You are on page 1of 6

8

Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikalong Markahan - Modyul 2: MGA
ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN
AT KILOS
SA PANAHON NG PAGDADALAGA/PAGBIBINATA
Aralin
MGA ANGKOP1AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA/PA

Pangkalahatang Ideya

Madalas mo bang tingnan ang sarili mo sa salamin nitong mga nagdaang araw? Marahil napapansin
mo na ang malaki mong pagbabago mula noong ikaw ay nasa mga unang taon mo sa elementarya. Marami
kang ginagawa noon na ayaw mo nang gawin ngayon. At maging ang mga tao sa iyong paligid ay napapansin
mong nag-iiba na ng kanilang paraan ng pakikitungo sa iyo.
Nalilito ka na ba? Minsan tinatawag kang bata, minsan naman ay sinasabing dalaga o binata ka na.
Nakalilito talaga. Ikaw ay nasa yugto ng buhay mo na tinatawag na panahon ng unti-unting pagbabago
(transition period) o paglipat mula sa isang yugto ng buhay patungo sa susunod. Ikaw ngayon ay tumatahak sa
yugto ng pagdadalaga o pagbibinata (adolescence). Upang lubos na makilala ang sarili, napakarami mong
kailangang maunawaan tungkol sa yugtong ito.
Ang modyul na ito ay mayroon isang aralin:
- Pagtanggap sa sarili

Layunin
Pagkatapos ng mga gawain ay kaya kong:
1 suriin at alamin ang mga pagbabagong nagaganap sa aking sarili;
2. isa-isahin ang mga pagbabagong nagaganap sa aking sarili noon at ngayon;

Panimulang Pagtataya
Gawain A
Panuto : Isulat ang titik K kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at titik O kung opinyon. Isulat ang
sagot sa kwaderno sa ESP.
1. Ang pagbabagong pisikal ay nagbubunsod ng pagbabago sa emosyon ng isang kabataan.
2. Maraming nagaganap na pagbabago sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.
3. Hindi ako dapat mabahala sa mga pagbabagong nagaganap sa aking pagkatao (pisikal, mental,
sosyal) dahil natural lamang ang mga ito.
4. Kahit na sa panahon ng ating pagkabata dapat na ating paunlarin ang ating buhay ispiritwal o moral.
5. Ang pagiging dalaga’t binata ay nagsisimula sa gulang labintatlo hanggang labinsiyam.
6. Nais mapabilang ng isang nagdadalaga at nagbibinata sa pangkat ng mga kaedad niya sapagkat
dito uunlad ang kanyang katauhan at pagkatao.
7. Ang mga kabataan ay madaling maimpluwensiyahan ng mga taong nasa paligid nila.
8. Ang panahon ng kabataan ay isang mahalagang yugto na nag-uugnay ng pagkabata sa pagiging matanda.
9. Ang kabataan ay yugto ng mga pangarap.
10. Hindi magiging mabuting pinuno ang mga kabataan dahil sa kakulangan ng mga karanasan.

Aralin
Gawain 1
Panuto: Nakita mo ba ang graphic organizer na nasa ibaba? Kopyahin ang
graphic organizer na ito sa iyong kwaderno sa EsP at isulat sa loob ng mga parisukat ang
iyong mga sagot sa tanong na nasa ibaba.
1. Ano-ano sa palagay mo ang mga pagbabagong nagaganap o napapansin mo sa iyong sarili?
Gawain 2
Panuto: Tingnan at suriin ang mga larawan sa ibaba, at itala sa inyong kuwaderno sa EsP ang
mga positibong pagbabagong napapansin mo sa iyong sarili ayon sa bawat kategorya sa bawat
bilang sa ibaba. Magtala ng limang pagbabago sa sarili. Sundin ang pormat sa ibaba. Gawin
mong gabay ang halimbawa sa unang kategorya.
A. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing
edad (Pakikipagkapwa)

1. Lalong lumalalim ang pakikipagkaibigan sa mga kapwa babae/lalaki.


2. Ibinabahagi ang ilang mga problema sa mga malapit na kaibigan at hinihingi ang kanilang
opinyon.
3. Nagkakaroon ng interes sa mga katapat na kasarian nagkakaroon ng Crush
4. Iniiwasan ang pakikipag-away.
5. Hindi lang sa paglalaro kasama ang mga kaibigan, maging sa mahahalagang proyekto sa
paaralan.
Ngayon, ikaw naman
A. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad
(Pakikipagkapwa).

1.
2.
3.
4.
5.
B. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan sa lipunan.

1. _
2. _
3. _
4. _
5.
C. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala nito.
1. _
2. _
3. _
4. _
5. _

D. Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa / sa lipunan.

1.
2.
3.
4.
5.

E. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya.

1.
2.
3.
4.
5.

PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA


Ang sumusunod ay mga palatandaan ng pag-unlad bilang isang nagbibinata/ nagdadalaga. Ang mga
ito ay tinatawag na inaasahang kakayahan at kilos. Maaaring ang iba ay naglalarawan sa iyo o maaaring ang
iba naman ay hindi mo dapat gawin.
Mga Palatandaan ng Pag-unlad sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata sa Iba’t ibang aspekto:
 Nagiging mahusay sa debate at pakikipagtalakayan
 Mas nakapagmememorya
 Nakapag-iisip ng lohikal tungkol sa mga konsepto
 Nasusundan at nasusuri ang paraan at nilalaman ng sariling pag-iisip
 Nakagagawa ng mga pagpaplano sa kinabukasan
 Nahihilig sa pagbabasa
 Nararamdamang may halaga sa mundo
Pangkaisipan

 Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo, marka sa klase, at


pagbabago sa pangangatawan
 Panggagaya sa kilos at estilo ng mga hinahangaan
 Madalas malalim ang iniisip
Pandamdamin  Nagiging mapag-isa sa tahanan

 Pagiging independente sa mga magulang at dumadalang na makasama


ang pamilya
 Ang tinedyer na lalaki ay karaniwang nag-aalangang magpakita ng
pagtingin o pagmamahal.
 Karaniwang ayaw sa labis na paghihigpit ng mga magulang
 Nagkakaroon ng maraming kaibigan
 Nababawasan ang pagiging malapit sa katulad na kasarian.
Panlipunan  Ang mga babae ay higit na nagpapakita ng interes sa katapat na kasarian.
 Madalas na hindi makasundo ang mga nakababatang kapatid

 Alam kung ano ang tama at mali


 Pinag-isipang mabuti ang mga pasya sa buhay.
 Pantay ang pakikitungo sa kapwa.
 Madalas may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa
 Hindi magsisinungaling
Moral

Balikan ang sumusunod na palatandaan. Sa iyong palagay, alin dito ang naglalarawan sa iyo? Ang lahat
ng mga pagbabagong ito ay kailangan mo upang makatawid sa susunod na yugto ng buhay, ang pagiging
ganap na binata o dalaga.

Ebalwasyon
Ngayon, tapos ka na sa pagsasagawa ng modyul, suriin natin kung ano ang iyong natutunan.

Panuto : Suriin at alamin ang mga pagbabagong nagaganap sa bawat sitwasyon. Piliin ang titik sa loob ng
kahon at isulat ang napiling sagot sa iyong kwaderno sa EsP.

A. Pangkaisipan
B. Panlipunan
C. Pandamdamin
D. Moral

1. Nahihiya na si Ana na makipaglaro ng habulan sa mga kabataang lalaki mula nang siya ay nasa
paaralang sekundarya na.
2. Unti-unti nang nababawasan ang pagiging malikot ni Manuel tuwing siya ay nakikipag-usap sa mga
babae.
3. Nakikinig na si Marie sa mga aral ng pari sa tuwing siya ay nagsisimba ngayon.
4. Noong nasa elementarya pa si Jose ay palagi siyang lumiliban sa klase. Ngayong nasa sekundarya na
siya, naisip niyang kailangan niyang mag-aral nang mabuti para magkaroon siya ng magandang
kinabukasan.
5. Si Jose ay nahihiyang ipakita ang kanyang nararamdaman kay Andra dahil natatakot siyang mawala ang
kanilang pagkakaibigan.
6. Bata pa lang si Joe, mahilig na siyang sumali sa mga programa ng kanilang barangay, tulad ng
pagtatanim at paglilinis.
7. Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ni Henry, pinili niyang ilaan ang kanyang panahon para sa
pagtulong sa mga batang lansangan.
8. Sa kabila ng kahirapan na nararanasan ni Roger, nagpupursigi pa rin siya na makapag-aral upang
makamit niya ang kanyang pangarap sa buhay.
9. Bata pa lamang si Marco, mahilig na siyang magbasa ng Bibliya / Koran at umama sa kanyang mga
magulang kapag may ispiritwal na pagtitipon. Palaging tinutukso ni Roy si Melisa dahil siya ay maliit.
Subalit ngayon ay
gusto niyang laging kausap si Melisa.
10. Noong bata pa si Maria, lagi niyang ipinagdadasal na pasalubungan siya ng candy ng kanyang ama.
Subalit ngayon ay ipinagdadasal na niya ang kaligtasan ng kanyang ama tuwing ito ay umaalis ng bahay.
11. Kapag malakas ang ulan ay laging naliligo sina Rina, Mel at Yna. Subalit ngayon ay pinagmamasdan na
lamang nila ang ulan habang nagkukuwentuhan.
12. Nahihiya na si Fe kapag siya ay pinagagalitan ng kanyang ina lalo na kung mayroon silang bisita sa
kanilang bahay.
13. Noong bata pa si Jomar, palagi lang siyang mapag-isa, hindi lang sa paaralan kundi pati na rin sa
tahanan, subalit noong nagbibinata na mahilig na siyang pumunta sa kanyang mga kaibigan upang
makipagkwentuhan.
14. Sa sampung magkakapatid si Jossy ang pinakamagaling sa debate, palagi nalang siyang nanalo sa mga
paligsahan kaya nga lubos ang paghanga ng kanyang mga magulang.
Panuto: Sumulat ng isang repleksiyon o pagninilay tungkol sa paghahambing ng iyong sarili noon at ngayon.
Gamiting gabay sapagsulat ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa kwaderno sa EsP.
1. Paano mo ihahambing ang iyong sarili noon at sarili ngayon?
2. Naibigan mo ba ang mga pagbabago sa iyong sarili bilang nagdadalaga/nagbibinata? Ipaliwanag.
3. Ano ang ibig sabihin ng mga pagbabagong ito sa iyo bilang isang nagdadalaga/nagbibinata?
4. Makatutulong ba ang mga pagbabagong ito sa iyo? Sa paanong paraan?
5. May masama bang maidudulot sa iyo ang mga pagbabagong ito? Sa paanong paraan?
6. Ano-ano ang mga nakatulong sa positibong pagbabago sa iyong buhay?

Rubric para sa Pagsusuri ng Repleksiyon


5- Malinaw ang ipinarating na mensahe ng mga pangungusap sa repleksiyon.
4- Maayos na naisulat ang repleksyon pero may isa hanggang dalawang pangungusap na hindi malinaw na
naiparating,
3- Mayroong mahigit sa tatlong pangungusap na hindi malinaw ang mensahe at hindi maayos ang
pagkakasulat.
2- Mayroong mahigit sa limang pangungusap na hindi maayos ang pagkakasulat at hindi malinaw ang
mensahe.
1- Walang nagawang repleksiyon.

Magaling! Ikaw ay handing-handa na para sa susunod na Modyul.

You might also like