Professional Documents
Culture Documents
EsP - G10
EsP - G10
10
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin at isulat ang
titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
16. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita
ng isang taong biglang nanapak ng kapuwa dahil sa galit bilang
reaksiyon sa panloloko sa kaniya?
A. Walang kusang loob
B. Kusang loob
C. Di-kusang loob
D. Kilos-loob
17. Ito ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang
tao na gawin ang isang bagay na labag sa kanyang kilos-loob at
pagkukusa.
A. takot
B. masidhing damdamin
C. gawi
D. karahasan
18. Likas sa tao ang pagiging maka-Diyos at ang patunay nito ay:
A. Ang pagtatanong ng tao ukol sa kapangyarihan ng Diyos.
B. Ang pagdududa ng tao sa kapangyarihan ng Diyos
C. Ang pagtanggap niya sa kanyang mga lakas at kahinaan
D. Ang patuloy niyang pag-aaral at pananaliksik sa katotohanan.
38. Bakit ang kilos ng tao (acts of man) ay itinuturing na kilos na walang
kapanagutan sa sinumang gagawa ng kilos.
A. Ang kilos na malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng
konsensiya.
B. Ang kilos ay likas sa tao o ayon sa kanyang kalikasan at hindi
ginagamitan ng isip at kilos-loob.
C. Ang kilos ay hindi sinadya at kulang sa pagkukusa.
D. Ang kilos ay kahiya-hiya at dapat pagsisihan.
40. Bakit sinasabing ang moral na kilos ay makataong kilos ayon sa etika ni
Sto. Tomas de Aquino?
A. Sapagkat nagpapasiya ito nang naayon sa katwiran
B. Sapagkat malayang patungo ito sa layunin ng isipan
C. Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos
D. Sapagkat napapatunayan nito ang sariling kilos kung ito ay mabuti
o masama
44. Isinilang ang tao na hindi perpekto katulad ng Diyos subalit maari
siyang:
A. Sumunod sa kapangyarihan ng Diyos
B. Tumulad sa kabutihan ng Diyos
C. Manalangin upang maging perpekto tulad ng Diyos.
D. Magsaliksik upang maging perpekto tulad ng Diyos.
45. Alin sa mga pagpipilian ang pinakamabigat na dahilan kung bakit isang
paglabag sa paggalang ng b buhay ng tao ang aborsiyon?
A. Maraming tao ang nagnanais magkaroon ng anak.
B. Pag-iwas ito sa bunga ng isang kilos na dapat tanggapin.
C. Taliwas ito sa kahulugan at layunin ng buhay ng tao na
pangalagaan.
D. Nalalagay sa alanganin ang buhay ng babae habang ginagawa ang
proseso.
48. Alin ang hindi kabilang sa mga pagpapahalagang dapat linangin upang
tuwirang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan?
A. Paggalang at pagmamahal
B. Katotohanan at pananampalataya
C. Katahimikan at Kapayapaan
D. Katarungan at pagkakaisa
50. “Higit na nagiging malaya ang tao kapag ginagawa niya ang mabuti.
Walang tunay na kalayaan kundi sa pagmamahal at paglilingkod.” Ano ang
tinutukoy na MABUTI?
A. Ang pagkakaroon ng kalayaan.
B. Ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa.
C. Ang kakayahan ng taong pumili sa mabuti.
D. Ang magamit ang kalayaan sa tama at ayon sa inaasahan.
51. Ang makataong kilos (human act) ay kilos na isinagawa ng tao nang
may kaalaman, malaya, at kusa kaya’t may kapanagutan ang tao sa
pagsasagawa nito.Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang makataong
kilos?
A. Nabasag ang mamahaling plorera na nabangga nang siya ay
nadulas sa paglalakad sa makintab na sahig.
B. Kinausap ni Lara ang mga hurado upang masiguro niyang
mananalo siya sa paligsahan sa pag-awit.
C. Natapon ang hinahawakang baso nang biglang gulatin siya ng
kanyang nakababatang kapatid.
D. Bigla siyang napasigaw ng malakas dahil sa nangyaring pagsabog
sa labas ng baha
53. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na kilos ng tao (Acts of Man)?
A. Pagsagot sa mga tanong sa aralin
B. Paghihikab dahil inaantok
C. Pagsigaw sa kagalit na mag-aaral
D. Paghuhugas ng mga pinggan
55. Ano ang mangyayari sa grupo ng manlalaro kung hindi ramdam ang
pagmamahal nito sa kanilang koponan? Maipapanalo ba ng mga manlalaro
ang kanilang grupo? Hindi ba lagi mong naririnig ang salitang “puso” sa
tuwing kinakapanayam ang isang manlalarong nagbigay ng malaking
puntos upang ipanalo ang kanilang koponan?
A. Pagmamahal sa Laro
B. Pagmamahal sa Koponan
C. Pagmamahala sa Kapuwa
D. Pagmamahal sa Bayan