You are on page 1of 11

Kagawaran ng Edukasyon

Baao National High School


Sta. Cruz, Baao, Camarines Sur
Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7
Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag ng
Emosyon o Damdamin
Lunes, 1:00 n.h – 2:00 n.h.

I. MGA LAYUNIN: Ika-7 ng Marso, 2015


Pagkatapos ng isang oras na aralin, ang 75% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng emosyon at damdamin,
b. nakapagbabahagi ng saloobin o damdamin tungkol sa mensahe ng tekstong “Ang Tinuran
ng Tao”, at
c. naitatanghal ang mga gawain na iniatang sa bawat pangkat kaugnay sa paksa.

II. PAKSANG-ARALIN:
a. Paksa: Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon at Damdamin
b. Lunsaran: “Ang Tinuran ng Tao” ni Kriza Erin B. Babor
c. Batis: Sanayanang Aklat sa Filipino 1, Longga, A. et al. pahina 13-15;
Filipino para sa Mag-aaral 8, Rep. ng Pilipinas, pahina 216-217;
Filipino 7 Kagamitan ng Mag-aaral (Quarters 3 at 4), Sipi mula sa Ampalaya, pahina 149-
151;
http://www.proprofs.com/quiz-school/story.php?title=ibat-ibang-paraan-ng-
pagpapahayag-emosyon-o-damdamin
http://tl.answers.com/Q/Mga_uri_ng_emosyon
http://leaders-workshop.blogspot.com;www.shabbarsuterwala.com
d. Kagamitang Pampatuturo at Pampagkatuto:laptop, projector, Powerpoint presentation,
pisara, tsok, mga kagamitang biswal at pedagohikal (graphic organizer), mga larawan,
bolpen, papel at pendulo (pendulum)
e. Kakayahang dapat linangin sa mga mag-aaral:Pagsasalita, pakikinig, pagbibigay-
katuturan sa larawan (panonood), at pagsusuri sa binasang teksto (pag-unawa).
f. Konsepto:Ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng emosyon, damdamin, gawi at
paniniwala ay mabisang instrumentosa pagkontrol ng aksyon at saloobin ng mambabasa at
tagapakinig.
g. Halagang Pangkatauhan:Pagpapahalaga o paggalang sa damdamin at paniniwala ng iba;
Pagkilala sa positibong katangian ng tao o bagay; Kooperasyon at Disiplina
h. Integrasyon sa mga Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao, Agham (Pisika at
Biyolohiya), Matematika at Araling Panlipunan
i. Metodolohiya: 4A’s Approach o Dulog

III. PROSESO NG PAGKATUTO:

Oras na Pasunod-sunod
Ilalaan na Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral Kagam
3 min A. Panimulang
Gawain
1. Pagbati Magandang buhay mga bata! Magandang buhay po.
2. Panalangin Tumayo ang lahat para sa
panalangin, sa Ngalan ng Ama, ng
Anak, at ng Espirito Santo. Amen.
Purihin nawa ang ngalan ni Hesus, Ngayon at magpakailanman Siya
nawa. Amen.
3. Pagpapanatili Bago maupo ang lahat, pakiayos
ng Kalinisan at ng inyong mga upuan, at pulutin ang
Kaayusan mga nakakalat sa ilalim ng inyong
upuan.
4. Pagtala ng May liban ba sa klase? Wala po Ma’am.
mga Liban
5.Pagpasa o Sa aking pagkakatanda ay nagbigay
Pagwasto ng ako ng takdang aralin. Ngayon,
Kasunduan makipagpalitan sa katabi, lagdaan at
lagyan ng petsa.
6. Pagbabalik- Ano ang ating ginawa nang Tinalakay po natin ang “Sipi mula sa
aral nakaraang linggo? Jane Ampalaya.”

Magaling! Ngayong araw, may


kinalaman ang tinalakay nating akda
sa magiging aralin natin. May mga
nailahad na pahayag doon na
nabibilang sa iba’t ibang paraan ng
pagpapahayag ng emosyon o
damdamin na atin naman ngayong
tutuklasin.
Handa na ba ang lahat?

7. Paglalahad ng Gaya ng dati mayroon tayong


Layunin layunin o pokus ng ating gagawing
pag-aaral. Ngayon ay araw ng Lunes
kaya’t ang CLG1 ang nakatokang
magbasa ng layunin natin. Mga Layunin: Kagam
a. natutukoy ang iba’t ibang paraan biswal
ng pagpapahayag ng emosyon at
damdamin,
b. nakapagbabahagi ng saloobin o
damdamin tungkol sa tekstong “Ang
Tinuran ng Tao ”
c. naitatanghal ang mga gawain na
iniatang sa bawat pangkat kaugnay sa
paksa.
Okey, magaling. Iyan ang pokus
natin ngayong araw.

B. Paglalahad
ng Aralin
3 min. Pagganyak (Magpapakita ng mga larawan.)

Mga lar
laptop,
project

Ipagpalagay natin na kayo ay aktwal


na nakakikita ng nasusunog na
bahay, ano ba ang mararamdaman
mo? Jeric. Ako po ay matatakot.

Makakaramdam siya ng pagkatakot.


Eh ito kaya? Kilala niyo ba siya?
Dems Si Pope Francis po, pagkatuwa at
paghanga po ang aking naramdaman.
Opo.
Sang-ayon ka ba, Zoe?
Ito kaya? Kung ikaw ay saksi ng
kaganapang iyan, ano ang
mararamdaman mo? Dave

Para sa akin, pagkainis po.

Kilala niyo ba siya? Kapag binigyan


kayo ng pakakataon na makaharap
siya, anong mararamdaman ninyo?
Angie Ako po ay matutuwa at matatawa sa
kanya.

Ito kaya? Alam niyo ba ang kwento


sa larawang ito?
Opo, ito po ay tunkol sa SAF (Special
Action Force) Massacre.
Nakalulungkot po ang kanilang
dinanas.

Ang inyong mga nabanggit ay ilan


lamang sa mga paraan ng
pagpapahayag ng damdamin.

Paghawan ng Isa sa mga salik sa pag-unawa sa


Sagabal pagbasa ng teksto ay ang
pagpapaunlad sa mga salitang
ginamit dito. Tukuyin ang mga
nawawalang titik sa patlang upang
mabuo ang kahulugan o salitang may
kaugnayan dito.
2 min.
PROTEKSYON
MINERAL
BAGYO
MUNDO
DESTINASYON
Mahuhusay!
a. Aktibiti Sa puntong ito, susubukin ko naman
ang inyong pag-unawa sa
babasahing maikling dayalogo o
pabula na may pamagat na “Ang
Tinuran ng Tao”. Mahahati kayo sa Arrow
tatlong pangkat. Batay sa binasa, Conce
tutukuyin ninyo ang mga pahayag na Organ
nagsasaad ng emosyon. Katapat nito
7 min. ang mga emoticon na angkop sa
pahayag at damdamin. Malinaw po?
Ito ang magiging pamantayan.

A. Kawastuhan sa pagtukoy ng
mga damdamin at pahayag.
(4 puntos)
B. Pagtatanghal/pagkaka-ulat
(4 puntos)
C. Kooperasyon, Disilpina ng
pangkat at naunang nakatapos
(2 puntos)
10 puntos (Isasagawa ang gawain sa loob ng
tatlong minuto.) Kagam
pedago
b. Analisis Ang bawat pangkat ay malayang
magtanong pagkatapos magtanghal
ng naitalagang mag-uulat. Pangkat 1

Hindi talaga ako


makapaniwala. (Pagtataka)

Sana nga’y magkatotoo


ang mga sinabi mo. (Pag-
asa)

10 min. Masakit talaga sa ulo ang


mga taong iyan.
(Pagkagalit o Pagkainis)

Mahuhusay! Bigyan natin sila ng


limang padyak. Kayo ay nagkamit ng Kagam
10 puntos Pangkat 2 pedago
tsok,
pisara
Naku! Nakakaawa naman projec
ang naranasan niya. at lap
(Kalungkutan)

Ang galing talaga niya!


(Paghanga)

Yahoo!
(Pagkatuwa)

Napakagagaling! Bigyan din sila


ng limang palakpak, dahil 10 puntos
rin ang inyong nakuhang marka.
Tinatawagan ko ang huling pangkat.
Hala! Ano na bang
nangyayari sa
sansinukuban?
(Takot/Pagkatakot)

Dinaramdam ko, ngunit


hindi ko kasalanan ang
maling paggamit sa
akin. (Pagtanggi)

Kailan kaya nila


mapagtatanto na ang
buhay ngayon ay papaikli
na’t dapat nang kumilos?
(Pahiwatig ng
Kagustuhan)

Magagaling! Kayo ay nagkamit ng 10


puntos. Palakpakan natin ang bawat
isa.
Pakiayos na ng inyong mga upuan.
c. Abstraksyon Bukod pa sa mga nabanggit,
mayroon din tayong Pagkagulat,
Pag-aalinlangan, Pagtanggap,
Pagkamulat at iba pa. Ang mga ito’y
napangkat sa tatlo batay sa
pagkakagamit sa pangungusap.
(graphic organizer)
1. Paggamit ng Padamdam na
Pangungusap. (!) –matinding
damdamin
2.Paggamit ng pahayag na
tiyakang
nagpapadama ng damdamin at
saloobin ng nagsasalita. (.) –hindi
gaanong matindi ang damdamin.
3. Pagpapahayag ng Lapto
15 min. Kagustuhan/Pagtanggi- hindi projec
tuwirang paglalahad ng
damdamin.

Kung ating babalikan ang maikling


pabula, alin sa mga pahayag ang
naglalahad ng matinding damdamin? Masakit talaga sa ulo ang mga taong
Vince iyan!

Magaling, alin naman ang


nagpapadama ng hindi gaanong Naku, nakakaawa naman ang
matindi ang damdamin? Francis naranasan niya.

Tumpak! Sa anong bahagi naman


ang nagpahayag ng hindi tuwirang
paglalahad ng damdamin? Joshua Kailan kaya nila mapagtatanto na ang
buhay ngayon ay papaikli na’t dapat
nang kumilos?

Ngayon, batay sa teksto, ano ang


ipinahihiwatig ng pabula? Nais ipahiwatig ng kwento naang
lahat ng bagay sa mundo ay
magkakaugnay. Ang lahat ng ating
ginawa sa nakaraan ay makakaapekto
sa kasalukuyan at sa hinaharap.

Mahusay! Iyan din ang dahilan kung


bakit natin pinag-aaralan ang
kasaysayan.
Subukin nating pag-ugnayin ang
teksto at ang tinalakay na aralin sa Opo, ito ay kasangkapan na binubuo
pamamagitan ng pendulum. Alam ng tagdang may nakabitin pabigat.
niyo ba kung ano ito?

Tama! Ginagamit din ito noon sa


pagsukat ng oras ayon kay Galileo
(1564) at kalauna’y ginamit rin
bilang pagsukat ng lakas ng lindol sa
panahon ni Sir Isaac Newton. Sa
puntong nagpakawala ng lakas
upang tumama sa kasunod nito, ang
enerhiya ay lumilipat sa
pinakahuling pendulo hanggang sa
mag-urong sulong ito o oscillate.
Kung iuugnay natin ito sa ating
aralin, paano ninyo maihahalintulad
ang galaw ng pendulum sa tekstong Nangangahulugan po ito na anumang
“Ang Tinuran ng Tao”? Luis gawin mo sa kapaligiran mo o kahit
sa kapwa mo ay tiyak na babalik sa
iyo. Ang mga tauhan sa kwento ay
maaari ring maihalintulad sa nag-
uumpugang pendulo sapagkat may
impluwensya o epekto sila sa bawat
isa.

Napakahusay! Paano naman kaya Pendu


natin maiuugnay ang pendulo na ito
sa iba’t ibang paraan ng May kaugnayan ang pendulo sa
pagpapahayag ng emosyon o aralin, ibig ipakahulugan na sa
damdamin? Michael anumang damdamin ang nais nating
ipabatid sa kapwaay may kaakibat na
tugon o sagot.Anuman ang sabihin ay
babalik at babalik sa iyo.

d. Aplikasyon Upang mas maunawaan pa ang


aralin, magsasagawa muli tayo ng
pangkatang gawain. Sa parehong
pangkat ay magpapaunahan kayong
makabuo ng tigdadalawang
pangungusap na nagpapahayag ng
alinmang damdamin. Sa loob lamang
ng limang minuto nang walang
maririnig na kahit anong ingay ay
isasagawa ang gawain. Pipili rin
kayo ng pinakamagaling kinatawan
upang ipahayag nang mahusay ang
ginawang pangungusap.
Ang ating magiging pamantayan ay
nakabatay sa inyo. Ano-ano ba ang Kaisipan 5 puntos
maaari nating maging rubric? Gamit ng wika 3 puntos
Pagkabuo 2 puntos
10 puntos
Kapag ako’y pumalakpak na, ang
lahat ay dapat ng isaayos ang mga
upuan. Pangkat 1
(Pag-uulat at Pagmamarka) Pangkat 2
Pangkat 3
10 min.

Bolpe
papel

Pisara
tsok

5 min Pagpapahalaga Bakit mahalagang pag-aralan ang Lapto


iba’t ibang paraan ng pagpapahayag projec
ng damdamin?
Sa pamamagitan
ng kaalaman sa iba’t ibang
paraan ng
pagpapahayagng
damdamin ay mas
nauunawaan at
nabibigyang-halaga natin
ang saloobin at
paniniwala ng iba.

Magaling!
Katulad ng ipapakita ko sa inyong
larawan,

Ang “Iceberg” na ito na 10% lamang


ang nasa ibabaw ng kapatagan ng
dagat at ang 90% ay nasa ilalim ng
dagat.
Kahalintulad ng ating kaalaman at
kasanayan ay 10% at ang 90% ay
angating pag-uugali.
Nais ko lamang na ikintal sa inyong
isipan na walang kabuluhan kung
taglay niyo ang galing at talino kung
hindi lubos na nalinang ang wastong
pag-uugaling karapat-dapat sa atin
bilang tao.
Natutunghayan niyo ba ang laging
sinasabi ni Kuya Kim sa kanyang Opo. Sa maagap na paglutas sa
mga trivia? suliranin nakakamit ang layunin.

IV. PAGTATAYA
Suriin ang sumusunod na pahayag. Tukuyin kung anong damdamin ang nais iparating ng
bawat pahayag.Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Nanalo tayo sa paligsahan? (a. pagkagulat b. paghanga )


2. Totoo ba na lilipat na kayo ng tirahan? (a. pagkagalit b. kalungkutan)
3. Ang lakas ng hangin ng bagyong Ondoy! (a. takot b. pagtataka)
4. Nakakairita na mga biro mo ha. (a. pagtanggi b. inis/galit)
5. Ang laki pala ng bahay ninyo! (a. pag-asa b. paghanga)

Susi sa Pagwawasto:
1. a 2. b 3. a 4. b 5. b

V. KASUNDUAN Ika-3 ng Pebrero, 2015


1. Basahin at unawain ang pabulang Nagsimula sa Panahon ng Yelo.
2. Tukuyin ang mga halimbawang pahayag na nagsasaad ng damdamin o emosyon.

Batayang Aklat: Sanayanang Aklat sa Filipino


7, Longga, A. et al. pahina 152-
156

Inihanda ni:

KRIZA ERIN B. BABOR


Gurong Mag-aaral sa Filipino

Nabatid:

RUTH B. BOTOR
Katuwang na Guro-Dalubguro 1, Filipino

Nirekomendang pagtibayin:

HELMA P. NORTE
Ulong Guro sa Filipino
Pinagtibay:

SALVACION B. ASIS
Punong Guro

I. Gabay ng Guro
Ang Tinuran ng Tao
(Isang Maikling Pabula)
Kriza Erin B. Babor

Unang Yugto
“Pag-usbong ng Teknolohiya”
(Pangkat 1)

Bagyo:Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyari sa kanila. Likas sa akin ang may malakas na
ulan, kulog at kidlat. Sa aking pagdating dapat silang maging handa at manatili sa isang
ligtas na lugar.
Tekno:Sana nga’y lagi nilang ginagawa ang mga sinabi mo. Hindi naman ako nagkulang sa paalala.
Araw: Masakit talaga sa ulo ang mga taong iyan!
Hindi ko ginustong unti-unting mabutas ang ozone layer dahil sa pagsusunog nila ng plastic
at fossil fuels.
Bata: Mga mamậ , salamat po sa inyo, lalaki akong isang mabuting tao.

Ikalawang Yugto
“Ika-21 Siglo”
(Pangkat 2)

Bagyo:Naku, nakakaawa naman ang naranasan niya.


Sa pagligtas niya sa iba’y muntik na siyang lunurin ng malakas na unos.
Tekno: Ang galing talaga niya!
Sa kanyang katapangan, kinilala siya sa mundo sa tulong ko. Binigyan siya ng mga papuri ng
mga tao.
Araw: Yahoo!Sa katulad niya’y babangon muli ang mundo, at sisikat muli ang pag-asang harapin
ang kinabukasan ng matatag.
Lalaki: Mga mamậ, salamat po sa inyo, aasahan kong marami pa akong matututunan sainyo.

Ikatlong Yugto
“50 Taon Makatapos ang Bagong Milenyo”
(Pangkat 3)

Bagyo: Hala! Ano na bang nangyayari sa sansinukuban?


Sa madalas kong pagdalaw na tila sumisidhi ay hindi ko kagustuhan. Ito’y dahil sa iyo.
Tekno: Dinaramdam ko, ngunit hindi ko kasalanan ang maling paggamit sa akin.
Malugod kong tinutugunan ang kanilang pangangailangan at kagustuhan.
Araw: Kailan kaya nila mapagtatanto na ang buhay ngayon ay papaikli na’t dapat nang kumilos?
Matanda: Mga anak, kasing edad ko na ang sanlibutan. Sa patuloy na pag-ikot nito’y walang sino
man ang makapagdidikta ng hantungan. Ngunit sa kabila ng lahat ng aking ginawa ay hindi pa rin
sapat. Huli na ba ang lahat?

“Kasagutan”
Pangkat 1

Hindi talaga ako makapaniwala. (Pagtataka)

Sana nga’y magkatotoo ang mga sinabi mo. (Pag-asa)

Masakit talaga sa ulo ang mga taong iyan. (Pagkagalit o Pagkainis)

Pangkat 2

Naku, nakakaawa naman ang naranasan niya. (Kalungkutan)

Ang galing talaga niya! (Paghanga)

Yahoo! (Pagkatuwa)

Pangkat 3
Hala! Ano na bang nangyayari sa sansinukuban? (Takot/Pagkatakot)

Dinaramdam ko, ngunit hindi ko kasalanan ang maling (Pagtanggi)


paggamit sa akin.

Kailan kaya nila mapagtatanto na ang buhay ngayon ay (Pahiwatig ng


papaikli na’t dapat nang kumilos? Kagustuhan)

You might also like