You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ANGELES CITY
STO. DOMINGO INTEGRATED SCHOOL
SAN PEDRO ST., STO. DOMINGO, ANGELES CITY

Pangalan: ___________________________ Petsa: _______________


Baitan at Seksyon: ____________________________ Puntos: _______________

Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot

1. Ang tao ay nlikha sa wangis ng _____________.


A. Diyos C. Hayop
B. Tao D. Wala sa nabanggit

2. Ito ang iyong kakayahang tumutukoy sa kapangyarihan mong gumawa ng pasya o pumili ng mga bagay na gagawin, paggawa ng isang bagay na bukal sa iyong kalooban.
A. Intellect C. Kilos-Loob
B. Kaluluwa D. A and C

3. Alin sa mga sumusunod na sitwsasyon ang nagpapakita ng kilos-loob?


A. Kumain ng almusal C. Piliing gawin ang mabuti kahit mahirap
B. Mag dasal sa Panginoon D. Mag laro ng Mobile Legends

4. Bahagi ng Kilos-loob na naglalarawan bilang isang makatwirang pagkagusto. Ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama.
A. Kaluluwa C. Rational Appetency
B. Intellect D. Wala sa nabanggit

5. Maaaring ito ay tawag na tumulong sa __________ na nagpapakita ng pagmamahal na siyang pinagmumulan ng tunay na kaligayahan na hinahanap ng tao sa kaniyang
sarili.

A. Pamilya C. Kamag anak


B. Kapwa D. Wala sa nabanggit

6. Pinag-iisipang mabuti kung i-click ang isang larawan na makakaapekto sa iyong kaklase.
A.Tama C. Maaari
B. Mali D. Wala sa nabanggit

7. Ang ____________ ay ang kakayahan ng kaisipan sa paghuhusga ng tama o mali. Ito ay ang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo sa tao at nag-uutos sa
kaniya sa gitna ng isang moral na pagpapasiya kung paano kumilos sa isang kongkretong sitwasyon.
A. Kalayaan C. Katarungan
B. Hustisya D. Konsensya

8. Ito ang batayan ng kabutihan at ng konsensiya, at ang prinsipyo nito ay ang gawin ang mabuti, iwasan ang masama.
A. Likas na Batas Moral C. Euthanasia
B. Pagpapatiwakal D. Aborsyon

9. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay. Ang salaysay ay..
A. Tama C. Maaari
B. Mali D. Wala sa nabanggit

10. Ano ang iyong gagawing pagpapasiya sa sitwasyon na sumusunod sa batas moral. Pagkatapos ng klase ay niyaya si Janine ng kanyang mga kaklase na mag mall ngunit
sinabihan siya ng kanyang ina na umuwi agad pagkatapos ng klase.
A. Sumama sa mga kaklase at umuwi agad
B. Sumama sa mga kaklase bilang pakikisama
C. Sumunod sa ina dahil iyon ang kanyang bilin
D. Wala sa nabanggit

11. Pinili mong manahimik sa pag-uusisa ng iyong guro tungkol sa pambubulas (bullying) sa isang mag-aaral na iyong nasaksihan dahil sa takot. Aling salik ang nakakaapekto
sa kilos-loob na pinapakita ng sitwasyon?
A.Masidhing damdamin C. Kamangmangan
B.Takot D. Karahasan

12. Ayon sa kanya may pagkakasunod-sunod (sequence) ang pagsasagawa ng makataong kilos.
A. Descartes C. Socrates
B. Aquinas D. Aristotle

13. Ilang yugto ng pagsasagawa ng makataong kilos ayon kay Sto. Thomas de Aquinas?
A. 12 C. 5
B. 9 D. 6

14. Iniisip mong mabuti kung bibilhin mo ang damit na nakita mo sa mall, kung ito ba ay praktikal o hindi. Anong yugto ng makataong-kilos ang pinapakita ng sitwasyon?
A. Paghuhusga C. Praktikal na paghuhusga sa pinili
B. Pagpili D. Intensyon

15. Ang ________________ ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay.
A. Pakikipag kapwa C. Pagdadasal
B. Pag-sisimba D. Mabuting Pagpapasiya

16. Ito ay isang malalim na pagkaunawa gamit ang tamang konsensiya. Nagsisilbing gabay ito sa mga sitwasyon na kinakaharap mo sa ngayon at mula rito matututuhan mo na
ang moral na pagpapasiya ay isang kakayahan na may malaking kontribusyon sa anumang moral na dilemma.
A. Pagbabasa C. Pakikipagkapwa
B. Mabuting pagpapasiya D. Listening Process

17. Piliin ang tamang pagkakasunod-sunod upang makabuo ng tamang listening process.
1. Magkalap ng patunay
2. Isaisip ang posibilidad
3. Maghanap ng ibang kaalaman
4. Tinginan ang kalooban
5. Magtiwala sa Diyos
6. Magsagawa ng Pasiya

Address: San Pedro St., Sto. Domingo, Angeles City Page 1


Email: stodomingo.is@depedangelescity.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ANGELES CITY
STO. DOMINGO INTEGRATED SCHOOL
SAN PEDRO ST., STO. DOMINGO, ANGELES CITY

A. 1-3-2-4-6-5 C. 6-5-4-3-2-1
B. 2-3-1-4-6-5 D. 1-2-3-4-5-6

18. Ayon sakanya bawat makataong kilos, ang kilos-loob ang tumutungo sa isang layunin. Hindi makapaghahangad ng anuman ang isang tao kung wala itong pinakahuling
layunin at ito ay ang makapiling ang Diyos sa kabilang buhay.
A. Descartes C. Socrates
B. Aquinas D. Aristotle

19. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa mga salik na nakaaapekto sa resulta ng kilos, kung ito ay maituturing na mabuti o masama. Ang mga ito ang batayan sa
paghuhusga kung ang kilos ay moral o hindi.
A.Paraan C. Pagpapahalaga sa buhay
B. Layunin D. Sirkumstansya

20. Si Jimmy ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na mahal siya ng kaniyang mga kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga
tinututulungan, na ang itinutulong niya sa mga ito ay galing sa pangongotong na kinukuha niya sa kaniyang mga nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba ang kilos ni Jimmy?
A. Oo, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan
B. Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong.
C. Oo, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos
D. Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababaliwala pa rin ang panloob na kilos.

21. Ang paggalang bilang elemento na bumubuo sa kabutihang panlahat, naipakikita kapag ang karapatan ng isang mamamayan ay hindi natatapakan at naisasabuhay ayon sa
tamang gamit nito at napangangalagaan ang dignidad niya bilang tao.
A. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa
B. Paggalang
C. Kapayapaan
D. Pakikipag kapwa

22. Ang resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan, at kawalan ng kaguluhan. May kapayapaan kapag iginagalang ang bawat indibidwal at umiiral ang katarungan.
A. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa
B. Paggalang
C. Kapayapaan
D. Pakikipag kapwa

23. Ang isang taong may pinag-aralan hindi kailanman magiisip na gumawa ng anumang paglabag sa mga batas na ipinapatupad ng kaniyang bansa, bagkus ang kaniyang
natutuhan sa pag-aaral ay gagawin niyang paraan upang mahanapan ng solusyon at tulungan ang bansa sa problemang kinakaharap at haharapin nito.
A. Huwag pahuli C. Mag-aral ng mabuti
B. Mag sumite sa oras D. Wala sa nabanggit

24. Ang oras ay mahalaga. Ang maaaring maging susi upang maging positibo ang ibig sabihin ng Filipino Time, ang pagiging huli sa mga pagtitipon, programa, at ilan pang
gawain ay hindi nakatutulong sa pagsulong ng anumang grupo, organisasyon at sa kabuuan ng bansa.

A. Huwag pahuli C. Mag-aral ng mabuti


B. Mag sumite sa oras D. Wala sa nabanggit
25. Malaki ang pagkakaiba ng mga salitang kailangan (need) at kagustuhan (want). Ang pagkakaroon ng buhay na simple o payak ay nangangahulugang pamumuhay na
naaayon sa kung ano ang mga pangangailangan lamang.
A. Marangyang pamumuhay C. Mabuhay nang simple
B. Katamtamang buhay D. Lahat ng nabanggit

26. Maaaring mag-organisa ang isang tulad mo ng mga programa sa paaralan o maging sa baranggay ng isang programa ng pagtatanim ng mga puno o maging ng mga gulay sa
likod bahay.
A. Pag tatapon ng basura sa tamang lugar
B. Pag-aako ng responsibilidad
C. Pag tatanim ng mga Puno
D. Wala sa nabanggit

27. Ang dalawang suliraning nabanggit sa itaas ay nagdudulot ng polusyon. Ang hangin na ating nilalanghap, ang tubig na iniinom ay kailangan sa kalinisan at ang lupang
sumusuporta sa mga halaman ay unti-unting dumurumi dahil na rin sa maling gawain ng mga tao.
A. Pollusyon sa hangin, tubig, at lupa
B. Pollusyon sa kagubatan
C. Dumi sa kanal at estero
D. Dumi sa hangin

28. Ang Pilipinas ay nabiyayaan din ng mayamang karagatan at iba pang anyong tubig. Iba’t ibang uri ng isda ang naninirahan dito kung kaya nga’t maraming lugar dito sa atin
ang umaasa sa pangingisda bilang kanilang ikinabubuhay.
A. Labis na pag putol ng puno
B. Dami ng kalat ng tao
C. Pollusyon sa Hangin
D. Malabis at mapanirang pangingisda

29. Ito ay tumutukoy sa paguugali ng tao at mga kilos na nagpapakita nang labis na pagpapahalaga na kumita ng pera o kaya ay pagmamahal sa mga materyal na bagay sa halip
na ibang mga pagpapahalaga. Ang urbanisasyon naman ay ang patuloy na pag-unlad ng mga bayan namaisasalarawan ng pagpapatayo ng mga gusali tulad ng mga mall at
condominium units. A.Pollusyon C. Pagputol ng puno
B. Mapanirang Pangingisda D. Urbanisasyon

30. Ang malawakang pag-iiba-iba ng mga salik na nakaaapekto sa panahon na nagdudulot nang matinding pagbabago sa pangmatagalang sistema ng klima.
A. Pollusyon C. Urbanisasyon
B. Pagputol ng Puno D. Climate Change

Address: San Pedro St., Sto. Domingo, Angeles City Page 2


Email: stodomingo.is@depedangelescity.com

You might also like