You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education

HEALTH AND SCIENCE CURRICULUM


LESSON EXEMPLAR

School: Grade Level/ Week HEALTH 1 WEEK 2


Teacher: Quarter: THIRD QUARTER
Date: Health Content Area: SEXUAL AND REPRODUCTIVE HEALTH

Layunin sa Mga Pamamaraan Pagtataya


Pagkatuto Kagamitan
Identify Module A. Panimulang Gawain: Pagtataya:
different laptop Balik-aral
kinds of powerpoint Kamustahan Lagyan ng tsek/ kung
relationship presentation Awitin ang “Kung ikaw ay masaya tumawa ka” nagpapahiwatig ng malusog na
pictures Ano ang isinasaad sa awit? Jung ikaw ay masaya buhay mo ay relasyon at x kung hindi.
activity cards sisigla
________1. pagtitiwala
B. Panlinang na Gawain:
Paghahabi ng Layunin ________ 2. katapatan

_______3. pagseselos

_______4. pagbibigayan

Basahin at intindihin ang tula. _______5. pagdududa


https://www.facebook.com/photo/?fbid=3240601699363137&set=
pcb.3240602076029766 _______6.kasiyahan

_______7. pananakit
C. Pag-uugnay ng mga Gawain sa Bagong Aralin
1. Ano ang pamagat ng tulang binasa? _______8. pagkakaisa
2. Anu-ano ang salitang naglalarawan sa kanilang pamilya?
3. Sa iyong palagay ay masaya ba ang pamilya sa tula? Bakit mo _______9 pagkakaintindihan
nasabi?
4. Ano ang mensahe ng tula? ______10. pag-aaway
5. Paano mo ilalarawan ang iyong pamilya?
6. Gusto mo ba ng masaya at magandang relasyon sa iyong
pamilya?

D. Pagtalakay sa Bagong Konsepto at paglalahad ng Bagong


Konsepto #1

Tingnan at paghambingin ang dalawang larawan.

Ang pakikisalamuha sa ibang tao ay isang mahalagang bahagi


sa buhay ng isang indibidwal. Maraming matututunan at nagagawa
kasama ang mga tao sa paligid.
Ang pakikisalamuha o pakikisama sa iba’t ibang tao ay
maaring magdulot ng malusog o hindi malusog na relasyon.
Dalawang Uri ng Relasyon

1. Malusog na relasyon- ito ay nagdudulot ng kasiyahan.


2. Hindi malusog na relasyon- ito ay nagdadala ng
kalungkutan.

E. Pagtalakay sa Bagong Konsepto at paglalahad ng Bagong


Konsepto #2
Isulat ng TAMA kung nagsasaad ng malusog na relasyon at MALI
kung hindi malusog na relasyon.

_________1. May pagmamahalan ang bawat kasapi ng pamilya.


_________2. May tiwala sa isa’t isa.
_________3. Walang pagkakaunawaan.
_________4. Walang paggalang o respeto sa opinyon o idea ng iba.
_________5. May epektibong pakikipag usap o komunikasyon.

Ang pagkakaroon ng malusog na relasyon sa mga taong


nakapaligid ay makakatulong upang mapabuti ang pagkabuo ng
kalusugan at kagalingan ng isang tao
At maari naming maiwasan ang hindi malusog na relasyon sa
pamamagitanng pagiging mahinahon sa lahat ng pagkakataon,
isipin ang kahihinatnan ng bawat kilos at dagdagan ang
pananampalataya sa Panginoon.

F. Paglinanag ng Kabisahan
Basahin ang pangungusap at isulat ang M kung ito ay
tumutukoy sa malusog na relasyon at DM kung hindi malusog na
relasyon.

________1. Masaya kang nakikipagkwentuhan sa iyong mga


kaibigan.
________2. PInipilit ka ng iyong kaibigan na sumama sa kanya
para mag cutting classes.
________3. Tinutulungan mo ang iyong ina sa pag aalaga ng iyong
kapatid.
________4. Iginagalang mo ang opinyon ng iyong kaklase,
________5. Mas gusto mo pang manatili sa bahay ng kaklase mo
kaysa umuwi sa inyo.

G. Paglalapat sa Aralin
Magbigay ng palatandaan ng malusog na relasyon at hindi
malusog na relasyon.

Malusog na relasyon Hindi malusog na relasyon

H. Paglalahat ng Aralin
Itanong:
Ano ang dalawang Uri ng relasyon?
Anu-ano ang palatandaan ng malusog na relasyon?
Anu-ano ang palatandaan ng hindi malusog na relasyo?
J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin at remediation
Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng malusog na relasyon at
hindi malusog na relasyon.

Inihanda ni:

ROSALYN R. PADOLINA
Master Teacher II

Sinuri ni:

IMELDA D. SERAFICO
Master Teacher I
Officer-in-Charge

Binigyang pansin ni: Pinagtibay:

DR. MINERVA B. ARROZA DR. FATIMA T. YUSINGBO


Public Schools District Supervisor Education Program Supervisor-MAPEH
District V

You might also like