You are on page 1of 12

DETALYADONG BANGHAY-ARALIN SA EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO
BAITANG 8
I. Mga Layunin:
Sa Modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod
nakaalaman,kakayahan, at pag-unawa:
1. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng
komunikasyon sa pagpapatatag ng pamilya.
2. Nabibigyang puna ang uri ng komunikasyon na umiiral sa isang
pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood.
3. Nakabubuo ng isang tula na naglalayong patatagin ang mabuting
pakikipag-ugnayan sa pamilya at kapwa.

II. Paksang Aralin


A. Paksa : Modyul 5: Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag
ng Pamilya
B. Sanggunian: K to 12 Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 8
C. Kagamitan sa Pagtuturo: Power point presentation, Laptop, at tulong
biswal

III. Pamamaraan ng Pagtuturo


Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Paghahanda

1. Pang-araw-
araw na Gawain

a. Panalangin
Bago natin pormal na
umpisahan ang ating
klase sa araw na ito
pangunahan muna
natin ng isang
panalangin na
pangunguhana ni Panginoon, maraming salamat po
Darwin. sa panibagong araw na ibinigay
ninyo saamin, nawa po ay
gabayan niyo kami sa araw na ito.
Bigyan po ninyo ng lakas ang
aming guro sa araw na ito. Bigyan
po ninyo ng lakas upang
maturuan nami ng mabuti. Amen
Maraming Salamat,
b. Pagbati Darwin
Mabuting Tao
Magandang Buhay,
Magandang Buhay
baitang 8

c. Pagtatala ng Mabuting Tao


mga lumiban at
hindi lumiban sa
klase

Pakitala mo nga sa
inyong kalahating Sige po ma’am
papel ang mga lumiban
at hindi sa ating klase
ngayong araw, Abi.

2. Pagbabalik - Salamat, Reah.


Aral

Bago tayo dumako sa


panibagong aralin,
tignan muna natin kung
kayo ba ay may naalala
pa o natutunan noong
nakaraan nating (nagtaas ng kamay ang mga mag-
talakayan. aaral)
Ano na nga ulit ang
paksang tinalakay natin
noong nakaraan? Ma’am tungkol po sa Misyon ng
pamilya.

Okay, sige Alshan

Mahusay!

Ngayon sino
makakabigay saakin ng
Misyon ng Pamilya? Ma’am ang una po ay Pagbibigay
ng edukasyon, pangalawa ay
(Nagtawag ng mag- paggabay sa mabuting
aaral) pagpapasya at paghubog ng
pananampalataya.
Ikaw, Arvi

Mahusay! Mukang
nakinig kayo ng mabuti
sa aralin natin noong
nakaraan.

3. Pagganyak
Bago tayo dumako sa
panibagong aralin,
kayo muna ay
magkakaroon ng
maiksing aktibidad.
Ang ating gawain ay
Pass the message with
a twist.
Tatawagin natin itong
“Ipapasa ko, Ibulong
mo beybe”
Panuto: Bumuo ng tatlong grupo.
Paki basa nga ang a. mayroong ibubulong ang
panuto Bayne guro sa sa bawat miyembro
na nasa hulian. At pagkatapos
maibulong ang mga salita ay
ipapasa ng bawat magaaral
ang salita, hanggang sa
mapunta sa nasa harapang
miyembro ng grupo.
Panghuli ay isusulat ng nasa
unahan ang tamang salita sa
pisara.
b. Bawat tamang sagot ay
mayroong 5 puntos
Naiintindihan niyo ba
class?
Opo ma’am
Kung gayon, punta na
kayo sa inyong mga
pila.
Mga salitang
ibubulong sa bawat
grupo

1. Ang Kahalagahan ng
Komunikasyon sa
Pagpapatatag ng
Pamilya

2. Ang komunikasyon
ay pagpapalitan ng
salita ng bawat
individual

Siguro naman mayroon


na kayong ideya sa
ating bagong aralin
ngayong araw?
Opo ma’am
Sa tingin mo Arcian
ano ang ating
tatalakayin ngayong
araw?
Ma’am tungkol po sa
Mahusay! Komunikasyon.

B. Paglalahad

B.2. Paglinang ng mga


Kaalaman, Kakayahan,
at Pag-unawa.
Pakibasa nga ng sabay
sabay grade 8 ang ating
aralin ngayong araw.
(Binasa ng mga mag-aaral)

Ang Kahalagahan ng
Komunikasyon sa
Pagpapatatag ng Pamilya

Maraming Salamat!

Ano nga ba ang


Komunikasyon?
Pakibasa nga Arcian.
Ang komunikasyon nga ay
anumang senyas o simbulo na
ginagamit ng tao upang ipahayag
ang kaniyang iniisip at
pinahahalagahan, kabilang dito
ang wika, kilos, tono ng boses,
katayuan, uri ng pamumuhay, at
mga gawa.

Salamat.
Sa tingin niyo kapag ba
tayo ay tahimik o hindi
nagsasalita ay Hindi po.
matatawag bang
komunikasyon? Dahil po hindi tayo gumagamit ng
senyas o boses. At hindi po natin
Bakit hindi, Matt? masasabi ang gusto nating
ipahayag kung tayo ay tahimik
lamang.

Ayan, mahusay ang


sinabi ni Matt. Tama
nga naman paano natin
maipapahayag ang
ating ninanais sabihin
kung tayo ay mag
wawalang kibo diba?
Ang komunikasyon sa pamilya ay
ang paraan kung paano
Pakibasa nga Lyn ang
nagpapalitan ng pasalita at di-
nasa harapan patungkol
pasalitang impormasyon sa
sa komunikasyon ng
pamilya. pagitan ng mga kasapi nito.

Salamat
Mahalaga ang
komunikasyon sa
pamilya, sapagkat kung
wala nito ay hindi natin
alam kung ano ang
nangyayari sa ating
mga kasama sa bahay.
Maari tayong
magkaroon ng bonding
sa pamamagitan ng
pag-uusap usap.
Tanungin natin ang
ating pamilya kung ano
nga ba ang nayari sa
nagdaang araw nila. Sa
magiging bukas din na
komunikasyon lalong
napapatatag ang
pamilya dahil kung
mayroon mang
problema ang bawat isa
ay madadamayan natin
sila. At sa ganoong
paraan ay maiibsan ang
lungkot na kanilang
dinadala kung mayroon
silang
mapagsasabihang
pamilya.

Nakakasunod pa ba
grade 8?

Ngayon naman alamin Opo ma’am


natin ang mga hadlang
upang magkaroon ng
mabisang
komunikasyon sa
pamilya.

Ano nga ba ang mga


hadlang sa
pagkakaroon ng
mabisang
komunikasyon sa
pamilya?

Pakibasa nga ang mga (nagbigay ng ideya ang mga mag-


hadlang sa aaral)
pagkakaroon ng
mabisang
komunikasyon sa
pamilya, Billy.

Mga hadlang sa pagkakaroon ng


mabisang komunikasyon sa
pamilya;
1. Pagiging umid o walang
kibo.
2. 2.Ang mali o magkaibang
pananaw
3. Pagkainis o ilag sa kausap.
4. 4.Takot na ang sasabihin o
ipahahayag ay daramdamin o
didibdibin.
Pakibasa naman ang 5. Ati-atin.
mga paraan upang
mapabuti ang
komunikasyon sa
pamilya, Jake.

Mga Paraan Upang Mapabuti ang


Komunikasyon

1.Pagiging mapanlikha o
malikhain (creativity)
2.Pag-aalala at malasakit (care
and concern)
3.Pagiging hayag o
bukas(cooperativeness/openness
Ang mga hadlang na ).
iyan ay ang 4.Atin (personal)
kinakaharap ng ating 5.Lugod o ligaya
mga pamilya sa
pahanon ngayon. Dahil
sa mga ito ay
nagkakaroon ng di
pagkakaunawaan at
walang maayos na
pakikipagkomunikasyo
n sa pamilya at kapwa.

Ngunit paano nga ba


natin mapatatatag ang
komunikasyon sa ating
pamilya?
Salamat sa mga
nagbigay ng kanilang (Nagbigay ng ideya)
mga ideya.

Bakit sa tingin niyo


mahalaga ang
Komunikasyon sa
isang Pamilya?

Mahusay!
Para po magkaunawaan ang
Ang Komunikasyon sa bawat miyembro.
pamilya ay mahalaga
upang maitaguyod ang
maayos na pakikisama.
Ito’y nagbubuklod sa
pakikipagrelasyon ng
bawat isa. Ang
pakikinig sa bawat isa
ay nagiging daan upang
magkaunawaan ang
bawat kasapi ng
pamilya.

Naiintindihan niyo ba
ang ating paksa
ngayong araw?

Naintindihan ba ang Opo ma’am


ating talakayan
B. Paglalahat
ngayong araw?

Kung ganun sige


alamin natin.
Ano nan ga ulit ang
paksa ng ating aralin?

Mahusay Ang Kahalagahan ng


Komunikasyon sa Pagpapatatag
Ano naman ang ibig ng Pamilya
sabihin ng
komunikasyon?
Ang komunikasyon po ay ang
Magaling anumang uri ng sensyas o
simbolo upang ipahiwatig ang
Mukang nakinig gustong sabihin o saloobin.
kayong mabuti.

Kaya naman
magkakaroon ulit kayo
ng panibagong gawain.

C. Paglalapat Pakibasa nga ang


panuto abi.

Panuto: Sa isang buong papel,


gumawa ng isang sanaysay
patungkol kung paano magiging
matatag ang ang komunikasyon
Naintidihan niyo ba ng pamilya. Bibigyan ko lamang
grade 8? kayo g 15 minuto para sainyong
aktibidad.

Opo ma’am

IV. Pagtataya

Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem sa bawat bilang. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
___1. Ito ay pagpapahayag, paghahatid o pagbibigay ng impormasyon sa
mabisang paraan sa isang pakikipag-ugnayan.
A. komunikasyon B. anekdota C. liham D. epiko
___2. Ito ay tumutukoy sa isang uri ng literatura o sanaysay na may layuning
magbahagi ng karanasan o kuwento.
A. komunikasyon B. anekdota C. liham D. Pabula
___3. Ito ay batayang yunit ng lipunan.
A. Pamilya B. Paaralan C. Simbahan D. Ekonomiya
___4. Ang ______ ng saloobin ay parang pagbabakod ng sarili-hindi ito
mapapasok ng iba.
A. pagkainis C. takot
B. pagiging umid o walang kibo D. atin-atin
___5. Siya ang nagsabing may mga sanhi, dahilan, o hadlang sa komunikasyon sa
pagitan ng mag-asawa at sa ating komunikasyon sa kapwa.
A. Alejandro A. Abadilla C. Thomas Hobbes
B. Leandro C. Villanueva D. Lahat ng binanggit
___6. Sa pakikipag-usap, maging bukas lagi at manatiling tapat lalo na sa mag-
asawa. Tanggapin ang kausap bilang isang taong mayroong dignidad at
karapatan.
A. Pag-aalala at malasakit C. Lugod o ligaya
B. Pagiging hayag o bukas D. atin-atin
____7. Sa paraang ito ng komunikasyon, kailangang gamitin ng tao ang kanyang
talino at malikhaing isipan sa pagtuklas ng mabuting paraan ng
pagpapahayag ng kanyang sasabihin.
A. Pag-aalala at malasakit C. Pagiging mapanlikha
B. Pagiging hayag o bukas D. Lahat ng binanggit
____8. Ang masayang tao ay nakagaganyak sa kapwa na makipagpalagayang-
loob, magtiwala, at maging bukas sa pakikitungo.
A. Atin-atin C. Pagiging hayag o bukas
B. Lugod o ligaya D. Pagkainis
___9. Kahit na bata, kasambahay, o pulubi ang kausap, isiping mayroon kayong
pantay na dignidad at karapatan.
A. Pag-aalala at malasakit C. Lugod o ligay
B. Pagiging hayag o bukas D. Lahat ng binanggit
___10. Ang suliranin ay para sa mag-asawa lamang at ang pagsasabi nito sa
mga anak ay magdudulot lamang ng kalituhan, kailangan na lutasin ito
nang palihim sa mga kapitbahay. Ang “atin-ating” usapan ay hindi
pagsasangkot o paninisi sa ibang tao.
A. Atin-atin C. Pagiging hayag o bukas
B. Lugod o ligaya D. Maling pananaw
___11. Ito ang pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng
pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang walang pag-iimbot, puro,
at romantikong pagmamahal.
A. Pamahalaan C. Simbahan
B. Pamilya D. ekonomiya
___12. Siya ang nagsabing may mga sanhi, dahilan o hadlang sa komunikasyon sa
pagitan ng mag-asawa. Binanggit rin niya ang mga paraan upang mapabuti ang
komunikasyon.
A. Thomas Aquinas C. Leandro C. Villanueva
B. Alejandro D. lahat ng nabanggit
___13. Bakit mahalagang magkaroon ng mabuting ugnayan o komunikasyon ang
pamilya? A. Dahil dito nakasalalay ang mabuting pakikipagkapwa at maayos na
lipunan B. Simbolo ito ng pagkakaisa
C. Upang magkaroon ng matibay at matatag na bigkis
ng pamilya D. lahat ng nabanggit
___14. Ito ay sanhi o dahilan sa komunikasyon kung saan iniisip minsan ng tao na
magdaramdam o diribdibin ng kausap ang maaari niyang sabihin kaya
nananahimik na lamang siya o kaya’y nagsisinungaling sa kapwa.
A. Pagkainis o ilag sa kausap
B. Takot na ang sasabihin o ipahahayag ay
daramdamin o didibdibin C. Pagiging umid
D. Mali o magkaibang pananaw
___15. Ayon kay Villanueva, mahirap umunlad ang pagkatao at pakikisama ng
taong ayaw magpahayag ng sariling kaisipan at damdamin o tumatanggap ng
saloobin ng kapwa. A. Pagiging umid o walang kibo
B. Pagakinis
C. Mali o magkaibang pananaw
D. takot
___16. Kung ang pagpapahalaga at pananaw ng bawat isa ay magkaiba,
nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan.
A. Pagiging umid
B. Ang mali o magkaibang pananaw
C. Pagkainis o ilag sa kausap
D. lahat ng nabanggit
___17. Mahalaga ang ______________________ dahil ito ay mabisang paraan,
isang pakikipag-ugnayan upang magkaunawaan.
A. komunikasyon B. anekdota C. pabula D. sanaysay
___18. Ang________________ ay isang literature o sanaysay na may layuning
magbahagi ng karanasan o kuwento.
A. komunikasyon B. anekdota C. epiko D. tula
___19. Alin sa sumusunod ang epektibo sa pakikipag-usap?
A. nagsisigawan C. nag-uusap ng mahinahon
B. umid o walang kibo D. lahat ng nabanggit
___20. Ang salitang matatag ay kasingkahulugan ng ______________________.
A. marupok B. magara C. mayumi D. matibay

V. Takdang Aralin
Panuto: Lumikha ng isa o dalawang saknong na tula na naglalaman ng mga
angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya.
Mamarkahan ang inyong awtput gamit ang rubriks na nasa ibaba.

Rubriks sa Pagmamarka ng Malikhaing Awtput


Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang
Puntos
Nilalaman Gumamit ng sariling mga salita sa 20
pagbuo ng “Tula” tungkol sa
pagpapatatag ng ugnayan sa pamilya.
Pagkamalikhain Nailagay ang ginawang tula sa isang 10
malikhaing presentatsyon
kaangkupan Angkop ang mensahe sa 20
pagpapatatag ng pamilya
Kabuuan 50

Inihanda ni:
Christalyn Mae F. Salonga
BSED 4- Values Education

You might also like