You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
MAVALOR INTEGRATED SCHOOL
ROSARIO, BATANGAS

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 8

I. Layunin (Tiyakin ang pagtatamo ng layunin sa bawat linggo na nakaangkla sa


Gabay sa Kurikulum. Sundin ang pamamaraan upang matamo ang
layunin, maaari ring magdagdag ng iba pang gawain sa paglinang ng
Pamantayang Pangkaalaman at Kasanayan. Tinataya ito gamit ang mga
istratehiya ng Formative Assessment. Ganap na mahuhubog ang mga mag-
aaral at mararamdaman ang kahalagahan ng bawat aralin dahil ang mga
layunin sa bawat linggo ay mula sa Gabay sa Kurikulum at huhubugin ang
bawat kasanayan at nilalaman.)
A. Pamantayang Naipapamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatbo, mapanuring
Pangnilalaman pag-iisip at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitkan
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa
panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng multimedia
(social media awareness campaign)
C. Mga kasanayan sa Naiuulat nang maayos at mabisa ang nalikom na datos sa pananaliksik
Pagkatuto. Isulat ang F8PS-IIIa-c-30
code ng bawat kasanayan
II. Nilalaman Kontemporaryong Programang Panradyo
Paksa: Radio Broadcasting
A. Sanggunian Internet
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan https://www.slideshare.net/MARIELANDRIACASICAS/
mula sa portal ng kontemporaryong-programang-panradyopptx
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Ppt, telebisyon, Laptop
III. Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Balik-Aral sa Panimulang-Gawain
nakaraang aralin at  Panalangin
pagsisimula ng Bago tayo magsimula ay dadako muna
bagong aralin. tayo sa isang panalangin.

(Tatawag ang guro ng mag-aaral)


(Inaasahan ang pagganap
ng mag-aaral)
 Pagbati
Isang magandang araw sa inyong lahat
grade 8!
Ang mag-aaral ay babati ng
isang Magandang araw

 Pagsasaayos ng silid
Bago kayo umupo ay pulutin muna ang
lahat ng kalat na makikita at isaayos
ang hanay ng mga upuan.

 Pagtatala ng liban
Sa puntong ito ay nais ko munang
malaman kung sino ang wala sa aking
klase para sa araw na ito.
(Inaasahan ang pagtugon
ng kalihim ng klase).
Balik-aral
Bago tayo magpatuloy sa ating bagong
talakayan atin munang balikan ang ating
huling tinakay

Ano ang tinalakay natin noong nakaraang Ang huling paksa na


araw? tinalakay noong nakaraang
araw ay tungkol sa
pagkakaiba ng
Katotohanan, Opinyon,
Hinuha, Personal na
Interpretasyon

(Ang mga mag-aaral ay may


iba’t ibang kasagutan)

Mahusay! Patunay lamang na may


natutunan kayo sa ating huling talakayan.
B. Paghahabi sa Bago tayo mag umpisa sa ating talakayan
layunin ng aralin at ay mayroon muna tayong paunang gawain
pagganyak kung saan tinatawag ko itong ALAMIN MO!
Kung saan kikilalanin ninyo ang mga sikat
na personalidad gamit lamang ang kanilang
linya. May papaikutin akong isang bagay at
ipapasa sa katabi, kung sino ang
matapatan ng bagay na iyon ay siya ang
sasagot maliwanag ba? Opo, malinaw po

• “Di kita tatantanan!” Si Mike Enriquez po

• “Magandang gabi Bayan!” Noli De Castro

• “ Ang buhay ay weather weather lang” Kuya Kim

• “Lumipad ang aming team” Jessica Soho

Mahusay
C. Pag-uugnay ng mga Sino ang mga personalidad na ito?
halimbawa sa Sila po ay mga nag babalita
bagong aralin
Mahusay! Sila ay isa sa mga news anchor
dito sa pilipinas
D. Pagtalakay ng Ngayon nais kong hingin ang inyong
bagong konsepto at atensyon at makinig sa ating talakayan
paglalahad
Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
(pagpapakita ng larawan)
Radyo po sir
Sino ang pamilyar sa inyo sa radyo?
Ako po sir
Ano ang kadalasang napapakinggan ninyo
sa radyo
ang madalas po naming
napapakinggan sa radio ay
mga balita.
Ang tatalakayin natin ngayong araw ay
Radio Broadcasting.

Ano nga ba ang radio broadcasting?

Ang Radio Broadcasting ay isang paraan ng


pagsasahimpapawid ng mga impormasyon
o balita sa pamamagitan ng paggamit ng
radyo.

Ang layunin nito ay ang pagpapalaganap ng


impormasyon sa nakakaraming makikinig.

Skrip:
Ang iskrip sa radio ay isang nakasulat na
material na nagpapakitangmga dayalogong
binabasa ng tagapagbalita. Mahalaga ang
paggamit ng iskrip sa pagbabalita upang
maging maayos, malinaw, at organisadong
maiparating sa mga tagapakinig ang balita.

Kapag tayo ay nagsasagawa ng isang radio


broadcasting dapat lamang na may skrip ng
sa ganon maging maganda ang daloy ng
paghahatid ng mga impormasyon.

Mga Paalala sa Pagsulat ng Iskrip sa Radyo:


1.Ang isusulat na iskrip ay dapat malinaw
at madaling maintindihan.
2.Gumamit ng mga salitang madaling
maunawaan.
3.Gawing maikli at simple ang balita ngunit
naglalaman ng mahahalagang
impormasyon.
4.Iwasang haluan ng personal na opinyon
ang balita.
5.Isulat ang iskrip gamit ang malalaking
letra upang madaling basahin

Uri ng Radio Broadcasting

1.Public Radio o Radyong Pampubliko kung


saan purong pagbabalita lamang at walang
halong patalastas
2.Commercial Radio o Radyong
Pangkomersiyo na naglalayongilahad ang
mga impormasyon ukol sa mga
ineendorsong produkto na pagmamay-ari
ng mga pribadong sektor
3.Community Radio o Radyong
Pangkomunidad na naglalahad ng
kasalukuyang balita o mahahalagang
pangyayari sa loob ngisang komunidad
4.Campus Radio o Radyong Pangkampus
kung saan ang istasyon ito ay eksklusibo
lamang sa loob ng isang pamantasan o
paaralan na naghahayag ng mga
kasalukuyang pangyayari sa loob ng
kampus

E. Pagtalakay ng Naintindihan ninyo ba ang ating mga


bagong konsepto at tinalakay?
paglalahad ng Opo!
bagong kasanayan
#2
Ano ang ating tinalakay?
Tinalakay po natin ang
radio broadcasting, kalakip
nito ay ang skrip at mga uri
ng radio broadcasting.
Mahusay!

F. Paglinang sa Mahusay! Ngayon ay dadako na tayo sa


Kabihasahan ating pangkatang gawain kung saan ay
(Tungo sa Formative hahatiin ko kayo sa tatlong grupo at bawat
Assessment) grupo ay gagawa ng isang radio
broadcasting, ang gagawin nyo ay pag
uusapan ninyo ang mga maaari ninyong
gawin sa inyong radio broadcasting.

Maaari na kayong magsimula. Bibigyan ko


lamang kayo ng 10 minuto para pag
usapan ang maaari ninyong gawin sa
inyong radio broadcasting.
Ang mga mag-aaral ay
magsisimula sa kanilang
gawain.

Tapos na ang 10 minuto, bumalik na sa


mga kanya kanyang upuan.
G. Paglalapat sa aralin
sa pang-araw-araw Ano ang naitutulong ng radio sa inyong
na buhay pang araw araw na buhay ?
Nakakatulong po ang radio
dahil nakakakuha tayo ng
mga mahahalagang
impormasyon
Mahusay!

Malaki parin ang dulot ng radio sa atin


kahit marami ng mga makabagong gamit
ang maaring makapag bigay sa atin ng
impormasyon. Marapat lamang na wag
nating kalimutan makinig ng radio
sapagkat ito ang unang naging ginamit
natin sa pagkuha ng mga impormasyon
H. Paglalahat sa aralin Ano-ano nga muli ang ating tinalakay?
Tinalakay po natin ang
radio broadcasting
I. Pagtataya ng Aralin Tayo ngayon ay dadako na sa pagtataya ng
aralin

Panuto: isulat kung TAMA ang pahayag at


MALI kung hindi tama ang pahayag

1.Public Radio o Radyong Pampubliko kung


saan purong pagbabalita lamang at walang
halong patalastas

2.Commercial Radio o Radyong


Pangkomersiyo na naglalayongilahad ang
mga impormasyon ukol sa mga
ineendorsong produkto na pagmamay-ari
ng mga pribadong sektor na naglalayong
kumita
3.Campus Radio o Radyong Pangkampus
ay Pangkomunidad na naglalahad ng
kasalukuyang balita o mahahalagang
pangyayari sa loob ngisang komunidad
4. Community Radio o Radyong Pang
kumunidad kung saan ang istasyon ito ay
eksklusibo lamang sa loob ng isang
pamantasan o paaralan na naghahayag ng
mga kasalukuyang pangyayari sa loob ng
kampus.

5.Ang iskrip sa radio ay isang nakasulat na


material na nagpapakita ng mga
dayalogong binabasa ng tagapagbalita.

SUSI SA PAGWAWASTO:
1.TAMA
2.TAMA
3.MALI
4.MALI
5.TAMA

J. Karagdagang Pag-usapan at paghandaan ang darating na


gawain para sa presentayon ng radio broadcasting
takdang-aralin at
remediation

Inihanda ni:

Josue B. Dela Cruz


Gurong Nagsasanay

Binigyang-pansin ni:

ACEL C. PAMIS
Gurong Tagapagsanay

You might also like