You are on page 1of 4

MALAMASUSING BANGHAY ARALIN

SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

School Naval National High School Grade Level 8 (Batch 2)


Teacher Miraflor C. Margallo Learning Area ESP
Time & Dates June 2, 2022 (Huwebes) Quarter Fourth
Softball 2:00-3:00pm

I. Layunin:
 Nakikilala ang mga uri, sanhi at epekto ng mga umiiral na
karahasan sa paaralan (EsP8IP-IVc-14.1).
II. Nilalaman:
a. Paksa: Karahasan sa Paaralan

III. Kagamitang Pampagtuturo


a. Sanggunian:
Mignon, Regina C. et.al (2014). Edukasyon sa Pagpapakatao 8.
Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: FEP Printing
Corporation, pahina 314-334

Manota, Giselle T. (2020). Edukasyon sa Pagpapakatao –


Ikawalong Baitang, Alternative Delivery Mode, Ikaapat na
Markahan – Modyul 14.A: Karahasan sa Paaralan. Dumaguete
City, Negros Oriental, pahina 1-11.

b. Kagamitan: LAS sa ESP 8 (Linggo 5&6), aklat, chalkboard

IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagbati
3. Pagtsek ng Atendans
4. Pagbabalik-aral
Klas, anu-ano ang mga natalakay natin noong unang pagkikita?
5. Motibasyon
Magbibigay ng katanungan ang guro:
a. Klas, naranasan niyo na bang mabulas? O kayo mismo ang
nambubulas? Mayroon na ba kayong nasaksihan na
binubulas?
b. Ilahad ang iyong naranasan o nakita.
c. Ano ang naramdaman mo?

B. Paglalahad ng Aralin at Pagtatalakay


1. Paglalahad ng Aralin
Ilalahad ang paksa.
Magbibigay ang guro ng LAS ng ESP 8 Linggo 5-6 na may paksang
Karahasan sa Paaralan.

2. Pagtatalakay ng Aralin
Magkakaroon ng malayang talakayan hinggil sa paksa.
Narito ang mga gabay na tanong para sa malayang talakayan:
a. Ano ang sinasabing bullying?
b. Ano ang tatlong uri ng bullying?
c. Magbigay ng halimbawa sa bawat uri ng bullying.
d. Ano ang mga dahilan kung bakit nambubulas ang isang tao?

3. Paglalahat
Tatanungin ang mga mag-aaral hinggil sa natalakay.

C. Paglalapat
Panuto: Piliin kung anong uri ng pambubulas ang ipinapakita sa bawat
bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot.
a. Pasalitang Pambubulas
b. Sosyal o Relasyonal na Pambubulas
c. Pisikal na Pambubulas
______ 1. Pangungutya
______ 2. Pangungurot sa kapwa
______ 3. Pagpapahiya sa iyo sa harap ng maraming tao
______ 4. Panununtok sa kaklase
______ 5. Pagkumbinse sa ibang kaklase na huwag kaibiganin si
Maria.
______ 6. Pagkakalat ng tsismis tungkol sa iyong kaklase
______ 7. Pagmumura
______ 8. Biglang pag-alis ng upuan habang nakatalikod upang
matumba ang nakaupo.
______ 9. Paninipa sa ibang kamag-aral
______ 10. Sinisigawan ng isang lalaki ang kanyang kaklase na may
kapansanan sa katawan.

D. Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M naman
kung mali.
_______1.Ang pambubulas ay isang sinasadya at madalas na malisyosong
pagtatangka ng isang tao o pangkat na saktan ang katawan o isipan ng isa o mahigit
pang biktima sa paaralan.
_____2.Ang sosyal o relasyonal na pambubulas ay may layuning sirain ang
reputasyon at ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
_____3.Ang pisikal na pambubulas ay ang pagsasalita o pagsusulat ng
masasamang salita laban sa isang tao.
_____4.Ang pisikal na pambubulas ay pananakit sa isang indibidwal o pangkat at
paninira ng kanyang mga pag-aari.
_____5.Nakalulungkot na ang lugar na dating sagrado dahil dito dumadaloy ang
karunungan at katuwiran ay nababahiran nang karahasan.
_____6.Kailangan sa pagmamahal ang paggalang sa sarili sapagkat nakatutulong
ito sa pagbuo ng malusog at mapanagutang pananaw sa buhay.
_____7.Ayon sa isinagawang pag-aaral ni Karin E.Tusinski (2008) ang dahilan ng
pambubulas ng isang tao ay maaaring maugat sa pamamaraan ng pagpapalaki ng
kanyang mga magulang.
_____8.Natural lamang sa isang tinedyer ang makaranas ng pambubulas kaya
hahayaan nalang sila at huwag pansinin.
_____9.Maiwasan at masupil ng mga mag-aaral ang karahasan sa paaralan sa
pamamagitan ng pagmamahal sa sarili at sa kapwa at paggalang sa buhay.
_____10.Ang isang mambubulas ay may pagkiling sa mga gawaing masama at
nakasasakit ng kapwa at makikita ang kanilang malabis na pagnanais na
mangibabaw (dominance) sa lahat.

E. Takdang-aralin
Magsaliksik sa mga kung ano ang mga dapat gawin kung mayroong mang-bully sa
iyo. Isulat ito sa kwaderno.

V. Mga Puna
Seksiyon Puna
Softball

VI. Pagninilay

Softball (Batch 2) Pagninilay

Pumasa:
Di-pumasa:

Inihanda:

MIRAFLOR C. MARGALLO
Teacher I

Sinuri:

ELAINE JOY S. MEJIA


Head Teacher I

You might also like