You are on page 1of 3

Manuel L.

Quezon High School


Blumentritt St, Sta.Cruz
DAILY LESSON PLAN (Pang- GURO Joanna Joy D. Mercado BAITANG/ANTAS GRADE 8: 3, 4, 6, 7, 8,10, 13
araw-araw na Banghay Aralin sa
Pagtuturo) PETSA/ORAS ASIGNATURA Edukasyon sa Pagpapakatao
APRIL 1-5 , 2024
MARKAHAN Ikaapat
8:00-2:00 PM
WEEK: 3 DAY: 2

PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag- aaral ang pag-unawa sa mga karahasan sa paaralan.


PANGNILALAMAN
PAMANTAYAN SA Naisasagawa ng mag- aaral ang mga angkop na kilos upang maiwasan at matugunan ang mga karahasan
PAGGANAP sa kanyang paaralan.
PAMANTAYANG Nasusuri ang mga aspekto ng pagmamahal sa sarili at kapwa na kailangan upang maiwasan at tugunan ang
PAGKATUTO (MELC) karahasan sa paaralan.
BATAYANG Pagmamahal sa Sarili at Kapwa
PAGPAPAHALAGA
INTEGRASYON SEL
I. LAYUNIN 1. Nasusuri ang sitwasyon na nagpapakita ng mga aspekto ng pagmamahal sa sarili at kapwa na kailangan
upang maiwasan at tugunan ang karahasan sa paaralan.
2. Nabibigyang halaga ang mga aspekto ng pagmamahal.
3. Naisusulat ang kahalagahan ng aspekto ng pagmamahal upamng maiwasan at tugunan ang karahasan sa
paaralan
II. NILALAMAN A. Paksa: Mga Aspekto Ng Pagmamahal: Pag-Iwas Sa Karahasan Sa Paaralan
B. Konsepto: Kung maisabuhay ang mga aspekto ng pagmamahal sa sarili at kapwa ay maiiwasan at
matugunan ang karahasan sa paaralan.
C. Sanggunian: ESP 8 Modyul Para Sa Mag-aaral 8 Q3 Mod 50, SEL MODULE,
D. Mga kagamitan: Blackboard, chalk, papel, TV, PPT
III. PAMAMARAA A. PANIMULANG GAWAIN
N 1. Panalangin
2. Pag-uulat ng Liban
SEL Social 3. Mga Paalala bago magsimula ang talakayan
Awareness and 4. Balik-aral: Ibahagi ang mga natutuhan sa nagdaang aralin.
Relationship Skills 5. Positive Quotes - Ang guro ay tatawag ng mag-aaral upang ibahagi ang positive quote sa klase.
- Bilang mag-aaral, paano mo maisasabuhay ang napiling kasabihan?
B. PANGUNAHING GAWAIN
1. Pagganyak/Lunsaran: Suriin ang dalawang larawan at at pagnilayan ang mga gabay na tanong.

Gabay na tanong:
a. Ano ang ipinahiwatig sa dalawang larawan?
b. Kung ikaw ang papipiliin, alin sa dalawang larawan ang iyong isabuhay? Bakit?

2. GAWAIN: basahing mabuti ang salaysay at suriin kung anong aspekto ng pagmamahal ang kailangan
upang makaiwas at matugunan ang karahasan sa paaralan.
Nagmula sa isang mahirap na pamilya si lina subalit hindi ito naging hadlang upang abutin ang kanyang mga
pangarap sa buhay. Kahit minsan ay hindi siya nawalan ng pag-asa na makapagtapos ng pag-aaral. Madalas
na nagiging tampulan siya ng tukso ng mga kaklase sa tuwing pumapasok ng paaralan sapagkat pabalik-
balik lamang ang damit na kanyang isinusuot pag-araw ng washday sa eskwelahan. Hanggang sa
humantong ito sa pag-aaway at dinala sila sa discipline office para imbestigahan ang gulo.

3. PAGSUSURI
a. Anong aspekto ng pagmamahal ang kinnakailangan upang maiwasan ang mga sitwasyon katulad ng
salaysay?
b. Bakit mahalagang iwasan ang anumang karahasan sa paaralan?
c. Bakit mahalaga na masuri ang mga aspekto ng pagmamahal?

4. PAGHAHALAW
 Bilang isang mag-aaral ay mahalaga na masusuri ang mga aspekto ng pagmamahal
gaya ng sumusunod:
1. Pagmamahal sa Panginoon
2. Pagmamahal sa magulang
3. Pagmamahal sa sarili
4. Pagmamahal sa kapwa

5. PAGBUO NG KONSEPTO
Panuto: Punan ng angkop na salita ang talata upang mabuo ang diwa nito.
Ang _________sa _______ ay maiiwasan kung maisasabuhay ang _________sa sarili at ______ na
magdudulot ng ______ at matiwasay na buhay ng bawat __________.

6. PAGSASABUHAY
Panuto: Gamit ang sticky notes, idikit sa puso ang paraan na iyong gagawin upang mapairal ang
pagmamahal sa kapwa at matugunan ang karahasan sa paaralan.
IV. TAKDANG Magsulat ng repleksyon tungkol sa iyong natutuhan mula sa paksang tinalakay. Isulat sa ESP Journal ang
ARALIN sagot SEL Self-Awareness and SEL Self-Management

You might also like