You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Region IV – MIMAROPA
Division of Oriental Mindoro
DOROTEO S. MENDOZA SR. MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Pagkakaisa, Naujan, Oriental Mindoro
____________________________________________________________________________
BANGHAY ARALIN
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Pebrero 8, 2019
9:45-10:45 (EAGLE)

I. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pang-


unawa sa mga karahasan sa paaralan.
II. PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Naisasagawa ng mga mag-aaral ang mga
angkop na kilos upang maiwasan at matugunan ang mga karahasan sa kaniyang
paaralan.
III. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: Nakikilala ang mga uri, sanhi at epekto ng
mga umiiral na karahasan sa paaralan.

Layunin
1. Nakapagbibigay ng sariling ideya ukol sa pagmamahal.
2. Nabibigyang-pansin ang iba’t-ibang isyu ng seksuwalidad.
3. Nakapagdedesisyon ng nag-aayon sa sitwasyon.
B. Nilalaman
1. Paksa: Karahasan sa Paaralan
2. Sangguian: Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul 14 pahina 367- 400
3. Kagamitan: Modyul, pantulong biswal,

C. Pamamaraan
1. Pang araw- araw na gawain
a. Panalangin
b. Pagbati sa mga mag-aaral
c. Pagsasaayos ng klase
d. Pagtatala ng liban
e. Pagbabalik- Aral
Ano ang pambubulas?

2. Paglalahad
Ipapakita ng guro ang layunin at ipapabasa sa mga mag-aaral.

3. Pagtatalakay
Suriin ang pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Niyaya ka ng kaibigan mo na manood ng sine na may markang Rated PG. Ito ay para lang
sa 18 taong gulang pataas,naisip mo na isang buwan na lang ay 18 taong gulang ka na. Ano
ang gagawin mo?
a. Sasama dahil malapit ka ng mag 18.
b. Hindi sasama dahil wala pa sa tamang edad.
c. Sasama at dadayain na lang ang edad.
2. May nakita kang malalaswang babasahin sa inyong bahay. Ano ang gagawin mo?
a. Basahin ito sapagkat sabi ng guro ay ugaliing magbasa.
b. Itago ito sa kwarto at patagong basahin.
Republic of the Philippines
Region IV – MIMAROPA
Division of Oriental Mindoro
DOROTEO S. MENDOZA SR. MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Pagkakaisa, Naujan, Oriental Mindoro
____________________________________________________________________________
c. Ibigay ito sa magulang upang ipatabi.
3. Niyaya ka ng kasintahan mo na makipagtalik sapagkat ito lamang ang paraan upang
mapatunayan mo sa kanya na mahal mo sya. Ano ang gagawin mo?
a.Hindi sasama dahil hindi ito ang batayan ng pagmamahal.
b.Hindi sasama sapagkat bata pa.
c. Hindi sasama dahil hindi pa kasal.
4. Ang seksuwal na interes ay dapat lamang na
a. Huwag madaliin sapagkat ito ay mahabang proseso.
b.Madaliin upang makasabay sa uso.
c. Huwag madaliin sapagkat mas masarap maging bata.
5. Magiging ganap at bukod tangi kang tao kung
a.May kaugnayan ang iyong pagiging babae o lalake sa pamilya o lipunan.
b. May kaugnayan ang iyong pagiging babae o lalake sa paaralan.
c.May kaugnayan ang iyong pagiging babae o lalake sa ehemplo ng mga kaibigan.
6. Ano ang natatanging bokasyon ng tao bilang tao?
a. Pagpapari
b. Makapagtapos ng pag-aaral
c. Magmahal
7. Ang seksuwal na pagnanasa sa tao ay maaari niyang supilin o hayaang mangibabaw sa
kanyang pagkatao Kung hahayaang mangibabaw, maaari itong magbunga maliban sa
a. Kakulangan sa kanyang pagkatao
b. Maging sanhi ng abnormalidad sa seksuwal na oryentasyon.
c. Maiwasan ang mga hindi kanais-nais na gawi.
8. Ano ang maaaring magandang bunga ng puppy love?
a. Mag-asawa ng maaga.
b. Mahanap ang tunay na pag-ibig.
c. Magkanobyo ng maaga
9. Ang magkatipan ay dapat nagpapakasal sapagkat
a. Nagmamahalan at nasa tamang edad na
b.Mayroon ng sanggol sa loob ng tiyan ng babae.
c. Ipinagkasundo ng magulang.
10. Ang pagmamahal ay isang
a.emosyon
b. birtud
c. pagpukaw sa diwa at pandama

Sanaysay:
a. Ano-ano ang apat na isyu ng seksuwalidad? Ipaliwanag ang bawat isa.(3 pts each)
b. Paano mo masasabing ikaw ay responsableng babae o lalake? (5pts)
c. Ano ang kahulugan ng pagmamahal? (3pts)
d. Ano ang pagkakaiba ng puppy love at true love? (5 pts)

D. TAKDANG- ARALIN
Bilang mag-aaral, ano ang gagawin mo kapag nakaranas ka ng pambubulas?
Republic of the Philippines
Region IV – MIMAROPA
Division of Oriental Mindoro
DOROTEO S. MENDOZA SR. MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Pagkakaisa, Naujan, Oriental Mindoro
____________________________________________________________________________

Hinanda ni:

ROMALYN Y. GUNO
Student Teacher

Sinuri ni:

MARIA AIZA A. DE LEON


Cooperating Teacher

You might also like