You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN JOSE CITY
CONSTANCIO PADILLA NATIONAL HIGH SCHOOL KITA- KITA ANNEX
SITIO PARAISO, ZONE 1, KITA-KITA, SAN JOSE CITY, NUEVA ECIJA

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Filipino 10


Marso 11, 2024

I. MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa,
 Naipahahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng akda sa
sarili at
 Nakasusulat ng katangian ng mga tauhan sa epikong nabasa.

II. PAKSANG-ARALIN

A. Paksa:
Panitikan: “Sundiata: Ang Epiko ng sinaunang Mali” Isinalin sa Filipino ni Mary
Grace A. Tabora
B. Sangunian:
Filipino 10 Ikatlong Markahan – Aralin 3.6
C. Mga Kagamitan:
Laptop, Power Point Presentation, Video Clip mula sa youtube at Tulong Biswal.

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
I. Pagdarasal
II. Pagbati
III. Pagsasaayos ng silid-aralan
IV. Pagtatala ng lumiban sa klase
V. Pagbabalik-aral

B. Pagganyak
“GAGAWIN KO, HULAAN MO”

Ipapangkat ng guro ang lalaki at babae at ang ibibigay ng guro at kanilang


huhulaan.

C. Paglalahad

Paglinang sa Talasalitaan
 GRIOT- Ang tinatawag na isang griot sa salitang Ingles ay tumutukoy sa
partikular na grupo o klase ng mga musikerong nagbibigay aliw sa
kanlurang rehiyon ng kontinente ng Africa. Sila rin ay tinaguriang mga
tagalahad ng kwento.

 KINUKUTYA- Ang kahulugan ng salitang kinukutya ay,


nililibak,hinahamak, inuuyam,o iniinsulto.
 MILAGRO- Ang himala o milagro ay pinaniniwalaang mga kamangha-
manghang palatandaan ng kapangyarihan ng (mga) Diyos sa iba't ibang
mga relihiyon mula pa sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.
 ADMINISTRASYON- ang administrasyon ay ang panahon na kung saan
may isa o higit pang pinunong manunungkulan sa ibinigay na limitasyong
panahon.

Pagpapabasa sa gabay na tanong na ilalahad pagkatapos pakinggan ang


akda

1. Sino ang pangunahing tauhan sa akdang napakinggan o napanood?


2. Kung ikaw ang nasa katayuan ng pangunahing tauhan ano ang gagawin
mo para harapin ang pagsubok na dinaranas ninyong mag-ina?
3. Mayroon bang suliraning nangibabaw sa epiko?
4. May kaugnayan ba ito sa nagaganap sa kasalukuyan? Pangatuwiranan ang
sagot.
5. Ano ang mensahe o aral ng epikong “Sundiata: Ang Epiko ng sinaunang
Mali”.

Pagpapanuod ng video clip na kinuha mula youtube


“Sundiata: Ang Epiko ng sinaunang Mali” Isinalin sa Filipino ni Mary
Grace A. Tabora

https://www.youtube.com/watch?v=KMyRXLjF-W8

D. Paglalapat

Pagpapakahulugan sa paninindigan.
Pagtatalakay at pagsagot sa mga gabay na tanong.

E. Paglalahat

Ano ang aral na mapupulot sa epikong “Sundiata: Ang Epiko ng sinaunang Mali”
IV. PAGTATAYA/EBALWASYON

Panuto: Isulat ang mga katangiang taglay ng dalawang hari at ipaliwanag.

HARI KATANGIAN
Haring Dankaran Toumani Keïta
Haring Sundiata Keita

V. KASUNDUAN

Panuto: Ibigay ang iba’t ibang ekspresiyon ang maaaring gamitin sa pagpapahayag ng
layon o damdamin.

Inihanda ni: Iwinasto ni:

RENZ RASEL S. LECITONA JAYZEL N. MACADANGDANG


Gurong nagsasanay Guro III

Binigyang pansin ni:

OSCAR L. TAMBALQUE JR.


Punong-guro I

You might also like