You are on page 1of 16

Edukasyon sa Pagpapakatao 7

Unang Markahan

Aralin 1: PAGKILALA AT PAMAMAHALA SA MGA PAGBABAGO SA


SARILI

Pamantayang Pangnilalaman
 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa inaasahang kakayahan at
kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talent at kakayahan, hilig,
at mga tungkulin sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
Pamantayan sa Pagganap
 Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng
limang inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon
ng pagdadalaga/pagbibinata
Mga Kasanayang Pampagkatuto
 Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na 8 o 9
hanggang sa kasalukuyan
 Naipaliliwanag na ang paglinang ng mga angkop na inaasahang
kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata
Tiyak na mga Resulta ng Pagkatuto
 Nabibigyang pansin ang pagbabago ng sarili, kilos at kakayahan;
 Nakapagtatalang tumpak ng mga katangian ng nakaraan at sa mga
pagbabagong kasalukuyan;
 Nakapagsulat ng repleksyon patungkol sa pagdadalaga/pagbibinata; at
 Natutukoy ang mga negatibong aspeto ng sarili at makapagbigay ng
positibong pagtingin.
Pagganyak

Bakit mahalaga ang pagkilala sa sarili?

Bakit mahalaga ang paglinang ng mga


angkop na inaasahang kakayahan at
kilos sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata?
15
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Unang Markahan

Panimula
Ang yugto ng pagdadalaga/pagbibinata ay yugto ng kalituhan, hindi
lamang para sa iyo kundi maging sa mga taong nasa sapat na gulang sa iyong
paligid. Alam kong nararamdaman mo na ang napakaraming pagbabago sa iyong
sarili sa yugtong ito ng iyong buhay, sa iyong pangangatawan, sa iyong
damdamin, at sa iyong pakikitungo sa iyong kapwa. At alam kong malinaw na
saiyo na kinakailangan mong harapin ang napakaraming pagbabagong ito.
Kailangan hand aka at taglay mo ang mga kaalaman na makatutulong sa iyo
upang maging matatag ka sa iyong pagharap sa hamon ng
pagdadalaga/pagbibinata.
Mahalagang maunawaan mo ang bawat tao ay may inaasahang
kakayahan at kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng buhay na dapat
tugunan o gampanan. Kailangan ito upang malinang ang kanyang mga
kakayahan at matamo anng kaayusan sa pamayanan. Mahalagang kilalanin ang
mga inaasahang kakayahan at kilos na ito lalo nasa yugto ng maagang
pagdadalaga/pagbibinata (early adolescence).
Diskusyon
May tatlong mahalagang layunin ang inaasahan kakayahan at kilos
(developmental tasks) sa bawat yugo ng pagtanda ng tao.

Una, nagsisilbing gabay ang mga ito kung ano ang inaasahan ng
lipunan sa bawat yugto ng buhay. Mahalagang maunawaan ang
mga ito upang matamo ang mga kasanayang angkop ditto.
Mahalagang isagawa ito sa ilalim ng patnubay ng magulang at
mga guro.

Pangalawa, nagsisilbing pangganyako motibasyon ang mga ito sa


binatilyo/dalagita upang gawin niya ang mga inaasahan sa aknya ng
lipunan.

Pangatlo, malilinang ang kakayahang iakma ang kanyang sarili sa mga bagong
sitwasyon; kaya’t maiiwasan ang stress o nakahihiyang reaksyon dahil
makapaghahanda siyang harapin ang mga ito.

Sa panahon ng pagdadalaga/ pagbibinata, may walong inaasahang kakayahan at


kilos ayon kay Havighurst (Hurlock, 1982, p.11). Ang mga ito ay:
15
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Unang Markahan
1. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations)
sa mga kasig edad.
2. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki.
3. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang
pamamahala sa mga ito.
4. Pagtamo at pagtanggap ng katanggap tanggap na asal sa
pakikipagkapwa.
5. Pagkakaroon ng kakayahang mapag-isa sa mga magulang o may sapat na
gulang (adults)
6. Paghahanda para sa paghahanapbuhay.
7. Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya.
8. Pagkakaroon ng mga ahlaga (values) at gabay sa mabuting asal.

1. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-


ugnayan (more mature relations) sa mga
kasig edad. Bago dumating ang yugto ng
pagdadalaga/pagbibinata, ang isang bata ay
madalas na nakikipag-ugnayan sa kapwa
batang kapareho ng kanyang kasarian.
Halimbawa, kung babae ka, mas gusto mong
kalaro ang kapwa mo babae. Para sa isang
bata, mahalaga ang pagkakaroon ng kalaro
dahil ito ang magtuturo sa kaniya ng
pakikipag-ugnayan. Sa puntong ito,
makakatulong sa iyo ang mga sumusunod na
hakbang:

a) Alamin mo kung ano talaga ang iyong


nais. Kailangang malinaw sa iyo kung ano
ang iyong nais sa isang pakikipag-ugnayan.
Halimbawa, gusto mong magkaroon ng
maraming kaibigan na na maari mong
ituring na parang sarili mong kapatid dahil
ikaw ay nag-iisang anak. Makakatulong ito
sa iyo upang makalikha ng mga hakbang
kung paano mo gagawing ganap ang iyong
pakikipag-ugnayan.
15
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Unang Markahan
b) Ipakita ang tunay na ikaw. Huwag
kang mahiya ipakita sa mga kakilala mo ang
tunay na ikaw o tunay mong pagkatao.
Matuto kang ipahayag ang iyong pagtutol sa
mga bagay na labag sa kabutihan. Ang
pagtanggap ng iyong mga kaibigan sa
aspetong ito ng iyong pagkatao ay
nangangahulugang pagtanggap sa tunay na
ikaw nang walang halong pagkukunwari.
c) Panatilihing bukas ang komunikasyon.
Ang pagbabahagi ng iyong nararamdaman,
ninanais, mga plano, mga takot, kasiyahan
at iba pa ay mahalaga tungo sa isang ganap
na pakikipag-ugnayan. Mas makabuluhan
ang pakikipag-ugnayan kung walang
tinatago sa bawat isa.
d)
Tanggapin ang kapwa at kaniyang
tunay na pagkatao. Ang pakikipag-
ugnayan ay walang kondisyon. Mahalagang
tanggapin ang isang tao bilang tunay na
siya. Hindi makatutulong kung ganap mong
babaguhin ang tao ayon sa iyong nais.

2.
Pagtanggap ng papel sa lipunan na
angkop sa babae o lalaki. Ang mga
nagdadalaga/nagbibinata ay bumubuo ng
kanilang sariling kahulugan ng pagiging lalaki
o babae. Ngunit hindi pa rin naiaalis na
ibatay ito sa nakagisnang kultura.
Halimbawa, ang lalaki ay malakas, matapang
at ang babae naman ay mahina. Ang
kanilang pagkakaibang bayolohikal ang
nagtutulakupang magkaroon ng ganitong
pananaw. Ngunit hindi nararapat na lagyan
ng hangganan ang kakayahn ng bawat isa
batay lamang sa kanyang katangiang
bayolohikal.
15
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Unang Markahan
3. Pagtanggap sa mga pagbabago sa
katawan at paglapat ng tamang
pamamahala sa mga ito. Sa yugto ng
pagdadalaga/pagbibinata, mabilis ang mga
pagbabago sa katawan kung ikukumpara sa
ibang yugto ng buhay, maliban sa sa unang
dalawang taon ng sanggol. Sa isang
binatilyo/dalagita, ang pagkakaiba niya sa iba
at bilis ng paglaki ng mga bahaging ito ay
maaring maging dahilan ng kawalan ng
kapanatagan (insecurity).

4. Pagtamo at pagtanggap ng katanggap


tanggap na asal sa
pakikipagkapwa/lipunan. (Desiring and
achieving socially responsible behavior).
Habang lumalaki ka at nagkakaisip, nakikita
mo ang unti-unting paglawak ng iyong mundo.
Mula sa iyong tahanan,lumalawak ito habang
nadaragdagan ang iyong edad. Ang pagiging
mapanagutan sa pakikipag kapwa ay lagpas sa
simpleng paggalang sa kapwa, ito ay ang pag-
unawa at pagbibigay halaga na hindi
nabubuhay ang tao para lamang sa kaniyang
sarili. Kailangan natin ang ibang tao upang
tunay na Makita ang ganda at halaga nu
buhay. Para sa isang nagdadalaga/nagbibinata,
mahalaga ito upang tunay na makilala ang
kaniyang pagkatao, upang matukoy kung saan
siya nababagay (fit) sa lipunan at upang
mabuo ang kaniyang tiwala na makibahagi sa
anumang agwain o trabaho.

5.
Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng
maingat na pagpapasya. Ang isang bata ay
labis na palaasa sa kaniyang mga magulang.
Hindi siya makapagpapasya kung hindi nasa
ilalim ng kanilang pag gabay. Makararamdam
lamang siya ng seguridad kung alam niyang
15
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Unang Markahan
nariyan sila upang suportahan at tulungan
siya.

6. Paghahand
a para sa

paghahanapbuhay. Sa ating lipunan,


iminumulat ang mata ng mga
nagdadalaga/nagbibinata na sa yugtong ito
kailangan nilang matutunan ang mga
kakayahan na kinakailangan upang ihanda
ang kanilang sarili na makakuha ng
magandang hanap-buhay sa hinaharap.

7. P a g h a h a n d
Kasama sa mga kakayahan at kilos na dapat
malinang sa isang nagdadalaga/nagbibinata
ay ang mapaghandaan ang pag-aasawa at
pagpapamilya. Ngunit mahalagang
maunawaan na ganap lamang na matatamo
ang kakayahang ito sa huling yugto ng
pagaddalaga/pagbibinata at sa maagang
yugto ng pagtanda (adulthood).

8. P a g k a k a r o o
Sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata,
kailangan na mahubog ang iyong sistema ng
halaga at paniniwalaa. Bibigyang-tuon sa
mga susunod na aralin ang pagtalakay sa
paksang ito.
15
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Unang Markahan

Pangalan: ___________________________________ Petsa: ____________


Baitang/Pangkat: _______________________ Iskor: ____________

Gawain 1

Panuto: Itala ang mga positibong pagbabagong napansin mo sa iyong sarili


ayon sa bawat kategorya sa bawat bilang sa ibaba. Magtala ng limang
pagbabago sa sarili. Pagkatapos, gumupit o gumuhit ng isang larawan na sa
iyong palagay ay nagpapakita ng mga kategoryang ito. Idikit ito sa isang short
bondpaper. Sundin ang pormat sa ibaba. Gawin mong gabay ang halimbawa sa
unang kategorya.

HALIMBAWA:
a. Pakikipag-ugnayan sa mga kasingedad

1. Lalong lumalim ang pakikipagkaibigan sa kapwa babae/lalaki.


2. Ibinabahagi ang ilang problema sa mga malapit na kaibigan at
hinihingi ang kanilang opinyon.
3. Nagkakaroon ng interes sa mga katapat na kasarian; nagkakaroon
ng crush.
4. Iniiwasan ang pakikipag away
5. Hindi lang sa paglalaro kasama ang mga kaibigan pati na rin sa
mahahalagang proyekto sa paaralan.

Ngayon, ikaw naman:

a. Pakikipag-ugnayan sa mga kasingedad


15
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Unang Markahan
1. ___________________________________
2. ___________________________________
3. ___________________________________
4. ___________________________________
5. ___________________________________
b. Papel sa lipunan bilang babae o lalaki
1. _________________________________
2. _________________________________
3. _________________________________
4. _________________________________
5. _________________________________

c. Pamantayan sa asal sa pakikipagkapwa


1. _________________________________
2. _________________________________
3. _________________________________
4. _________________________________
5. _________________________________

d. Kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasya


1. _________________________________
2. _________________________________
3. _________________________________
4. _________________________________
5. _________________________________

Gawain 2

Panuto: Punan ang tsart sa ibaba. Sa hanay ng “Ako Ngayon”, isulat ang mga
pagbabagong iyong itinala sa unang gawain. Sa hanay ng “Ako Noon”, itala
naman ang iyong katangian noong ikaw ay nasa gulang na 8 hanggang 11 taon.

Profayl ko, Noon at Ngayon


Halimbawa:
Ako Noon (Gulang na Ako Ngayon
8-11)
Pakikipag-ugnayan sa Hal. Kalaro ko ang aking Hal. Karamay ko ang
mga kasing-edad mga kaibigan. mga kaibigan ko sa mga
hinaharap na suliranin.
Papel sa lipunan bilang Hal. Tungkulin ko ang Hal. Nagtatrabaho at
15
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Unang Markahan
babae/lalaki maging isang mabuting nag-aaral ako para
mag-aaral. makapasok sa mas
mahusay na trabaho.
Pamantayan sa asal sa Hal. Masunurin ako s Hal. Sumusunod ako sa
pakikipagkapwa autos ng aking mga batas upang maka iwas
magulang dahil alam nila sa suliranin.
ang mabuti para sa akin.
Kakayahang gumawa ng Hal. Ang aking mga Hal. Ginagawa ko kung
maingat na pagpapasya magulang ang ano ang alam kong
nagpapasya para sa makakabuti sa akin at sa
akin. aking pamilya.

Ikaw naman:

Ako Noon (Gulang na Ako Ngayon


8-11)

Pakikipag-ugnayan sa
mga kasing-edad

Papel sa lipunan
bilang babae/lalaki

Pamantayan sa asal
sa pakikipagkapwa
15
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Unang Markahan
Kakayahang gumawa
ng maingat na
pagpapasya

Gawain 3

Panuto: Sa iyong dilaw na dyornal, sumulat ng isang repleksiyon o pagninilay


tungkol sa paghahambing na iyong ginawa. Gawing gabay sa pagsulat ang mga
tanong sa ibaba.

1. Paano mo ihahambing ang iyong sarili noon at ngayon?

2. Naibigan mob a ang mga pagbabago sa iyong sarili bilang


nagdadalaga/nagbibinata? Ipahiwatig.

3. Ano ang ibig sabihin ng mga pagbabagong ito sa iyo bilang isang
nagdadalaga/nagbibinata?

4. Makatutulong ba ang mga pagbabagong ito sa iyo? Sa paanong


paraan?

5. May masama bang maidudulot sa iyo ang mga pagbabagong ito?


Sa anong paraan?
15
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Unang Markahan

Balikan ang sumusunod na palatandaan. Alin dito ang


sa iyong palagay ay naglalarawan sa iyo? Ilang palatandaan
ang naglalarawan sa iyo sa bawat aspeto? Ang lahat ng mga
pagbabagong ito kailangan mo upang makatawid sa susunod
na yugto ng buhay, ang pagiging ganap na binata o dalaga.

PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA

Ang sumusunod ay mga palatandaan ng pag-unlad bilang isang


nagbibinata/nagdadalaga. Ang mga ito ay tinatawag na inaasahang kakayahan at
kilos. Maaring ang iba ay naglalarawan sa iyo o maaring ang iba naman ay hindi
mo dapat gawin.

Mga Palatandaan ng Pag-unlad sa Panahon ng Pagdadalaga at


Pagbibinata sa ibat-ibang aspeto:

PANGKAISIPAN
Nagiging mahusay sa pakikipagtalo at pakikipagtalakayan
Mas nakakapagmemorya
Nakapag-iisip ng lohikal tungkol sa mga konsepto
Nasusundan at nasusuri ang paraan at nilalaman ng
sariling pag-iisip
Nakagagawa ng mga pagpaplano sa hinaharap
Nahihilig sa pagbabasa
Nangagailangan na maramdamang may halaga sa mundo
at may pinaniniwalaan

PANLIPUNAN

Lumalayo sa magulang; naniniwalang makaluma ang mga


magulang
Ang tinedyer na lalaki ay karaniwang ayaw
magpakita ng pagtingin o pagmamahal
Karaniwang nararamdamang labis na mahigpit ang
magulang; nagiging rebelled
Dumadalang ang pangangailangang makasama ang pamilya
15
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Unang Markahan
Nagkakaroon ng maraming kaibigan at nababawasan ang
pagiging labis na malapit sa iisang kaibigan sa katulad na
kasarian
Higit na nagpapakita ng interes sa katapat na kasarian ang
mga babae kaysa mga lalaki

PANDAMDAMIN

Madalas mainitin ang ulo; kadalasan sa mga nakakatanda o


may awtoridad ipinatutungkol ang mga ikinagagalit
Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo, marka sa
klase,at pangangatawan
Nag-aalala sa kasikatan sa hanay ng kapwa mga tinedyer
Nagiging mapag-isa sa tahanan
Madalas malalim ang iniisip

MORAL

Alam kung ano ang tama at mali


Tinitimbang ang mga pamimilian bago gumawa ng pasiya o
desisyon
Pantay ang pagtingin o pakikitungo sa kapwa
Madalas ay may pag-aalala sa kapakanan ng iba
Hindi magsisinungaling

Paghihinuha ng Batayang Konsepto

Ano ang naunawaan mong mahalagang konsepto sa aralin? Isulat ito sa iyong
kuwaderno gamit ang kasunod na graphic organizer.

Ang paglinang ng
mga angkop na
inaasahang kakayahan Ay nakatulong sa
at kilos
15

(developmenta
tasks) sa
panahon ng
pagdadalaga/pagbibin
ata
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Unang Markahan
 _______________________________________

 _______________________________________

 _______________________________________

Pangalan: ____________________________ Petsa: __________


Baitang/Pangkat: ___________________ Iskor: ___________

Gawain 4

Pagsasabuhay

1. Tukuyin ang isang aspeto kung saan itinuturing mong mababa ang tingin
mo sa iyong sarili (Halimbawa: Hindi sapat ang iyong lakas ng loob na
lumapit sa mga kaklase o kakilala upang makipagkaibigan. Ngayon, mag
isip ka ng positibong pakikipag-usap sa sarili o self talk o mga bagay na
nais mong sabihin sa iyong sarili upang malampasan o unti-unting
mawala ang mga nararamdaman mong mababang pagtingin sa iyong
sarili. ISULAT ITO SA ISANG MAKULAY NA PAPEL o construction
paper.

Halimbawa: Mula sa probinsya, lumipat si Nica sa bagong paaralan sa


lungsod. Mataas ang kaniyang mga marka niya noong elementarya at
aktibo siya sa mga organisasyon sa paaralan. Ngunit pakiramdam niya
ay hindi siya tanggap ng kaniyang mga kaklase. Hindi kasi siya
masyadong mahusay magsalita ng Tagalog at madalas na
pinagtatawanan ng mga kamag-aral.

Mga positibong Pakikipag-usap sa Sarili (Self-Talk)


 “Kaya ko yan! Kaya kong harapin ang hamon ng hindi
pagtanggap ng iba.”
 “Hindi ko na lang sila iintindihin.”
 “Kailangang pahalagahan ko ang aking sarili.
15
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Unang Markahan

Ikaw naman:

2. Suriin ang paglalarawan ng iyong sarili sa iyong Facebook account.


Baguhin o dagdagan ng walong pang-uri na naglalarawan ng mga
bagong natuklasan sa sarili. Mag dikit ng isang larawan at sundin lamang
ang halimbawa sa ibaba. Gawin ulit ito sa isang makulay na papel o
construction paper.

Halimbawa:

Larawan ng sarili

Mga bagong natuklasan ko sa aking sarili

- Hindi na ako mahiyain kagaya ng dati.


- Naging palakaibigan na ako sa aking mga kaklase.
- Ako ay masipag na sa paggawa ng mga takdang-aralin.
- Mas tumangkad na ako dalawang pulgada.
15
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Unang Markahan
Ikaw naman:

Aralin 2: MATALIK KONG KAIBIGAN ANG AKING SARILI

Pamantayang Pangnilalaman
 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa inaasahang kakayahan at
kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talent at kakayahan, hilig,
at mga tungkulin sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
Pamantayan sa Pagganap
 Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng
limang inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon
ng pagdadalaga/pagbibinata
Mga Kasanayang Pampagkatuto
 Pagtatamo ng bago at ganap na pagkikipag-ugnayan (more mature
relations) sa mga kasing edad (Pakikipagkaibigan)
 Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan
 Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang
pamamahala sa mga ito
Tiyak na mga Resulta ng Pagkatuto
 Nabibigyang pansin ang pagbabago ng sarili, kilos at kakayahan;

Panimula

Ang makadama ng mabuti sa sarili ay pagpapatunay na ikaw ay isang


kahanga-hangang tao- dahil talaga naming ikaw ay tunay na kahanga- hanga!
Ang pakiramdam na ito ng pagiging mabuti mabuti ay nagmumula hindi lamang
sa pagmamahal sa iyo, kundi maging sa kakayahan mo na makapagbigay ng
15
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Unang Markahan
pagmamahal. At sa paningin ng mga taong nagmamahal sa iyo, wala kang
kailangang patunayan. Para sa kanila, ikaw ang pinakuna, ang pinakamatalino,
at ang pinakamagandang bata sa paligid.

Pagtalakay

Sabi ni Parker J. Palmer, isang Amerikanong manunulat at guro: “Ang


ating pinakamalalim na pagnanasa ay ang yumabong sa ating awtentikong sarili,
umaayon man ito o hindi sa isang larawan ng kung sino ang dapat tayo. Habang
ginagawa natin ito, hindi lamang natin matatagpuan ang kaligayahang
hinahanap ng bawat tao; matutuklasan din natin ang gating papel sa
paglilingkod sa mga tao sa daigdig. Ang ating paraan ng pag-iisip sa ating sarili,
pagtataya sa ating mga aksiyong, at pagtingin sa ating hinaharap ay
nakaiimpluwensiya sa ating paraan ng pag-iisip at pakikipag-ugnayan sa iba.

Ang maging kaibigan an gating mga sarili marahil ang pinakamahalagang


hagkbang sa ating pagsisikap na maging kung sino ang nais natin para sa ating
mga sarili. Upang gawin ito, kailangan nating Makita ang maraming mabubuting
bagay sa ating mga sarili upang Makita ang napakaraming posibilidad na
maihahandog ng buhay para sa atin. Kaialng nating tuklasin ang ating mga
kakayahan at dumaan sa proseso ng paghubog na muli ng ating mga sarili at
maging mas mabubuting tao hindi lamang para sa ating sariliing kapakanan
kundi pati rin sa iba.

Mailalarawan man natin ang ating mga pisikal na anyo sa kambas, ang
ating tunay na pagkatao ay mananatiling nakakubli. Ang mga damdamin tulad ng
kaligayahan, katuwaan, at pagkagalit ay bahagi lahat sa pigging ikaw. Hindi
masamang magalit o maging sumpungin; ang lahat ay nagkakaroon ng mga
emosyong ito kung minsan. Subalit dapat nating malaman kahit paano kung
bakit tayo nagagalit o sinusumpong. Hindi ito nanguangahulugang hindi natin
minamahal ng lubusan ang ating mga sarili at ang iba kapag tayo ay nagagalit.
Ang paraan ng pagharap natin sa ating galit ang nagbibigay ng kaibahan. 15

You might also like