You are on page 1of 3

4

{{{{

Mahabang Pagsusulit sa Edukasyon sa


Pagpapakatao
Ikalawang Markhan

Panuto: Basahin at unawang mabuti ang bawat tanong.


Piliin at shadedan ang titik ng pinakatamang sagot sa
bawat bilang.

1. Ito ay may kakayahan upang makapagbuo ng


pagpapasya, makapagbigay katwiran sa mga bagay-
bagay, makaunawa at makapagsuri sa mga
kaganapan sa kapaligiran.
A. Isip C. Kilos-loob
B. Dignidad D. Batas-Moral
2. Patuloy at walang katapusan ang paghahanap ng tao
ng katotohanan. Ano ang ibig sabihinng
pangungusap?
A. Kailangan ng tao ang padamdam upang makilala
ang mga bagay sa labas ng kanyang isip.
B. Walang kakayahan ang padamdam na makaalam
kaya kailanganng tao ang isip.
C. Ang pag-unawa ay nagaganap sa pamamagitan ng
pandama ng tao.
D. Hindi magkakaroon ng kaalaman ang tao pag wala
itong nararamdaman.
3. Ano ang kapangyarihan ng tao na pumili, magpasiya
at isakatuparan ang napili?
A. Isip C. Kilos-loob
B. Dignidad D. Batas-Moral
4. Nahuli ng gising si Julie sa umagaat mahuhuli na siya sa kanyang unang klase sa paaralan. Napuyat siya
sa kanonood ng telebisyon. Nagalit siya sa kaniyang ina dahil hindi siya ginising nang maaga.ano ang
dapat gawain ni Julie.
A. Dapat niyang isipin na may kakayahan siyang paumili ng kilos at hindi kasalanan ng kanyang ina
kung siya ay napuyat.
B. Dapat siyang magalit sa kaniyang sarili dahil hindi siyasanay gumising nang maaga.
C. Dapat ay magsilbing aral sa kaniya ito at ibilin nang mas maaga sa kaniyang ina ang paggising sa
kaniya.
D. Dapat niyang patawarin ang ina dahil hindi niya ito kasalanan at sisihin ang sarili niya sapagising ng
huli.
5. Alin sa sumusunod ang hindi pananagutan ng tao batay sa kaniyang dignidad?
A. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
B. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
C. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon.
D. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.
6. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
A. Sa paningin ng Diyos at ng Lipunan.
B. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
C. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito.
D. Sa pagdating ng huling yugto ng kaniyang buhay sa daigdig.
7. Kalian maaaring bumababa nagdignidad ng isang tao?
A. Kapag siya ay naging masamang tao.
B. Kapag itinuturing siyang kasangkapan ng ibang tao.
C. Sa sandaling nalabag ang kaniyang karapatang pantao.
D. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao.
8. Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?
A. Kumilos bilang kagalang-galang na individwal.
B. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang lagging makuha ang paggalang ng kapwa.
C. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging karapat-dapat sa kanilang
pagkilala.
D. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian mayroon kundi sa karangalan bilang tao.
9. Ang pinili ko ay masama kaya ako nagsisi. Ano ang kahulugan ng pangungusap?
A. Ang kasamaan ay bunga ng kalayaan.
B. Nagsisi ako dahil may kalayaan ako.
C. Ang kasamaan ay kaakibat ng mabuti.
D. Kalayaan ang pinanggalingan ng masama.
10. Nakita mo ang papel na may laman ng susi sa pagwawasto ng iyong pagsusulit para bukas sa ibabaw ng
lamesa ng iyong guro. Naiwan niya ito. Walang tao sa silid aralan ninyo at walang nakakaalam na nakita
mo ang papel. Anong kilos ang pipiliin mong gawin at bakit?
A. Ipagbibigay alam ko sa aking guro na naiwan niya ito dahil hindi dapat ito Makita ng mga mag-aaral
na tulad ko.
B. Kukunin ko at pag-aaralan ko upang hindi ako makakuha ng mababang marka sa pagsusulit naming
kinabukasan.
C. Sasabihin ko sa mga malapit kong kamag-aral upang makatulong sa kanila at sila ay pumasa.
D. Babasahin ko at iiwan ko lang sa lamesa upang malaman ko kung tama ba ang magiging mga sagot
ko sa pagsusulit.
11. Ano ang mas mataas na pamantayan na pinagbabatayan ng konsensiya sa paghuhusga ng mabuti at
masama?
A. Batas panlipunan C. Likas na Batas Moral
B. Mga turo sa simbahan D. Mga aral ng magulang
12. Alin sa mga sumusunod ang tama tungkol sa batas moral?
A. Ito ay batas na binuo ng lipunan upang magkaroon ng gabay ang bawat isa sa pagiging mabuti.
B. Ito ay pamantayan na dapat sundin ng lahat ng nilikha ng Diyos na may buhay.
C. Ito ang batayan ng paghuhusga sa kung ano ang tama at maling pasiya at kilos.
D. Ito ang nagbibigay ng kakayahan sa konsensiya na kilalanin ang mabuti at masama.
13. Ang Likas na Batas Moral ay hindi naiimpluwensiyahan ng anumang bagay lalo na ng pagtingin ng tao
rito. Ito ay nangangahulugang ang batas na ito ay:
A. Obhektibo C. Walang hanggan
B. Universal D. di nagbabago
14. Bakit nilikhang hindi parepareho ang lahat ng tao sa mundo?
A. Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya.
B. Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng talento at kakayahan na biyaya
ng Diyos sa iilang mga tao.
C. Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan tayong magsikap at
magpunyagi para sa pag-unlad ng ating pagkatao.
D. Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa dahil sa kanila natin matatanggap ang
ating mga pangangailangang materyal at ispiritwal.
15. Ano ang nagbibigay hugis o direksyon sa kalayaan?
A. Isip B. konsensya C. batas moral D. dignidad
16. Ayon kay Fr. De Torre, ang tao ay walang kakayahang gawin palagi ang anomang kanyang naisin. Ang
pangungusap ay:
A. Tama, dahil hindi ganap ang tao
B. Tama, dahil maraming bagay ang nais mangyari at gawin ang tao subalit hindi niya magawa ang mga
ito
C. Mali, dahil taliwas ito sa tunay na kahulugan ng kalayaan
D. Mali, dahil magagawa ng tao ang maraming bagay dahil mayroon siyang isip at kilos-loob
17. ”Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa nang mabuti.” Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil ang tao ay nilikha ng Diyos na taglay ang likas na kabutihan.
B. Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa
nang naaayon sa kabutihan.
C. Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa paghuhusga ng tao
D. Mali, dahil magkakaroon lamang ng kabuluhan ang kalayaan kung malayang magagawa ng tao ang
mabuti at masama.
18. Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos. Ang pangungusap na ito ay nangangahulugang:
A. Magiging malaya lamang ang tao kung ang kanyang ginawa ay kabutihan.
B. Ang kalayaan ng tao ay nagtatapos sa kanyang paglabag sa likas na batas moral
C. Hindi ganap na malaya ng tao, hindi siya maaaring mamili batay lamang sa kanyang nais
D. Lahat ng nabanggit
19. Bakit mahalagang hayaan ng isang magulang ang kanyang anak na sumubok, pumili at magpasya para
sa kanyang sarili?
A. Ito ang magbibigay sa kanila ng mga karanasang maaari nilang gamiting gabay sa mga isasagawang
pagpapasya sa hinaharap
B. Ang pagkakataong ibinibigay ng magulang ang magtuturo sa mga anak na sumunod mula sa pag-
unawa at pagmamahal at hindi sa pamimilit.
C. Maiiwasan ang pagrerebelde ng isang anak dahil sa labis na pagnanais ng magulang na magabayan
ang kanyang anak patungo sa tamang landas.
D. Ang pagiging malaya sa pagpapasya ng isang anak ay maaaring magdulot ng sakit dahil sa
pagkakamali ngunit dito sila natututo ng mahalagang aral.
20. Ang mga sumusunod ang palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa:
A. Nakahandang harapin ang anomang kahihinatnan ng mga pagpapasya
B. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat
C. Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral
D. Naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito

You might also like