You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
MAVALOR INTEGRATED SCHOOL
ROSARIO, BATANGAS

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 8

I. Layunin (Tiyakin ang pagtatamo ng layunin sa bawat linggo na nakaangkla sa


Gabay sa Kurikulum. Sundin ang pamamaraan upang matamo ang layunin,
maaari ring magdagdag ng iba pang gawain sa paglinang ng Pamantayang
Pangkaalaman at Kasanayan. Tinataya ito gamit ang mga istratehiya ng
Formative Assessment. Ganap na mahuhubog ang mga mag-aaral at
mararamdaman ang kahalagahan ng bawat aralin dahil ang mga layunin
sa bawat linggo ay mula sa Gabay sa Kurikulum at huhubugin ang bawat
kasanayan at nilalaman.)
A. Pamantayang Naipapamalas ng mag-aaral ang kakayahang
Pangnilalaman komunikatbo,mapanuring pag-iisip at pag-unawa at
pagpapahalagang pampanitkan
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa
Pagganap panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng multimedia
(social media awareness campaign)
C. Mga kasanayan sa Napag-iiba ang katotohhanan (facts) sa hinuha (inferences), opinyon
Pagkatuto. Isulat at personal na interpretasyon ng kausap F8PN-III-e-29
ang code ng bawat
kasanayan
II. Nilalaman Kontemporaryong Programang Panradyo
Paksa: Katotohanan at Opinyon
A. Sanggunian Internet
1. Mga pahina sa Sipi ng akda
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-
Mag-aaral
3. Mga pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang https://www.youtube.com/watch?v=2dYUwTfgPU0
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Ppt, telebisyon, kartolina
Kagamitang Panturo
III. Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Balik-Aral sa Panimulang-Gawain
nakaraang aralin at  Panalangin
pagsisimula ng Hinihiling ko na ang lahat
bagong aralin. ay tumayo upang
magsagawa ng isang
panalangin.
(Pangungunahan ito ni
Bb./Ginoo) Ang mag aaral ay magunguna
sa pagdarasal.

 Pagbati
Isang magandang araw sa
inyong lahat grade 8!
Ang mag-aaral ay babati ng
isang Magandang araw

 Pagsasaayos ng silid
Ngayon ay maaari na
kayong umupo, ngunit bago
umupo ay ayusin ang
hanay ng silya at pulutan
ang mga kalat na inyong Magpupulot ng kalat ang mga
makikita mag-aaral at aayusin ang
hanay ng kanilang mga
upuan.

 Pagtatala ng liban
Sa puntong ito ay nais ko
munang malaman kung
sino ang wala sa aking
klase para sa araw na ito.

Balik-aral
Bago tayo mag patuloy sa
ating bagong talakayan atin
munang balikanang ating
huling talakayan.

Ano ang inyong huling tinalakay?

Ang huling paksa na tinalakay


noong nakaraang araw ay
tungkol sa mga suprasegmental
at di berbal na palatandaan ng
komunikasyon.

(Ang mga mag-aaral ay may iba’t


ibang kasagutan)

B. Paghahabi sa Para sa pagsisimula ng ating


layunin ng aralin at panibagong aralin ay
pagganyak magkakaroon tayo ng paunang
pagsubok na tatawagin nating
“Salita Ko, Ayusin Mo” kung
saan may ipakikita ang guro na
mga alpabeto na may kaakibat na
numero at huhulaan ng mga mag-
aaral kung ano ang ipinakikita na
salita nito. Hahayaan ng guro na
magkaroon ng sariling opinyon
ang mga mag-aaral saka naman
magbibigay ng sariling
interpretasyon ang guro patungkol
sa mga salitang nabuo.
A B C D E 1 2 3 4 5
F G H I J 6 7 8 9 10
K L M N O 11 12 13 14 15
P Q R S T 16 17 18 19 20
U V W X Y 21 22 23 24 25
Z 26

11 1 20 1 14 7 9 1
14 KATANGIAN

11 1 8 21 12 21 7 1 KAHULUGAN
14

MITOLOHIYA
13 9 20 15 12 15 8 9 25
1
ALAMAT

1 12 1 13 1
20 KWENTO

11 23 5 14 20 15 BAYAN

2 1 25 1 14
Opo.
Handa na ba kayo?

Magsisimula na ang palaro.

Binabati ko kayong lahat


sapagkat ipinakita ninyo ang
buong husay upang
mapagtagumpayan ang aking
pagsubok.
C. Pag-uugnay ng mga Anong salita ang nabuo sa aking
halimbawa sa ipinamalas na gawain?
bagong aralin Ang mga salitang nabuo po ay
katangian, kahulugan,
mitolohiya, alamat, kwento at
At ito ay may malaking bayan.
kaugnayan sa paksang ating
tatalakayin ngayon.
D. Pagtalakay ng Handa na ba kayo sa pagtuklas
bagong konsepto at ng bagong aralin. Tara! Sabay
paglalahad natin lakbayin ang makulay na
katangian at kahulugan ng mito,
alamat at kwentong-bayan.
**ano ang sagot ng bata?
KAHULUGAN

MITOLOHIYA
- Agham o pag-aaral ng mga
mito/myth at alamat
- isang halos magkakabit-
kabit na kumpol ng mga
tradisyonal na kuwento
o mito (Ingles: myth), mga
kuwento na binubuo ng
isang partikular na relihiyon
o paniniwala.
- Salitang Latin na Mythos
at mula sa Greek na
Muthos, na ang kahulugan
ay kwento.
- mito ay kuwentong
piksyon tungkol sa buhay
at karanasan ng mga diyos
at diyosa.

ALAMAT
- o Legend sa ingles ay mula
sa salitang Latin na
Legendus na
nangangahulugang “upang
mabasa”. Ito ay
nagsasalaysay ng mga
pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig.

KWENTONG-BAYAN
- Ito ay nasa anyong tuluyan
at karaniwang naglalahad
ng kaugalian at tradisyon
ng lugar kung saan ito
nagsimula at lumaganap
sa pamamagitan ng
pasalin-dila o pasalita.

KATANGIAN NG MITO,
ALAMAT AT KWENTONG
BAYAN
1. Ang mito, alamat at
kwentong-bayan ay
lumaganap bago pa
dumating ang mga
mananakop sa ating
bansa.
2. Ito ay bahagi ng ating
panitikang salin-dila o lipat-
dila (ibig sabihin ay
naikukwento lamang ng
pasalita).
3. Ang mga ito ay halos may
kaugnayan sa isa’t isa.
Halos pareho lamang ang
kanilang paksa na
karaniwan ay tumatalakay
sa kalikasan, pamihiin,
relihiyon, paniniwala at
kultura ng isang partikular
na pangkat o lugar.
4. Nababanggit din sa mga
akdang ito ang heograpiya,
uri ng hanapbuhay, at
katangian ng mga
mamayan kung saang
lugar o pangkat ito
nagmula.
5. Halos lahat ng kwentong
ito ay nilikha o isinalaysay
upang makapagbigay ng
gintong-aral na magagamit
sa tunay na buhay.

E. Pagtalakay ng **Paano isasagawa ang gawain?


bagong konsepto at Magkaroon ng isang panuto.
paglalahad ng 1. Nagmula sa salitang Latin
bagong kasanayan na Mythos at mula sa
#2 Greek na Muthos, na ang Mito
kahulugan ay kwento.
2. Ito ay nagsasalaysay ng
mga pinagmulan ng mga
bagay-bagay sa daigdig.
Alamat
3. Mula sa salitang Latin na
nangangahulugang “upang
mabasa”.
Legendus
4. Ang mga ito ay halos may
kaugnayan sa isa’t isa.
Halos pareho lamang ang
kanilang paksa na Mito, alamat at kwentong-
karaniwan ay tumatalakay bayan
sa kalikasan, pamihiin,
relihiyon, paniniwala at
kultura ng isang partikular
na pangkat o lugar.

5. Halos lahat ng kwentong


ito ay nilikha o isinalaysay
upang makapagbigay
ng _ _ _ _ _ na
Gintong aral
magagamit sa tunay na
buhay.
F. Paglinang sa **Ang mga mag-aaral ay may
Kabihasahan kanya kanya ng pangkat. Apat
(Tungo sa silang pangkat. Dagdagan ng
Formative isang pangkatang gawain.
Assessment)

Kailangang kong masukat ang


tatag ng samahan ng inyong mga
kakampi. Ngunit bago iyon ay
ipapangkat ko muna kayo sa tatlo
at ang bawat pangkat ay bibigyan
ko ng gawain. Ang Pangkat Zeus
– para sa mga diyos at diyosa.
Pangkat Paruparo – para sa
mga legendus. At ang pinakahuli
ang Pangkat KB – para sa mga
pinagmulan ng bagay-bagay.
Ibibigay ko ang magsisilbing
pagkakakilanlan ng inyong
pangkat na kinabibilangan at
dapat ninyong lampasan at
pagtagumpayan.

Pangkat Zeus
Bumuo ng simbolong maaari
mong ihalintulad sa mga diyos at
diyosa.

Pangkat Paruparo
Bumuo ng islogan patungkol sa
napulot na ginintuang aral mula
sa alamat na nabasa.

Pangkat KB
Sumulat ng lima hanggang
sampung pangungusap at anong
kahalagahan at aral na napulot sa
mga kwentong bayan.
Ibibigay ng guro ang mga gawain.

Sa pagkakataong ito ay
magkakaroon muna tayo ng
GILAS TSEK
G- awain at responsibilidad ay
lagging baunin.
I-nteraksyon sa bawat kasapi ay
di dapat limutin.
l-ingapin, layunin, mga
problemang lilipas din.
A-ng mauunang grupo
makakatapos ay tiyak na
papalarin.
S-amu’t saring saya, samu’t
saring ligaya ay dito sa Opo.
mapanghamong pagsubok inyong
makikita.

Sa bahaging ito bibigyan ko


lamang kayo ng limang minuto
para tapusin ang nakaatang na
gawain sa inyo. Maliwanag ba
At narito ang panukatan sa
pagmamarka ng inyong
presentasyon.

Pamantayan sa Pagmamarka
Presentasyon – 5 puntos
Nilalaman – 8 puntos
Partipasyon – 2 puntos
Kabuuan – 15 puntos

**Linawin sa mga mag-aaral kung


ilang minuto lamang ang kanilang
dapat ilaan sa pagsasagawa,
mahalagang alam nila ito

Maaari na kayong magsimula.


Ang mga mag-aaral ay
magsisimula sa kanilang gawain.
Tapos na ang pitong minuto at nais
kong palakpakan ang lahat dahil
matagumpay ninyong naihanda ang
inyong presentasyon. Dumako tayo
sa unang pangkat, ang pangkat
Zeus. Pagpapakita ng presentasyon ng
bawat pangkat

Ang guro ay magbibigay ng kanyang


hatol.
G. Paglalapat sa aralin Ngayon ay tatawag ako ng ilang
sa pang-araw-araw mag-aaral upang magkaroon ng
na buhay pagkakataon na sumagot sa
aking inihandang pahayag.

‘Lagi tandan ang pagiging


palalo ang dulot ay pasakit,
Ang taong mayabang ay
makatitikim din ng pait’.
Sa buhay, hindi Mabuti ang
pagiging palalo o mayabang
dahil ang pagmamataas ay
paraan ng pagbibigay ng kredito
sa ating sarili para sa bagay na
ang diyos ang gumawa at
nagbigay. Matuto tayong
tanggapin ang mga bagay na
simple at di- pangkaraniwan
dahil sa kabuuan, kabusilakan ng
puso ang ating tinitingnan.
Magaling!

(Ang mga mag-aaral ay may iba’t


Palagi nating pakatandaan, ibang kasagutan)
anuman ang iyong narrating,
anuman ang iyong napatunayan
iyon ay dahil sa iisang dahilan
ang Diyos ay may kaibahan.
Matuto tayong ilapat ang mga paa
natin sa lupa at magpakababa
dahil ito ang sus isa buhay na
walang awa. Sabi nga, ‘Ang lahat
ng nagpapakataas ay ibaba at
ang lahat ng nagpapakababa ay
itinataas’.
H. Paglalahat sa aralin Binabati ko kayo sapagkat
matagumpay ninyong natapos
ang mga Gawain na ibinigay ko
sa inyo. Kaya naman upang mas
lalo pang patibayin ang inyong
natutunan ay nais kong sagutin
Ninyo ang tanong mula sa aking
kaibigan.

Ano ang mensaheng nais ipabatid


sa atin ng paksang tinalakay?
Ang nais ipabatid po sa atin ng
paksang ating tinalakay ay
mahalaga ito hindi lamang upang
bigyan tayo ng kaalaman sa ibat
ibang bagay kung hindi
nakakapulot din tayo ng mga aral
na maaring isabuhay natin gaya
ng mapapahalagahan natin ang
kapaligiran ,makilala ang ating
katauhan at maiayos ang ating
pananaw sa buhay at iba pa.
(Ang mga mag-aaral ay may iba’t
ibang kasagutan)

I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Tukuyin kung ano ang


isinasaad ng bawat pangungusap.
Isulat ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ay nasa anyong tuluyan


at karaniwang naglalahad
ng kaugalian at tradisyon
ng lugar kung saan ito
nagsimula at lumaganap
sa pamamagitan ng
pasalin-dila o pasalita?
a. Alamat
b. Kwentong-bayan
c. Maikling kwento
d. Mito

2. Ito ay nagsasalaysay ng
mga pinagmulan ng mga
bagay-bagay sa daigdig?
a. Alamat
b. Kwentong-bayan
c. Maikling kwento
d. Mito

3. Mga kuwento na binubuo


ng isang partikular na
relihiyon o paniniwala?
a. Alamat
b. Kwentong bayan
c. Maikling kwento
d. Mito

4. Salitang Latin sa
mitolohiya?
a. Mythos
b. Muthos
c. Mentos
d. Mythos

5. Alin sa mga katangian ng


mito, alamat at kwentong-
bayan ang nagsasabi ng
maling pahayag?
a. Ang mito, alamat at
kwentong-bayan ay
lumaganap bago pa
dumating ang mga
mananakop sa ating
bansa.
b. Ito ay bahagi ng ating
panitikang salin-dila o
lipat-dila (ibig sabihin ay
naikukwento lamang ng
pasalita).
c. Ang mga ito ay halos
may di magkaugnayan
sa isa’t isa. Halos
pareho lamang ang
kanilang paksa na
karaniwan ay
tumatalakay sa
kalikasan, pamihiin,
relihiyon, paniniwala at
kultura ng isang
partikular na pangkat o
lugar.
d. Nababanggit din sa
mga akdang ito ang
heograpiya, uri ng
hanapbuhay, at
katangian ng mga
mamayan kung saang
lugar o pangkat ito
nagmula.

Susi sa Pagkawawasto:
1. B
2. A
3. D
4. A
5. C

J. Karagdagang Panuto: Dugtungan ang mga


gawain para sa salita sa ibaba upang makabuo
takdang-aralin at ng isang kaisipan.
remediation
Natutunan
ko………………………. (Ang mga mag-aaral ay may iba’t
ibang kasagutan)

Napatunayan (Ang mga mag-aaral ay may iba’t


ko…………………… ibang kasagutan)

IV. Takdang-Aralin Magsaliksik tungkol sa elemento ng mito,alamat, at kwentong-


bayan.

**Note Bookman palagi ang gagamiting Font Style. Ok na ang font size na 10 😊 Good job

Inihanda ni:

Monica E. Marquez
Gurong Nagsasanay

Binigyang-pansin ni:

ACEL C. PAMIS
Gurong Tagapagsanay

You might also like