You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
DIVISION OF ORIENTAL MINDORO

Unang Mahabang Pagsusulit


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

Panuto: Basahing mabuti ang mga salaysay at sagutin ang mga katanungan. Piliin ang titik ng angkop na sagot.
1. Ang ginagamit ng tao sa paghahanap ng katotohanan?
A. Isip C. Kamalayan
B. Kilos-loob D. Puso
2. Mahirap magpakatao- Ito ay tumutukoy sa:
A. pagka-ano ng tao C. kamalayan ng tao
B. pagka-sino ng tao D. kaisipan ng tao
3. Ito ay tumutukoy sa pagiging hiwalay niya sa ibang tao?
A. indibidwal C. kaisipan
B. kasanayan D.persona
4. Aling yugto ng pagka-sino ng tao ang nagpapakita ng kanyang kabuuan, kaya hindi siya naiimlpuwensiyahan ng pananaw ng
nakararami?
A. Persona C. Indibidwal
B. Personalidad D. Pagmemeron
5. May kakayahan ang tao na gawing obheto ang kanyang sarili. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang tao ay may kamalayan sa sarili
B. Alam ng tao ang anumang bagay na may kaugnayan sa kanyang sarili
C. Maraming magagawa ang tao
D. Sa pamamagitan ng pagmumuni-muni, nalalaman ng tao ang hindi niya alam
6. Nakilala si Mother Theresa sa kanyang kagitingan sa .
A. pagsisilbi C. panlalamang
B. pagtatanim D. pag-awit
7. Alin ang dapat paunlarin ng tao tungo sa kanyang kaligayahan?
A. katangian ng pagpapakatao C. talento at kakayayan
B. pangarap at mithiin D. kasipagan at katapatan
8. Ito ay ang proyekto ni Joey Velasco upang imulat sa mga tao ang epekto ng kahirapan?
A. Hapag Kainan C. Hapag ng Pamilya
B. Hapag ng Pag-asa D. Hapag na Tataniman
9. Ito ay galaw ng damdamin patungo sa mga tao at iba pang bagay na may halaga?
A. pag-uutos C. pagmamatyag
B. pagmamahal D. pag-aalinlangan
10. Ang katangian ng pagpapakatao na nabubuo ayon sa kanyang nakikita?
A. buod at esensiya C. pangyayari
B. karunungan D. kwento
11. Ito ay tumutukoy sa Isip ng tao?
A. Intellect C. Will
B. Kilos –loob D. Ispiritwal
12. Ang kasama ng materyal na kalikasan ng tao.
A. Kilos-loob C. Emosyon
B. Ispiritwal D. Will
13. Ang mga panlabas na pandama ng tao, maliban sa:
A. paningin C. pandama
B. pandinig D. pang-isip
14. Ang pakultad na nakauunawa?
A. pang kaalaman C. kilos-loob
B. pagkagusto D. will
15. Ang binibigyan ng katwiran upang maimpluwensiyahan ang kilos-loob?
A. isip C. katwiran
B. will D. katoto
16. Ito ang kailangang matuklasan upang malinang ang kanyang pagka-sino?
A. mali C. kakayahan
B. katotohanan D. kasaysayan
17. Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapwa?
A. kamalayan sa sarili C. pagmamahal
B. pagmamalasakit D. artistic
18. Ang sumusunod ay tumutukoy sa panloob na pandama, maliban sa:
A. kalamayan C. memorya
B. instinct D. imahinasyon
19. Ano ang naaapektuhan kung ang pandama ay epektibo?
A. will C. katotohanan
B. isip D. paningin
20. Ang tao ay hindi tapos. Ibig sabihin: ang tao ay patuloy na:
A. nangangarap C. naglalakad
B. nabubuhay D. indibidwal
21. “Iwasan ang masama, at gawin ang ___”.
A. pangit C. mabuti
B. masama D. kaya lang
22. Ito ay natatanging kilos pangkaisipan at panghuhusga sa ating sariling katwiran?
A. konsiyensiya C. kabuhayan
B. kaisipan D. damdamin
23. Ito ay munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo sa tao at nag-uutos ng isang moral na pagpapasiya?
A. konsiyensiya C. damdamin
B. aral D. isip
24. Ang kamangmangan na obligado tayong alamin kung ano ang tama at mabuti?
A. madaraig C. katotohanan
B. di madaraig D. alamin
25. Ang Unang Yugto ng konsiyensiya?
A. pagkilatis sa partikular na kabutihan C. paghatol para sa mabuting pasya
B. pagsusuri ng sarili D. alamin at naisin ang mabuti
26. Ang paraan ng paghahanap ng tao ng katotohanan?
A. kaalaman C. kamangmangan
B. karamdaman D. aklat
27. Ang sumusunod ay mga paraan ng paghubog ng konsiyensiya , maliban sa?
A. isagawa ang paghahanap sa katotohanan C. likas na pakiramdam
B. regular na pananalangin D. antas ng superhero
28. Kailan mainam na masimulan ang paghubog ng konsiyensiya?
A. bata pa lang C. matanda na
B. dalaga/binata na D. patay na
29. Alin ang hindi kasali sa mga gagamitin sa paghubog ng konsiyensiya?
A. Puso C. kamay
B. Isip D. limos
30. Alin sa sumusunod ang kamangmangan na di madaraig?
A. pagbili ng murang cellphone dahil ninakaw
B. paglilimos ngunit ipinambisyo ng binigyan
C. pagpapainom ng gamot sa maysakit kahit di tiyak kung makabubuti ito
D. pagtawid sa maling tawiran dahil walang babala
31. Ang kalayaan ay nagmumula mismo sa loob ng tao. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang kalayaan ay matatagpuan sa sarili
B. hadalang ang sarili sa pagkamit ng kalayaan
C. niloob ng tao ang antas ng kanyang pagiging malaya
D. hadlang sa kalayaan ang sariling pag-uugali
32. Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan at ayon sa pagdedesisyon kung ano ang gagawin?
A. dahil ang tao ay may malayang kilos-loob
B. may likas na batas moral na gumagabay sa kanya
C. may kakayahan ang tao na gamitin ang kaniyang kosiyensiya
D. sapagkat ang tao ay may kakayahang pag-isipan ang mga ito
33. Alin ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
A. nagagawa ang mamasyal anumang oras na gustuhin
B. pag-amin sa pagkakamali at paghingi ng paumanhin sa ginawa
C. hindi pagiging mahiyain , nasasabi ang gustong sabihin
D. kahit pagod galing sa trabaho, sinamahan pa rin ang kapitbahay na isinugod sa ospital
34. Kakabit nito ang kakayahan ng taong tumugon sa obhektibong tawag ng pangangailangan ng sitwasyon?
A. pananagutan C. gawain
B. kalayaan D. balita
35. Kung ang pagiging mapanagutan ay hindi makapagbibigay ng kakayahang ipaliwanag ang kilos gayundin ang malayang kilos-loob
hindi masisigurong ang tao ay malaya.
A. tama C. maari
B. mali D. wala sa nabanggit
36. Kaliangang maging malaya ang tao mula sa?
A. makasariling interes C. katamaran/kapritso
B. pagmamataas D. lahat na nabanggit
37. Ano ang tinutukoy na mabuti?
A. ang pagkakaroon ng kalayaan C. ang kakayahan ng taong pumili ng mabuti
B. ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa D. ang magamit ang kalayaan sa tama at ayon sa inaasahan
38. Bakit kailangang lumaya ang tao mula sa sariling interes, pagmamataas, katamaran at iba pang negatibong pag-uugali?
A. nakasentro lamang siya sa kanyang sarili kaya hindi makamit ang kalayaan
B. magkaroon ng kabuluhan ang buhay kung walang ganitong katangian
C. nag-iiwan ito ng hindi magandang imahe sa pagkatao ng tao
D. nilalayuan ng ibang tao ang may ganitong mga pag-uugali
39. Para saan ang pagkakaroon ng kalayaan ng tao?
A. upang matamo ang layunin ng kanyan buhay sa mundo
B. para maging malaya ang tao sa pansariling kahinaan at maging malayang tumugon sa pamamagitan ng sitwasyon
C. para maging masaya ang tao sa buhay niya ang kanyang nais na walang nakahahadlang dito
D. upang malinang ang kakayahan ng taong piliin ang mabuti kaya ibinigay sa kanya ang kalayaan
40. Hindi mo maunawaan ang leksiyon ng inyong guro at nakababagot sa pakiramdam kaya nawalan ka ng interes
makinig sa kanya. Dahil dito wala kang natutuhan sa itinuro niya, sinisi mo ang iyong guro.
A. sang-ayon, dahil responsibilidad ng guro ang maipaunawa sa mga mag-aaral ang leksiyon
B. sang-ayon dahil kailangang mapaganda ang leksiyon para hindi nakababagot sa mag-aaral
C. di-sang-ayon, dahil may pananagutan ang tao sa kanyang kilos
D. di sang-ayon, dahil may kakayahan kang piliin ang iyong kilos

Inihanda nina:
JOCELYN M. ANDAYA
Ulongguro III

MARIA AIZA A. DE LEON


Guro E.S.P. 10

APRILYN G. PAGLINAWAN
Guro E.S.P. 10

Batid:
JOSIE R. PANAGSAGAN
Punongguro III

You might also like