You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

9 Zest for Progress


Z Peal of artnership

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Ikaapat na Markahan – Modyul 8:
Ang aking Personal na Pahayag ng Misyon
ng Buhay

Pangalan ng Mag-aaral: _________________________


Baiting at Seksyon: _________________________
Paaralan: _________________________________
0
Alamin

Sa nakaraang aralin tinalakay ang kahalagahan ng pagkakaugnay ng iyong


Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay sa iyong natatanging katangian. Sa
modyul namang ito, inaasahang makagagawa kayo ng sariling personal na pahayag
ng misyon sa buhay. Ang mga nilikhang gawain at pagsasanay sa modyul na ito ay
naglalayon na patnubayan kayong makamit ang mga sumusunod na mga tiyak na
layunin :

a. Nailalapat ang kahalagahan ng pagkakaugnay ng mga hilig, katangian at interes


sa gagawing Personal na Pahayag ng Misyon ng Buhay;

b. Naiisa-isa ang mga plano at mithiin sa gagawing Personal na Pahayag ng Misyon


ng Buhay; at

c. Nakagagawa ng sariling personal na pahayag ng misyon sa buhay gamit ang mga


natutunang hakbang at halaga nito.

Code: EsP9PK-IVc-14.1

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga tanong at isulat ang
letra ng iyong sagot sa patlang.

______1.Alin sa mga sumusunod ang HINDI na dapat isaalang – alang ni Rosiemae


sa paggawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?
A. Kasalukuyan niyang ipon at yaman
B. kanyang katangian
C.Kanyang kakayahan
D. Mga bagay na makakapagpaligaya sa kanya
______2. Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat gawing batayan ni Ivhan sa
isasagot niya sa tanong ng kanyang Troup Leader sa Scouting tungkol sa Personal
na Misyon niya sa Buhay?.
A. Ito ay batayan ng tao sa kanyang pagpasya
B. Ito ay katulad ng isang personal na kredo o motto na nagsasalaysay ng nais

1
mong mangyari sa iyong buhay
C. Magandang paraan ito upang makilala ang sarili
D. Ito ay tungkol sa iyong mga plano sa paglilingkod sa kapwa
______2. Alin sa mga sumusunod ang MALI tungkol sa Personal na Misyon sa
Buhay na hindi dapat gawing batayan ni Charles Ivhan sa isasagot niya sa tanong
ng kanyang Troup Leader sa Scouting kung ano ang kanyang misyon sa buhay.
A.Ito ay batayan ng tao sa kanyang pagpasya
B.Ito ay katulad ng isang personal na kredo o motto na nagsasalaysay ng nais mong
mangyari sa iyong buhay
C. Magandang paraan ito upang makilala ang sarili
D. Ito ay tungkol sa iyong mga plano sa paglilingkod sa kapwa
______3. Bakit kaya nabanggit ng guro nila Ben na ang kanilang personal na
misyon sa buhay ngayon na nasa Baitang Siyam sila ay maaaring mapalitan o
magbago pagkalipas ng sampung taon?
A. Sapagkat araw- araw ay may nababago sa tao
B.Sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan
C.Sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon sa buhay
D.Sapagkat ito na magkakaproblema kung hindi babaguhin
______4. Paano mo gagawin ang misyon mo sa buhay kung magka-iba ang gusto
mong kurso at ang gusto ng mga magulang mo para sa iyo?
A. Hindi ko na iisipin ang kursong gusto ng mga magulang ko
B. Ang kursong gusto ng mga magulang ang isusulat ko sa aking misyon sa buhay
C. Depende sa bugso ng panahon
D. Gagawa ako nang Plan A at Plan B sa kursong kukunin ko
______5. Ano ang magiging batayan ni Ruzette Grace sa pagawa ng kanyang
personal na misyon sa buhay sa aspeto ng strand o track na pipiliin sa Senior High
School?
A. Depende sa kursong gusto ng kanyang magulang
B. Nakabatay sa kanyang hilig at interes
C. Tatapusin niya ang kursong sinimulan ng kanyang kapatid
D. Depende sa kursong offered ng pinakamalapit na paaralan sa kanila
______6. Alin sa sumusunod ang maaaring naging dahilan kung bakit kahit
nakapagtapos na ng kurso ang kuya ni Aldrin ay hindi parin ito naghahanap ng

2
mapagtrabahoan?
A. Marami pa siyang naipon na magagamit niya
B. Hindi kaakit-akit ang sweldo ng mga trabaho
C. Hindi niya gusto ang kursong kinuha niya
D. Mababa ang mga grades niya
______7. Ano ang hakbang na isusulat ni Roxane sa kanyang Misyon sa Buhay sa
aspeto ng pagpapa-unlad sa sarili kung ang pangarap niya ay maging matagumpay
na negosyante?
A. Mag – aral ng abugasya
B. Mag – enrol sa Cookery Course
C. Mag – enrol sa ABM Strand pagdating nya nang Grade 11
D. Manuod ng short courses sa youtube tungkol sa mga Do It Yourself
______8. Paano hihikayatin ni Amber na payagan siya ng kaniyang mga magulang
na mag - enrol sa strand na gusto niya?
A. Kakausapin nang mabuti ang mga magulang at ipakita ang kanyang plano sa
buhay
B. Magpopost sa facebook nang patama sa mga magulang
C. Pakikiusapan ang kapatid na kausapin ang kanilang mga magulang
D. Magmamatigas at mag - eenrol talaga sa gusto niyang kurso
______9. Ang sumusunod ay mga mahahalagang tukuyin ni Ryann bago gumawa
ng kaniyang Pahayag ng Misyon ng Buhay maliban sa isa.
A. Mga hilig niya
B. Larawan ng buhay na kaligayahan niya
C. Pag-uugali niya
D. Payo ng mga kapatid niya
_____10. Ano ang mga hakbang na gagawin ni Xander sa kanyang Misyon sa
Buhay kung ang kurso na minimithi niya ay hindi kaya ng mga magulang niya?
A. Pagkatapos niya ng Senior High School hihinto na muna sa pag-aaral sa kolehiyo
B. Kukuha nalang nang ibang kurso
C. Mag-aaply ng scholarship at maging working student
D. Pipilitin ang mga magulang na gumastos para sa kurso na kukunin niya

3
Modyul Ang Aking Personal na Pahayag ng Misyon
8 ng Buhay

Balikan

Gawain 1: Ang Aking Personal na Pahayag sa Buhay!


Panuto: Balikan ang iyong natutunan sa nakaraang aralintungkol sa Personal na
Pahayag ng Misyon ng Buhay. Punan ang mga patlang ng iyong mga sagot sa
mga tanong sa ibaba.

A.Bakit mahalaga
1.___________________
2.___________________
3.___________________ Ang aking
Personal na
B.Mga hakbang paano gawin Pahayag sa
1._______________________ Buhay
2._______________________
3._______________________

C. Mga dapat tukuyin bago gumawa nito


1._________________________________
2._________________________________
3._________________________________

4
Rubriks sa Pagmamarka

Pamantayan 10 7 4
1. Nilalaman Naipaliwanag ng May kaunting Maraming
maayos ang kakulangan ang kakulangan ang
nilalaman na pagpapaliwanag pagbuo ng
hinihingi sa na ibinahagi sa talahanayan.
talahanayan. talahanayan.
2. Organisasyon Buong husay at Mahusay ang Di gaanong
malikhaing pagkakasulat ng maliwanag ang
naisulat ang ideya. pagkakasunod ng
pagkakasunod ng ideya.
ideya.

5
Tuklasin

Gawain 2: Punan Mo!


Panuto: Kompletuhin ang tsart sa ibaba na naglalarawan ng halimbawa ng isang
Personal na Misyon na Buhay ng isang mag-aaral nasa ika- siyam na baiting at ang
mga hakbang na susundin nya upang makamit ito.

Ako ay Magiging
Isang Tanyag na
Doktor

Rubriks sa Pagmamarka

Pamantayan 10 7 4
1. Nilalaman Naipaliwanag ng May kaunting Maraming
maayos ang kakulangan ang kakulangan ang
nilalaman na pagpapaliwanag pagbuo ng
hinihingi sa na ibinahagi sa talahanayan.
talahanayan. talahanayan.
2. Organisasyon Buong husay at Mahusay ang Di gaanong
malikhaing pagkakasulat ng maliwanag ang
naisulat ang ideya. pagkakasunod ng
pagkakasunod ng ideya.
ideya.

6
Suriin

Tayo ay may kanya -kanyang pangarap at mithiin sa buhay na siyang ating


pinakaasam-asam na maabot at maranasan. Ang pag- abot ng minimithing
pangarap ay nagsisimula sa tamang pagdedesisyon kung saan isinasaalang-alang
ang iba’t ibang salik para ito ay mapaghandaan. Dapat magkaroon din ng plano at
mithiin upang hindi maligaw o mawalan ng pag- asa sa iyong pangarap. Mula sa
mga nakaraang aralin napag-alaman natin at natutunan kong gaano ka importante
ang magkaroon ng Personal na Pahayag ng Misyon ng Buhay. Natutunan din natin
ang kahalagahan kung bakit dapat magkaugnay ito sa ating mga katangian at pag -
uugali
Ang pagsulat ng personal na misyon sa buhay ay hindi madalian o nabubuo
lamang sa isang oras. Ito ay kailangan mong pagnilayan, paglaanan ng sapat na
oras/panahon at ibigay mo ang iyong buong sarili sa iyong ginawa. Sa oras na ito ay
mabuo mo, ito ang magiging saligan ng iyong buhay. Magkaroon ka ng pagbabago
sapagkat ang lahat ng iyong gagawin o iispin ay nakabatay na dito. Sa pagbuo ng
personal na misyon ng buhay, ito dapat ay nakatuon sa kung ano ang nais mo na
mangyari sa mga taglay mong katangian at kung paano makakamit ang tagumpay
gamit ito. Ayon kay Stpehen Covey, upang makabuo ng mabuting personal na
misyon ng buhay, mabuti na ito ay magsimula na alamin ng tao ang sentro ng
kanyang buhay.
Inaasahang marami kang nalaman tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon
mo ng plano para sa buhay na gusto mong mangyari ilang taon mula ngayon. Kahit
nasa murang edad ka pa lamang at nasa ika - siyam na baitang importante na
meron ka nang klarong direksyon at takdang oras sa bawat ambisyon na minimithi
mo. Ayon nga sa Seven Habits of Healthy Person ni Stephen Covey " Begin with the
end in Mind”. Sa bawat gagawin natin na unang hakbang ngayon dapat
napagnilayanan na natin na ito ay patungo sa landas ng buhay na gusto natin sa
hinaharap.

7
Sa modyul na ito makagagawa pa kayo ng mga pagsasanay na maglilinang
ng iyong tamang paglikha ng Personal na Pahayag ng Misyon ng Buhay. Tandaan
natin na ang buhay na may plano at masaya ay panalo.

Pagyamanin

Gawain 3: Tama o Mali!


Panuto: Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad
ng wastong diwa at MALI kung hindi.

_____1.Mahalagang sigurado ang tao sa landas na kaniyang tinatahak.

_____2. Ang misyon sa buhay ay dapat na makabubuti sa sarili lamang.

_____3. Ang PPMB ay isang personal na kredo na nagsasalaysay kung paano mo


ninanais na dumaloy ang iyong buhay.

_____4. Simulan mo ang paggawa ng iyong personal na misyon sa pamamagitan ng


pagtatala ng iyong mga ugali at mga katangian.

_____5. Hindi importante ang pagtutukoy mo ng mga pinapahalagaan mo sa


paggawa ng Misyon ng Buhay.

8
Isaisip
Gawain 4: Awitin Mo, Pagnilayan ko!

Panuto: Pakinggan ang awitin ni Nonoy Zuñiga at pagnilayan ang mensahe nito sa
iyo. Pagkatapos sagutin mo ang mga katanungan sa ibaba at isulat ang mga sagot
sa patlang.

Doon Lang
Nonoy Zuñiga

Kung natapos ko ang aking pag-aaral


Disin sana'y mayro'n na akong dangal
Na ihaharap sa'yo at ipagyayabang
Sa panaginip lang ako may pagdiriwang
Yaman at katanyagan sa akin ay wala
Kakisigan ko ay bunga ng isang sumpa
Ang aking inay ang tangi kong tagahanga
Sa panaginip lang ako may nagagawa
Doon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin
Doon ay kaya kong igapos, ihip ng hangin
Doon ay kaya kong ipagbawal, buhos ng ulan
Sa panaginip lang kita nahahagkan t'wina
Doon lang
Kung 'di dahil sa barkada ay tapos ko na
Ang pag-aaral na nagbibigay ng halaga
Sa awitin kong ito mo lang madarama
Mga pangarap kong walang pangangamba
Doon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin
Doon ay kaya kong igapos, ihip ng hangin
Doon ay kaya kong ipagbawal, buhos ng ulan
Sa…

Gabay sa Pagtugon:

1. Ano ang mensahe ng awitin?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Ayon sa awitin, ano ang kahalagahan ng tamang pagpili ng tamang track o


landas na patutunguhan?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

9
Rubriks sa Pagmamarka
Pamantayan 10 7 4
1. Nilalaman Naipaliwanag ng May kaunting Maraming
maayos ang kakulangan ang kakulangan ang
nilalaman na pagpapaliwanag pagbuo ng
hinihingi sa na ibinahagi sa talahanayan.
talahanayan. talahanayan.
2. Organisasyon Buong husay at Mahusay ang Di gaanong
malikhaing pagkakasulat ng maliwanag ang
naisulat ang ideya ngunit hindi pagkakasunod
pagkakasunod ng masyadong kawili ng ideya.
ideya at wili ang mga
nakakaingganyo ideya.
ng interes ng iba

Isagawa

Gawain 5: Ang Aking Misyon sa Buhay!


Panuto: Mula sa mga nakaraang talakayin gumawa ka nang iyong personal na
pahayag ng misyon ng buhay.

Ang Aking Misyon Sa Buhay

Elemento Hakbang na gagawin Takdang Oras/Panahon

10
Rubriks sa Pagmamarka
Pamantayan 10 7 4
1. Mensahe na Maliwanag ang May kaunting Maraming
ideya ideyang kakulangan ang kakulangan ideya
inilalahad paglalarawan ng
ideya
2. Organisasyon Buong husay at Mahusay ang at Di gaanong
malikhaing madaling maliwanag at
ibinahagi ang maintindihan ang maintindihan ang
mithiin ideyang mga ideya.
inilalahad.

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga tanong at isulat ang
letra ng iyong sagot sa patlang.
______1.Alin sa mga sumusunod ang HINDI na dapat isaalang – alang ni Rosiemae
sa paggawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?
A. Kasalukuyan niyang ipon at yaman
B. kanyang katangian
C.Kanyang kakayahan
D. Mga bagay na makakapagpaligaya sa kanya
______2. Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat gawing batayan ni Ivhan sa
isasagot niya sa tanong ng kanyang Troup Leader sa Scouting tungkol sa Personal
na Misyon niya sa Buhay?.
A. Ito ay batayan ng tao sa kanyang pagpasya
B. Ito ay katulad ng isang personal na kredo o motto na nagsasalaysay ng nais
mong mangyari sa iyong buhay
C. Magandang paraan ito upang makilala ang sarili
D. Ito ay tungkol sa iyong mga plano sa paglilingkod sa kapwa
______2. Alin sa mga sumusunod ang MALI tungkol sa Personal na Misyon sa
Buhay na hindi dapat gawing batayan ni Charles Ivhan sa isasagot niya sa tanong
ng kanyang Troup Leader sa Scouting kung ano ang kanyang misyon sa buhay.
A.Ito ay batayan ng tao sa kanyang pagpasya
B.Ito ay katulad ng isang personal na kredo o motto na nagsasalaysay ng nais mong
mangyari sa iyong buhay
C. Magandang paraan ito upang makilala ang sarili

11
D. Ito ay tungkol sa iyong mga plano sa paglilingkod sa kapwa
______3. Bakit kaya nabanggit ng guro nila Ben na ang kanilang personal na
misyon sa buhay ngayon na nasa Baitang Siyam sila ay maaaring mapalitan o
magbago pagkalipas ng sampung taon?
A. Sapagkat araw- araw ay may nababago sa tao
B.Sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan
C.Sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon sa buhay
D.Sapagkat ito na magkakaproblema kung hindi babaguhin
______4. Paano mo gagawin ang misyon mo sa buhay kung magka-iba ang gusto
mong kurso at ang gusto ng mga magulang mo para sa iyo?
A. Hindi ko na iisipin ang kursong gusto ng mga magulang ko
B. Ang kursong gusto ng mga magulang ang isusulat ko sa aking misyon sa buhay
C. Depende sa bugso ng panahon
D. Gagawa ako nang Plan A at Plan B sa kursong kukunin ko
______5. Ano ang magiging batayan ni Ruzette Grace sa pagawa ng kanyang
personal na misyon sa buhay sa aspeto ng strand o track na pipiliin sa Senior High
School?
A. Depende sa kursong gusto ng kanyang magulang
B. Nakabatay sa kanyang hilig at interes
C. Tatapusin niya ang kursong sinimulan ng kanyang kapatid
D. Depende sa kursong offered ng pinakamalapit na paaralan sa kanila
______6. Alin sa sumusunod ang maaaring naging dahilan kung bakit kahit
nakapagtapos na ng kurso ang kuya ni Aldrin ay hindi parin ito naghahanap ng
mapagtrabahoan?
A. Marami pa siyang naipon na magagamit niya
B. Hindi kaakit-akit ang sweldo ng mga trabaho
C. Hindi niya gusto ang kursong kinuha niya
D. Mababa ang mga grades niya
______7. Ano ang hakbang na isusulat ni Roxane sa kanyang Misyon sa Buhay sa
aspeto ng pagpapa-unlad sa sarili kung ang pangarap niya ay maging matagumpay
na negosyante?
A. Mag – aral ng abugasya
B. Mag – enrol sa Cookery Course
C. Mag – enrol sa ABM Strand pagdating nya nang Grade 11
D. Manuod ng short courses sa youtube tungkol sa mga Do It Yourself
______8. Paano hihikayatin ni Amber na payagan siya ng kaniyang mga magulang
na mag - enrol sa strand na gusto niya?
A. Kakausapin nang mabuti ang mga magulang at ipakita ang kanyang plano sa
buhay
B. Magpopost sa facebook nang patama sa mga magulang
C. Pakikiusapan ang kapatid na kausapin ang kanilang mga magulang
D. Magmamatigas at mag - eenrol talaga sa gusto niyang kurso
______9. Ang sumusunod ay mga mahahalagang tukuyin ni Ryann bago gumawa
ng kaniyang Pahayag ng Misyon ng Buhay maliban sa isa.
A. Mga hilig niya
B. Larawan ng buhay na kaligayahan niya

12
C. Pag-uugali niya
D. Payo ng mga kapatid niya
_____10. Ano ang mga hakbang na gagawin ni Xander sa kanyang Misyon sa
Buhay kung ang kurso na minimithi niya ay hindi kaya ng mga magulang niya?
A. Pagkatapos niya ng Senior High School hihinto na muna sa pag-aaral sa kolehiyo
B. Kukuha nalang nang ibang kurso
C. Mag-aaply ng scholarship at maging working student
D. Pipilitin ang mga magulang na gumastos para sa kurso na kukunin niya

13
Karagdagang Gawain

Gawain 6: Ibahagi mo!


Panuto: Mula sa iyong mga nagawang pagsasanay at mga natutunan tungkol sa
Personal na Pahayag ng Misyon ng Buhay. Ilarawan mo ang iyong sariling pananaw
sa pamamagitan ng paggawa ng isang Motto o Salawikain na angkop nito.

Rubriks sa Pagmamarka sa Paggawa ng Salawikain


Pamantayan 5 3 2
1. Nilalaman Naisa-isa at May kaunting Maraming
naipapaliwanag ng kakulangan ang kakulangan ang
maayos ang ang pagpapaliwanag ng pagbuo ng ideya sa
mga ideya sa ideya salawikain
salawikain
2. Organisasyon Buong husay at Mahusay ang Di gaanong
malikhaing naisulat pagkakasulat ng maliwanag ang
ang pagkakasunod ideya ng salawikain pagkakasunod ng
ng mga ideya sa ideya.
salawikain

14
Sanggunian

Learning Module sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, pahina 275-285


https://www.slideshare.net/ednaazarcon7/es-p-9-modyul-14-personal-na-pahayag-
ng-misyon-sa-buhay.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ivy A. Samson, MAGC


Imelda National High School
Zamboanga Sibugay Division

Editor: Denna M. Balasabas, MAED


Basalem NHS, Zamboanga Sibugay Division

Tagasuri: Reynante B. Diodos, EdD


Imelda NHS, Zambo. Sibugay Division

Denna M. Balasabas, MAED


Basalem NHS, Zamboanga Sibugay Division

Mona Lisa M. Babiera, Ed.D - EPS


Education Program Supervisor
Tagapamahala:
Evelyn F. Importante
OIC-CID Chief EPS

Aurelio A.Santisas,Ed.D
OIC-Assistant Schools Division Superintendent

Jerry C. Bokingkito,Ed.D
OIC-Assistant Schools Division Superintendent

Dr. Jeanelyn A. Aleman, CESO VI


OIC-Schools Division Superintendent

15
15

You might also like