You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

8
Zest for Progress
Z Peal of artnership

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ika-apat na Markahan – Modyul 8
Ang Sekswalidad ng Tao

Pangalan ng Mag-aaral:__________________________
Baitang at Seksyon:_______________________________
Paaralan:_________________________________________
Alamin

Magandang araw mag-aaral! Ikaw ay nasa ikalawang bahagi na ng pagkatuto


sa paksang karahasan sa paaralaan. Sa bahaging ito, ay mauunawaan mo na ang
pag-iwas sa anumang uri ng karahasan sa paaralan (tulad ng pagsali sa fraternity at
gang at pambubulas) at ang aktibong pakikisangkot upang masupil ito ay patunay ng
pagmamahal sa sarili at kapwa at paggalang sa buhay. Maisasagawa mo rin
pagkatapos ng aralin ang mga angkop na kilos upang maiwasan at masupil ang
karahasan sa paaralan.

EsP8IPIVd-14.3
EsP8IPIVd-14.4

Layunin:
Pagkatapos mg modyul, ikaw ay inaasahang:

a. Mauunawaan ang pag-iwas sa karahasan sa paaralan at ang pakikisangkot


upang masupil ang mga ito ay isang patunay ng pagmamahal at paggalang sa
sarili at kapwa
b. Nakilala ang mga tungkulin ng tao sa kanyang kapwa kaugnay sa paggalang
sa buhay.
c. Nakabuo ng mga angkop na kilos upang maiwasan at masupil ang karahasan
sa paaralan.

Subukin
Panuto: Pillin ang titik na may tamang kasagutan, isulat ito sa patlang na nakalaan
bago ang bilang.

____1. Paano ka makikisalimuha sa mga nambubulas sa iyo?


A. Maaring umiwas mula sa nambubulas
B. Ibinubunton ang galit sa iba
C. Tumawa at huwag pansinin
D. Gumanti sa mga mahihina

_____2. Bakit mahalagang kilalanin mo ang iyong sarili?


A. Upang matanggap mo ang iyong sarili bilang ikaw.
B. Maunawaan ang mga bagay na di para sayo
C. Para maging panatag ang iyong kalooban
D. Upang mapasaya mo ang iyong sarili

1
_____3. Bakit mahalagang matutuhan ng lahat na igalang at mahalin ang kapwa?
A. Upang magkaroon ng positibong pananaw
B. Upang maging ganap ang pagmamahal na inilalaan
C. Upang mangibabaw ang iyong pagkamaka-tao
D. Upang dumami ang mga kaibigan

_____4. Ano ang maaaring maging epekto ng pambubulas?


A. Matamlay ang katawan at walang ganang kumain.
B. Nagiging positibo ang pananaw sa buhay.
C. Walang pakialam sa mundo.
D. Walang inaalalang suliranin.

_____5. Paano mo mailalarawan ang isang paaralang ligtas sa anumang uri ng


karahasan?
A. Mahigpit na nagpapairal ng mga batas laban sa karahasan sa paaralan
B. Paaralang malinis at ligtas mula sa mga mapanganib na hayop
C. Nagmamahalan lahat ng tao sa paaralan
D. May pagkakaisa at pagtutulungan

_____6. Sa paanong paraan natin maipapakita ang ating pagdamay sa mga taong
nawalan na ng pag-asa dulot ng pambubulas?
A. Ipaubaya sa Guidance Counselor ang pagtulong sa kanya.
B. Payuhan na gumanti rin sa mga nambubulas sa kanya.
C. Hahayaan muna nating makapag-isip siya ng solusyon
D. Ipadama na mayroong malalapitan.
_____7. Gaano ba kahalaga ang paggalang sa sarili?
A. Paggalang sa sarili ay paggalang rin sa iba.
B. Epekto ito ng pamamahal sa sarili lamang
C. Ito ay nagdadala ng pakabalisa sa isipan
D. Bunga ito ng pagmamahal sa sarili
_____8. Paano mapipigilan ang karahasan sa paaralan?
A. Kolektibong pagtutulungan ng paaralan, lipunan at pamilya
B. Alisin ang mga nambubulas sa paaralan
C. Palaging umiwas sa mga nambubulas
D. Pagiging alerto sa lahat ng oras
_____9.
Iniimbitahan ka ng iyong kaibigan na sumali sa kanilang grupo. Napag-
alaman mo na kabilang siya sa isang kilalang gang sa inyong barangay.
Ano ang gagawin mo?
A. Magdahilan na may mahalagang lakad na mahalaga
B. Huwag pansinin ang mga imbitasyon ng kaibigan
C. Maayos sa tanggihan ang imbitasyon ng kaibigan
D. Hikayatin ang kaibigan na huwag nang sumama.

2
_____10. Bakit mahalaga ang pagsasabuhay ng mga angkop na kilos sa pag- iwas
sa karahasan sa paaralan.
A. Upang matupad ang adhikaing maging ligtas ang paaralan mula sa
anumang uri ng karahasan.
B. Dahil wala nang may gusting mag-aral kung laganap ang karahasan sa
paaralan
C. Ang mga paaralan ay maaring matigil dulot ng suliranin sa karapahasan
D. Takot ang mga magulang na paag-aralin ang kanilang mga anak

Modyul
Karahasan sa Paaralan
8

Balikan
Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay uri, epekto o sanhi ng karahasan sa
paaralan.

________________1. Kawalang interes sa pag-aaral

________________2. Walang paggabay ng magulang

________________3. Cyber Bullying

________________4. Matamlay ang pangangatawan

________________5. Pambubulas

________________6. Labis na pagkabalisa

________________7. Pagsama sa mga kaibigang may masamang impluwensya

________________8. Vandalism

________________9. Lumalayo sa karamihan

________________10. Pag-aaway

3
Tuklasin
Panuto: Gamit ang graphic organizer sa ibaba, ibigay ang mabuting naidudulot ng
pag-iwas sa karahasan

Lipunan: Paaralan:

Magandang naidudulot ng pag-iwas


sa karahasan sa paaralan.

Pamilya: Sarili:

4
Rubrik para sa pagtatala ng puntos
10 8 6 Iskor

Nilalaman Ang mensahe Di gaanong Medyo magulo


ay mabisang naipakita ang ang mensahe.
naipakita mensahe.

Kaugnayan ng Lahat ng Mayroong Ang mga ideya ay


mga ideya ideya ay ideya subalit walang
magkaugnay hindi malinaw kaugnayan sa
sa paksa ang paksa
kaugnayan sa
paksa

Kabuuan

5
Suriin

Ang pag-iwas sa anumang uri ng karahasan at ang aktibong pakikisangkot sa


mga gawain upang masupil ito ay patunay ng pagmamahal sa sarili at kapwa. Ang
pagnanais na matigil at masupil ang karahasan sa paaralan o saan mang lugar ay
nangangahulugan ng pagggalang sa buhay.

Ang pagmamahal bilang isang birtud na ginagabayan ng katarungan ay


matibay na sandata upang matagumpay na masupil ang anumang uri ng karahasan.
Ang paggalang sa buhay ay nangangahulugan ding paggalang sa dignidad ng kapwa
bilang isang mahalagang katuwang sa pagpapaunlad ng lipunan.

Bilang mapanlikha ng Diyos, ang tao ay mayroong tungkulin na ingatan ang


sariling buhay at buhay ng kapwa. Ang umiwas sa mga sitwasyong maaring magdala
ng panganib at kamatayan ay isang paraan ng pagpapahalaga sa buhay. Mahalin at
igalang ang kapwa katulad ng pagmamahal at paggalang sa sarili.

Ang pagsasabuhay ng angkop na kilos ng pag-iwas at pagsupil sa karahasan


sa paaralan ay ang pagsasakatuparan ng adhikain na maging ligtas mula sa
anumang uri ng karahasan ang paaralan at wala nang magiging banta sa buhay ng
kahit na sino.

Paraan upang matigil o maiwasan ang pambubulas:


• Maging matapang at magkaroon ng positibong pananaw tungkol sa iyong
sarili.
• Sumama sa mga kaibigan o grupo ng mga tao na magbibigay sa iyo ng
pakiramdam ng kaligtasan
• Huwag pansinin ang mga taong nambubulas
• Huwag gumanti sa pamamagitan ng pambubulas
• Ipaalam sa mas nakatatanda o kinauukulan ang nararanasang karahasan.
• Iwaski sa isipan na ang pambubulas ay normal na bahagi ng buhay na dapat
pagdaanan ng kabataan tulad mo.
• Ang pagtutulungan ng pamilya, paaralan at pamayanan ay mahalaga upang
sama-samang masugpo ang karahasan sa paaralan.

6
Pagyamanin

Panuto: Mula sa katatapos n agawai, natutunan mo ang magandang epekto ng


pagiwas sa karahasan. Sa bahaging ito, nais kong malaman kung ano ang iyong
gagawin bilang pag-iwas kung nahaharap sa mga sitwasyon na maaring maging sanhi
ng karahasan sa paaralan.

Mga Sitwasyon Ano ang gagawin Dahilan ng iyong kilos


mo? o pagpapasya.

1. Humingi ng tulong ang


iyong bestfriend dahil
binulas siya ng inyong
kaklase, nais niyang
gumanti

2. Galit si Ruben kay Leo


dahil sa isang pustahan.
Alam mong dadalhin ni
Ruben ang baril ng ama
para makaganti.

3. Nakita mong
ninanakawan ang bag
ng iyong kaklase
habang siya ay nasa
banyo.

4. Aksidente mong
nabuksan ang isang
suicide letter ng iyong
kaibigan

7
5. Nais ni Alex na sumali
ka sa grupo nila upang
marami ang
magtatanggol sa iyo.

Rubriks para sa pagtatala ng puntos:


5 3 1 Iskor
Kraytirya
Kaangkupan sa Lahat ng sagot May 4-3 sagot May 1-2 sagot
paksa ay angkop sa ang angkop sa na angkop sa
paksa paksa. paksa
Nakapagbibigay ng Nakapagbibigay Nakapabigay ng 1-2 sagot lang
hakbang na ng kompleto at sagot subalit ang naibigay
gagawin wastong sagot kulang
Nakapagbibigay ng Nakapagbibigay Nakapagbibigay 1-2 lang ang
dahilan ng kilos o ng kompleto at ng dahilan ng naibigay na
pagpapasya wastong dahilan lios o dahilan o kilos
ng kilos o pagpapasya ng pagpapasya
pagpapasya. subalit kulang
Kabuuang Puntos

8
Isaisip
Panuto: Tama o Mali. Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung tama ang pahayag
at isulat naman ang salitang MALI kung mali ang pahayag.

_____1. Matagal na umiiral ang pambubulas.

_____2. Ang pambubulas ay isa lamang biro, hindi ito seryosong bagay.

_____3. Ang pinakamabuting paraan para mapahinto ang pambubulas ay ang


gumanti.

_____4. Kasalanan mo kung binubulas ka.

_____5. Ang ilang binubulas ay nambubulas rin.

_____6. Kapag may nakikita kang binubulas, mas mabuting huwag na lang
iyon pansinin.

_____7. Bagaman mayabang ang mga nambubulas, kadalasan ay marami


silang sama ng loob

_____8. Puwedeng magbago ang mga nambubulas.

_____9. Para makasali sa gang, nagdadaan muna sila sa mga pagsubok at


kadalasan sa marahas na paraan.

_____10. Ang mga sanhi o dahilan kung bakit ang isa tao ay sumasali sa gang
ay ang kagustuhang magkaroon siya ng mga kaibigang magtatanggol
sa kaniya mula sa mga nambubulas.

9
Isagawa

Panuto: Buuin ang graphic organizer. Gamiting gabay ang


katanungan sa ibaba

Bakit mahalaga ang pag-iwas sa anumang uri ng karahasan sa paaralan at


ang aktibong pakikisangkot upang masupil ito?

Ang pag-iwas sa
anumang uri ng
karahasan sa
paaralan ay
nagpapatunay na

Ang aktibong
pakikisangkot sa
pagsupil nito ay

Rubriks para sa pagtatala ng puntos


Kraytirya 5 3 1 Iskor
Kaangkupan sa Ang mga sagot 1-2 sagot na Mayroong mga
paksa ay angkop sa hindi angkop sagot subalit hindi
paksa sa paksa angkop sa paksa
Pagpapahayag Ang mga sagot Mayroon 1-2 Mayroong mgs
ay malinaw na sagot na hindi sagot subalit hindi
nipahayag malinaw na malinaw na
naipahayag naipahayag.
Kabuuan

10
Tayahin
Panuto: Pillin ang titik na may tamang kasagutan, isulat ito sa patlang na nakalaan
bago ang bilang.

_____1. Ano ang sandata laban sa karahasan sa paaralan?


A. Palaging masaya
B. Pagiging palakaibigan
C. Pagiging matulungin sa kapwa
D. Pagmamahal sa sarili, kapwa at buhay

_____2. Bakit mahalagang kilalanin mo ang iyong sarili?


A. Upang mapasaya mo ang iyong sarili
B. Para maging panatag ang iyong kalooban
C. Maunawaan ang mga bagay na di para sayo
D. Upang matanggap mo ang iyong sarili bilang ikaw

_____3. Bakit mahalagang matutuhan ng lahat na igalang at mahalin ang kapwa?


A. Magkaroon ng positibong pananaw
B. Upang dumami ang mga kaibigan
C. Mangibabaw ang iyong pagkamaka-tao
D. Maging ganap ang pagmamahal na inilalaan

_____4. Paano mapipigilan ang karahasan sa paaralan?


A. Kolektibong pagtutulungan ng paaralan, lipunan at pamilya
B. Alisin ang mga nambubulas sa paaralan
C. Palaging umiwas sa mga nambubulas
D. Pagiging alerto sa lahat ng oras

_____5. Paano mo mailalarawan ang paaralang ligtas sa anumang uri ng


karahasan?
A. Mahigpit na nagpapairal ng mga batas laban sa karahasan sa paaralan.
B. Paaralang malinis at ligtas mula sa mga mapanganib na hayop
C. Nagmamahalan lahat ng tao sa paaralan
D. May pagkakaisa at pagtutulungan

_____6 Si Ana ang pinakamaliit sa kanilang klase. Madalas na tinutukso siya ng


kanyang mga kaklase.

Paano niya malalagpasan ang pambubulas ng kanyang mga kaklase?


A. Aawayin ang mga kaklase.
B. Isusumbong sa kanyang magulang.
C. Tulungan siya para makaganti sa mga ito.
D. Ipagbigay alam sa guro o Guidance Councilor.

11
_____7.
Kaibigan mong matalik si John, palaging siyang tampulan ng tukso ng
iyong mga kaklase dahil siya ay isang pilay.

Paano mo matutulungan ang iyong kaibigan na matigil ang pambubulas sa


kanya ng inyong mga kaklase?
A. Pagpayuhan mo ang kaibigan na tumigil sa kanyang pag-aaral.
D. Bigyan mo nang pera ang mga nambubulas para matigil ang mga ito.
C. Sumali kayo sa isang fraternity or gang para magkaroon kayo ng kakampi.
D. Ipapaalam sa inyong guro ang ginawang pambubulas ng inyong mga
kaklase.

_____8. Iniimbitahan ka ng iyong kaibigan na sumali sa kanilang grupo. Napag-


alaman mo na kabilang siya sa isang kilalang gang sa inyong barangay.

Ano ang gagawin mo?


A. Huawag pansinin ang imbitasyon.
B. Magdahilan na may mahalagang lakad.
C. Maayos sa tanggihan ang imbitasyon ng kaibigan
D. Hikayatin ang kaibigan na huwag na ring sumama.

_____9. Bakit dapat isumbong sa iyong guro o Guidance Counselor at may awtoridad
ang karahasan na nararanasan.
A. Tataas ang kaso ng karahasan sa paaralan.
B. Bababa ang bilang ng nambubulas sa paaralan
C. Masayang papasok sa paaralan ang mga mag-aaral
D. Upang walang magiging banta sa buhay at kailgtasan sa paaralan
____10. Kung ikaw ay maimbitahan ng isang grupo ng kabataan na sumali sa
Kanilang gang dahil magbibigay sila ng proteksiyon kung sakaling ikaw ay
may kaaway. Sasali ka ba o hindi?
A. Oo, upang magkaroon ng kakampi.
B. Hindi, dahil magagalit ang aking mga magulang.
C. Oo, para maging sikat at maging kilala sa paaralan.
D. Hindi, dahil maaring malagay sa panganib ang aking buhay.

12
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng anunsyo/panawagan na humihikayat sa mga kabataan na


umiwas sa karahasan sa paaralan.

_______________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
__________________________.

13
Rubrik para sa pagtatala ng puntos

Kraytirya 5 3 1 Iskor
May matatag na May maayos na istilo sa Naipahayag ang
Paraan ng istilo sa pagsusulat. May kaisipan.
pagsusulat pagsusulat. kakayahangmagpahaya
Malinaw ang g ng kaisipan.
pagpapahayag
ng kaisipan.

May May May


Pagkauna pagkaunawasam pagkaunawasagamit at pagkaunawatung
wa ataasnagamit at tunguhin ng isip at kilos kolsaisip at kilos-
tunguhin ng loob. loob.
isipatkilos-loob.

Nagpahayag ng Nagpahayag ng Nagpahayag ng


matibayna planonggagawin para gagawingparaan
Komitment personal sapagpapaunlad ng ng paggamit ng
naplanongkailan paggamit ng isip at isip at kilos-loob.
ganggagawinsap kilos-loob.
agpapaunlad ng
paggamit ng isip
at kilos loob.

Kabuuang Puntos

Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao 8, Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon, 2013

Punsalan, Twila G., et al, “Pagpapakatao 8, Rex Printing Company, INC 2013

14
Mga bumubuo ng modyul para sa mag-aaral

Manunulat: EMILY A. GOMERA


Francisco Ramos National High School
Division of Zamboanga Sibugay

Editor: Epimaco M. Paster Jr., LPT, MBA, MPA


Kabasalan National High School
Division of Zamboanga Sibugay

Tagasuri: Edelee C. Salvador


Surabay National High School
Division of Zamboanga Sibugay

Jeffrey S. Libed
Taway National High School
Division of Zamboanga Sibugay

Mona Lisa M. Babiera, Ed.D.


Education Program Supervisor

Tagapamahala:

Evelyn F. Importante
OIC- CID Chief EPS

Aurelio A. Santisas
OIC- Assistant Schools Division Superintendent

Jerry C. Bokingkito
OIC- Assistant Schools Division Superintendent

Jeanelyn A. Aleman, CESO VI


OIC – Schools Division Superintendent

15

You might also like