
Kahinahunan (prudence)
AY O N K AY F E L D M A N ( 2 0 0 5 , P H . 3 4 6 ) , S A
PA M A M A G I TA N N G E M O S Y O N AY:

a. Nababatid ng tao ang nangyayari sa kaniyang paligid at


nabibigyan ito ng katuturan ng kaniyang isip.
• Kung ikaw ay binantaan ng iyong kamag-aral na sasaktan
paglabas ng paaralan ang karaniwang mararamdaman ay
takot. Dahil sa naramdaman mong takot ikaw marahil ay
agad na aalis upang hindi na kayo magpang-abot.
AY O N K AY F E L D M A N ( 2 0 0 5 , P H . 3 4 6 ) , S A
PA M A M A G I TA N N G E M O S Y O N AY:

b. Nakatutukoy ng higit na angkop na kilos kung sakaling


maramdaman muli ang damdamin.
Nakapag-iingat at nakaiiwas ang tao sa posibleng panganib na
dala ng sitwasyong nararanasan sa sarili at sa kapwa.
AY O N K AY F E L D M A N ( 2 0 0 5 , P H . 3 4 6 ) , S A
PA M A M A G I TA N N G E M O S Y O N AY:

c. Nagagamit sa pakikipagkomunikasyon at pakikipag-ugnayan


sa kapwa.
Ang pagpapahayag ng emosyon ay maaaring marahan o lantad tulad
ng ekspresyon ng iyong mukha, pagsuntok sa pader, pag-iyak, o
pagtawa nang malakas. Sa pamamagitan ng emosyon, naipababatid
natin ang tunay nating nararamdaman at naipahihiwatig ang mga
pangangailangan natin at inaasahan mula sa iba.
• Ang katatagan ng loob
ang nagbibigay ng
kakayahan sa tao na
malampasan ang
kahirapan at labanan
ang mga tukso upang
mapagtagumpayan ang
mga balakid sa buhay.
Ang matalinong paghusga
ay hindi lamang
tumutukoy sa kung ano
ang dapat gawin ng tao sa
paglutas sa mga krisis o
suliranin sa buhay kung
hindi kakayahan ring
makagawa ng pasiya sa
napapanahong paraan.
• Ayon kay Seeburger, F. (1997, ph.30), ang
literasiyang pandamdamin ay tumutukoy sa dalawang
bagay.
• Una, kakayahang alamin at unawain ang mga sariling
emosyon; at
• pangalawa, matukoy at maramdaman ang damdamin na
angkop o akma lamang sa sitwasyon na kinakaharap.
N A R I TO A N G L I M A N G PA N G U N A H I N G
ELEMENTO NG EMOTIONAL QUOTIENT
(GOLEMAN, D., 1998)

1. Pagkilala sa sariling emosyon.


• Mahalaga na may kamalayan sa sariling damdamin. Ito ay
makatutulong sa pagkakaroon ng pang-unawa sa sarili. Ikaw
ay nakagagawa ng pagpapasiya sa iyong sarili at hindi ka
lang sunod nang sunod sa nais ng iba.
N A R I TO A N G L I M A N G PA N G U N A H I N G
ELEMENTO NG EMOTIONAL QUOTIENT
(GOLEMAN, D., 1998)
2. Pamamahala sa sariling emosyon.
Ang kakayahang mapamahalaan ang ating emosyon ay mahalaga
dahil ang mga ito ay may epekto sa kalagayan ng ating kalooban
at pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ang taong may ganitong
kakayahan ay madaling makabangon sa mga pagsubok sa buhay
at makamit ang kaniyang mga mithiin sa buhay.
N A R I TO A N G L I M A N G PA N G U N A H I N G
ELEMENTO NG EMOTIONAL QUOTIENT
(GOLEMAN, D., 1998)
3. Motibasyon.
Ito ay kakayahang magtimpi o magpigil na gawin ang isang bagay na
hindi dapat upang matupad ang isang layuning higit na mahalaga para
sa ikabubuti ng iba. Ang taong may ganitong kakayahan ay may
disiplina sa sarili at hindi pabigla-bigla ang pagpapasiya. Naglalaan
siya ng oras upang makapagrelax at magnilay.
N A R I TO A N G L I M A N G PA N G U N A H I N G
ELEMENTO NG EMOTIONAL QUOTIENT
(GOLEMAN, D., 1998)
4. Pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba.
Ito ay kakayahang makadama sa damdamin at pangangailangan
ng iba. Ang taong may ganitong kakayahan ay marunong ding
bumasa at bigyan ng kahulugan ang kilos ng iba. Maaari din
siyang sumangguni upang humingi ng tulong sa mga kapamilya
at mga pinagkakatiwalaang kaibigan.
N A R I TO A N G L I M A N G PA N G U N A H I N G
ELEMENTO NG EMOTIONAL QUOTIENT
(GOLEMAN, D., 1998)

5. Pamamahala ng ugnayan.
Ito ay nangangahulugan na napamamahalaan nang wasto ang
emosyon sa pakikipagugnayan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
kaalaman sa pagpapanatili ng magandang ugnayan. Mahalaga sa
pagpapanatili ng magandang ugnayan ang pagtitiwala sa sarili,
malawak at bukas ang isipan at kalooban, paggalang, pagtanggap sa
mga pangyayari at pagiging tapat sa sinasabi.
• Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili,
malawak at bukas na kaisipan at
kalooban, paggalang, pagtanggap sa
mga pangyayari at ang pagiging tapat
sa sinasabi ay mahalaga sa
pagpapanatili ng magandang ugnayan
sa kapwa.
• Hindi lamang ang sarili ang
nagiging biktima ng ating maling
pamamahala ng ating emosyon.
Mahalagang maipahayag natin ito
nang maayos upang mapanatili
natin ang ating magandang
ugnayan sa ating kapwa.
M U N G K A H I N G PA R A A N U PA N G
M A PA M A H A L A A N A N G E M O S Y O N AY O N
K AY ( M O R AT Ό , J R . , 2 0 0 7 ) :
• a. Tanungin ang sarili, “hahayaan ko bang magawa ko ang di
karapat-dapat o mas pipiliin kong gumawa ng makabubuti?”
Hindi lamang ang sarili ang nagiging biktima sa ating maling
pamamahala ng ating emosyon. Mahalagang naipahahayag
natin ito nang maayos upang mapanatili natin ang ating
mabuting ugnayan sa ating kapwa.
M U N G K A H I N G PA R A A N U PA N G
M A PA M A H A L A A N A N G E M O S Y O N AY O N
K AY ( M O R AT Ό , J R . , 2 0 0 7 ) :

• b. Tanggapin na ikaw ay takot harapin ang takot,


ngunit isipin na mayroon pang higit na
magandang mangyayari. Maging positibo sa
pagharap sa hamon ng buhay.
M U N G K A H I N G PA R A A N U PA N G
M A PA M A H A L A A N A N G E M O S Y O N AY O N
K AY ( M O R AT Ό , J R . , 2 0 0 7 ) :

• C. Isaisip na ang tagumpay ay hindi


nasusukat sa yaman, kapangyarihan, at
pagiging tanyag kung hindi sa kakayahan na
mamuhay nang may pagpapahalaga at
dangal.
M U N G K A H I N G PA R A A N U PA N G
M A PA M A H A L A A N A N G E M O S Y O N AY O N
K AY ( M O R AT Ό , J R . , 2 0 0 7 ) :

• d. Matutong tanggapin na may hangganan ang


lahat ng bagay na mayroon tayo, tao man o
bagay. Hindi naman ito nangangahulugan na
magiging wala kang pakialam o wala silang
halaga sa iyo.
M U N G K A H I N G PA R A A N U PA N G
M A PA M A H A L A A N A N G E M O S Y O N AY O N
K AY ( M O R AT Ό , J R . , 2 0 0 7 ) :

• E. Sa tuwing ikaw ay nawawalan ng pag-asa,


isipin na may mga taong maaari mong
pagkatiwalaan at mahingan ng tulong.
Buksan ang isipan at kalooban na kaya mong
makamit ang hangarin sa buhay.
REFERENCES:
• Kagawaran ng Edukasyon (2013). Edukasyon sa
pagpapakatao modyul para sa mag-aaral (unang edisyon),
Vibal Publishing House Inc., Pasig City, Philippines

You might also like