You are on page 1of 4

G8 –VDE

Modyul sa ESP
Ikaapat na Markahan

Paksa: ANG SEKSWALIDAD NG TAO Petsa: April 18, 2024


Layunin:

 Nahihinuha na: Ang pagkakaroon ng tamang pananaw sa sekswalidad ay


mahalaga para sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay ng isang
nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya sa kanyang bokasyon na
magmahal. EsP8IPIVb-13.3
Balik Aral
A. Panuto: Basahin ng mabuti at intindihin ang bawat tanong pagkatapos ay isulat ang titik
ngtamang sagot sa espasyong inilaan para dito. Mayroong worksheet na inihanda parasagutan
ninyo.
1. Ano ang seksuwalidad ng tao?
a. Ay ang pagkakaroon ng maraming nobyo o nobya.
b. Ay ang pagkakaroon ng maraming kalaban at pagiging matapang.
c. Ay nakikita sa dami ng nabuntis ng isang lalaki na walang ibinigay na suporta kahitkailan.
d. Ay may kaugnayan sa pagiging ganap na lalaki o babae ng isang tao
2. Bakit iba ang katutubong simbuyong seksuwal ng tao sa seksuwal na pagnanasa ngisang hayop?
a. Dahil ang seksuwal na pagnanasa ng hayop ay nakabase sa kanilang “instinct” kayanagiging
awtomatikong kilos at hindi ginagamitan ng kamalayan.
b. Dahil ang hayop ay marunong mag-isip at magpigil ng kanilang seksuwal napagnanasa.
c. Dahil ang hayop ay may kakayahang magpasya kung ano ang dapat at hindi.
d. Dahil ang hayop ay ginagabayan ng konsensya.
3. Ano ang Puppy Love?
a. Pag-ibig ng mga aso
b. Isang paghanga lamang at hindi tunay na pagmamahal
c. Pag ibig na katulad ng sa mga aso
d. Gustong gawin ng mga aso
4. Ang tunay na pagmamahal ay malaya at nagpapahalaga sa kalayaan ng minamahal. Ano ang ibig
sabihin nito?
a. Walang pagmamahal sa taong nasa loob ng kulungan.
b. Ang tunay na pagmamahal ay nakikita lamang sa labas ng bawat bahay.
c. Dahil sa ating malayang kilos-loob walang makapagdidikta sa atin kung sino ang atingmamahalin at
kung sino ang magmamahal sa atin.
d. Mahal ang presyo ng pagmamahal.
5. “Tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao lamang ang makapagsisilangng isa pang
tao, na tulad niya ay may kakayahang magmahal”, Ito ay ayon kay…
a. Papa Juan Paolo ll
b. President Rodrigo R. Duterte
c. Vice Ganda
d. Leonor M. Briones
6.Ang tunay na pagmamahal ay ang lubos na paghahandog ng buong pagkatao saminamahal. Ang
pinakamahalagang palatandaan ng paghahandog na ito ay ang…
a. pagbibigay ng mamahaling regalo
b. pag post a fb ng mga larawan ng minamahal
c. paglalaba sa mga damit ng minamahal
d. pagpapakasal sa minamahal
7. Ano ang mas malalim na kahulugan ng mga salitang “Mahal kita dahil ika’y ikaw”?
a. Mahal kita dahil maganda o gwapo ka.
b. Mahal kita dahil palagi kang may award sa paaralan.
c. Mahal ko ang buo mong pagkatao at hindi lang ang iilang bahagi ng iyong katawan okaya’y ang
mga iilang bagay lang na naiibigan ko sa iyo.
d. Mahal kita sapagkat marami kang binibigay na mga regalo sa akin.
8. Ang pagmamahal ay hindi isang emosyon at lalong hindi pagpukaw lamang sa diwa atmga
pandama, ito ay isang…
a. panaginip b. birtud c. bagay d. pangarap

B. Pagsusuri ng Sitwasyon
Panuto: Sa Bilang 9 hanggang 10, suriin ang bawat sitwasyon at piliin ang sagot na sapalagay
mo ay akma sa pagbubuo ng kaganapan mo bilang lalaki o babae. Gayahin angparaan ng
pagsagot sa panuto sa Gawain1 A.

9. Nakaramdam ka ng paghanga sa iyong kaibigan. Sapagkat ikaw ang itinuturing niyang


best friend
, pinakiusapan ka niya na maging tulay upang mapalapit sa iyong kaklase nakaniyang naiibigan.
Pumayag ka ngunit habang sila’y unti-unti nang nagkakamabutihan aynasasaktan ka at nakakaramdam
ng pagseselos. Ano ang iyong gagawin?
a. Hindi na ipagpapatuloy ang pagiging tulay upang hindi sila lubos na magkalapit.
b. Kakausapin ang kaibigan at sasabihin ang nararamdaman.
c. Kokonsulta sa ibang mga kaibigan upang malaman ang dapat gawin.
d. Sasangguni sa guro o guidance counselor.
10. Niyayaya ka ng iyong mga kaklase na manood ng mga pelikulang may malalaswangtema. Halos
lahat ng malapit mong kaibigan ay sasama sa kaniya. Kailangan daw nilanggawin ito upang hind
maging mangmang tungkol sa
Sex. Ano ang gagawin mo?
a. Isusumbong ang iyong kaklase sa inyong guro o sa kaniyang mga magulang, sapagkatalam mong
makasasama sa kanilang murang isip ang pornograpiya.
b. Hindi sasama sa kanila, uuwi na lamang at pababayaan sila sa gusto nila.
c. Kakausapin ang mga kaibigan, at hihimukin silang huwag gawin ito dahil ito’y hindimakabubuti sa
kanila.
d. Natural lamang sa mga kabataan ang mag-eksperimento, kaya’t sasama ka sa kanila

Gawain 5: Pagninilay

Sa ikapitong baitang ay nagbuo ka ng plano o balangkas ng kursong akademiko, teknikal-bokasyonal o


negosyo. Mahalagang maisaalang-alang mo rin kung paano makatutulong ang napiling kurso o karera sa
pagtupad mo ng iyong bokasyon na magmahal. Ang mga taong tulad nina Blessed Mother Theresa ng
Calcuta, Martin Luther King Jr., at Dr. Jose Rizal ay ilang halimbawa lamang ng mga taong nagamit
ang kanilang napiling karera sa pagtupad sa kanilang bokasyon sa pagmamahal.

Panuto: Isulat ang sagot sa worksheet na inilaan para dito. Sagutin sa limang pangungusap o higit pa ang
tanong na: *Paano makatutulong ang aking napilingkurso o karera sa pagtupad ko sa aking bokasyon
sa pagmamahal?
Worksheets Para sa Mag-aaral

Pangalan: _______________________________________ Petsa: ____________________

Baitang at Seksyon: _______________________________

Balik Aral
A. Basahin ng mabuti at intindihin ang bawat tanong pagkatapos ay isulat ang titik ngtamang sagot sa
espasyong inilaan para dito.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Gawain 5: Pagninilay
Panuto: Sagutin sa kahit limang (5) pangungusap o higit pa: Isulat ito sa loob ngkahon.

*Paano makatutulong ang aking napiling kurso o karera sa pagtupad ko saaking bokasyon sa
pagmamahal?
G8 -VDE
Modyul sa ESP
Ikaapat na Markahan
Paksa: ANG SEKSWALIDAD NG TAO Petsa: April 19, 2024
Layunin:

 Naisasagawa ang tamang kilos tungo sa paghahanda sa susunod na yugto ng


buhay bilang nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya ng kanyang
bokasyon na magmahal EsP8IPIVb-13.4
Gawain 6: Poster/ Picture Collage
Panuto:

1.Pumili ng isa sa napapanahong isyu kaugnay ng sekswalidad na napag aralan muna sa unang lingo
ng araling ito.
Halimbawa: Teen- age Pregnancy at Pornograpiya.
2. Gumawa ng poster tungkol dito na nagpapakita ng kampanya laban dito.
3. Gamit ang PORMAT na ito:
 Meaning o kahulugan nito
 Mga masasamang Epekto
 Mga paraan kung paano ito maiiwasan o kaya masolusyonan
 Lagyan din ito ng mga larawan na puwedeng ginupit sa mga magasin okaya ay iginuhit na
nagpapakita sa napiling napapanahong isyu tungkol sasekswalidad.
4. Gawin ito sa Short Bond Paper

Rubric sa Pagtataya ng Poster


100% - Nagtataglay ng lahat ng elemento sa itinakdang PORMAT
90% - Nagtataglay ng 3 sa mga elemento sa itinakdang PORMAT
80% - Nagtataglay ng 2 sa mga elemento sa itinakdang PORMAT
75% - Nagtataglay ng 1 sa mga elemento sa itinakdang PORMAT

You might also like