You are on page 1of 14

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang

Ika-apat na Markahan – Modyul 10: Paggalang sa Pagkatao ng isang Tao at sa


tunay na layunin nito
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat : Filipina B. Planas
Editor : Vivien F. Vinluan
Tagasuri : Perlita M. Ignacio, RGC, PhD/Josephine Z. Macawile
Tagalapat : Rema A. Agustine
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao
10
Ika-apat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Modyul 10: Paggalang sa Pagkatao ng Isang Tao at sa
Tunay na layunin nito
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng


Modyul 10 para sa araling Paggalang sa Pagkatao ng isang Tao at sa tunay na
layunin nito
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na
makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Modyul


10 para sa araling Paggalang sa Pagkatao ng isang Tao at sa tunay na layunin nito

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na
dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
MGA INAASAHAN

Sa Ika-Sampung Modyul na ito ay tatalakayin ang mga katotohanan sa pagkatao


ng isang tao at sa tunay na layunin nito :

Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

A. Naipaliliwanag ang katotohanan tungkol sa pagkatao ng isang tao;


B. Napangangatwiranan ang kahalagahan ng paggalang sa pagkatao at sa tunay na
layunin nito; at
C. Napaninidigan ang tamang pananaw laban sa mga isyung may kinalaman sa
kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang salitang TAMA
kung tama ang pahayag atang salitang MALI kung mali ang pahayag.

______________1. Ang sekswalidad ay kaloob sa atin ng ating mga magulang. Ito


ay banal na bahagi ng ating pagkatao.

________________2. Ang pagkakaruon ng anak sa pamamagitan ng mag-asawa ay


tinatawag na unitive.

________________3. Ang tao ay nilikhang may espiritwal na katawan.

________________4. Ang pagtrato sa kapwa ng may paggalang ay paggalang din


kanilang karapatan.

________________5. Kailangang gamitin ng tao kanyang isip at kalakasan upang


makapagpasya ng tama.
BALIK-ARAL

Panuto: Hanapin at bilugan mula sa puzzle ang mga salitang may kinalaman sa
isyu ng kawalan ng paggalang sa sekswalidad na tinalakay sa nakaraang aralin.

ARALIN

Tinalakay sa nakaraang aralin ang mga isyung may kinalaman sa kawalan


ng paggalang sa sekwalidad, Ngayon atin naming bibigyang pansin ang mga
katotohanang dapat nating isaaalang – alang upang maitaas ang pagkakaruon ng
paggalang sa dignidad at pagkatao ng tao.

Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga magkakahalong salita sa bawat


kahon upang mabuo ang tamang pahayag tungkol sa katotohanan sa paggalang sa
pagkatao ng tao.
A. B.

May kalayaan at may kamalayan tungo sa isang layunin


Tumutungo sa sariling may Espiritwal na kaluluwa
kaganapan ( porma ) at
Nilikha ng Diyos ang tao na Katawan ( materya )
mabuti at Ang tao
Na kumikilos
Magkatugma

C.

Ang kaniyang isip at kilos-loob


Upang marating ang layunin
Kailangang gamitin ng tao
Ay mabuti o masama
Na siyang magpapasya kung
ang kilos at pamamamaraan

Anu- ano ang nabuo mo sa bawat pahayag?

Narito ang mga katotohanan tungkol sa pagkatao at dignidad


ng tao.
1. Nilikha ng Diyos ang tao na mabuti at tumutungo sa
sariling kaganapan na malaya at may kamalayan.
2. Ang tao ay may espiritwal na kaluluwa (porma) at
katawan ( materya ) na kumikilos na magkatugma sa
isang layunin.
3. Upang marating ang kaniyang layunin, kailangang
gamitin ng tao ang kaniyang isip at kilos-loob na siyang
magpapasya kung ang kilos at pamamaraan ay mabuti
o masama.
4. Mula sa mga katotohanang nabanggit, napatutunayan
na malaki ang epekto sa pagkatao at dignidad ng tao ang
pagsasagawa ng mga gawaing may kinalaman sa
kawalan ng paggalang sa sekswalidad.
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Lagyan ng ang pahayag kung ito ay nagpapahayag ng katotohanan at
kung walang katotohanan.
1. Ang pagkahumaling sa pornograpiya ay isang gawain na nakapagpapababa ng
dignidad ng tao.
2. Lahat ng tao na nasa wastong edad ay may karapatang makipagtalik.
3. Ang pagbebenta ng aliw ay normal na gawin lalo na kung gagamitin sa
pagpapagamot ang perang kikitain.
4. Maituturing na pang-aabusong sekswal ang pagpapakita ng hubad na larawan
sa isang bata.
5. Ang ating katawan ay templo ng Diyos kayat dapat nating alagaan.
6. Ang pagtatalik ng magkasintahan ay normal at naayon sa makabagong
panahon.
7. Ang esensiya ng sekswalidad ay magkaruon ng anak at bumuo ng pamilya.
8. Ang hindi angkop na pananamit ay maituturing na pagpapabaya sa sariling
sekswalidad.
9. Maraming tao ang hindi nakababatid sa tamang paggamit ng kanilang
sekswalidad.
10. Ang paggalang sa sekswalidad ay walang kaugnayan sa paggalang sa
pagkatao ng isang tao.

Pagsasanay 2
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba at sagutin ang tanong sa bawat
sitwasyon.

SITWASYON 1
Dahil panahon ng pandemya, madalas ginagawang libangan ni Arnold ang panunuod
ng pelikula at pagsusurf sa internet. Ngunit sa kabila nito, madalas din siyang
nakakapunta sa mga website na hindi nararapat. Ano epekto nito sa kaniyang dangal
at pagkatao?
Sagot:_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
SITWASYON 2

Naging biktima ng sakit na Covid 19 ang Nanay ni Ana. Kinakailangan siyang


mahospital upang kaagad na malunasan, ngunit wala silang pera para ipambayad sa
pagamutan. Tamang–tama na biglang nag-alok ng tulong ang kaniyang kaibigan
upang kumita ng pera sa mabilis na paraan, ang pagbebenta ng aliw. Sa puntong ito
tama ba na tanggapin ni Ana ang alok ng kaibigan para sa kapakanan ng kaniyang
ina? Ano ang epekto nito sa kaniyang dignidad?
Sagot______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

Pagsasanay 3
Panuto: Punan ang speech balloon. Ibigay ang angkop na tugon tungkol sa mga
isyung ay kinalaman sa paggalang sa dignidad ng tao.

Tyron, May kopya


ako ng video ng
isang scandal ng
sikat na artista,
gusto mo ba itong
PAGLALAHAT

Sagutin ang mga tanong mula sa katotohanan sa pagkatao ng tao na tinalakay?

PAANO nilikha ng Diyos ang tao?

ANO ang bumubuo sa pagkatao ng tao?

BAKIT kailagang gamitin ang isip at kilos-loob sa pagkamit ng layunin?

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Magbigay ng isang pahayag kung bakit ka karapat- dapat ka na igalang ng


iyong kapwa. Isulat ang sagot sa loob ng puso.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto:
Suriin ang sumusunod na larawan kung ito ba ay nagpapakita ng kawalan ng
paggalang sa pagkatao at sekwalidad ng tao. Lagyan ng Tsek kung Oo at Ekis naman
kung hindi.

A.

B C

D E
SUSI SA PAGWAWASTO

Panapos na
Pagsusulit
10. 5.

9. 4. A.
Mali 5. 8. 3. B.
C.
Tama 4.
Mali 3. 7. 2
Tama 2. D.
6. 1.
E.
Tama 1.
Paunang Pagsubok Pagsasanay 1

BALIK ARAL

T P E E N A G E P R E G N A N C Y
P P A E S U R L K O O L P A S Y P
C R O N X V P M A R I T K O E D E
N A P R E M A R I T A L S E X O D
S I B O N I M I S Y M U X P U P O
O R A P R O S T I T U T E E A E P
H M P R S O G R A G H A L R L E H
P I U E A W U R Y K W A L R A I I
A R E S E K S W A L I D A D B T L
R E X W A L I P R P L D D A U Q E
G N P R O L N U T S I Y A R S U R
G S p R O S T I T U S Y O N E O B
K A L I R P C B U O T E A K S W B
Sanggunian

https://4vector.com/free-vector/man-and-woman-icon-clip-art-116854
http://www.wdgreportcard.com/en/data-portal/teenage-pregnancy.aspx
https://www.girlscouts.org/en/raising-girls/happy-and-healthy/happy/physical-and-sexual-abuse-
children.html
https://aztrauma.org/prostitution-cultural-misconceptions-and-the-harm-we-cause/
https://r3.rappler.com/move-ph/223050-photos-up-oblation-run-february-2019
https://www.pinterest.ph/pin/516858494714132877/?nic_v2=1a1w4pRl2
Module sa ESP 10, Gabay sa guro sa ESP 10

You might also like