You are on page 1of 10

Pangalan: _________________________________________

Baitang/Seksyon: __________________________

Edukasyon Sa Pagpapakatao
MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON
NG PAGDADALAGA/PAGBIBINATA
WEEK 1
Self-Learning Module

Paglalarawan ng Paksa:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa
panahon ng pagdadalaga / pagbibinata, kakayahan at talento, hilig at pagkatao ng tao tungo sa pagtupad
ng mga tungkulin sa sarili, sa kapwa, sa bansa/ daigdig at sa Diyos at pagtatakda ng mithiin upang
mapanagutan ang kahihinatnan ng mga pasya at kilos.

Learning Competency (MELC):


 Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na 8 o 9 hanggang sa kasalukuyan sa
aspektong:

a. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing


edad (Pakikipagkaibigan).
b. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan.
c. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang pamamahala sa mga
ito.
d. Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa/ sa lipuanan.
e. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
f. Pagkilala ng tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga nagbibinata.

 Natatanggap ang mga pagbababagong nagaganap sa sarili sa panahon na may pagtataya sa mga
kilos tungo sa maayos na pagtupad ng kanyang mga tungkulin bilang nagdadalaga / pagbibinata.

Paksa:
MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON
NG PAGDADALAGA/PAGBIBINATA

Layunin:
At the end of the module the students can:
a. natutukoy ang mga pagbabagong nagaganap o napapansin sa sarili;
b. naitatala ang mga palatandan na hindi tinataglay at gagawain sa pagpapaunlad sa
sarili sa pamamagitan ng graphic organizer; at
c. nakagagawa ng repleksiyon tungkol sa paghahambing ng sarili noon at ngayon.

Subukin:

Gawain A
Panuto : Isulat ang titik K kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at titik O kung opinyon. Isulat ang sagot
sa kwaderno sa ESP.

1. Ang pagbabagong pisikal ay nagbubunsod ng pagbabago sa emosyon ng isang kabataan.


2. Maraming nagaganap na pagbabago sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.
3. Hindi ako dapat mabahala sa mga pagbabagong nagaganap sa aking pagkatao (pisikal, mental, sosyal)
dahil natural lamang ang mga ito.
4. Kahit na sa panahon ng ating pagkabata dapat na ating paunlarin ang ating buhay ispiritwal o moral.
5. Ang pagiging dalaga’t binata ay nagsisimula sa gulang labintatlo hanggang labinsiyam.
6. Nais mapabilang ng isang nagdadalaga at nagbibinata sa pangkat ng mga kaedad niya sapagkat dito
uunlad ang kanyang katauhan at pagkatao.
 Purok 6 Poblacion Barobo, Surigao del Sur
0907 699 0817/09514102746
@ ranariocathlyn@momanian.com
7. Ang mga kabataan ay madaling maimpluwensiyahan ng mga taong nasa paligid nila.
8. Ang panahon ng kabataan ay isang mahalagang yugto na nag-uugnay ng pagkabata sa pagiging matanda.
9. Ang kabataan ay yugto ng mga pangarap.
10. Hindi magiging mabuting pinuno ang mga kabataan dahil sa kakulangan ng mga karanasan.

Gawain B
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa bawat bilang. Isulat
ang titik ng pinakaangkop na sagot sa iyong kwaderno sa EsP.
1. Ang mga sumusunod ay mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan
at kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao MALIBAN sa:
a. Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay
b. Nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong sitwasyon
c. Nagtuturo sa isang nagdadalaga/nagbibinata ng mga nararapat gawin na akma sa kanilang edad
d. Nagsisilbing pangganyak o motibasyon upang gawin ng isang nagdadalaga/nagbibinata ang inaasahan
sa kanya ng lipunan
2. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata MALIBAN sa:
a. Pagsisikap na makakilos ng angkop sa kanyang edad
b. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
c. Pagtamo at pagtanggap nang maayos na ugali sa pakikipagkapwa
d. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad
Para sa bilang 3 - 4

Pagtuntong ng isang bata sa kanyang ikalabintatlong taon, nagsisimula ang matulin at madaliang pagbabago
sa kanyang pag-iisip at pag-uugali. Kung dati ay kuntento na ang isang batang lalaki sa paglalaro, ngayon ay tila naaakit
na siyang tumingin sa kababaihan. Gayundin ang isang batang babae, nagsisimula na rin siyang kumilos na tulad sa
isang ganap na babae. Sa panig ng kalalakihan, nagiging masilakbo ang kanilang pag-iisip at pag-uugali, laging tila
humaharap sa hamon na susubok sa kanilang katapangan. Nagiging mapangahas sila sa anumang bagay, waring
ipinagwawalambahala ang panganib, nagkukunwaring hindi nababalisa sa anumang suliranin. Ito ang panahon kung
saan tila naghihimagsik ang isang kabataan, waring di matanggap ang katotohanang hindi pa siya ganap na lalaki at
nagpupuyos ang kalooban na pasubalian ito sa mundo. Ito ang panahon na ang isang lalaki ay wala pang
napapatunayan sa kanyang sarili at sa iba, kaya napakalaki ng kanyang kawalan ng seguridad, laging humahanap ng
pagkakataon na ipakita ang kanyang kahalagahan. Sa panig ng kababaihan, ang isang nagdadalaga ay nagsisimulang
iwanan ang daigdig ng mga manika at laruan, nag-iingat na kumilos nang magaslaw o tila bata. Isa siyang bulaklak na
nagsisimulang mamukadkad.
3. Ano ang pangunahing paksa ng sanaysay?
a. Ang pagbabago sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata
b. Ang mga karanasan na pinagdaraanan ng mga nagdadalaga/nagbibinata.
c. Ang damdamin, ng mga nagdadalaga/nagbibinata sa mga pagbabagong kanilang pinagdaraanan
d. Ang pagkakaiba ng pagbabagong pinagdaraanan ng isang nagdadalaga at nagbibinata
4. Ano ang pangunahing pagkakaiba na inilarawan sa sanaysay sa pagitan ng isang nagdadalaga at nagbibinata?
a. Ang nagbibinata ay walang seguridad at ang nagdadalaga ay nakararamdam ng kalituhan.
b. Ang nagbibinata ay nagiging mapangahas at ang nagdadalaga ay hindi na naglalaro ng manika at iba
pang laruan.
c. Ang nagbibinata ay nagiging masidhi ang pag-iisip at damdamin at ang nagdadalaga ay nagsisimulang
maging pino sa kanilang kilos.
 Purok 6 Poblacion Barobo, Surigao del Sur
0907 699 0817/09514102746
@ ranariocathlyn@momanian.com
d. Ang nagbibinata ay nagsisimulang maging matapang at ang nagdadalaga ay nagsisimula nang kumilos na
tulad ng isang ganap na babae.
Para sa bilang 5.
Palaging sinasabi ni Rosemarie sa kanyang sarili na hindi siya perpekto, alam niyang sa bawat pakakamali ay
mayroong siyang matututuhan. Hinahasa ni Stephanie ang kanyang kakayahang suriin at tayahin ang kanyang sariling
mga pagtatanghal bilang isang mang-aawit. Hindi hinahayaan ni Anthony na talunin ng takot at pag-aalinlangan ang
kanyang kakayahan. Hindi natatakot si Renato na harapin ang anumang hamon upang ipakita niya ang kanyang
5. Ano ang mahuhubog kung ipagpapatuloy ng bawat isa ang kanyang gawi?
a. Tapang
b. Talento at kakayahan
c. Tiwala sa sarili
d. Positibong pagtingin sa sarili

Talakayan:

Madalas mo bang tingnan ang sarili mo sa salamin nitong


mga nagdaang araw? Marahil napapansin mo na ang malaki mong
pagbabago mula noong ikaw ay nasa mga unang taon mo sa elementarya.
Marami kang ginagawa noon na ayaw mo nang gawin ngayon. At maging
ang mga tao sa iyong paligid ay napapansin mong nag-iiba na ng kanilang
paraan ng pakikitungo sa iyo.

Nalilito ka na ba? Minsan tinatawag kang bata, minsan naman ay


sinasabing dalaga o binata ka na. Nakalilito talaga. Ikaw ay nasa yugto ng
buhay mo na tinatawag na panahon ng unti-unting pagbabago (transition
period) o paglipat mula sa isang yugto ng buhay patungo sa susunod. Ikaw ngayon ay tumatahak sa yugto ng
pagdadalaga o pagbibinata (adolescence). Upang lubos na makilala ang sarili, napakarami mong kailangang
maunawaan tungkol sa yugtong ito.

PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA


Ang sumusunod ay mga palatandaan ng pag-unlad bilang isang nagbibinata/ nagdadalaga. Ang mga ito ay
tinatawag na inaasahang kakayahan at kilos. Maaaring ang iba ay naglalarawan sa iyo o maaaring ang iba naman ay
hindi mo dapat gawin.
Mga Palatandaan ng Pag-unlad sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata sa Iba’t ibang aspekto:

 Nagiging mahusay sa debate at pakikipagtalakayan


 Mas nakapagmememorya
 Nakapag-iisip ng lohikal tungkol sa mga konsepto
 Nasusundan at nasusuri ang paraan at nilalaman ng sariling pag-
iisip
 Nakagagawa ng mga pagpaplano sa kinabukasan
Pangkaisipan  Nahihilig sa pagbabasa
 Nararamdamang may halaga sa mundo
 Purok 6 Poblacion Barobo, Surigao del Sur
0907 699 0817/09514102746
@ ranariocathlyn@momanian.com
 Pagiging independente sa mga magulang at dumadalang na
makasama ang pamilya
 Ang tinedyer na lalaki ay karaniwang nag-aalangang magpakita ng
pagtingin o pagmamahal.
 Karaniwang ayaw sa labis na paghihigpit ng mga magulang
 Nagkakaroon ng maraming kaibigan
 Nababawasan ang pagiging malapit sa katulad na kasarian.
Panlipunan  Ang mga babae ay higit na nagpapakita ng interes sa katapat na
kasarian.

 Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo, marka sa klase,


at pagbabago sa pangangatawan
 Panggagaya sa kilos at estilo ng mga hinahangaan
 Madalas malalim ang iniisip
 Nagiging mapag-isa sa tahanan
Pandamda
min

 Alam kung ano ang tama at mali


 Pinag-isipang mabuti ang mga pasya sa buhay.
 Pantay ang pakikitungo sa kapwa.
 Madalas may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa
 Hindi magsisinungaling
Moral

Gawain 1
Panuto: Nakita mo ba ang graphic organizer na nasa ibaba? Tukuyin at isulat sa loob ng mga parisukat ang iyong
mga sagot sa tanong na nasa ibaba.

1. Ano-ano sa palagay mo ang mga pagbabagong nagaganap o napapansin mo sa iyong sarili?


Halimbawa:
Pagbabago sa katawan

Pakikipag-ugnayan Pabago-bago ang emosyon


sa kapwa Tinedyer

Paghahanda sa Papel na Gagampanan sa Pamilya


Kinabukasan
Paghahanda sa Pga-asawa
Sariling pagpapasya at Pagpapamilya
Pagtatamo ng mga Pagpapahalaga
at Tuntunin ng Moralidad

 Purok 6 Poblacion Barobo, Surigao del Sur


0907 699 0817/09514102746
@ ranariocathlyn@momanian.com
Gawain 1.1
Panuto: Tingnan at suriin ang mga larawan sa ibaba. Tukoyin ang mga positibong pagbabagong napapansin mo sa
iyong sarili ayon sa bawat kategorya sa bawat bilang sa ibaba. Magtala ng limang pagbabago sa sarili.
Sundin ang pormat sa ibaba. Gawin mong gabay ang halimbawa sa unang kategorya.
A. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad
(Pakikipagkapwa)

1. Lalong lumalalim ang pakikipagkaibigan sa mga kapwa babae/lalaki.


2. Ibinabahagi ang ilang mga problema sa mga malapit na kaibigan at hinihingi ang kanilang opinyon.
3. Nagkakaroon ng interes sa mga katapat na kasarian nagkakaroon ng Crush

 Purok 6 Poblacion Barobo, Surigao del Sur


0907 699 0817/09514102746
@ ranariocathlyn@momanian.com
4. Iniiwasan ang pakikipag-away.
5. Hindi lang sa paglalaro kasama ang mga kaibigan, maging sa mahahalagang proyekto sa paaralan.
Ngayon, ikaw naman
A. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad
(Pakikipagkapwa).

1. _______________________________________________________
2. _______________________________________________________
3. _______________________________________________________
4. _______________________________________________________
5. _______________________________________________________

B. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan sa lipunan.

1. ________________________________________________________
2. ________________________________________________________
3. ________________________________________________________
4. ________________________________________________________
5. ________________________________________________________
C. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala nito.

 Purok 6 Poblacion Barobo, Surigao del Sur


0907 699 0817/09514102746
@ ranariocathlyn@momanian.com
1. ________________________________________________________
2. ________________________________________________________
3. ________________________________________________________
4. ________________________________________________________
5. ________________________________________________________

D. Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa / sa lipunan.

1. _________________________________________________________
2. _________________________________________________________
3. _________________________________________________________
4. _________________________________________________________
5. _________________________________________________________

E. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya.

 Purok 6 Poblacion Barobo, Surigao del Sur


0907 699 0817/09514102746
@ ranariocathlyn@momanian.com
1. _________________________________________________________
2. _________________________________________________________
3. _________________________________________________________
4. _________________________________________________________
5. _________________________________________________________

Gawain 2

Panuto: Itala ang mga palatandaang sa palagay mo’y hindi mo pa tinataglay at


ano ang iyong gagawin upang makamit ang mga ito at mas mapaunlad
pa ang iyong sarili. Ang unang bilang ay ginawa na para sa iyo.

Mga Palatandaan ng Pag-unlad na Ang Aking Gagawin Mula Ngayon


Nais Makamit
Halimbawa: Ang aking gagawin mula ngayon, kailangan na may marami rin
1. Pakikipag-ugnayan sa mga nakakatanda akong kaibigan na mas matanda pa sa akin

2.

3.

4.

5.

6.

Masaya ako dahil mahusay mong nasagot ang iba’t ibang gawain. Ngayon, nalaman mo na ang mga
pagbabagong nagaganap sa iyong sarili, positibo man o negatibo. Ano-ano sa palagay mo ang mga dapat mo pang
gawin upang mas mapaunlad ang iyong sarili?
1.____________________________________________________________
2.____________________________________________________________
3.____________________________________________________________

 Purok 6 Poblacion Barobo, Surigao del Sur


0907 699 0817/09514102746
@ ranariocathlyn@momanian.com
Activity 3
Panuto: Sumulat ng isang repleksiyon o pagninilay tungkol sa paghahambing ng iyong sarili noon at ngayon.
Gamiting gabay sa pagsulat ang mga tanong sa ibaba.

1. Paano mo ihahambing ang iyong sarili noon at sarili ngayon?


_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
2. Naibigan mo ba ang mga pagbabago sa iyong sarili bilang nagdadalaga/nagbibinata? Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
3. Ano ang ibig sabihin ng mga pagbabagong ito sa iyo bilang isang nagdadalaga/nagbibinata?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
4. Makatutulong ba ang mga pagbabagong ito sa iyo? Sa paanong paraan?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
5. May masama bang maidudulot sa iyo ang mga pagbabagong ito? Sa paanong paraan?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
6. Ano-ano ang mga nakatulong sa positibong pagbabago sa iyong buhay?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

Rubric para sa Pagsusuri ng Repleksiyon


5- Malinaw ang ipinarating na mensahe ng mga pangungusap sa
repleksiyon.
4- Maayos na naisulat ang repleksyon pero may isa hanggang dalawang
pangungusap na hindi malinaw na naiparating,
3- Mayroong mahigit sa tatlong pangungusap na hindi malinaw ang
mensahe
at hindi maayos ang pagkakasulat.
2- Mayroong mahigit sa limang pangungusap na hindi maayos ang

 Purok 6 Poblacion Barobo, Surigao del Sur


0907 699 0817/09514102746
@ ranariocathlyn@momanian.com
Mga bagay na dapat tandaan:
”Ang pagdadalaga at pagbibinata ay hindi panahon para magpasarap. Ito ay panahon para makapag-
ipon upang makapaghanda sa hinaharap.” –Elaine Ramirez

Sangunian:
Mga Aklat

Edukasyon sa Pagpapakatao 7, (2012). Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Department of Education
Edukasyon sa Pagpapakatao 7, (2012). Patnubay ng Guro. Pasig City: Department of Education
Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 1, ph.11/12

Mula sa Internet

Retrieved from DepEd Learning Resource Portal:


http://lrmds.deped.gov.ph/detail/23/5331
http://cpnhs.com/smf/index.php?topic=167.0

Inihanda ni:

CATHLYN O. RANARIO
Guro

Sinuri ni: Iniwasto ni:


MARIA LOU T. CALINIAHAN LUZ L. ESPERA
Guro ng ESP 9 School Principal

 Purok 6 Poblacion Barobo, Surigao del Sur


0907 699 0817/09514102746
@ ranariocathlyn@momanian.com

You might also like