Professional Documents
Culture Documents
INSET Output 2 SCDLP
INSET Output 2 SCDLP
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng karapatang pantao sa
Pangnilalaman pagsusulong ng pagkakapantay pantay at respeto sa tao bilang kasapi ng
pamayanan, bansa at daigdig
D. Pinakamahalagang Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at gender roles sa iba’t-ibang
Kasanayan sa Pagkatuto bahagi ng daigdig (MELC 10)
(MELC)
(Kung mayroon, isulat ang
pinakamahalagang
kasanayan sa
pagkatuto o MELC)
E. Pagpapaganang
Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang
kasanayan)
II. NILALAMAN Kasarian sa Iba’t-ibang lipunan
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Araling Panlipunan 10- Kontemporaryong Isyu Modyul Para sa Mag-aaral, pp.
Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Araling Panlipunan 10- Kontemporaryong Isyu Modyul Para sa Mag-aaral, pp. 266-
Pang-mag-aaral 269
3. Mga Pahina sa Teksbuk Araling Panlipunan 10- Kontemporaryong Isyu Modyul Para sa Mag-aaral, pp. 266-
269
IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain 1. Pagbati
- Babatiin ng magandang hapong ang mga mag-aaral.
- Sabihin: Kumusta kayo ngayong araw na ito?
2. Pagsasa-ayos ng silid-aralan
- Saabihin: Pulutin ang mga nakakalat na papel o plastik at iayos ang mga
upuan.
3. Pagganyak
- Ang guro ay magpapakita ng iba’t-ibang larawan ng mga kilalang tao sa Lipunan
na may ibat-ibang kasarian at gampanin sa pamamagitan ng power point
presentation.
1. Gloria Diaz 6. Geraldine Roman
2. Emilio Aguinaldo 7. Ricky Reyes
3. Corazon Aquino 8. Joel Cruz
4. Emannuel Pacquiao 9. Dr. Helen Tan
5. Jose Viceral 10. Mark Alcala
Pamprosesong tanong:
1. Ano ang mga pangunahing gampanin ng mga personalidad na ipinakita sa
power point presentation?
2. Naging hadlang ba ang kanilang kasarian sa kanilang gampanin sa Lipunan,
ipahayag ang sariling opinion.
2. Pagtalakay
- Bibigyan ng dalawang minuto ang bawat pangkat upang ibahagi ang kanilang
repleksyon sa harap ng klase.
- Pagkatapos ng bawat repleksyon, aanyayahan ang ibang grupo na magtanong.
- Itanong:
Ano ang mga natutuhan Ninyo ?
Nakakaapekto ba ang gampanin/katatayuan ng babae at lalaki sa
Lipunan/pamayanan?
3.Paglalahat
- Gagabayan ang mga mag-aaral sa paglalahat ng aralin.
4. Paglalapat
. Paglalapat
- Bilang isang mag-aaral, nakaimpluwensya ba ang mga ibat-ibang gampanin ng
kababaihan at kalalakihan sa ibat-ibang panahon sa iyong pamumuhay ngayon?
Magbigay ng halimbawa.
IV. PAGTATAYA Panuto: Ang klase ay papangkatin sa apat na grupo. Ang bawat grupo ay sasagutin
ang mga tanong na nakalagay sa mystery box. Ang bawat mystery box ay nakalaang
puntos.
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na tanong. Isualt ang letra ng wastong
sagot sa iyong sagutang papel.
1. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinayagang
magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kanyang
asawang babae sakaling makita niya itong may kasamang ibang lalaki. Ano ang
ipinahihiwatig nito
a. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa
b. May pantay na karapatan ang lalaki at babae
c. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
d. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng
kalalakihan noon kaysa sa kababaihan
2. May panahon na bukod sa hindi pagboto ng kababaihan sa ilang bansa sa Africa at
Kanlurang Asya isa din na ipinagbabawal sa nabanggit na mga bansa ay ang
a. Paglalakbay b. Pagmamaneho c. Pag-aasawa d. Paglabas ng gabi
3. Bago dumating ang mga Espanyol, ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng
maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae
sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki. Sa anong dokumento eto
nasasaad?
a. Boxer Codex b. Konstitusyon c. Magna Carta d. Canon Law
4. Sa anong panahon nagkaroon ng Karapatan ang mga kababaihan na
makapag-aral?
a. Panahon Pre Kolonyal c. Panahon ng Espanyol
b. Panahon ng Amerikano d. Panahon ng Hapones
5. Ang isyu ng pagboto ng kababaihan sa Pilipinas ay naayos sa pamamagitan
ng isang espesyal na plebesito. Kailan eto naganap?
a. Abril 30, 1937 c. Abril 25, 1937
b. Abril 30, 1975 d. Abril 25, 1975
V. KASUNDUAN
Kopyahin at sagutan ang gawain 5 sa kwaderno.