You are on page 1of 4

DEPARTMENT OF EDUCATION

Region X
Division of Misamis Oriental
MEDINA NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Medina, Misamis Oriental

BANGHAY – ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8


January 28 – February 1, 2019
Ikaapat na Markahan
UNANG ARAW

I. LAYUNIN

Sa 60 – minutong aralin, ang mga mag-aaral sa ikawalong baitang ay inaasahang:


a. Natutukoy ang tamang pagpapakahulugan sa seksuwalidad.
b. Nasusuri ang napapanahong isyu ayon sa tamang pananaw sa seksuwalidad.

II. NILALAMAN

A. Tema : Modyul 13: Ang Seksuwalidad ng Tao


B. Paksa : Ang Seksuwalidad ng Tao
C. Kagamitan : ESP 8 Modyul sa Pag-aaral
D. Sanggunian : EsP8IPIVa-13.1, EsP8IPIVa-13.2

III. PAMAMARAAN

A. Pagbabalik Aral
Pagbabalik aral tungkol sa nakaraang leksyon: “Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa”.
Tanong:
1. Ano ang pasasalamat?
2. Ano-ano ang paraan ng pagpapakita ng Pasasalamat
3. Magbigay ng halimbawa sa “Entitlement Mentality”

1|ESP 8 – BB. KOKIE Z. TAYANES


B. Pagganyak

Gawain 4.1: Pagsusuri ng mga Comic Strip


Panuto: Kumpletuhin ang pag-uusap ng dalawang tauhan sa bawat comic strip. Gamit ang inyong natutuhan tungkol sa isip at kilos-loob,
matapat na sagutin ang pahayag na unang tauhan sa bawat comic strip. Isulat ang inyong sagot sa isang malinis na papel.

Tanong:

1. Sa inyong palagay, ano ang angkop na pamagat sa inyong comic strip?


2. Ano-ano ang natuklasan mo matapos ang ginawang pagsusuri?

2|ESP 8 – BB. KOKIE Z. TAYANES


C. Paglalahad

Nagbibinata o nagdadalaga ka na. Kaya ang mga interes mo ay nagbabago na rin. Ang mga dati mong kinahihiligan ay hindi na
nakalilibang sa iyo. Ang mga pisikal mong kakanyahan bilang lalaki o babae ay patuloy na lumalaki at nagiging ganap. Kasabay ng mga
pagbabagong ito ay napupukaw na rin ang iyong sekswal na interes. Hindi ito dapat na ikabahala o ikahiya. Bahagi ito ng proseso upang maging
ganap ang iyong pagkalalaki o pagkababae. Ang prosesong ito ay mahaba at hindi dapat na madaliin. Katunayan magpapatuloy ang paglago
mo bilang isang lalaki o babae hanggang sa iyong pagtanda.

D. Pagtatalakay

Tatalakayin ang tungkol sa Seksuwalidad.

Ano ang seksuwalidad?


Bakit hindi maaring ikumpara ang katutubong simbuyong seksuwal (sex drive) ng hayop sa seksuwal na pagnanasa ng tao?
Paano nagiging pundasyon ng tunay na pagmamahal ang puppy love? Ipaliwanag

E. Pagsasagawa

Gawain 4.2: Brainstorming


Panuto: Basahin ang sumusunod na artikulo tungkol sa ilang mga napapanahong isyu. Sagutin ang sumusunod na tanong sa isang buong
papel.

Pangkat A – Teenage Pregnancy


Pangkat B – Pornograpiya o Malaswang Babasahin at Palabas

F. Pagbubuod

Ang seksuwalidad ay …
Hindi maaring ikumpara ang katutubong simbuyong seksuwal (sex drive) ng hayop sa seksuwal na pagnanasa ng tao dahil …
Ang puppy love ay … ang tunay na pagmamahal naman ay …

G. Pagsasagawa/Pagtataya

Maikling Pagsusulit ( Tama o Mali)

3|ESP 8 – BB. KOKIE Z. TAYANES


IV. TAKDANG ARALIN

Repleksiyon:
______________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________.

Inihanda ni: Iniwasto ni:

MS. KOKIE Z. TAYANES, LPT MS. IMELDA ADA


Teacher 1 SSHT - III

4|ESP 8 – BB. KOKIE Z. TAYANES

You might also like