You are on page 1of 10

DETALYADONG BANGHAY-ARALIN SA EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO
BAITANG 8
I. Mga Layunin:
Sa Modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod
nakaalaman,kakayahan, at pag-unawa:
1. Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kapwa. EsP8P-IIa-5.1
2. Nasusuri ang mga impluwensya ng kanyang kapwa sa kanya sa
aspektong intelektwal, panlipunan sa kanya sa aspektong intelektwal,
panlipunan, pangkabuhayan, at politikal. EsP8P-IIa-5.2
3. Nakabubuo ng isang tula patungkol sa pakikipagkapwa.

II. Paksang Aralin

A. Paksa : Modyul 5: Ang Pakikipagkapwa


B. Sanggunian: K to 12 Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 8
C. Kagamitan sa Pagtuturo: Power point presentation, Laptop, at tulong
biswal

III. Pamamaraan ng Pagtuturo


Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Paghahanda

1. Pang-araw-araw
na Gawain

a. Panalangin

Bago natin pormal na


umpisahan ang ating klase
sa araw na ito pangunahan
muna natin ng isang
panalangin na
pangunguhana ni Darwin.

Panginoon, maraming
salamat po sa panibagong
araw na ibinigay ninyo
saamin, nawa po ay
gabayan niyo kami sa araw
na ito. Bigyan po ninyo ng
lakas ang aming guro sa
araw na ito. Bigyan po
ninyo ng lakas upang
maturuan nami ng mabuti.
Amen.
b. Pagbati Magandang Buhay Grade
8!
Mabuting Tao!
Mabuting Tao!

Magandang Buhay!

c. Pagtatala ng mga Para naman sa inyong


lumiban at hindi attendance ngayong araw
lumiban sa klase pakitala nga ito ng
secretary ng ating klase sa
ating attendance sheet.

Sige po
Salamat!

2. Pagbabalik - Aral Bago natin simulan ang


ating klase tignan muna
nating kung kayo ba ay
nakinig sa nakaraang topic
natin.

Tungkol saan na nga ang


ating tinalakay noong
nakaraan?

Ang Papel na
Panlipunan at Papel
Pampolitikal ng Pamilya
Mahusay!

Bilang isang anak ng iyong


mga magulang ano ang
iyong papel sa inyong
pamilya, Jessica?

Ang papel ko po bilang


anak ay makapag tapos ng
pag-aaral.
Salamat!

Mukhang nakinig kayong


mabuti sa ating lesson
noong nakaraan.

3. Pag-ganyak Bago tayo dumako sa ating


paksa ngayong araw, kayo
muna ay magkakaroon ng
isang laro.

Pamilyar ba kayo sa larong


word hunt?

Kung gayon maari na Opo ma’am


kayong magsimula.

Base sa larong inyong


ginagawa, ano sa tingen
niyo ang ating paksang
ating pagaaralan ngayong
araw?

(Nagtaas ng kamay ang


mga mag-aaral)
Sige, Abi
Sa tingin ko po tungkol sa
pakikipagkapwa.
Ayan, mahusay tama ang
ang sinabi ni Abi.
B. Paglalahad

B.2. Paglinang ng mga Paki basa ng sabay sabay


Kaalaman, Kakayahan, grade 8 ang ating paksa
at Pag-unawa. ngayong araw.
Ang Pakikipagkapwa

Maraming Salamat!

Mayroon ankong tanong


sainyo.

Bilang tao, kaya niyo bang


mabuhay ng mag isa dito
sa mundo?
Hindi po
Bakit hindi?
Dahil po nilalang tao ng
diyos na may kasama at
imposible po na may
mabuhay ng magisa dito sa
ating mundo.
Magaling!

Paki basa nga, Ara

Ang Kapwa ay taong


labas sa iyong sarili,
maaaring iyong magulang,
kamag-anak, kaibigan,
kaklase, at pati narin
kaaway. (Agapay, 1991)
Salamat

Base sa sinabi dito, hindi


raw natin matatawag na
kapwa ang ating sarili,
sapagkat ito’y maaaring
ang ating magulang,
kamag-anak, kaibigan,
kaklase o pwede rin daw
na ang ating mga kaaway.

Paki basa naman ang


susunod, James.
Ang Tao Bilang
Panlipunang Nilalang

Nilikha ang tao ayon sa


larawan at wangis ng
Diyos; binigyan siya ng
kapamahalaan sa ibang
nilalang; at binigyan siya
ng taong makakasama at
makakatulong.

Salamat

Base sa binasa ni James.


Nilikha raw tayo ng diyos
na katulad niya at
kawangis niya. Ginawa
tayo ng diyos na may
makakaksama at
makakatulong, niloob ng
diyos na ang tao ay
mamuhay ng may kasama
at maging panlipunang
nilalang o (Social Being) at
hindi ang mamuhay ng nag
iisa o (Soliatry being).

Naintindihan ba grade 8?
Opo ma’am

Kung gayon, pakibasa ang


susunod, Paul.
Ang Pakikipagkapwa at
ang Golden Rule
Sino rito ang nakakaalam
kung ano ang golden rule?

Wala ba?

Ang golden rule ay


“ Huwag mong gawin sa
kapwa mo ang ayaw mong
gawin sa iyo” o sa ingles
ay “Do unto others as you
would have them do unto
you,”
Sino makakapag explain
dito?
Ako po
Sige arcian
Sabi po rito wag kang
gumawa ng mga bagay na
hindi maganda sa iyong
kapwa, kung ayaw mo na
gawin rin ito saiyo.
Mahusay, Arcian.
Tama ang sinabi ni Arcian.
Huwag tayong gagawa ng
mga bagay na hindi
maganda sa ating kapwa,
kung ayaw rin nating
gawain ito saatin. Nag
kakaintindihan ba grade 8?
Opo ma’am
Magaling kung gayon.

Punta naman tayo sa


pangalawang rule.
Pakibasa John.
“Mahalin mo ang kapwa
mo gaya ng pagmamahal
mo sa iyong sarili”
Dito naman sa pangalawa
ay, sapat na mahalin rin
nating ang ating kapwa
gaya ng pagmamahal natin
sa ating sarili, halimbawa
nalang nito ay ung ayaw
mong masaktan nag iyong
sarili ay dapat ganon ka rin
sa iyong kapwa.

Ang panghuling rule


naman Ashley.
“Makitungo sa kapwa sa
paraang gusto mo ring
pakitunguhan ka”
Dito naman sa panghuli ay
dapat maayos ang ating
pakiki tungo sa ating
kapwa kung gusto mo rin
na pakitunguhan ka ng
iyong kapwa na maayos.

Nasusundan pa ba grade 8?
Opo ma’am

Dumako naman tayo sa


susunod.
Mga aspektong
nalilinang sa pakikipag-
ugnayan sa kapwa

Pakibasa ang una, Julia.


1. Aspektong Intelektwal
– karagdagang kaalaman,
kakayahan, pagpapaunlad
ng kakayahang mag-isip
nang mapanuri at
malikhain at mangatwiran.

2.Aspektong
Pangkabuhayan–
kaalaman at kakayahang
matugunan ang mga

pangangailangan ng sarili
at ng kapwa.

3. Aspektong Panlipunan
– kaalaman at kakayahan
sa epektibong
komunikasyon

4. Aspektong Politikal -
kakayahan at kaalaman sa
pagbuo at pagtamo ng
makatao at makatarungang
lipunan
Magaling!

Ang mga aspektong ito sa


pakikipagkapwa ay
nakatutulong di lamang sa
isang tao kundi sa lahat na
mapa-unlad ang kanilang
sarli at magkaroon ng
pagmamahal sa kapwa.
Kaya naman napakahalaga
ng pakikipagkapwa di
lamang sa isang tao kundi
sa lahat ng nilalang sa
mundong ating
ginagalawan.

C.Paglalahat Naunawaan ba ang ating


aralin ngayong araw?
Opo

Ano na nga ulit ang


pamagat nito?
Ang Pakikipagkapwa po
Mahusay! ma’am

Magbigay ka nga ng isang


aspekto sa pakikipag-
ugnayan sa kapwa, Arvi.
Ma’am aspektong
Magaling! intelektuwal po.

Magbigay ka naman ng
isang Golden Rule,
Michael. Huwag po gawin sa kapwa
mo ang ayaw mong gawin
Mahusay kayong lahat sa iyo.
mukang nakinig kayong
mabuti sa ating lesson
ngayon araw.

Ngayon naman mag


kakaroon kayo ng isang
gawain.

D.Paglalapat Para sa inyong gawin,


pakibasa ang panuto, Julia.
Panuto: Bumuo ng apat
na grupo.
Gumawa ng tula patungkol
sa pakikipagkapwa na may
dalawang saknong na may
malayang taludtud.
Mayroon nalamang
kayong 5 minuto para
gumawa at pag katapos ay
ipriprisinta ito sa harap ng
grupo.
Salamat, Julia
Para naman sa inyong
krayterya ay nasa harapan.
Pamantayan Puntos
Nilalaman 25
Angkop sa 15
tema
Koordinasyon 10

Pwede na kayong
magsimula.

IV. Pagtataya
Panuto: Tukuyin kung anong aspekto ng pakikipag-ugnayan sa kapwa ang
nabanggit sa bawat pahayag. Isulat ang aspektong intelektwal, panlipunan,
pangkabuhayan at politikal. Isulat ito sa 1/4 na papel.

1. Nadagdagan ang kaalaman at kakayahan sa pagpapasiyang moral sa EsP class.


2. Pagtuturo sa isang kaklaseng nahihirapan sa Math.
3. Pagsusulong at pangangalaga sa mga karapatan at tungkulin ng pamilya.
4. Tungkulin nating alagaan ang kalikasan bilang likas at tagapamahala sa lahat ng
nilikha ng Diyos.
5. Kakayahang magtipid.
6. Pagpili ng isang lider na tutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.
7. Pagtulong sa mga taong nangangailangan ng agarang tulong.
8. Paglinang sa mga talento at kasanayan.
9. Pagsunod sa mga batas at ordinansa ng lungsod.
10. Pagiging masinop sa mgabiyayang natatanggap.

V. Takdang Aralin

Panuto: Gumawa ng liham o sulat sa isang tao na maituturing mong kapwa.


Gawain ito sa isang buong papel.

Inihanda Ni: Iniwasto Ni:

CHRISTALYN MAE SALONGA RANDOLF GRAZA


BSED 4-VAL ED RESOURCE TEACHER

You might also like