You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Papapakatao 8

I. LAYUNIN

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga karahasan sa


paaralan.

Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos upang maiwasan
at matugunan ang mga karahasan sa kanyang paaralan.

Mga Kasanayang Pampagkatuto:


a. Nakikilala ang mga uri, sanhi at epekto ng mga umiiral na karahasan sa paaralan (EsP8IPIVc-14.1).
b. Naipaliliwanag na may tungkulin ang tao kaugnay sa buhay- ang ingatan ang kanyang sarili at
umiwas sa kamatayan o sitwasyong maglalagay sa kanya sa panganib. Kung minamahal niya ang
kanyang kapwa tulad ng sarili, iingatan din niya ang buhay nito (EsP8IPIVd-14.3).
c. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang maiwasan at masupil ang mga karahasan sa kaniyang
paaralan.

II. NILALAMAN NG ARALIN

A. Paksa: Modyul 14: Karahasan sa Paaralan


B. MGA KAGAMITAN
Powerpoint Presentation, visual aid, cartolina, video clip, mga larawan, bola, audio

III. PAMAMARAAN

A. Pagbabalik-aral
i. Manalangin
ii. Pagbati
iii. Pagtatala ng Liban sa Klase
iv.Pagkakaroon ng pagbabalik –tanaw sa gawain noong nakaraang pagkikita.

B. Pagsisimula ng Bagong Aralin


i. Pagbabahagi sa klase ng mga layunin sa pagtuturo at pampagkatuto.

“Ikaw ba ay Mambubulas o Nabulas?”


Ang mga estudyante ay ipapasa ang bola sa kanilang katabi at hihinto lamang
kapag nawala na ang tugtog. Ang huling estudyante na may hawak ng bola ay
magbabahagi ng kanyang karanasan kung siya ba ay nabulas or siya mismo ang
nangbulas.

C. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

i. Pangkatang Gawain
a. Pangkatin sa limang grupo ang mga mag-aaral.
b. Panoorin ang video tungkol sa pambubulas na may pamagat na Kapuso Mo, Jessica
Soho : Bully learns his lesson upang matukoy ang mga uri, sanhi at epekto ng mga umiiral
na karahasan sa paaralan.
ii. Habang pinapanood ang mga video, itala ang hinihingi sa bawat grupo.
Pangkat 1 - Uri ng Pambubulas
Pangkat 2 - Sanhi ng Pambubulas
Pangkat 3 - Epekto ng Pambubulas
Pangkat 4 - Paano maiiwasan ang pambubulas?
Pangkat 5 - Pagkumbinsi sa mga kaklase na iwasan ang Pambubulas
iii. Ang bawat grupo ay bibigyan ng dalawang minuto para ibahagi sa klase ang kanilang
nailista. Maaari nila itong ibahagi sa malikhaing paraan na gusto nila tulad ng role
playing, pagguhit, interviewing/talk show, reporting o pagkanta.
D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto

- Presentasyon ng Bawat Grupo -

Ano ang Pambubulas?


Isang sinasadya at madalas na malisyosong pagtatangka ng isang tao o pangkat na saktan ang
katawan o isipan ng isa o higit pang biktima sa paaralan.

Pangkat 1
Uri ng Pambubulas
1. Pasalitang Pambubulas. Pagsasalita o pagsusulat ng masasamang salita laban sa isang tao.
2. Sosyal o Relasyonal na Pambubulas. Ito ay may layuning sirain ang reputasyon at ang
pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
3. Pisikal na Pambubulas. Ito ay ang pisikal na pananakit sa isang indibidwal o pangkat at paninira
ng kaniyang mga pag-aari.

Pangkat 2
Sanhi ng Pambubulas

Ang Nambubulas
Ayon sa isinagawang pag-aaral ni Karin E. Tusinski (2008) ang dahilan ng pambubulas ng isang tao
ay maaring maugat sa pamamaraan ng pagpapalaki ng kaniyang mga magulang.

Ang Binubulas
1. Kaibahang Pisikal(physically different).
2. Kakaibang Istilo ng Pananamit(dresses up differently).
3. Oryentasyong sekswal(sexual orientation).
4. Madaling mapikon (short-tempered).
5. Balisa at di panatag sa sarili (anxious and insecure).
6. Mababa ang tingin sa sarili (low self-esteem).
7. Tahimik at lumalayo sa nakararami (quiet and withdrawn).
8. 8. Wala kang kakayahang ipagtanggol ang sarili (inability to defend oneself) laban sa kanila.
Pangkat 3
Mga Epekto ng Pambubulas
1. May posibilidad na magkaroon ng labis na pagkabalisa, kalungkutan, suliranin sa pagtulog
(sleep difficulties), mababang tiwala sa sarili, maging sakit ng ulo at tiyan at pangkalahatang
tensiyon kumpara sa mga kabataan na hindi nagiging biktima ng pambubulas. Ang pambubulas
na ito ay magdudulot ng stress sa biktima na malaon ay magdudulot ng mahinang
pangangatawan laban sa sakit at impeksyon kung kaya mas marami sa nakararanas ng ganito
ay nagiging sakitin.
2. Ang biktima ng pambubulas ay madalas na kakaunti ang kaibigan o maaaring walang kaibigan.
Ayaw ding makipagkaibigan ng ibang mga mag-aral sa mga biktima ng pambubulas dahil sa
takot na maging sila ay maging biktima rin at hindi rin sila magustuhan ng ibang mag-aaral kapag
nakitang sila ay nakikihalubilo sa mga binubulas.
3. Sila mismo ay maging marahas, maaaring sa panahon ng pambubulas o sa hinaharap. Ang
karahasan na ito ay maaaring nilang gawin sa kanilang sarili, sa paaralan o maaaring sa taong
nambubulas sa kanila. Maaaring makagawa sila ng mas marahas na bagay lalo pa at naging
malabis ang sakit na kanilang naranasan mula sa mga nambubulas. Sila ay napipilitang gumanti
at makapanakit.
Pangkat 4
Pagmamahal sa SARILI, KAPWA, at BUHAY: Mga Sandata laban sa Karahasan sa Paaralan

Pangkat 5
Pagkumbinsi sa mga kaklase na iwasan ang Pambubulas
E. Pagsasabuhay

Commitment Wall

PANGAKO NG PAKIKIISA SA PAGKAMIT NG KAAYUSAN AT KAPAYAPAAN SA PAARALAN

Ako si _________________________ ay nangangakong maging __________________ sa pagkamit


ng kaayusan at kapayapaan sa paaralan sa pamamagitan ng _______________________________

Pangalan at Lagda

F. Paglalahat ng Aralin

Bakit mahalaga ang pag-iwas sa anumang uri ng karanasan sa paaralan at ang aktibong pakikisangkot
upang masupil ito?

IV. PAGTATAYA

Summative
I. Piliin kung anong uri ng pambubulas ang ipinapakita sa bawat bilang. Isulat ang titik ng
tamang sagot.
a. Pasalitang Pambubulas
b. Sosyal o Relasyonal na Pambubulas
c. Pisikal na Pambubulas

____1. Pangungutya
____2. Pagmumura
____3. Pagpapahiya sa iyo sa harap ng maraming tao
____4. Pagkakalat ng tsismis tungkol sa iyong kaklase
____5. Pagkumbinse sa ibang kaklase na huwag kaibiganin si Maria.
____6. Panununtok sa kaklase
____7. Pangungurot sa kapwa
____8. Biglang pag-alis ng upuan habang nakatalikod upang matumba ang nakaupo
II. Magbigay ng tatlong halimbawa ng sanhi at epekto ng pambubulas.

Sanhi ng Pambubulas Epekto ng Pambubulas


9. 10.

III. Bilugan ang tamang sagot.


15. Maiiwasan at masusupil ng mga mag-aaral ang karahasan sa paaralan sa pamamagitan ng ___.
a. pagsunod sa payo ng mga magulang
b. paggalang sa awtoridad ng paaralan
c. pag-aaral nang mabuti
d. pagmamahal sa sarili at sa kapwa at paggalang sa buhay

V. KASUNDUAN/KARAGDAGANG GAWAIN

Gumawa ng panghihikayat na masugpo ang karahasan sa paaralan.

Pangkat 1- Poster and Slogan


Pangkat 2- Tula
Pangkat 3- Jingle
Pangkat 4- Brochure (Ang bida ay ang miyembro ng grupo.)
Pangkat 5- Memes (Ang bida ay ang miyembro ng grupo.)
DEADLINE: February 20, 2019
RUBRIK

Krayterya 5 4 3 2
Orihinalidad Ang lahat ng ideya Iilan sa mga ideya Halos lahat ng ideya Lahat ng ideya ay
ay hindi katulad sa ay katulad sa ay katulad sa katulad sa kaklase.
kaklase. kaklase. kaklase.
Pagtutulungan ng Nagtulungan ang Mayroong 1-2 Mayroong 3-4 Mayroon 5 o mahigit
Myembro lahat ng mga myembro na hindi myembro na hindi myembro ang hindi
myembro. tumulong tumulong tumulong
Kabuluhan ng Makabuluhan ang Mayroong 1-2 hindi Mayroong 3-4 na Mayroong 5 o mahigit
output lahat ng nilalaman makabuluhang hindi makabuluhang pang hindi
ng output nilalaman nilalaman makabuluhang
nilalaman
Nakapagtala ng Nakapagtala ng Nakapagtala ng Nakapagtala ng isa Walang naitala na
mga angkop na apat o sobra na tatlo na mga na mga angkop na mga angkop na kilos
kilos o salita upang mga angkop na angkop na kilos kilos kilos o salita kilos o salita upang
makapanghikayat kilos o salita upang kilos o salita upang upang makapanghikayat
na masugpo ang makapanghikayat makapanghikayat makapanghikayat na masugpo ang
karahasan sa na masugpo ang na masugpo ang na masugpo ang karahasan sa
paaralan karahasan sa karahasan sa karahasan sa paaralan
paaralan paaralan paaralan

TOTAL

Inihanda ni: Inaprobahan ni:


ORDELYN M. GERONA MILA D. GIMENO
T-1/EsP Subject Teacher MT 1/EsP Coordinator

You might also like