You are on page 1of 4

Lesson Exemplar in Araling Panlipunan Using the IDEA Instructional Process

LESSON School MLGMNHS - Main Grade Level Baitang 10


EXEMPLA Teacher Cristy A. Naputo Learning Area ARALING PANLIPUNAN
R Teaching Date and Time Marso 21-22 / 12:45 – 1:45pm Quarter Ikatlong Markahan

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag- aaral ay inaasahang:


a. Natutukoy ang konsepto ng gender roles
b. Natatalakay ang gender roles sa Pilipinas at sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
c. Napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng bawat tao sa lipunan ayon sa
kanyang kasarian (sex o gender)
A. Pamantayang Pangnilalaman Nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang
sa ibat ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang
kasapi ng pamayanan.
B. Pamantayan sa Pagganap Nakapagpakita ng pag-unawa sa mga epekto ng mga isyu at hamon na may kaugnayan
sa kasarian at lipunan upang maging tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at
paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan.
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at Sex gender roles sa iba’t ibang bahagi
Pagkatuto (MELC) (Kung mayroon, isulat ng daigdig
ang pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto o
MELC

D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang
kasanayan.)

E. Pagpapayamang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapayamang
kasanayan.)
II. NILALAMAN Gender Roles sa Pilipinas at daigdig

III. KAGAMITAN PANTURO


A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC AP G10 Q3, SLM BOW R4QUBE, Curriculum Guide: (p.260)

b. Mga Pahina sa Kagamitang Araling Panlipunan


Pangmag-aaral Ikatlong Markahan – Modyul 3: pp. 4-18
c. Mga Pahina sa Teksbuk AP 10 LM Gender roles sa Pilipinas pp. 266-268
Gender roles sa Daigdig pp. 274-277.
d. Karagdagang Kagamitan mula Learning Resources Portal sa https://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/1272
sa Portal ng Learning Resource
Youtube: https://www.youtube.com/watch?v=eEfbvfwVhI0
B. Listahan ng mga Kagamitang
Concept map, mga larawan na nakapowepoint, audio/video ng konsepto ng sex at
Panturo para sa mga Gawain sa gender
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Ang Napapanahong Pagpapaalala:
 Magbigay ng gabay at patnubay sa pagbubukas ng klase sa loob ng silid aralan
 Ipaalala sa mga bata ng mga panuntunan sa limitadong harapang klase nang
pag-iwas sa pagpapalaganap ng anumang virus.
Balitaan muna Tayo:
 Tatawag ang guro ng isang mag-aral na maglalahad ng napapanahong isyu na
may kinalaman sa paksa. Magkaroon ng tatlong minutong talakayan tungkol
dito.

Balikan Natin:
 Magpapakita ng simbolo
ng lalaki at babae at LGBT at itanong sa
mga mag-aaral kung ano muli nag
pakahulugan/pinagkaiba ng sex at gender.
Picture Analysis:

 Magpakita ng isang larawan sa


panahon ng lumang bato
 Tanungin ang mga mag-aaral
kung anong napapansin nilang
ginagawa ng kalalakihan at
kababaihan sa larawan.
 Pagpapahayag ng paksa at ng
layunin

Gawing gabay ang mga sumusunod na tanong sa paghaahabi ng kaalaman.


1. Ano ang gender roles?
2. Ano-ano ang mga gender roles sa Pilipinas sang-ayon sa ibat ibang panahon?
3. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang mga gender roles sa Africa, Kanlurang Asya
at Pangkulturang pangkat sa Guinea?
B. Pagpapaunlad

Sulyap sa Gender Roles


Panuto: Bigyang pakahulugan ang gender roles at isa-isahin ang mga
gampanin ng babae at lalaki sang-ayon sa ibat—bang yugto sa kasaysayan ng
Pilipinas . Gumamit ng papel sa pagsasagot
Gabay na Tanong
1. Sa anong panahon sa kasaysayan mayroong pang-aabuso sa kababaihan?
Ipaliwanag. _________________________________________________________
2. Sa anong panahon, nagsimula ang pagbibigay ng pantay na karapatan sa
babae at lalaki? Ipaliwanag?
____________________________________________________________________
3. Nakakaapekto ba ang gampanin/katatayuan ng babae at lalaki sa
lipunan/pamayanan? Oo o Hindi, bakit

Kahon ng Pagkatuto
. Ikaw ay nabigyan ng pagkakataong matuklasan ang mga gender roles sa Africa,
Kanluran Asya at mga pangkulturang pangkat sa Guinea mula sa tekstong iyong
binasa. At upang higit itong mapagyaman ay iyong sagutin ang gawain Gawain Blg 3.
Magsuri at Matuto (Pinagyamang Gawain halaw sa LMAP10) sa ibaba.

Magsuri at Matuto:
Panuto: Sagutin ang mga inihandang sagot sang-ayon sa mga kaalamang inilahad sa
bonasang teksto. Gumamit ng papel sa pagsasagot

1. Ano ang kalagayan ng gampanin sa pagboto, pagmamaneho at


paglalakbay sa Africa at Kanlurang Asya?

2. Sa usapin ng pagdedesisyon sa sarili, lalo na sa bahagi sa katawan, ano ang iyong


natuklasan sa FGM sa Africa at Kanlurang Asya. Ilarawan at tukuyin ang epekto sa
kababaihan?

3. Sa iyong palagay, nararapat bang panatilihin o bigyan pansin upang


mapabuti ang mga gender roles na iyong natuklasan sa ibat-ibang bansa. Oo o Hindi,
pangatwiranan?
C. Engagement Simple Survey
 Magsagawa ng simple survey sa loob ng tahanan. Hingin ang kanilang
opinyon kung ano ang kanilang pananaw o ano sa palagay nila ang
positibong kontribusiyon ng mga babae, lalaki, at LGBT sa lipunan.
Maaaring sa inyong komunidad o sa ating bansa ang basehang gagamitin.
Gawing gabay ang kasunod na format. Gumamit ng papel sa pagsasagot
1. Ano ang iyong napansin sa mga gampanin ng bawat taong inyong natukoy sa bawat
gender? Nakabase ba ito sa gender o kanilang kakayahan?

2.

Nakatulong ba sa pamayanan/bansa ang kanilang mga naging kontribusyon? Bakit?


3. pabor ka ba o hindi na maging pantay ang pagtingin sa lahat ng gender at sex?
Pangatwiranan ang iyong sagot.

D. Assimilation 321 Inventory of Learning


Gamit ang mga gabay na salita, punan ito ng mga sagot.
Gumamit ng papel sa pagsasagot. Magtala ng 3 salita na iyong natuklasan
________________________________________________________________
Magtala ng 2 pinakamahalagang konsepto na iyong natutunan
____________________________________________________________________
Magtala ng 1 mahalagang aral/pagpapahalagang iyong nakuha sa talakayan at
maaaring maipamuhay sa araw-araw.

V. PAGNINILAY Maikling pagsubok:


(Pagninilay sa mga Uri ng Formative Assessment na Panuto: Suriin ang mga katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot. Gumamit ng
Ginamit sa Araling Ito) papel sa pagsasagot.
1. Sa anong bansa hindi pinapayagang magmaneho ang mga kababaihan nang walang
pahintulot ng kamag-anak na lalaki?
A. Egypt B. Iraq C. Saudi Arabia D. Yemen
2. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay
pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang
kanyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki. Ano
ang ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng
kalalakihan noon kaysa sa kababaihan.
3. Kapwa pinapayagan noon ang mga babae at lalaki na hiwalayan ang kanilang
asawa. Maaring hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa pamamahitan ng pagbawi
sa mga ari-arian nito noong panahon na sila ay nagsasama pa, samantalang ang
babaeng ibig makipaghiwalay ay walang makukuhang anumang pag-aari. Ano ang ibig
ipahiwatig nito?
A. Walang pagmamay-ari ang mga kababaihan noon.
B. Maraming pagmamay-ari ang kalalakihan noon.
C. May pagkiling sa mga lalaki ang kasunduan sa pakikipaghiwalay.
D. May pantay na karapatan ang babae at lalaki sa usapin ng paghihiwalay
4. Iba’t iba ang gampanin ng mga babae at lalaki sa tatlong primitibong pangkat sa
New Guinea. Para sa mga Arapesh kapwa ang babae at lalaki ay maalaga o mapag-
aruga, matulungin, at mapayapa samantalang sa mga Tchambuli ay:
A. Kapwa ang babae at lalaki ay matapang, agresibo, at bayolente
B. Ang babae ang abala sa pag-aayos ng sarili at mahilig sa kuwento
samantalang ang kalalakihan ay dominante at naghahanap ng makakain.
C. Ang mga babae at lalaki ay masinop, maalaga at matulungin
D. Babae ang nagdodomina, at naghahanap ng makakain samantalang ang kalalakihan
ay abala sa pag-aayos ng sarili, at mahilig sa kuwento.

5. Nahirapan ang mga kababaihan na magkaroon ng karapatang bumuto sa mga


sumusunod na bansa maliban sa isa?
A. Kuwait B. Lebanon C. Pilipinas D. Syria

Inihanda ni: Sinuri nina: Binigyang pansin ni: Pinagtibay ni:

Ana Maria G. Rivas


Cristy A. Naputo Joan V. Buitre Rhea Olila
Punang guro II
Guro sa Araling Ulongguro II
Panlipunan 10
Riza S. Bernabe

Mga Dalub-guro I

You might also like