You are on page 1of 8

KOLEHIYO NG SUBIC

WFI Compound, Brgy. Wawandue, Subic, Zambales


TEACHER EDUCATION DEPARTMENT

PAARALAN Baitang/Antas 5
GURO BERNADETH ARCE Asignatura FILIPINO
PETSA/ORAS Markahan IKA-TATLONG
MARKAHAN

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa pagpapahayag ng


sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng isang ulat o panayam.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nagagamit ang pang-abay at pang-uri sa paglalarawan (F5WG-IIId-e-9)
I. LAYUNIN Sa pagtapos ng 40 minutong talakayan sa Filipino, lahat ng Baitang
5 na mag-aaral ay inaasahang magawa ang sumusunod na may 80% na
kasanayan:
a. Naipapaliwanag kung ano ang pang-abay at pang-uri;
b. Nagagamit ang pang-abay at pang-uri sa pamamagitan ng pag-gawa
ng radio reporting,
c. Nabibigyang halaga ang gamit ng pang-abay at pang-uri sa pang
araw-araw na buhay.
II. NILALAMAN Nagagamit ang pang-abay at pang-uri sa paglalarawan
MGA KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Curriculum Guide Filipino 5 p. 73
2. Mga pahina sa kagamitang Pang- Hiyas sa Wika 5 pp. 159-161
Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa
portal ng Learning Resource

B. Iba pang kagamitang Panturo


Aklat, laptop, mga larawan, TV o projector, PowerPoint Presentation
Integrasyon -Values Pagpapakita ng kapatawaran at pagmamahal sa sariling kultura

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
➢ Panalangin

Magsitayo na ang lahat para sa panalangin “Mahal naming Panginoon…”

➢ Pagbati

Magandang umaga mga bata! Magandang umaga din po Titser,


Maaari nang umupo ang lahat. Arce!

➢ Pagtala ng mga lumiban

May lumiban bas a klase ngayong araw? Wala pong lumiban titser
Mahusay, ako ay nagagalak na kumpleto
kayo ngayong araw.
A. Balik-aral sa Bago natin simulan ang ating aralin Opo, Titser!
nakaraang aralin at/o ngayong araw, mag balik aral muna tayo.
pagsisimula ng bagong Natatandaan niyo pa ba kung ano ang
aralin. pang-abay?

Magaling halina’t ating tuklasin at basahin


ang usapang ito. Alamin ang mga salitang
ginamit na naglalarawan sa isang
katangian o uri ng tao, hayop, bagay o
lunan.

Syempre ang
Inay, sino
pipiliin ko e ‘yung
ho ang
matalino, mabait,
iboboto
masipag, maawain
niyo sa
mapagmalasakit,
darating na
mapag-unawa, at
eleksiyon?
makata.
Makatarungan,
masigasig at Higit sa
lahat ay malinis ang
puso’t-isipan.

Inay…
‘di ba
pinako na Siya lang
sa krus ang tunay
yung na pag-asa
tinutukoy anak.
niyo?

Ano-ano ang mga salitang ginamit sa Matalino, Mabait, Masipag, Maawain,


paglalarawan sa isang pulitiko na iboboto? Mapagmalasakit, Mapag-unawa, at
Makata po Titser

Tama! Bigyan niyo ang sarili niyo ng “


Ang Galing Clap” (Lahat ng bata ay papalakpak)

B. Paghahabi Sa Layunin
Kumusta, mga bata, ako si Doremon.
Ng Aralin natutuwa ako na makita kayo. Maari niyo
ba akong tulungan na hanapin ang mga Hello, Doremon,
nawawalang larawan ng aking tahanan? Sige po!
(Ang guro ay magpakita ng mga larawan.)

Anu- ano ang masasabi mo sa mga May iba’t ibang uri po ng tao na
larawang ito? kabilang sa mga katutubong pangkat,
titser!
Magaling, base sa mga larawan makikita
sa tahanan ni Doremon, nakakita na ba
kayo ng mga kapatid at kapwa nating mga Opo!
katutubo?

Magbigay nga kayo ng halimbawa ng mga


pangkat na katutubo na matatagpuan sa Katulad po ng mga Aeta o Ita, Igorot,
ating bansa? (Hayaan sila na magbigay ) Bontoc people, Ifugao at iba pa.

Tama, mahusay mga bata!

C. Pag-Uugnay Ng Mga Para sa pagpapatuloy ng ating aralin


Halimbawa Sa Bagong ngayon ay mayroon akong hinahandang
Aralin kuwento o tekso. Handa na ba kayong Opo!
making?

Pagbasa ng Kwento: Ang ating kuwento


ay pinamagatang? Pakibasa nga? (Babasahin ng mga bata ang pamagat
ng kuwento)
(Ang Ati-atihan sa Kalibo, Aklan || Hiyas
sa Wika 5, pp 159-161)

Taun-taon ay ginugunita ng mga


naninirahan sa Aklan ang
pakakasundo ng mga Ati o Ita at
mga Malayo.

Ang mga Ita ang unang


naninirahan sa Panay bago
dumating ang mga Malayo. Nang
dumating ang mga Malayo, binili
nila ang baybay-dagat.Tumira
naman sa kabundokan ang mga
Ati. Naghirap ang mga Ati sa
kabundokan. Samantala, umunlad
naman ang buhay ng mga Malayo.
Kaya nagalit sa kanila ang mga Ati.
Nilusob nila ang mga Malayo.

Matalino ang mga Malayo.


Naglagay sila ng uling sa buong
katawan. Katulad narin sila ng mga
Ati kaitim. Nakipag-usap sila nang
maayos, nagkasundo ulit sila.
Nagdiwang ang lahat. Masaya
silang naglundagan at
nagsayawan sa tuwa. Iyan ang
ginugunita taon-taon kung pista ng
Ati-atian.
Simula noon, ipinakikita ng mga
taga-Aklan ang kanilang kasiyahan
sa pamamagitan ng pagsayaw at
paglulundagan sa daan sa aliw ng
iba’t-ibang tugtog. Sadyang
mahuhusay sumayaw ang mga tao
ng Ati-atihan. Nagpapahid sila ng
makapal na uling sa katawan at
Nagsusuot sila ng makukulay na
damit at naglalagay ng sari-saring
palamuti.

Masiglang pinagdarayo ng mga


tao kung taga saang lugar ang pista
sa Kalibo, Aklan. At Sadyang
pinaghahandaan ng mga taga-
kalibo ang kapistahan tuwing
unang lingo ng Enero at sila ay
nagsasaya bilang pasasalamat sa
Patrong Santo Niño.

D. Pagtalakay Ng Bagong Matapos basahin ang kuwento,


Konsepto At Paglalahad Ng magtatanong ang guro sa mga bata gamit
Bagong Konsepto Ng ang Interactive Game na “Pass the Ball”
Bagong Kasanayan #1
Pagsagot sa tanong tungkol sa kuwento.
1. Titser, ginaganap po ito taun-
1. Kailang ginugunita ng mga taon sa Enero sa karangalan ng
naninirahan sa Aklan ang Santo Niño sa mga iilang
pagkakasundo ng mga Ati o Ita at bayan sa lalawigan ng Aklan,
mga Malayo? Panay.

2. Paano nila ipinagdiriwang ang 2. Naglagay po sila ng uling sa


kanilang pakakasundo? buong katawan at nagdiwang
ang lahat. Masaya silang
naglundagan at nagsayawan sa
tuwa.

3. Paano sumayaw ang mga Ati- 3. Pamamagitan ng pagsayaw at


atihan? paglulundagan sa daan sa
saliw ng iba’t-ibang tugtog.

4. Ano ang masasabi mo sa 4. Nagsusuot po sila ng


kanilang kasuotan? makukulay na damit at
naglalagay ng sari-saring
palamuti.
Narito ang isang talaan ng mga pag-uri at
pang- abay na makikita sa ating kuwento.
Maari niyo bang isulat dito sa kahon ang
mga salitang inyong napili.
Pang-uri Pang-abay
Pang-uri Pang-abay
Matalino Naglulundagan
Maayos Nagsasayawan
Masaya Nagpapahid
Makapal Nagsusuot
Makukulay
Masiglang
Mahusay mga bata. Halina’t ating
basahin ang mga pangungusap na ito: (Babasahin ng mga bata ng malakas
ang mga sumusunod na pangungusap)
a. Masayang naglundagan ang mga
ati.
b. Nagpapahid sila ng makapal na
uling.

(Alamin natin ang pagkakaiba ng mga Ang salitang “makapal” titser ay


salitang may salungguhit) Pang-uri dahil po ito ay tumuturing sa
pangngalan. Samantalang ang salitang
Ano ang napansin ninyo sa gamit ng “naglundagan” ay Pang-abay po dahil
salitang makapal? naglundagan? nagbibigay turing po ito sa mga ati na
o Pang-uri.
Magaling mga bata!

Anong aral ang napulot ninyo sa (Maaring iba-iba ang maging sagot ng
kuwento? mga bata)
(Values Integration)

E. Pagtalakay Ng Bagong Ngayon naman mga bata mayroon ako


Konsepto At Paglalahad Ng ditong mga hinandang mga larawan,
Bagong Konsepto Ng maaari niyo ba silang tukuyin at subukan
Bagong Kasanayan #2 itong gamitin sa pangungusap at
ipaliwanag kung ang gamit nito ay pang-
uri o pang-abay.

(Prutas)

Lahat ng prutas na nasa mesa ay


mukang masarap- Ito po ay pang-uri
titser.

Magaling mga bata!

Bakit pang-abay ? Saan nakalagay ang Ang mga bagong biling prutas ay
mga bagong biling prutas? nakalagay sa malaking plato – Ito po
ay pang-abay.

Mahuhusay mga bata! Sa malaking plato po

(Mansiyon)

Ang mansiyon na iyon ay mataas – Ito


po ay pang-uri
(Pulubi)

Habang naglalakad ay may nakita


akong pulubi sa tabi ng daan na
nangangalkal ng basura. – Ito po ay
pang-abay titser

Mahuhusay mga bata. Palakpakan niyo


ang inyong mga sarili.

F. Paglinang Sa
Kabihasaan (Tungo Sa Para sa ating Pangkatang Gawain:
(Papangkatin ng guro ang mga bata sa
Formative Assessment)
apat na grupo.)

Bago simulan ang gawain, magtatanong


ang guro:
- Ano-ano ang mga pamantayan sa
paggawa ng pangkatang gawain?

(Ipabasa sa mga bata ang mga sumusunod (Babasahin ng mga bata ng malakas
na mga panuto sa paggawa) ang pamantayan sa paggawa)

Mayroon kayong 5 minuto upang gawin


ito.

Gumawa ng ulat panahon base sa ano ang


nakikita ninyong taya ng panahon,
ilarawan ito at iulat sa klase. Gumamit ng
salitang pang-uri at pang-abay.

Bigyan ng puntos ang pangkatang gawain


gamit ang rubriks.

Mga 5 4 3 2 1
Batayan
Nilalaman
Presentasyon
Kooperasyon
Takdang Oras
G. Paglalapat Ng Aralin Sa
Pang- Araw-Araw Na Isahang Gawain:
Buhay Basahin ang mga pangungusap sa
powerpoint, isulat kung ang gamit ng mga
salitang may salungguhit ay pang-uri o
pang-abay.
1. Pang-uri
1. Mainit ang kape na iniinom ni
lolo. 2. Pang-abay
2. Taimtim siyang nanalangin.
3. Masayang ikinuwento ni Rose 3. Pang-abay
ang kanyang karanasan.
4. Naglagay ako ng sariwang 4. Pang-uri
bulaklak sa plorera.
5. Sobrang mabagal maglakad ang 5. Pang-abay
lola ko.

Magaling mga bata, lagi niyong tatandaan


na ang;

Ang Pang-uri po ay salitang nagsasaad


ng katangian o uri ng tao, hayop, bagay,
lunan, at iba pa na tinutukoy ng
pangngalan o panghalip na kasama nito sa
loob ng pangungusap.

Ang Pang-abay naman ay tawag sa lipon


ng salita o lipon ng mga salitang
nagbibigay-turing sa: pandiwa, pang-uri o Opo!
kapwa pang-abay. Maliwanag ba mga
bata?
H. Paglalahat Ng Aralin
Mahusay kung gano’n, Ngayon, ano nga Ang Pang-uri po ay salitang
uli ang Pang-uri? nagsasaad ng katangian o uri ng tao,
hayop, bagay, lunan, at iba pa na
tinutukoy ng pangngalan o panghalip
na kasama nito sa loob ng
pangungusap
Ano naman ang Pang-abay?
Ang Pang-abay naman po ay tawag sa
lipon ng salita o lipon ng mga salitang
nagbibigay-turing sa: pandiwa, pang-
Naiintindihan naba ang ating tinalakay? uri o kapwa pang-abay.
Kung kayo ay may katanungan pa, itaas
lang ang inyong mga kamay para
malinawan ko ito. Opo!

Isulat kung pang-uri o pang-abay ang


I. Pagtataya Ng Aralin gamit ng mga salitang may salungguhit.

1. Matibay ang lubid na ginamit ni


Mang Jose sa pagtatali ng
kanilang bubong ng bahay. 1. Pang-uri
2. Mahusay sumalo ng bola ang
batang si Lito. 2. Pang-abay
3. Masayang maglaro ang mga bata
lalo na kung bakasyon. 3. Pang-abay
4. Malakas ang ulan kagabi kaya
naman kami ay binaha. 4. Pang-uri
5. Mapapalad ang mga batang
walang kapansanan. 5. Pang-abay
Sumulat ng pangungusap gamit ang mga
J. Karagdagang Gawain salitang naglalarawan at isulat kung ito ay
Para Sa Takdang-Aralin At ginamit na pang-uri o pang-abay.
Remediation
1. Matamlay – in English-lethargic
2. Matipid/kuripot or thrifty
3. Masaya or happy
4. Malakas or strong
5. Matalino or intelligent

IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mga
mag-aaral na nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?

Inihanda ni:

Arce, Bernadeth________

Sinuri ni:

____________________________

You might also like