You are on page 1of 7

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION X – NORTHERN MINDANAO
DIVISION OF OZAMIZ CITY

TABID NATIONAL HIGH SCHOOL


DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAKATAO 7

I. Layunin: Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Natutukoy ang mga kabutihang nagawa ng isang tao.
2. Nagugunita at naibabahagi ang mga kabutihang ginawa sa kapwa.
3. Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa isang mabuting gawaing tumugon sa pangangailangan sa kapwa.

II. Paksang Aralin: Paggawa ng Mabuti sa Kapwa

Teksbuk: ESP Modyul Para sa Mag-aaral. Pahina 290-312, 2013


Mga Sanggunian: Alejo A. (1990). Tao Po! Tuloy!
Dy Manuel(2007). Mga Babasahin sa Pilosopiyang Moral
Mga Kagamitan: nilimbag na papel, mga kagamitang biswal, bond paper, computer, LCD , mga kopya
ng worksheet at Bibliya

III. Pamaraan: 4 A’s

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Paghahanda
Bago tayo mag-uumpisa sa ating aralin sa umagang
ito, tayo ay magsitayo para sa panalangin.

Magandang umaga klas! Magandang umaga po

Handang-handa naba kayo sa araw na ito? Handang-handa na po

Napakabuti naman!

Muli klas, bago tayo magsisimula ay ipapaalala ko


muna ang mga alituntunin na dapat ninyong sundin sa
loob ng klase. Ang ating mga alituntunin ay tinawag
nating MMM na ibig sabihin ay makinig, makilahok at
magbigay respeto.

Maliwanag ba ang mga alituntunin? Opo!

Mabuti!

1. Balik-aral
2. Pagganyak
Klas, mayroon akong mga larawan ditto, tingnan nyo Merong mga taong pulubi na binigyan ng tao.
ng mabuti. Anu-ano ang nasa larawan?

Tama!

Lahat ba ng mga taong dumaan ay tumulong at


nagbigay? Hind po, maam!

Kayo nakaranas ka na bang magbigay sa mga pulubi? Opo Maam!


Magaling! Kayo ay mga mababait.

Sa umagang ito mas lalo pa nating maintindihan ang


usaping pagtulong sa pamamagitan ng pagtatalakay sa
paksang pinamagatang “Paggawa ng Mabuti sa
Kapwa.”

3. Paglalahad ng Layunin

Bago tayo magpatuloy, mahalagang alamin muna


natin ang tatlong M ng mga alituntunin upang
matagumpay ninyong makamit ang sumusunod na
layunin.

Mga Layunin:

1. Natutukoy ang mga kabutihang nagawa ng isang


tao.
2. Nagugunita at naibabahagi ang mga kabutihang
ginawa sa kapwa.
3. Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa isang
mabuting gawaing tumugon sa pangangailangan sa
kapwa.

Naintindihan ba ang mga layuning nilahad?


Opo Maam!
Magaling!

B. Gawain
Ngayon klas, may ipapakita akong isang maikling
palabas. Panoorin ninyo ng mabuti upang
maintindihan ninyo ang mensahe nito. Siguro meron
na sa inyo ang nakakita sa palabas na ito. Ngunit kapag
nakita na ninyo ito, muli ninyong pagmasdan ang
kagandahan ng mensahe nito.
Bago natin simulan, hahatiin ko muna kayo sa tatlong
pangkat. Ang bawat pangkat ay pumili ng pangulo,
taga-ulat at tagasulat. Bago ang lahat alalahanin muna
natin ang mga dapat gagawin sa pangkat.

Panuto:
1. Ang unang pangkat ay siyang mag-uulat sa mga
kabutihang nagawa ng isang tao sa kapwa. Iuulat lang
ninyo ang inyong sagot.
2. Ang pangalawang pangkat naman ay siyang
magbigay ng mga dahilan bakit ginawa ng tao ang mga
kabutihan sa kapwa at kung ano ang resulta sa mga
kabutihang kanyang ginawa. Iuulat din lamang ninyo
ang inyong sagot.

3. Ang pangatlong pangkat naman ay magbigay ng


sariling pananaw o reacktion o repleksyon sa ginawa
ng tao. Iuulat din lamang ninyo ang inyong sagot.

Pagkatapos nating makita ang video, bigyan ko kayo


ng 5 minuto upang pag-usapan ninyo ang inyong mga
sagot at magsimula akong tumawag sa mga pangkat
upang ibahagi ang inyong mga kasagutan.

Malinaw ba, klas? Opo maam!

Iwasan ang mag-ingay habang tayoy manood sa video.


( VIDEO is played.)

C. Paunlarin:

Tapos na ang iyong limang minutong paghahanda.

Simulan na natin ang pag-uulat, mula sa unang


pangkat.

Napakahusay ninyong magbigay ng ulat klas!

Palakpakan natin ang unang pangkat gamit ang


mabuhay klap.

Ngayon balikan natin ang inyong mga ulat.

Sa vision-mission ng DepEd, kaakibat nito ang layuning


maisabuhay ang mga CORE values ng bawat isa sa
atin. Alam ba ninyo ang CORE Values? Anu-ano nga
ang mga iyon?
Ang CORE values ay Maka-Diyos, Maka-tao,
Sa naulat ng unang pangkat, anong CORE values ang Makakalikasan, at Makabayan.
naisabuhay ng tao sa video?
Maam, ang lahat na Core Values ay naipapakita sa tao.
Paano niya naipakita ang kanyang pagkamaka-Diyos?

Tama! Siya ay nagdasal po maam.


Binigyan niya ng panahon ang pagdasal.

Paano naman niya naipakita ang kanyang


pagkamakatao?
Maraming pagkakataon na naipadama niya ang
kanyang pagkamakatao. Una, ang handa niyang
Talagang kahangahanga ang ginawa ng taong iyon. pagtulong sa babae sa pagtulak sa kanyang mga
Siya ang isang halimbawa ng isang taong mga paninda. Pangalawa, ang pagbigay niya ng pera sa ina’t
mabubuting ginawa. anak at sa gayoy nakapag-aral ang batang babae. Ang
pangatlo, ang lihim niyang pagbigay ng saging sa isang
Paano naman niya naipakita ang kanyang matandang babae.
pagkamakakalikasan?
Ang halaman na muntik ng namatay ay napansin din
niya. Dahil natuyo na ito, inilagay niya ito sa
tumutulong tubig upang madiligan. At ang aso naman,
binigyan niya ng pagkain kahit hindi na ito kasali sa
budget niya , hinatian pa rin niya upang ito’y makakain.
Tama! Marami sa atin ay hindi mapansin ang mga
bagay na iyon lalong-lalo na kapag tayoy nagmamadali
sa ating mga ibat-ibang trabaho. Marami tayong
nakaligtaang mga pagkakataon na maibahagi ang mga
mabubuting gawain.

Naipakita rin ba niya ang kanyang pagkamakabayan?


Opo maam. Kapag ang isang tao ay gumawa ng mga
mabubuti sa kapwa na walang hinintay na kapalit, siya
Eksakto! Ang mga mumunting tamang ginagawa na ay makabayan na rin.
nakakatulong sa iba at nakabigay ligaya sa kanila ay
pagpapakita na rin ng pagkamakabayan. Kapag hindi
natin sinuway ang batas sa ating lipunan at ang kilos
natin ay nakakatulong sa bayan, tayoy isang
makabayan na rin.
Kung lahat tayo ay tulad sa taong ating nakita sa video,
ano kaya ang mangyayari sa ating lipunan? Ang buhay ay masaya, maam. Kahit merong mga
problema at paghihirap kapag nagtutulungan ay
makakaraos din at magaan itong harapin.

Ang buhay ay puno ng pag-asa at kapayapaan. Madali


Tumpak! ang pag-unlad sa bawat isa.
Marami tayong kaibigan at ang pagmamahalan ay
Klas, ang mga kasagutan ninyo ang gusto ng Poong siyang magbigay ngiti sa ating mga mukha.
Maykapal na gawin sa bawat isa sa atin.

Pakinggan ninyo ito mula sa banal na Aklat ang Bibliya,


sa ______________________

Ngayon ating pakinggan ang ulat ng pangalawang


pangkat.
( Ang pangalawang pangkat ay nag-uulat.)
Magaling ! Palakpakan natin ang pangalawang
pangkat.

Anu-ano ang mga resulta sa mga mabubuting ginawa


ng tao?
Ano ang inyong nararamdaman matapos kayong
gumawa nito? At bakit? Maam,, ang halaman ay nabuhay at namumulaklak. Ang
aso nagiging matalik na kaibigan sa tao. Ang bata ay
Tama klas. nakapag-aral. At ang matandang babae ay masayang-
masaya. Nagiging magaan ang tinulak na paninda ng
isang babae.

Klas, iilan lang ito sa maaring bunga sa mga


mabubuting ginagawa sa kapwa.

Pakinggan natin ang isinasaad sa banal na aklat. Sinabi


ni ______________

Ngayon, ating pakinggan ang ulat sa pangatlong


pangkat.

Maraming salamat, panghuling pangkat. (Ang pangatlong pangkat ay umuulat.)

Magandang pakingkan ang inyong repleksyon.


Napakadalisay ng inyong mga iniisip.

Palakpakan natin ang pangatlong pangkat.


D. Pagninilayan at Unawain

Ngayon klas, kapag naririnig ninyo ang pahayag


“Paggawa ng Mabuti sa Kapwa” anu-ano ang Semantik Webing
pumapasok sa inyong isipan?

Bago ninyo sasagutin ang tanong, aanyayahan ko ang


lahat na bumalik sa kani-kanilang pangkat at doon na Paggawa ng Mabuti sa Kapwa:
ninyo ibabahagi ang inyong ideya tungkol sa pahayag.
- Pagtulong
Magbibigay ako ng tig-iisang kalahating manila paper - pagbigay
sa bawat pangkat at doon ninyo isusulat ang - Makikinig sa damdamin ng iba
napagkasunduan tungkol sa pahayag. - Pagpupugay
- Kakanta
Pagkatapos, ibabahagi ito sa buong klase. - Makilahok
- Pagsisimpatiya
May gusto bang linawin tungkol sa panuto? - pagkakaibigan

Sa mga sagot ninyo ay maliwanag na ang paggawa ng


mabuti sa kapwa ay nag-uugat sa kabutihan o
kagandahang loob.

Kabutihan- ito ay hango sa salitang ugat na buti na


nangangahulugang kaaya-aya, kaayusan at kabaitan.

Kagandahang loob – ito ay hango sa dalawang payak


na salita na ganda at loob.

Loob – tumutukoy sa inner self


_ sa inner self na ito naroon ang tunay na
kahalagahan o silbi ng isang tao.

Kung ang kagandahang- loob ay isinasagawa sa


pamamagitan ng paggawa ng kabutihan sa kapwa, ano
sa palagay ninyo ang mararamdaman sa taong
gumawa nito?

Tama!
Kaligayahan
Ayon kay Aristotle, ang ultimate end o huling layunin
ng tao ay kaligayahan.

Anu-ano nga ba ang katangian ng kaligayahan?

Dayagram sa ugnayan ng loob, kabutihan,


pakikipagkapwa at kaligayahan: Ang mga katangian ng kaligayahan ay pangmatagalan,
may kasarinlan, aktibo at panghabang-buhay.

KALIGAYAHAN

Pakikipagkapwa

Kabutihan/kagandahang
loob

Loob

(Inner self)

Ngayon klas, ano ang pagkaintindi ninyo sa pahayag na


ito? ”Ang kabutihan o kagandahang loob bilang
ekspresyon ng magandang buhay”
Kapag ang tao ay tumutulong sa kapwa siya ay may
Tama naman! kaya sa buhay.

Siya ay may kakayahang tumutulong sa mga


nangangailangan.

Sino pa ang gustong magbahagi sa kanilang ideya?


Kung maranasan ng tao ang kagandahan ng buhay
Magaling! maipapamalas niya kaagad ang kabutihan sa iba.

Ang 4 na pagkaunawa sa kabutihan:


1. Ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos.
2. Ang kabutihan ay ang pinag-uugatan ng mabuti at
magandang pag-iisip, damdamin at gawa ng tao.
3. Ang kabutihan ay hindi magiging ganap kung hindi
ito maipamamalas sa iba.
4. Ang kabutihan at mabuting buhay ay nakasalalay sa
antas ng kamalayan kung ano nga ba talaga ang
mabuti.

Ang tao upang maging makatao ay nararapat na tunay


na mabuti sa kapwa. Ang kagandahang- loob ay hindi
patungkol sa sarili lamang. Sa halip ito ay patungo sa
kabutihang panlahat at ito ay walang hangganan.

E. Isabuhay
Ngayon klas, atin namang pakinggan ang sarili nating
mga karanasan. Alam ko na bilang tao na nilikha ng
Panginoon, sa bawat isa sa atin ay may kagandahang
loob tayo.
Ibahagi ninyo ang inyong karanasan kung saan
nakagawa kayo ng kabutihan sa kapwa.
Sino ang mauna?
Huwag mahiyang magbahagi ng inyong karanasan
dahil ito ay simpleng paraan upang mapalaganap natin
ang kabutihan sa mundo.

IV. Pagtataya
Ngayon naman kumuha kayo ng kalahating bahagi ng
papel at sagutin ang mga sumusunod.
1. Bakit mahalaga ang paggawa ng kabutihan sa
kapwa?
2. Ano ang epekto ng paggawa ng kabutihan sa ating
buhay?
3. Anong mahalagang konsepto ang iyong natutuhan
sa aralin?

V. Takdang Aralin

Sumulat ng pagninilay sa iyong journal tungkol sa


aralin ng kabutihan o kagandahang loob. Isaalang-
alang ang sumusunod na dapat bigyang diin.
1. sino ang mga taong natulungan ko at ano ang
epekto sa kanilang buhay ng pagtulong ko?
2. Ano ang aral na aking natutuhan sa aralin na ito
tungkol sa paggawa ng kabutihan sa kapwa?
3. Paano ko itatalaga ang aking sarili upang
maisabuhay ang natutuhang aral tungkol sa paggawa
ng kabutihan sa kapwa?
4. Sa paanong paraan ko hihikayatin gumawa ng
kabutihan sa kapwa ang ibang kabataan lalo na sa
aming pamayanan o barangay( halimbawa, mga
batang kalye o istambay sa kanto)

Prepared by Noted by

LISA C. AELLA THELMA A. MORENO


SST-I SCHOOL PRINCIPAL

You might also like