You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VIII
MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG SAN JOSE
Brgy. 87 Manlurip San Jose,Tacloban City

DI – MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7


Ikalawang Markahan
Ika-07 ng Disyembre, 2023

I. Layunin

a. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-


unawa sa mga akdang pampanitikan ng Kabisayaan.
b. Pamantayan sa Pagganap: Naisusulat ng mga mag-aaral ang sariling
awiting- bayan gamit ang wika ng kabataan.
c. Kasanayan sa Pagkatuto: Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa
paghahambing (higit/mas, di-gaano, di-gasino, at iba pa) F7WG-IIc-d-8

II. Nilalaman
a. Paksang Aralin: Mga Pahayag sa Paghahambing
b. Kagamitang Panturo: mga larawang visual, ppt, meta strips, charts, at TV
c. Sanggunian: MELC, Modyul 6: Wika at Gramatika: Mga Pahayag sa
Paghahambing

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
a. Pagbabalik-aral
Ang guro ay may inihandang lipon o set ng mga pahayag na kinuha
mula sa alamat ng “Isla ng Pitong Makasalanan”. Magtatawag ang guro
ng dalawang mag-aaral at tutukuyin kung anong pahayag sa
paghahambing ang ginamit mula rito. Bago mag tungo sa gawain, ang
mag-aaral ay tatanungin sa susunod na katanungan:

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?


2. Ano-anong suliraning kinaharap ng pangunahing tauhan?
3. Kung ikaw ang isa sa mga dalaga, gagawin mo rin ba ang ginawang
pagsuway nito sa ama?

Mas mabilis ang bangka ng mga estranghero kumpara sa maliit na


bangka ng ama kaya hindi na niya nahabol ang kaniyang mga anak.

Kapwa magaganda ang pitong anak ng mangingisda


b. Pagganyak
Fact or Bluff
Hahatiin ng guro ang klase sa limang pangkat. Ang pangalan ng
unang pangkat ay “Suli-aw”, ikalawang pangkat “Limbasog”, ikatlong
pangkat “Sambisig”, ikaapat na pangkat “Haniti”, at ikalimang pangkat ang
“Hindigay”. Ang bawat pangkat ay pipili ng dalawang representante habang
ang natitirang miyembro ng pangkat ang magsisilbing bluffers. Ang
gawaing ito ay binubuo ng limang kategorya, pipili ang mga kalahok ng
katergorya at sasagutan ang mga katanungan. Ang kanilang sagot ay
maaring fact or bluff. Kung tama ang sagot, sila ay magkakaroon ng
puntos batay sa kung ano ang nakalaan sa bawat kategorya. Kung sino
man ang may pikamataas na puntos ay siyang tatanghaling panalo.

B. Pagtatalakay

a. Ipapaskil ng guro ang mga tamang sagot mula sa gawaing Fact or Bluff.
Tatalakayin ang mga ito.
b. Pagkatapos, ang guro ay may inihandang tekstong babasahin ng mga
mag-aaral. Kasabay nito tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga salitang
nakasalangguhit.

C. Pagsusuri
Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Tungkol saan ang tekstong binasa?


2. Mula sa tekstong binasa, ano-ano ang mga pahayag ng
paghahambing ang nakita mo?
3. Sa palagay mo, alin sa pahayag ang may paghahambing na
naganap?

D. Paglalapat
Gawain: TREASURE HUNT
Ito ay pangkatang gawain kung saan hahatiin ang klase sa limang
pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng printed na mapa ng San Jose,
Tacloban City. Mayroong mga salita na makikita sa bawat parte ng mapa.
Hahanapin ng mga mag-aaral ang mga salita at titipunin ito. Kung sinumang
pangkat ang mauuna na may pinakamaraming salitang nakalap sa loob ng
isang minuto (1 min.) ay siyang tatanghaling panalo. Ang pangkat na
mananalo, pipili ng isang pahayag sa paghahambing mula sa kanilang
nakalap at gagamitin ito sa isang pangungusap upang matanggap nila ang
karagdagang puntos.

Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
SAN JOSE,
Naipapakita ang kaalaman TACLOBAN
sa paggamit ng mgaCITY
pahayag ng
paghambing
Katumpakan ng pangungusap
LEYENDA
5 -Napakamahusay 2- Di- mahusay
4- Mahusay 1- Sadyang di- mahusay
3-Katamtamang Husay

IV. Pagtataya
Panuto: Gamit ang mga pahayag sa paghahambing na makikita sa panaklong.
Piliin at kompletuhin ang pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa sagutang
papel.

1. ___________ maginhawa ang buhay kung ang bawat isa ay magtutulungan


kaysa magsisiraan.
(Mas, Sing)
2. ___________ taas ang markang nakuha nina Mark at Mary sa pasulit.
(Magkasing, Mas)
3. ___________ ganda ng bahaghari ang buhay ng dalawang magkaibigan sa
ibang bansa.
(Kasing, Hari ng)
4. ___________ matalino si Zam at Khaela.
(Parehong, Tulad ng)
5. ___________ na mas magaling si Arthor kaysa kay John.
(Higit, Tulad ng)
V. Takdang Aralin
Panuto: Paghambingin ang panahon noon at ngayon batay sa pag-unlad
ng teknolohiya sa ating bansa. Gamitin ang mga salitang naghahambing sa
paglalarawan. Isulat ang sagot sa isang buong papel.

Noon at Ngayon
1.
2.
3.
4.
5.

Inihanda ni: Binigyan pansin ni:

RHEA F. ESCLEO ROSALYN V. ROSITE


Gurong Nagsasanay Gurong Tagapagsanay

Inobserbahan nina:

SALVACION C. MAQUILAN
Department Head – Filipino

LARRY P. PEÑALOSA
School Principal IV

You might also like