You are on page 1of 15

SCHOOL: DAPDAP INTEGRATED SCHOOL GRADE LEVEL: 10

MARK JERIC A. BEJERANO ARALING


DAILY LESSON TEACHER: LEARNING AREA:
PLAN REIMART JAY C. CAÑETE PANLIPUNAN
TEACHING DATES &
APRIL 01 & 03,2024 12:00-3:00pm QUARTER/WEEK 4/1
TIME:

Content Standards Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng pagkamamamayan


at pakikilahok sa mga gawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng
pamayanan at bansang maunlad, mapayapa at may pagkakaisa.

Performance Standards Ang mag-aaral ay nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng


pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at politikal ng mga mamamayan sa
kanilang pamayanan.

Learning Competency • Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong pagmamamayan

I. OBJECTIVES
• Naipaliliwanag ang mga katangian na dapat taglayin ng isang
aktibong mamamayan na nakikilahok sa mga gawain at usaping
pansibiko.
• Nasusuri ang mga pagbabago sa konsepto ng pagkamamamayan.
• Napahahalagahan ang papel ng isang mamamayan para sa
pagbabagong panlipunan.

II. SUBJECT MATTER/ Pagkamamamayan


CONTENT

Instructional Materials: PowerPoint Presentation, Cartolina


Reference:
Strategies: 4 A’s Approach (Activity, Analysis, Abstraction, Application)

III. LEARNING RESOURCES


A. References
a. Teacher’s Guide Pages
b. Learner’s Material
Pages
c. Textbook Pages
d. Additional Materials
from Learning
Resources
B. List of Learning Resources
for Development and
Engagement Activities
IV. PROCEDURE Teacher’s Activity Student’s Activity
PRELIMINARIES
a. Greetings Magandang umaga mga bata!
Magandang umaga po, Sir!

b. Prayer Maaari bang tumayo ang lahat para sa


pambungad na panalangin na
pangungunahin ni ________.
(magdadasal ang mga estudyante).

c. Checking of Class secretary, maari mo bang isaad sa


Attendance akin kung ilan ang pumasok at lumiban sa
klase?
Opo Sir!
(Ang kalihim ng klase ay magsasaad ng
bilang ng mga estudyante).
d. Classroom Bago tayo magsimula ng ating talakayan ay
Management maari niyo bang pulutin ang mga kalat at
ayusin ang bangko ng sa gayon ay maging
maayos ang ating talakayan.

(Ang mga estudyante ay pupulutin ang


mga piraso ng basura at aayusin ang
kanilang lamesa at upuan)

e. Review Bago tayo dumako sa ating aralin tayo


muna ay magbaliktanaw. Noong
nakaraang dalawang linggo ating pinag
aralan ang ng Ikalawang Yugto ng
Kolonyalismo at Imperyalismo, ano-ano
ang mga natatandaan ninyo tungkol sa
ating mga pinag aralan?

Sa ating pag-aaral sa Ikalawang Yugto


ng Kolonyalismo at Imperyalismo,
natatandaan ko na tinalakay natin ang
pagsiklab ng makabagong pananaw sa
kanlurang mundo patungo sa
expansionism at ang pag-agaw ng mga
bansang Europeo ng mga teritoryo sa
Asya, Africa, at Latin America.
Isinasaad nito ang pagtutol ng mga
kolonyal na makamit ang kanilang
kalayaan at paglaban ng mga
rebolusyonaryo sa pag-aagaw ng
kanilang karapatan at identidad.

Mahusay mga bata, mabuti at


naintindihan at natandaan niyo ang paksa
natin nong nakaraang linggo.
V. LESSON
PROPER
A. Activity/ Bago tayo dumako sa ating paksang aralin
Motivation ay magkakaroon muna tayo ng isang
gawain, may ipaparinig ako sa inyong isang
awitin na kung saan ay magbibigay sa inyo
ng mga ideya kung ano nga ba ang
tatalakayin natin sa araw na ito.

(Pagpaparinig ng awitin sa mga mag aaral:


Pinoy Ako by Orange and Lemons)

Batay sa awiting inyong napakinggan, ano


ang salitang paulit- ulit na binanggit sa
awitin na tumatak sa inyong isipan?

“Pinoy ako, Pinoy tayo” po, Sir!

Tumpak! Sa inyong palagay klas, tungkol


saan ang paksang tatalakayin natin sa
araw na ito batay sa awiting inyong
napakinggan?
Tungkol sa pagkamamamayang Pilipino
po Sir.
Tama! Ang paksang tatalakayin natin ay
patungkol sa Pagkamamamayang Pilipino.

B. Analysis Awit-Suri

Magsaliksik at pakinggan ang awiting


“Ako’y Isang Mabuting Pilipino” ni Noel
Cabangon. Pagkatapos ay sagutin ang mga
gabay na mga tanong.

(susuriin ng mga bata ang awitin)


Mga Gabay na Tanong:
1. Ano-ano ang katangian ng isang
mabuting Pilipino ayon sa awitin?
2. Sino-sino ang itinuturing na
mamamayang Pilipino?
3. Bakit dapat maisakatuparan ng isang
mamamayan ang kaniyang mga tungkulin
at pananagutan?
4. Paano makatutulong ang mamamayan
sa pagsulong ng kabutihang panlahat at
pambansang kapakanan?

(Sasagutin ng mga bata ang mga


tanong batay sa kanilang pagsusuri at
obserbasyon)

1. Abstraction Ngayon ay sisimulan na natin ang paksa


para sa ating talakayan.

Kahulugan at Katuturan ng
Pagkamamamayan

(Maaari mo bang basahin ang unang


presentasyon).

Ligal na Pananaw

• Ang konsepto ng
pagkamamamayan (citizenship)
ay maaaring iugat sa
kasaysayan ng daigdig.
Tinatayang panahon ng
kabihasnang Griyego nang
umusbong ang konseptong ito
na binubuo ng mga lungsod-
estado na tinatawag na polis.

Salamat

(Maaari mo bang basahin ang ikalawang


presentasyon).

Polis
• Ito ay isang lipunan na binubuo
ng mga taong may iisang
pagkakakilanlan at iisang
mithiin. Binubuo ng mga citizen
na limitado lamang sa
kalalakihan.
Salamat, para sa kadagdagang kaalaman
ang “Citizen” ay inaasahan na makilahok
sa mga gawain sa polis tulad ng paglahok
sa mga pampublikong asembliya at
paglilitis. Maari din silang maging politiko,
administrador, husgado, at sundalo.

(Maaari mo bang basahin ang ikatlong


presentasyon).

Citizenship
- Ayon kay Murray Clark Havens
(1981), ito ay ugnayan ng isang
indibiduwal at ng estado.
- Isang ligal na kalagayan ng isang
indibiduwal sa isang nasyon estado.

Salamat, para sa kadagdagang kaalaman


ang "Citizenship" ay tumutukoy sa
pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa
isang estado kung saan bilang isang
citizen, siya ay ginawaran ng mga
karapatan at tungkulin.

(Maaari mo bang basahin ang ika-apat na


presentasyon).

Naturalisasyon
• isa pang paraan kung paano
natatamo ang
pagkamamamayang Pilipino.

Salamat, para sa kadagdagang kaalaman


ang “Naturalisasyon” ay ang pagtalikod ng
dayuhan sa kanyang pagkamamamayan
upang tanggapin ang pagkamamamayang
Pilipino. Ito ay maaring matamo sa
pamamagitan ng hatol ng hukuman o
batas ng Kongreso.

Ang sinumang dayuhan na humiling sa


hukuman ng naturalisasyon ay kailangang
magtaglay ng mga sumusunod na
katangian:

(Maaari mo bang basahin ang ika-limang


presentasyon).
1. Hindi kukulangin sa 21 taong
gulang sa araw ng pagdinig ng
kaso.

2. Naninirahan na sa loob ng
sampung taon.

3. Nagmamay-ari ng mga lupain


o kaya’y may matatag na
hanapbuhay.

4. Nabubuhay nang marangal at


may mabuting pagkatao.

5. Nagpapa-aral ng kanyang
mga anak sa mga paaralang
pampubliko o paaralang
pribado na kinikilala ng
pamahalaan.

Salamat, para sa kadagdagang kaalaman


sa kabila nito ay maaaring mawala ang
pagkamamamayan ng isang indibiduwal.
Unang dahilan ay kung siya ay sasailalim sa
proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa.
Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

(Maaari mo bang basahin ang ika-anim na


presentasyon).

1. ang panunumpa ng katapatan sa


Saligang Batas ng ibang bansa;

2. tumakas sa hukbong sandatahan ng


ating bansa kapag may digmaan,

3. nawala na ang bisa ng


naturalisasyon.

Salamat, para sa kadagdagang pang


kaalaman may mga paraan upang makamit
muli ang pagkamamamayang Pilipino.
Una, maaari mo bang basahin ______.
1. Pagsasagawang muli ng
naturalisasyon
2. Muling panunumpa ng
katapatan sa Republika ng
Pilipinas, bansang sinilangan.
3. Pagpapatawad sa isang
tumakas sa kinaanibang
Sandatahang Lakas.

Salamat
(Maaari mo bang basahin ang kasunod na
presentasyon tungkol sa Dalawang
Prinsipyo ng Pagkamamamayan).

Dalawang Prinsipyo ng
Pagkamamamayan

Jus sanguinis

• ang pagkamamamayan ng isang


tao ay nakabatay sa
pagkamamamayan ng isa sa
kaniyang mga magulang.
• Ito ang prinsipyong sinusunod
sa Pilipinas.

Jus soli o jus loci

• ang pagkamamamayan ay
nakabatay sa lugar kung saan
siya ipinanganak. Ito ang
prinsipyong sinusunod sa
Amerika.

Ngayon naman ay dumako naman tayo sa


pangalawang bahagi ng ating diskusyon.

Lumalawak na Pananaw ng
Pagkamamamayan

Ayon kay Alex Lacson, isang abogado na


sumulat ng librong “12 little things every
Filipino can do to help our country”. Bilang
isang mamamayang Pilipino, may
magagawa tayo upang matulungan ang
ating bayan kahit sa maliliit na bagay na
alam natin.

Salamat, para sa kadagdagang kaalaman


(Maaari mo bang basahin ang kasunod na
presentasyon).
Salamat, ang kasunod na presentasyon ay
tungkol sa pananaw ng mga Pilipino sa
pagiging mabuting mamamayan. Una;

• Yeban (2004) - ang isang


responsableng mamamayan,ay
inaasahang makabayan, may
pagmamahal sa kapwa. May
respeto sa karapatang pantao, may
pagpupunyagi sa mga bayani,
gagampanan ang mga tungkulin
bilang mamayan, may disiplina sa
sarili at may kritikal at malikhaing
pag-iisip.
• Civil disobedience - ay aktibong
pagtanggi sa pagsunod sa ilang
mga batas, kagustuhan at mga utos
ng pamahalaan o ng sumasakop ng
pandaigdigang kapangyarihan sa
pagamit ng walang karahasan.
• 2004 Survey on Citizenship - Ang
mga Pilipino, kung ihahambing sa
iba, ay may mataas na pananaw sa
kung ano ang mga dapat gawin ng
isang mabuting mamayan.

Salamat, para sa kadagdagang kaalaman


(Maaari mo bang basahin ang kasunod na
presentasyon).

Iba’t ibang tungkulin ng mamamayan


batay sa 2004 ISSP Citizenship Survey

1. Laging boboto sa halalan- Sa


pagbibigay ng kahalagahan sa
pagboboto, nanguna ang Pilipinas,
sinundan ng Denmark (87) at
Canada (84). Ang pinakamababa ay
ang Czech Republic (37).
2. Hindi iiwas sa pagbabayad ng
buwis - Ang tungkulin sa
pagbabayad ng buwis ay ang
tanging isyu kung saan
naungusan ang mga Pilipino ng
ibang bansa. Ang Japan ay No.
1, at ang United States at
United Kingdom ay ang
pangalawa. Ang Pilipinas, ay
pang-siyam kasama ang Chile at
Slovakia. Ang Flanders ay ang
panghuli (52).

3. Laging sundin ang mga batas at


regulasyon-Ang Pilipinas, ay
pang-walo kasama ang Chile at
Ireland. Ang huli ay ang
Switzerland (51).

4. Laging pagbabantay sa mga


gawain ng pamahalaan- Ang
Canada (81) ay ang nanguna, na
sinundan ng Pilipinas at United
States. Ang panghuli ay ang
Czech Republic (23).

5. Ang maging epektibo sa


panlipunan at politikal na mga
samahan- Ang Pilipinas ang
nanguna rito; ito lamang ang
bansa kung saan ang mayorya
ng mga respondent ay nagsabi
na ito ay mahalaga. Ang Mexico
at South Africa ay parehong
nasa ikalawang puwesto.
Finland ang pinakahuli (6).

6. Subuking unawain ang


katuwiran ng mga taong may
ibang opinion- Ang Uruguay
(85) ang nanguna, sinundan ng
Mexico. Ang Pilipinas ay pang-
siyam. Ang pinakahuli ay ang
Czech Republic (35).

7. Pumili ng produkto para sa


politikal, etikal o
pangkalikasang kadahilanan,
kahit na ito ay mayroong
dagdag na gastos- Ang Portugal
(56) ang nanguna, sinundan ng
Spain, at Australia (49).
Dalawang bansa lamang ang
mayroong mayorya ng mga
taong nagsabing ang isang
mabuting mamamayan. Ang
Pilipinas ay pang- apat kasama
ang Austria. Ang pinakahuli ay
ang Bulgaria (8).

8. Tulungan ang mamamayan ng


bansang [pangalan ng bansang]
may hindi magandang
kalagayan- Ang mga bansang
nanguna ay ang Venezuela (90),
Chile (88), Uruguay (86), at ang
Mexico. Ang Pilipinas ay
panganim, kasunod ng Israel
(80). Ang mga nasa huli ay
Czech Republic (31) at ang
Hungary (38), pagkatapos ng
Japan.

9. Tulungan ang mamamayan ng


mga bansa sa mundo na may
hindi Magandang kalagayan-
Pang-una ang Venezuela (85),
na sinundan ng Mexico. Ang
Spain ay pang-4. Ang Pilipinas,
na mas mababa ng 30 puntos
sa bansang nanguna, ay ang
pang-siyam dahil sa sampung
bansa lamang ang mayorya ng
mga respondent ang
nagsasabing ang pagtulong sa
iba ay bahagi ng pagiging
mabuting mamamayan. Ito ay
isa sa mga isyu kung saan ang
United States ay below
average.

10. Handang maglingkod sa militar


sa oras ng pangangailangan-
Ang Israel (79) ang nanguna,
kung saan ang panlahatang
serbisyo militar ay bahagi ng
kanilang seguridad. Malayo ang
puntos ng Russia (65) sa Israel,
Poland (63), at ang Pilipinas, na
kasama ang Venezuela sa pang-
apat na puwesto. Ang mga
bansang nasa huli ay ang
Flanders (12) at Japan.
Maraming salamat sa inyong
partisipasyon.
11. Application Gawain 1: Unawain
Panuto: Unawain ang mga sumusunod sa
sitwasyon at sagutan ang tanong na nasa
ibaba. Isulat ang iyong sagot sa concept
map. Pagnatapos na ang pagsasagot ay
ibabahagi ito sa klase.

Mga sitwasyon na iyong uunawain:

1. Si Virgilio ay naging
naturalisadong mamamayan ng
ibang bansa at nanumpa ng
katapatan dito.

2. Si Mariano na taga-Mindoro ay
sumapi sa Hukbong Sandatahan ng
Estados Unidos at itinakwil ang
bansang pinagmulan.

3. Si Veralyn ay nakapag-asawa ng
taga-Australya at doon nanirahan
na nagpawalang-bisa ng kaniyang
pagkamamamayang Pilipino.

Gabay na Tanong:

1. Anu-Ano ang mga dahilan ng pagkawala


ng pagkamamamayang Pilipino?

(kukuha ng isang buong papel ang mga


estudyanrte at isusulat ang kanilang
sagot batay sa panutong binigay ng
guro)

Ngayon naman ay dadako na tayo sa


pagbabahagi ng inyong mga naging
kasagutan.

Maaari mo bang ibahagi ang iyong naging


pag- unawa sa ating ginawa ________.
(Pupunta ang estudyante sa unahan
para ibahagi ang kanyang naging
kasagutan).

Mahusay! Maraming salamat sa iyong


partisipasyon bigyan natin siya ng
masigabong palakpakan.

Gawain 3: PILIPINO O HINDI

Panuto: Tukuyin at ipaliwanag ang naka


salungguhit na pangalan kung ito ay
mamamayang Pilipino o hindi batay sa
sitwasyon.

(kukuha ng 1 buong papel isusulat ng


mga estudyante ang kanilang sagot
batay sa panutong binigay ng guro)

Tapos na ang oras ng pagsasagot maaari


na kayong magpalitan ng inyong mga
papel.
(Magpapalitan ang mga bata ng papel
batay sa itinakdang oras ng guro.)

MGA SAGOT:
1. Pilipino
2. Hindi
3. Hindi
4. Pilipino
5. Hindi

Ngayon naman ay dadako na tayo sa


Group Activity!

Handa na ba kayo?

Opo, Sir.

Payabungin Natin

Panuto: Gumawa ng isang tula na


nagpapahiwatig ng iyong pagpapahalaga
sa bayan bilang isang mamamayan nito.
Ang tula ay binubuo ng apat na saknong na
may apat na taludtod. Ang tula ay bibigyan
ng marka batay sa pamantayan na
makikita sa ibaba. Hahatiin ang klase sa
apat na grupo. Pagkatapos maisagawa ang
tula ay pupunta ang bawat grupo para
ibahagi sa klase ang kanilang tula sa
unahan ng may sabayang pagbigkas.

(magtititipon tipon ang bawat grupo


ang pagpaplanuhan ang kanilang
gagawing tula).
Tapos na ang oras ng pagsasagot maaari
ng ibahagi ng bawat grupo ang kanilang
tula.
(Pupunta sa unahan ang unang grupo
na magbabahagi ng kanilang tula).

Mahusay, palakpakan natin ang unang


grupo, ngayon atin namang tunghayan ang (Pupunta sa unahan ang ikalawang
ikalawang grupo.
grupo na magbabahagi ng kanilang
tula).
Mahusay, palakpakan natin ang ikalawang
grupo, ngayon atin namang tunghayan ang
ikatlong grupo.

(Pupunta sa unahan ang ikatlong grupo


na magbabahagi ng kanilang tula).
Mahusay, palakpakan natin ang ikatlong
grupo, ngayon atin namang tunghayan ang
ika-apat na grupo.
(Pupunta sa unahan ang ika-apat na
grupo na magbabahagi ng kanilang
tula).

Mahusay, palakpakan natin ang ika-apat


na grupo.

VI. EVALUATION. (Maikling pagsusulit)

Panuto: Gumawa ng isang Sanaysay (Essay) batay sa iyong natutunan sa buong diskasyon
tungkol sa pagiging Mabuti at responsableng mamamayan. Isulat sa isang buong papel ang
inyong kasagutan.

VII. ASSIGNMENT

Panuto: Gamit ang Venn Diagram sa ibaba isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
Ligal na pananaw at lumalawak na pananaw ng pagkamamamayan. Sagutan ang
pamprosesong tanong na makikita sa ibaba.

Pamprosesong mga Tanong:


1. Ano ang pagkakaiba ng ligal na pananaw ng pagkamamamayan sa lumawak na
pananaw nito?
2. Ano naman ang mga pagkakatulad ng ligal at lumawak na pananaw
ngpagkamamamayan?
3. Gaano kahalaga ang papel ng mamamayan sa ating lipunan?

Prepared by: Checked by: Noted by:

MARK JERIC A. BEJERANO KENNETH V. ROSALDO MICHAEL M. SAFRED


Resource Teacher School Head

REIMART JAY C. CAÑETE


Student Teacher

You might also like