You are on page 1of 3

James A.

Mahayag

January 4, 2019

Hope 8 = 7:40-8:40

Love 8 = 11:00 - 12:00

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

I. LAYUNIN

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa paggawa ng mabuti sa kapwa

B. PAMANTAYANG PAGGANAP

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos sa isang mabuting gawaing tumutugon sa
pangangailangan ng mga marginalized, IPs at differently abled.

C. MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO

11.3. Naipaliliwanag na: Dahil sa paglalayong gawing kaaya-aya ang buhay para sa kapwa at
makapagbigay ng inspirasyon na tularan ng iba, ang paggawa ng kabutihan sa kapwa ay
ginagawa nang buong-puso

11.4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa isang mabuting gawaing tumutugon sa
pangangailangan ng kapwa

II. NILALAMAN

PAKSA: PAGGAWA NG MABUTI SA KAPUWA

CODE: EsP8PBIIIf-11.3, EsP8PBIIIf-11.4

III. KAGAMITANG PANTURO

A. SangguniaN

CG sa ESP 8

ESP modyul sa Mag aaral pahina 298-312

ESP gabay sa Pagtuturo Modyul 11 pahina 146-153

B. Kagamitan

Tsart/Visual aid, LMs ng ESP

IV. PAMAMARAAN
A. BALIK-ARAL

Magtanong sa mga mag aaral tungkol sa mga nagdaang aralin. Bakit mahalaga ang
pagpapakita ng kabutihan sa ibang tao? Ano-ano ang ibang pangangailangan ng tao na puwede
mong matugunan bilang isang mag-aaral?

B. PAGGANYAK

Magpakita ng FLASH CARD na may nakasulat na “KABUTIHAN” at magtanong sa mag-aaral


kung ano ang masasabi nila tungkol dito? Humingi din ng mga halimbawa tungkol dito.

C. PAGHAHABI NG LAYUNIN

Ipagawa sa mag-aaral ang Gawain 1 na nasa pahina 305 kung saan tutukuyin nila kung
sino-sino ang nagawan nila ng kabutihan sa mga nakaraang araw at dito ilalahad kung anu-ano ang
kanilang mga kabutihang nagawa.

D. PAGSUSURI

Mga Tanong:

1. Kailan ka huling gumawa ng mabuti sa kapuwa? Ano-ano ito?

2. Ano ang iyong naramdaman matapos kang gumawa nito? Ipaliwanag.

3. May maganda bang bunga ang paggawa mo ng kabutihan? Patunayan.

E. PAGHAHALAW

Ipagawa sa mag-aaral ang Gawain 2 na nasa pahina 296 ng libro. Dito tutukoyin ng mga
mag-aaral ang pangangailangan ng iba’t ibang uri ng tao at nilalang na maaaring nilang
matugunan.

F. PAGLALAPAT

Magtanong sa mag-aaral kung sa paanong paraan nila masasabuhay ang pagtulong sa


ibang tao? Ano-ano ang kanilang magagawa upang makapagbigay ng tulong sa iba kahit
sila ay mga bata pa?

G. PAGTATAYA

PANUTO: Sumulat ng sanaysay tungkol sa mga sumusunod na katanungan.

1. Bakit mahalaga ang pagpapakita ng kabutihan sa ating kapuwa?

2. Sa iyong palagay, ang pagtulong ba ay para lamang sa mga kaibigan at malapit sa iyo?
Pangatwiran.

3. Ang paggawa ba ng kabutihan ay nangangahulugang PAGPAPAKATAO? Pangatwiran.


H. TAKDANG ARALIN

Panuto: Pag uwi mo sa inyong bahay, sumulat ng limang mabubuting gawain na gagawin
mo pa lng at isulat kung ano ang naramdaman mo habang tinutupad mo ang mga
mabubuting gawain na naisulat mo.

V. PUNA AT REPLEKSYON

You might also like