You are on page 1of 7

Masusing Banghay Aralin sa ESP 8

I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa katapatan sa salita at gawa.

B. Pamantayang Pagganap:
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng katapatan sa salita at
gawa.

C. Paksang Aralin:
Nakikilala ang a. kahalagahan ng katapatan, b. mga paraan ng pagpapakita ng katapatan, at c.
bunga ng hindi pagpapamalas ng katapatan EsP8PB-IIIg-12.1

II. Nilalaman
Paksa: Katapatan sa Salita at Gawa
Sanggunian: ESP Curriculum Guide page 118, ESP 8 Module 12
Kagamitan: laptop, Powerpoint presentation, pictures, activity cards and activity sheets
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa integridad ng mga kinikilos

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Tumayo ang lahat upang manalangin.

2. Pagbati

Magandang umaga sa inyo. Magandang umaga po.

3. Pagtala ng Liban

May nagliban ba sa ating klase? Wala po, sir.

4. Pag-aalaala ng mga Pamantayan

Ating alalahanin ang mga pamantayan


tuwing tayo ay may aralin. Anu-ano ang mga ito? Umupo nang maayos.
Makinig sa guro.
Itaas ang kamay kung may
nais itanong o gustong
magsalita.

B. Panlinang na Gawain

1. Balik-aral

Ating balikan ang ating nakaraang aralin tungkol


sa mga iba’t ibang gawaing nakatutulong sa pangangailangan
ng ating kapwa.

Magbigay kayo ng iba’t ibang gawain na


magdudulot ng malaking tulong sa ating kapwa. - Magbigay ng tulong sa
nasalanta.

Magaling. Ano pa? Magbibigay ang mga


mag-aaral ng sagot.

C. Pagganyak

Ipakita ang poster.

ISIP O GAWA?

Naranasan niyo na ba na makaramdam ng


pagtatalo ng inyong isip at dapat gawin? May mga
bagay tayong iniisip ngunit iba ang ating nagagawa.

Ating suriin ang larawan na ito:

Pamilyar ba kayo sa larong Snakes and


Ladders? Opo, sir.
Magaling. Suriin natin ang larawan.
Anu-ano ang inyong nakikita? Nakikita namin ang
isang larawan ng matapat at di
matapat na bata.

Mahusay. Suriin kung anong bagay ang


nakadikit sa kanilang mga larawan.

Ano ang nakadikit sa larawan ng


matapat na bata? Ang nakadikit sa kanyang
larawan ay isang hagdan.

Tama. Ano naman ang nakadikit sa larawan


ng hindi matapat na bata? Ang nakadikit sa kanyang
larawan ay isang ahas.

Magaling. Kung ating lalaruin ito,


ano ang mangyayari sa manlalaro kung siya ay
napunta sa larawan ng matapat na bata? Ang manlalaro ay aakyat
papunta sa dulo ng hagdan.

Ano naman ang mangyayari kung ang


manlalaro ay natapat sa hindi matapat na bata? Ang manlalaro ay bababa
papunta sa buntot ng ahas.

Mahusay. Ano kaya ang ibig ipakahulugan


ng larong ito? Nais ipahiwatig ng laro na ang
matapat na tao ay
nagtatagumpay. Ang taong
hindi matapat ay hindi
nagtatagumpay.

Magaling. Ano pa? (Ang mga bata ay sasagot.)

D. Paglalahad

Ngayong araw ay ating alamin ang kahulugan


ng katapatan at ang mga paraan upang magawa ito.

E. Pagtalakay

(Ipaskil ang isang slogan.)

TEACHERS CALL IT CHEATING. STUDENTS CALL IT


TEAMWORK.
Basahin ang nakasulat sa slogan. (Magbabasa ang mga mag-aaral.)

Tungkol saan ang slogan? Ito po ay tungkol sa cheating o


pandaraya.

Tama. Ang pandaraya sa mga pagsusulit ay


isang gawain na madalas na nangyayari ngayon
sa kabataan.

Dahil sa marami ang gumagawa nito, hindi


na nila namamalayan na mali ang kanilang
ginagawa.

Ito ay nagdudulot ng maraming masamang


bagay. Magbigay ng isang epekto ng
pandaraya. Nagiging madaya tayo sa mga
mag-aaral.

Tama. Anu-ano pa? Hindi binibigyan ng respeto ang


guro.

Napipilitang magbigay ng sagot


ang mga mag-aaral.

Magaling. Dahil dito, nawawala ang pagiging


matapat ng isang tao. Ang pandaraya ay isang
uri ng pagsisinungaling. Ito ay isang pagbabaluktot
ng katotohanan.

Para mas lalo nating maintindihan ang suliraning


ito, ating alamin muna ang ibig sabihin ng katotohanan.

Ang katotohanan ay ang paggawa at pagsasabi ng


totoo kahit saan.

Kung kayo ang tatanongin, ano ang mainam na


solusyon upang maiwasan ang pangongopya tuwing may
pagsusulit? Mag-aral nang mabuti.

Anu-ano pa? Makinig sa guro.


Maging masipag sa pag-aaral.

Tama. Maaari rin tayong maging matapat sa iba


pang pamamaraan. Magbigay kayo ng isang sitwasyon
na kinakailangan ang pagiging matapat. Pagbalik ng sobrang sukli mula
sa tindahan.

Magaling. Anu-ano pa? Pagpapaalam sa magulang sa


mga pupuntahang lugar.

Mahusay. Ang lahat ng inyong nabanggit


ay tama.

Tatandaan natin na ang paggawa ng tama at


matapat ay kinakailangan sa lahat ng oras.

Pagpapahalaga:

Ang pagiging matapat ay hindi lang ginagawa


kung may nakatingin sa ating ibang tao. Kailangan
natin itong gawin kahit walang nakatingin sa atin.

Ang tawag dito ay integridad. Lagi nating


tatandaan na hindi natin kailangang makita ng ibang
tao upang gawin ang tama.

Ang pagiging matapat ay nakatataas ng halaga


sa sarili.

Isipin na lang natin ang ating mga mabubuting


manggagawa sa komunidad.

Hindi nila kailangan ng taong magmamasid sa


kanilang gawain sa lahat ng oras sapagkat sila ay
inaasahang magtaglay ng integridad sa kanilang
mga sarili.

Nawa’y mapanatili natin an gating integridad sa


kagaya nila.

Ano naman kaya ang maaaring mangyari o


ang mga magiging epekto kung tayo ay hindi naging
matapat sa ating mga gawain? Mababaluktot natin ang
katotohanan.

Tama. Anu-ano pa? Maaari nating maloko o


malinlang ang ibang tao.

Maaaring masira ang


ating relasyon sa ibang tao.

Magaling. Maliban pa rito, maaaring masira


ang ating reputasyon at magkasala sa ating Panginoon.

Ang mga ito ay hindi maganda sa pakiramdam.


Upang makaiwas sa mga ito, maging matapat tayo sa
lahat ng oras.

F. Paglalapat

Tayo ay magkakaroon ng isang pangkatang gawain.


Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat. Ang bawat pangkat ay
bibigyan ko ng isang activity card.

Kayo ay magpapakita ng isang maikling dula. Basahin


nang maigi ang sitwasyon sa mga activity cards.

Bago tayo magpatuloy, ating balikan ang mga


pamantayan sa pagsasagawa ng pangkatang gawain. Anu-ano
ang mga ito? Basahin ang panuto.
Tumulong sa pangkat.

Magaling.

Unang Pangkat:

Ikaw ay inutusang bumili sa isang tindahan. Napansin


mong malabo ang paningin ng nagtitinda at nabigyan ka niya
sobrang sukli. Ano ang inyong gagawin?

Ikalawang Pangkat:

Maaga kayong pinauwi ng inyong guro. Dahil maaga


pa para umuwi, napagkasunduan ng inyong mga kamag-aral
na mamasyal muna.

Inaasahan ng iyong mga magulang na uuwi ka sa


tamang oras. Ano ang iyong gagawin?

Ikatlong Pangkat

Ikaw ay nagtatrabaho sa isang grocery store.


Nagpaalam ang may-ari na aalis lang nang saglit. Habang
ikaw ay naglilinis, napansin mong naiwan niyang bukas
ang lalagyan ng pera. Ano ang iyong gagawin?

G. Paglalahat

Bakit mahalaga ang pagiging matapat? Ang pagiging matapat ay


mahalaga dahil ito ay
pagsasabi ng katotohanan.
Tama. May iba pang sagot? Ang pagiging matapat ay
mahalaga sapagkat
napapanatili natin ang
ating integridad.

Anu-ano naman ang mga paraan upang maipakita


ang katapatan? (Magbibigay ng sagot ang
mga mag-aaral.)

Anu-ano naman ang mga epekto ng hindi


pagpapamalas ng katapatan? (Magbibigay ng sago tang
mga mag-aaral.)

IV. Pagtataya

PAMANTAYAN SA PAGTATANGHAL
5 PUNTOS 3 PUNTOS 2 PUNTOS
Ang dula ay mahusay na Ang dula ay maayos na Ang dula ay hindi
TEMA tumugon sa temang tumugon sa temang tumugma sa temang
iniatas sa pangkat. iniatas sa pangkat. iniatas sa pangkat.
Ang mga aktor ay Ang mga aktor ay Ang mga aktor ay hindi
PAGTATANGHAL mahusay na nagpakita maayos na nagpakita ng napakita ng maayos na
ng kanilang dula. kanilang dula. pagtatanghal.
Ang mga mag-aaral ay Ang mga mag-aaral ay
Ang lahat ng mag-aaral
tumulong sa hindi nagtulungan sa
ay tumulong at
pagtatanghal. May pagtatanghal.
KOOPERASYON nakilahok sa
ibang kapangkat na nag-
pagtatanghal nang
alinlangan sa
buong husay.
pagtatanghal.
Kabuuang Puntos

V. GAWAING-BAHAY

Ilarawan ang isang matapat na mag-aaral. Isulat ito sa isang maikling talata.

Inihanda ni:

NIEL M. BAJAO

You might also like