You are on page 1of 10

MAGANDANG UMAGA!!!

EMOJIS
EMOSYON KO,
PAMAMAHALAAN KO!

Edukasyon sa Pagpapakatao
Quarter 2, Aralin 5
“Kapag binato ka ng bato,
batuhin mo ng tinapay”
Ang buhay ay puno ng iba't -- ibang emosyon na nakapagbibigay ng
kulay sa ating mundo. Bawat isa sa mga emosyon na ito ay
nakaaapekto sa ating kinikilos at mga nagiging pagpapasiya. May mga
pagkakataon na hindi napapamahalaan ng wasto ang mga damdamin
kung kaya nakagagawa ng mga hakbang na maaaring ikasiya o
ikalungkot ng damdamin ng iba.

May mga pagkakataon na sa kalagayan ng damdamin ng isang tao ay


naisasalin din sa iba. Halimbawa nito ay kasiyahan na nakapagdulot
ng kasiyahan sa mga taong nakapaligid sa kanya; ang takot ay
nakapagdudulot din ng takot sa iba; pagkamuhi ay maaari ring
maisalin sa ibang tao, at marami pang iba.
Ang mga emosyong nakasisiya ay nangangailangan din ng wastong
pamamahala. Natutuwa si Ana sa handang lechon sa kanyang
kaarawan subalit alam niya na hindi niya ito maaring kainin dahil sa
kanyang altapresyon. Kailangan niyang magtimpi para sa kanyang
kalusugan.

Ang damdamin gaya ng pagkatakot, pagkalungkot, pagkagalit,


pagkamuhi, pag-iwas at kawalan ng pag-asa ay mga emosyon na
nagpapahirap sa íyong damdamin. May talento si Norman sa pag-awit
ngunit natatakot siya na mapiyok sa gitna ng kanyang pagtatanghal at
pagtawanan ng iba. Dapat paglabanan ni Norman ang kanyang
damdamin sapagkat siya ay may talento na ibinigay ng Diyos at
nararapat na ibahagi niya ito sa iba.
Ang kabataan ay nakakaranas ng pabago-bagong emosyon. Ang pabago-bagong emosyon na
ito ay lubhang nakaaapekto sa pakikitungo sa kanyang kapuwa kabataan. Ang mga sumusunod
ay mga bagay na maaaring gawin upang mapamahalaan nang mabuti ang emosyon;

I. Makipag-usap,Mainam na makipag-usap sa mga taong


nakatatanda sa halip na makipag-usap sa kaedad na pabago-bago rin
ng emosyon.

2.Gumawa ng iyong personal na Diary o Journal,Itala ang mga


pangyayari sa buhay. Isulat ang mga bagay na nararamdaman, bakit
ito naramdaman at ano ang iyong gagawin para mapamahalaan ito ng
mas mabuti. Mas mainam ito kaysa makipagtalo pa lalo na kung ikaw
ay nagagalit.
3.Manalangin,Hingin ang gabay ng Panginoon sa kabila ng
nararamdarnan. Ipagpasalamat ang lahat ng bagay na nararamdaman
nakasisiya man ito o hindi. Sa pagkakataon na nakararamdam ng
negatibong damdamin, umisip ng tatlong pagpapala na naibigay ng
Panginoon at ipagpasalamat upang mapawi ang nararamdaman.

Sa bawat emosyon na nararamdaman at nakagagawa ng kaukulang


kilos upang mapamahalaan ito ng wasto ay tumutugon sa iyong
Emotional Quotient (EQ) o Emotional Intelligence. Bawat tao ay may
kaniya-kaniyang antas ng EQ.

Ang komunikasyon sa pamilya ay malaking bahagi sa tao sa kung


paano siya magpasiya sa kabila ng sidhi ng damdamin na kaniyang
nararamdaman
Mahalaga ang emosyon, kaya naman mahalaga rin na
ito ay mapamahalaang mabuti sapagkat malaki ang
epekto nito sa pakikipagkapuwa. Nararapat lamang na
kilalanin ang sariling emosyon upang mapamahalaan
nang mabuti.

You might also like