You are on page 1of 3

BUKAL SUR NATIONAL HIGH

Paaralan Baitang Baitang 9


SCHOOL
TALA SA
Guro DON G. REGULTO Asignatura Filipino
PAGTUTURO Petsa Markahan Unang Markahan
Oras Bilang ng Araw 2 araw

Lunes

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 Masuri ang mga pangyayari at matukoy ang pagpapahalagang Asyano sa akda
I. LAYUNIN
 Mapagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento
 Maiugnay ang mga pagpapahalagang Asyano sa akda sa kasalukuyan

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa maikling kuwentong


A. Pamantayang Pangnilalaman makabanghay sa tulong ng teknolohiya at iba pang transitional devices upang
makapagsalaysay ng sariling karanasan

Naisasalaysay nang masining ng mar-aaral ang banghay ng maikling kuwento gamit


B. Pamantayan sa Pagganap ang graphic organizer

C. Pinakamahalagang Kasanayan
sa Pagkatuto (MELC) Nasusuri ang mga pangyayari at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang
(Kung mayroon, isulat ang Asyano batay sa napakinggang akda
pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto o MELC.)

D. Pagpapaganang Kasanayan Napag-iisa-isa ang mga kaugalian, tradisyon pati na ang kasalukuyang kaganapan na
(Kung mayroon, isulat ang
maaaring gamiting batayan sa paghahambing
pagpapaganang kasanayan.)

Pagsusuri sa mga pangyayari at kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano


II. NILALAMAN batay sa napakinggang akda
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Gabay ng Guro (p.12-17), PIVOT 4A BOW (p.81)

b. Mga Pahina sa Kagamitang


Panitikang Asyano 9 (p.11-27)
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula
sa Portal ng Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang
Panturo para sa mga Gawain sa
module, activity sheet, power point
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN

Ang napapanahong pagpapaalala:


 Ipapaalala ng guro ang mga panuntunan sa home-based online at home-based
modular learning.

Balitaan muna tayo:


A. Panimula
 Opsyonal

Paghahabi sa mga layunin:


 Tahasang ilalahad ng guro ang paghaharap ng MELC, layunin ng aralin, at outcome
ng pagkatuto.
Pagganyak:
Gawain 1: PANOORIN MO. (Para sa homebased online learning)
Bisitahin ang sumusunod na link upang mapanood ang video. Sagutin ang mga gabay
na tanong tungkol sa napanood. https://www.youtube.com/watch?v=54pCHvM9oY8

Gabay na tanong:
1. Tungkol saan ang video na napanood?
2. Paano ipinakita ng ama ang kaniyang pagmamahal sa anak?
3. Ano ang iyong naramdaman sa ginawa ng anak para sa ama? Ipaliwanag.

Gawain 1: DAMHIN MO. (Para sa homebased modular learning)


Basahin ang sumusunod na tula tungkol sa isang ama. Sagutin ang mga gabay na
tanong tungkol dito.

Gabay na tanong:
1. Tungkol saan ang binasang tula?
2. Paano inilarawan ng anak ang kaniyang ama sa tula?
3. Ano ang iyong naramdaman sa ginawa ng anak para sa ama? Ipaliwanag.

B. Pagpapaunlad
Presentasyon ng aralin:
Itala Mo: Itatala ng mga mag-aaral ang mga pangyayaring nagaganap sa kuwento
gayundin ang mga tauhang binabanggit upang malaman ang kaugnayan ng mga ito sa
pagkakabuo ng kuwento. (Makikita ang sipi ng kuwento sa pahina 14-15 ng modyul o
bisitahin ang sumusunod na link upang mapanood ito:
https://www.youtube.com/watch?v=GsQ1R5ea35s
Gabay na Tanong:
1. Anong mga katangian ang ipinakita ng pangunahing tauhan sa kuwento. Ibigay ang
mga pangyayaring magpapatunay rito.

Tauhan Katangian Pangyayari

2. Paano ipinakita ng ama ang pagmamahal sa kaniyang anak?


3. Bakit maituturing na ang kuwento ay may pagkamabanghay?
4. May kaugnayan ba ang mga kilos, gawi at sinasabi ng mga tauhan sa
lipunang Asyano? Patunayan mo ang iyong sagot.

Paglalahad ng konsepto:
Ang pagpapahalagang Asyano, ay ang mga pagpapahalaga na masasabing karaniwan
at pangkalahatan bagamat may pagkakaiba ito sa bawat bansa sa Asya. Ang mga ito
ay ang sumusunod: ang kahalagahan ng pamilya at kamag-anak; ang pagpapahalaga sa
edukasyon; ang paggalang sa naka- tatanda; ang pagkakaroon ng hirarkiya sa lipunan;
ang pagpapahalaga sa naka- lipas; ang pamamayani ng panggrupong kapakanan kaysa
indibidwal na interes. Ang pamilya ay pangunahing tagapasa ng kultura
sapagkat ang ama at ina ang mga unang tagapagturo sa anak ng mga katanggap-
tanggap at tamang asal ng lipunan. Walang iisang namamayaning kultura sa buong
Asya at walang parehong asal at gawi para sa lahat ng mga Asyano.

Paglinang sa kahihasaan:
Sa pamamagitan ng Triple-Idea-Entry gamit ang Y-Chart, ilahad ang
pagpapahalagang Asyano na masasalamin sa kuwentong binasa/napanood gamit ang
mga sinuring pangyayari. Iugnay ito sa umiiral sa kalagayan sa kasalaukuyan.

C. Pakikipagpalihan

Paglalapat sa pang-araw-araw na buhay:


Sa Asya kilala tayong mga Pilipino na may pagpapahalaga sa pamilya lalo na sa ating
mga magulang. Kaya naman magtala ka ng mga simpleng bagay na maaari mong
gawin sa bahay para maipakita mo ang iyong pagmamahal sa iyong ama/ina. Gawin ito
D. Paglalapat bilang bagahi ng isang 5-Days Plan of Activities na isusulit makalipas ang limang
araw.

Karagdagang gawain para sa takdang-aralin:


Basahin at unawain ang maikling kuwentong “Ang Ama” sa pahina 17-20 ng modyul.

Magsusulat ang mga mag-aaral sa kanilang journal ng kanilang realisasyon gamit ang
sumusunod na prompt:
V. PAGNINILAY
Naunawaan ko na ________________________________________________.
Nabatid ko na _____________________________________________________.

You might also like