You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
Schools Division of CAPIZ
BULA INTEGRATED SCHOOL
Bula, Mambusao, Capiz, Philippines

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
S.Y. 2023 – 2024

TEST I. MULTIPLE CHOICE.


Panuto: Suriin ang mga sumusunod. Piliin ang wastong sagot sa bawat bilang at isulat sa papel sagutan ang
letra lamang.

1. Si Ferdie ay Malaki na ang pinagbago sa pakikipaglaro. Dati gusto niya na lahat ng laruan ay kanya.
Ngayon marunong na siyang magbahagi sa mga kalaro at hindi na siya nakikipag-away. Si Ferdie ay
nagpakita ng:
a. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan
b. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan
c. Pagtamo ng mapanagutan asal
d. Pagtanggap ng papel sa Lipunan

2. Si Leah ay nais maging guro pagdating ng araw. Bata pa lamang siya ay ito na talaga ang kanyang
nais. Kahit hikayatin siya ng mga kaibigan na kumuha ng ibang kurso sa kolehiyo ay hindi niya ito
pinapakinggan. Pagaaral nang mabuti ang kanyang ginagawa para matupad ang kanyang pangarap. Sa
tulong ng gabay ng kanyang magulang ay umaasa siya na matutupad niya ito. Ano ang ipinakita ni
Leah sa kanyang pangarap na maging guro kahit hikayatin siya ng kaibigan ay hindi pa rin nagbago
ang nais niya?
a. Alam talaga kung ano ang nais sa buhay
b. Nanatiling bukas ang kumonikasyon
c. Ipinakita ang tunay na ikaw
d. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan

3. Anong tulong ang ibinigay ng magulang ni Leah upang matupad ang kanyang pangarap?
a. Pagganyak sa kanyang pangarap
b. Gabay sa pagtupad ng pangarap
c. Disiplina sa araw araw
d. Kakayahang iakma ang sarili

4. Ang mga sumusunod sa paghahanda para sa paghahanapbuhay, maliban sa isa na hindi. Alin ito?
a. Kilalanin ang iyong mga talento, hilig at kalakasan
b. Magkaroon ng plano sa kursong nais
c. Sumangguni sa mga matagumpay na kakilala na may hanapbuhay
d. Magkaroon ng oras sa paglalaro at libangan

5. Para kay ate, ang pamilya ang mahalaga sa buhay ng tao. Kaya nagsisikap si ate na makatapos ng pag-
aaral upang matulungan ang aming magulang sa pagpapa-aral sa aming magkakapatid at sa iba pang
gastusin sa bahay. Ano ang katangian na ipinakita ni ate?
a. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya.
b. Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga na gabay sa mabuting asal
c. Paghahanda para sa pagpapamilya
d. Pagtanggap ng papel sa lipunan bilang babae

TEST II. IDENTIFICATION.


Panuto: Tukuyin kung anong aspeto ng pagbabago ang bawat pahayag. Isulat sa bawat bilang ang letrang A
kung pangkaisipan, B kung panlipunan, C kung pandamdamin at D kung Moral. Ilagay ang napiling sagot sa
papel sagutan.

1. Ayaw mo na may lamangan lalo na sa iyong mga kapatid, nais mo ay pantay pantay na pagtingin.
2. Gusto mo ay maraming kaibigan ngunit may itinuturing ka ring “bestfriend”.
3. Laging sinasabi mo na si nanay ang may kasalanan tuwing mapapagalitan ka ng iyong tatay.
4. Marami ka ng plano sa buhay mo lalo na sa iyong pag-aaral.
5. Marunong ka nang gumawa ng sariling pasya kapag mayroong munting suliranin.
6. Mas malimit kang kasama ng mga kaibigan o barkada kesa sa iyong mga kapatid.
7. Mas nakagagawa ka ng iyong mga gawain kapag nag-iisa lamang
8. May paghanga ka na sa isang tao.
9. Nagiging mahusay ka na sa pakikipagtalastasan at pagbibigay mungkahi.
10. Nagiging maingat at maayos ka na sa iyong pananamit at itsura.
11. Nagiging maramdamin ka na ngayon.
12. Nagkakaroon ka ng hilig sa pagbabasa at pagsusulat.
13. Nagkakaroon ka ng malasakit at pagtulong sa iyong mga kapitbahay lalo na sa panahon ng kalamidad
at sakuna.
14. Para sa iyo makaluma ang istilo ng iyong magulang.
15. Parang mas madali ka nang makapagmemorya ng mga awitin at tula.

TEST III. MATCHING TYPE


Panuto: Piliin mula sa loob ng kahon ang tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ginaya mo ang ginagawa ng batang naglalaro


2. Si Boy ay magaling sumayaw.
3. Marami tayong kababayan ang umaawit sa ibang bansa at naging sikat.
4. Ang maliliit na bata ay maraming tanong na “bakit” sa kanyang magulang.
5. Bago ako matulog sa gabi, nagkakaroon ako pagsusuri kung ano ang nagawa ko sa maghapon.
6. Si Anna ang panglaban ng klase sa Matematika.
7. Ang aking ama ay parang kaibigan ng bayan, maraming bumabati sa kanya pag siya ay nakikita dahil
na rin sa kanynag pagiging palabati sa mga tao.
8. Ang mga kamag-aral ko na babae ay magaling tumula.
9. Mahusay magpinta ng kalikasan ang aming kapitbahay kayat naging hanapbuhay na rin niya ito.
10. Ang aking ina ay mahiling mag-alaga ng mga halama na namumulaklak.

TEST IV. TAMA O MALI.


Panuto: Tukuyin ang mga umusunod na pahayag. Isulat sa papel sagutan ang TAMA kung ang pahayag ay
tama at MALI kung ang pahayag ay mali.

1. Ang bawat tao ay may kanya kanyang kakayahan at kilos na dapat tugunan sa buhay.
2. Ang mga pagbabago sa katawan ay dapat langkapang ng tamang pamamahala at kilos.
3. Habang lumalaki ang isang bata, lumalawak din ang kanyang pananagutan at tungkulin.
4. Hindi na kailangan na gumawa ng mga plano sa buhay dahil nakasalalay na ito sa kung anong
kapalaran ang darating sa bawat isa.
5. Maaring magkaroon ng epekto ang pisikal na pagbabago sa katawan sa emosyon at maging sa
pakikitungo sa kapwa.
6. Mahihirapan ka na tanggapin ang kahinaan ng ibang tao kung ikaw mismo ay hindi kayang tanggapin
ang sariling kahinaan.
7. Sa kursong nais kuhanin sa kolehiyo dapat ay malinaw sa iyong sarili kung ano ang iyong talagang
gustong mangyari sa buhay mo.
8. Sa paggawa ng pagpapasya, mahalagang sumangguni sa mga kaibigan, sila ang nakakaalam ng tama
bilang kasingedad.
9. Sa pagtatamo ng bagong pakikipag-ugnayan sa kasing-edad, mainam na ang mga nagbibinata at
nagdadalaga ay hayaan sa mga nais nilang gawin kahit walang gabay ng magulang dahil bahagi na ito
ng kanilang buhay.
10. Sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ay kailangan na may motibasyon sila upang gawin ang
dapat inaasahan sa kanila ng lipunan.

Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay TAMA kung nagpapakita ng pagkakaroon ng
tiwala sa sarili at MALI kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

11. Ang pagkakaroon ng kalakasan ay mula sa pagtanggap ng mga kahinaan at pagsisikap na mapaunlad
ito.
12. Ang pag-iisip ng mga bagay na hindi maganda kahit hindi pa nangyayari ay tanda ng pagiging
positibo.
13. Walang pinipili sa pagbibigay ng pagkakataon sa lahat ng mag-aaral upang magtagumpay sa buhay.
14. Hindi pagsuko sa mga hamon na dinaranas sa buhay gaano man ito kahirap.
15. Ang lahat ng hindi magandang pangyayari sa buhay ay pinapaniwalaan na bahagi ng plano ng Diyos
at may kalakip na magandang kapalaran.
16. Umaasa lagi sa plano at kilos ng mga kasama.
17. May sariling paninindigan sa prinsipyong ipinaglalaban.
18. Hindi nag-iisip ng masama sa kapwa.
19. Mahirap ang mga pinagdadaanan sa buhay pero naniniwala na kaya niya ito sa tulong ng mga taong
nakapaligid sa kanya.
20. Ibahagi ang iyong talento sa iba.

GOOD LUCK AND MAY GOD BLESS YOU!

You might also like