You are on page 1of 10

“MASUSING BANGHAY ARALIN SA Agham III”

Name of Teacher Angeline L. Mabuyo Section III - LDQ


Learning Area FILIPINO Time
Grade Level 3 Date

I.LAYUNIN
A. PAMANTAYANG NILALAMAN Naipapamalas ang pag-unawa sa kung ano ang
pang-ukol at ang wastong gamit nito
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP Nagagamit ang wastong pang-ukol (laban sa,
ayon sa, para sa, ukol sa, at tungkol sa)
C. PINAKAMAHALAGANG KASANAYAN SA Natutukoy ang mga salitang hinuha sa bawat
PAGKATUTO pangungusap.
D. PAGPAPAGANANG KASANAYAN Naibibigay ang sariling hinuha bago
mapakinggan, habang pinakikinggan, at
pagkatapos mapakinggan ang teksto.
F3PN-IIIf-12
E. PAGPAPAYAMANG KASANAYAN
II. NILALAMAN
1. Paksa Pagbibigay sa Sariling Hinuha Bago, Habang, at
Pagkatapos Mapakinggan ang Teksto
2. Sanggunian Filipino III Pg. 28 - 31
3. Kagamitan Powerpoint presentation, Bidyo, printed
materials, larawan, at kartolina
III.PAMAMARAAN
AKTIBIDAD NG GURO AKTIBIDAD NG MAG AARAL
A. Panimula
 Pagbati
Magandang Umaga mga bata!
“Magandang umaga din po titser!”
Kamusta naman kayo ngayong araw?
“Mabuti naman po titser”
Mabuti naman kung ganon.

 Prayer

Bago natin simulan ang ating aralin


ngayong araw. Maaari bang magsitayo (Magsisito ang mga bata)
ang lahat at tayo’y mananalangin.

https://youtu.be/A5Tq-2fSTFY?
si=FOIebiJjY6Xv-HFH

(Nananalangin)

Muli, magandang umaga mga bata.


“Magandang din po”.
Bago magsiupo ang lahat, maari bang
pakipulot ng mga basura sa ilalim ng
inyong mga upuan.
(nag pulot ng mga basura sa ilalim ng mesa)

 Pag tatala ng liban

Upang malaman kung kayo ay naririto,


mangyayari lamang na sasabihing
present kapag naririto.
(Tinawag lahat ng mga bata kung
present ito).

B. Balik – Aral
Bago natin simulan ang panibagong
aralin. Atin munang balikan kung ano
ang inyong pinag-aralan noong
nakaraang araw.

Tungkol nga saan ang inyong pinag-


aralan?

Precious?
“Ito ay tungkol sa Pagbibigay ng pangunahing
kaisipan”.

Tama! Kapag sinabi nating


pangunahing kaisipan, ito ay mensahe
na nakapaloob sa larawan o sa isang
sanaysay. Sa pamamagitan nito
nalalaman natin kung ano ang ibig
sabihin ng pangungusap o ng maikling
kuwento.

Tignan ang larawan. Sa inyong palagay


tungkol saan ano ang pangunahing
kaisipan ang ipinapakita? “Pag-aalaga po ng inahing manok sa kaniyang mga
sisiw”.

Tama po iyon. Sa pamamagitan ng


larawan nalalaman na ninyo kung ano
ang gustong ipahiwatig o sabihin ng
larawan.

Ngayon, mayroon pa bang iba pang


paraan upang matukoy ang mga ideya,
sumusuporta man ito o pangunahin. “Opo, ma’am”

Ano-anu nga ang mga iyon? Paglalahad


Paglalarawan
Pangangatwiran

Mahusay! Ang tatlong ito ay mga


paraan kung paano matutukoy ang
pangunahing kaisipan.

Kapag sinabi nating PAGLALAHAD ito


ay isang paraan ng pagpapahayag na
naglalayong linawin ang isang ideya o
konsepto, bagay, o kaisipan upang
lubos na maunawaan ng nakikinig o
bumubasa.
Samantalang ang PAGLALARAWAN ay
nakabase sa nararamdaman ng tao. Ito
ay maaring sa kanilang paningin, pang-
amoy, panlasa, pandama, at pandinig.
Maari ring pakiramdaman ang
binabasa. Tulad na lamang ng “Paano
ito nakaaapekto sa iyong
nararamdaman?”.

At ang panghuli naman ay ang


PANGANGATWIRAN. Kailangan ay
matukoy natin kung ang ating
tinutukoy na ideya ay sa pangunahin o
sumusuporata lamang upang
magkaroon tayo ng sapat na ebidensya
o katibayan sa ating sinsasabing
opinion ay tama at wasto. Sa
pamamagitan nito ay mas mahihikayat
natin ang ating mga mambabasa.

Ano nga po ulit ang tatlong paraan


upang matukoy ang mga ideya,
sumusuporta man o pangunahin?

Althea?
Paglalahad
Paglalarawan
Pangangatwiran

Ulitin mo nga ang sinabi ni althea


jhewel?
Paglalahad
Paglalarawan
Pangangatwiran

Magaling! Ngayon naman ay dadako


naman tayo sa ating panibagong aralin.

Handa na ba ang lahat? “Opo, ma’am”

C. Pag ganyak

Ngayon alam ko na maaari na tayong


magpatuloy sa bago nating aralin.

Mayroon ako ritong mga salita, maaari


ninyo ba itong gawan ng isang maikling
pangungusap.

BAKA MARAHIL

SIGURO

Halimbawa ay sa:
BAKA – BAKA hindi na matuloy ang
pamamasyal natin sa baguio.
MARAHIL – Ang yayabong ng halaman
ni Aling Arlene. Marahil palagi niya
itong dinidiligan.
SIGURO – Makulimlim ang panahon
ngayong araw. SIGURO ay uulan.
(Magtataas ang kamay ang mga bata
upang magbigay o magahagi)
(Magbibigay ang bata ng kani-kanilang
maikling pangungusap gamit ang BAKA,
MARAHIL, AT SIGURO)
Magaling!

D. Paglalahad
Ang mga salitang inyong ginamit upang
makagawa ng maikling pangungusap ay
tinatawag nating HINUHA.

Ano nga po ulit ang mga salitang


ginagamit sa pagbibigay ng sariling
hinuha?
“BAKA, MARAHIL AT SIGURO”

Ulitin mo nga kung ano ang mga ito,


Jhewel?
“BAKA, MARAHIL AT SIGURO”
Mahusay!

E. Pagtatalakay
Kapag sinabi nating hinuha, ito ay isang
hula o palagay na walang
kasiguraduhan at di-tiyak ang isang
pangyayari. Kaya huwag muna tayong
maniniwala sa mga sabi-sabi na walang
kasiguraduhan.

Sa tingin niyo ba mahalaga na


makapagbigay ng sariling hinuha lalo na
sa teksto o maikling kwento?
“Opo”

Bakit kaya? Francis?


“Magkakaroon po tayo ng ideya sa kwento”

Ano pa? Quenny?


“Malalaman po kung tungkol saan”

Okay, salamat sa inyong ideya.

Mahalaga ang pagbibigay ng sariling


hinuha dahil sa pamamagitan nito
natutukoy ang nilalaman at banghay ng
mismong kwento.

Sa pamamagitan ng sariling hinuha


nalalaman niyo o natin bilang
mambabasa kung tungkol saan at kung
ano ang pagkakasunod ng kwentong
ating binabasa.

Sa pamamagitan rin ng sariling hinuha


nalalaman nating mambabasa kung
nagbibigay ng pahiwatig ang manunulat
ng teksto. Makikita ito sa pamagat,
tema, paksa ng akda o sulatin.

Ibinibigay ito ng manunulat sa


mambabasa upang maging
kapanapanabik ang pagbabasa at ang
pagkatuto.

Maaaring ilagay ito ng manunulat sa


gitna ng pagbasa, upang magkaroon ng
patikim sa kung anong paksa, tema, o
magiging layunin ng may akda sa
nasabing teksto.

At maari rin namang maganap kung


tapos na ang pagbasa ng buong akda o
sulatin kung ito ay bitin o hindi
malinaw. Maaaring maghinuha ang
mga mambabasa ng kanilang
interpretasyon sa kung anong pwedeng
mangyari sa kwentong nabasa.

Kailan nga ulit pwedeng maganap ang


paghihinuha? James? “Sa unahan, gitna, at sa huluhan”

Tama iyon!

Sa pagbibigay ng hinuha ay maaari


tayong gumamit ng mga salitang pang-
ukol.

May ideya ba kayo mga bata sa kung


ano ang pang-ukol?
“Hindi po, ma’am”

Kung ganon ay atin ng alamin.


Kapag sinabi nating pang-ukol ay mga
salitangnag-uugnay sa isang
pangngalan sa iba pang bahagi ng
pangungusap.

Ginagamit din ito upang kilalanin ang


lugar o pingmulan ng gawa, kilos, o
layon.

Ilan sa halimbawa ng pang-ukol ay:


o Alinsunod sa/kay
o Ayon sa/kay
o Hinggil sa/kay
o Kay/kina
o Labag sa
o Laban sa/kay
o Mula sa
o Nang wala
o Ni/nina
o Para sa/kay
o Sa/kay
o Sa/sa mga
o Tungkol sa/kay
o Tungo sa
o Nang may

Alam niyo bang mayroong umiiral na


dalawang pangkat, uri, o, tipo ng pang-
ukol at ito ay:

1. Pang-ukol sa ginagamit ng
pangngalang pambalana: ukol sa,
laban sa, hinggil sa, ayon sa, tungkol
sa, at para sa.

Halimbawa: Ukol sa kabataan at sa


kanilang karapatan sa edukasyon ang
kanilang pinag-uusapan.

Sinong nais magbigay ng pangungusap


gamit ang mga pang-ukol sa
pangngalang pambalana?

(Magtataas ang kamay ang mga bata


upang magbigay o magahagi)

Fritz?
“Laban sa mga kababaihan ang bagong panukala sa
Senado”
Mahusay! Ang ginamit na pang-ukol sa
pangngalang pambalana ni Fritz ay,
ano?
“Laban sa”

Magaling! Ano pa?


(Magbibigay ang mga mag-aaral ng
mga halimbawa)

Tama lahat ng inyong ibinigay na


pangungusap.

Ang pangalawa namang pang-ukol ay


ang:
2. Pang-ukol sa ngalan ng tanging tao:
ang gawa, ari, layon, at kilos ay para
lamang sa ngalan ng tao.

Ang mga halimbawa nito ay ukol kay,


laban kay, para kay, tungkol kay, ayon
kay, at hinggil kay.

Sinong nais magbigay ng pangungusap


gamit ang pang-ukol sa ngaln ng
tanging tao na tungkol kay?

(Magtataas ang kamay ang mga bata


upang magbigay o magahagi)

Saidamen?
Ang napagdiskusyunan sa pagpupulong ay tungkol
sa pagsasaayos ng silid-aralan.

Mahusay, Saidamen!

Sa Ayon kay naman?


(Magtataas ang kamay ang mga bata upang
magbigay o magahagi)

Magaling mga bata!


Bigyan ninyo ang inyong sarili ng
pakbet clap.

F. Paglalahat
Naunawaan ba ang ating naging
talakayan? “Opo,ma’am”
Kung talang naunawaan ang ating
talakayan. Tungkol nga saan mga bata
ang ating pinag-aralan?
(Magtataas ang kamay ang mga bata
upang magbigay o magahagi)

Jelane Rose?
“Ang ating napag-aralan ay tungkol sa hinuha’’

Tama! Ano nga ang hinuha?


Nhiekal?
“Ito ay hula o palagay sa isang bagay na walang
katiyakan”
Mahusay, Nhiekal!

Mahalaga bang magbigay ng sariling


hinuha.
“Opo”

Bakit? Reyna?
“Mahalaga po ito dahil sa pamamagitan nito ay
nagkakaroon ang mambabasa ng ideya tungkol sa
kwentong nabasa”.

Magaling! Kailan ito ginagamit?


(Magtataas ang kamay ang mga bata
upang magbigay o magahagi)

Bella?
“Maaari po itong makita sa unahan, gitna at hulihan
ng kwento”
Tama! Anong maaari pang gamitin
kapag nagbibigay ng sariling hinuha?
“Pang-ukol, ma’am”
Ano ang pang-ukol?
“Ginagamit din ito upang kilalanin ang lugar o
pingmulan ng gawa, kilos, o layon.”

Mahusay! Magbigay ka nga ng


halimbawa ng pang-ukol, Sam?
o Alinsunod sa/kay
o Ayon sa/kay
o Hinggil sa/kay
o Kay/kina
o Labag sa
o Laban sa/kay
o Mula sa
o Nang wala
o Ni/nina
o Tungkol ……
Mahusay! Ang inyong mga nabanggit
ay ilan lamang sa mga halimbawa ng
pang-ukol.

Ilan nga ang umiiral na pangkat, uri, o,


tipo ng pang-ukol?
“Dalawa po”
At ano ang mga iyon?
(Magtataas ang kamay ang mga bata
upang magbigay o magahagi)

Althea?
“Pang-ukol sa ginagamit ng pangngalang
pambalana at Pang-ukol sa ngalan ng tanging tao”
Tama! Magbigay ka nga ng pang-ukol
na ginagamit panggalang pamabalana,
Matthew?

“ukol sa”
Ano pa, Allen?

“laban sa, hinggil sa, ayon sa, tungkol sa, at para sa”
Mahusay! Sa pang-ukol naman sa
ngalan ng tao? Anghel?

“ukol kay, laban kay, para kay, tungkol kay, ayon


kay, at hinggil kay”
Magaling! Talagang naunawaan ang
ating naging talakayan.

G. Paglalapat

Kung talagang naunawaan ang ating


naging talakayan. Sagutan ang Gawain
sa pagkatuto bilang 1.

Maaari mo bang sahin ang panuto,


Althea.

Panuto: Tukuyin ang salitang hinuha sa


bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa
iyong kwaderno.
(Babasahin ang panuto)

Maraming salamat, Althea!


Ang kailangan ninyong lamang isulat ay
sagot. Isusulat sa inyong kwaderno
kung anong salitang hinuha ang ginamit
sa bawat pangungusap.

1. Marahil ay may paparating na


bagyo sa susunod na lingo.

2. Baka papayagan ng lumabas ang


mga batang edad labinlima (15)
pataas sa susunod na buwan.

3. Sigurado ako na ang


mananalong sa boxing ay mula sa
lugar sa Mindanao

4. Di-tiyak ang pagdating ng mga


bisita sa ating paaralan.

5. Ang hula ko sa mga mangyayari


sa ating paligid ay may kaugnay sa
maruming kapaligiran.

6. Walang kasiguraduhan ang


pamamahagi ng ayuda sa ating
barangay.

7. Marahil ay wala na tayong


darating na dagdag sa ating
sweldo.
Naiintindihan ba mga bata?
“Opo, ma’am”

Mayroon lamang kayong pitong minuto


para tapusin.

Naiintindihan ba?
“Opo”

H. Pagtataya

Mahusay dahil marami sa inyo ang


nakakuha ng mataas na puntos. Upang
mas mapalago pa ang inyong kaalaman,
may hinanda akong panibagong
gawain.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


Kopyahin sa inyong kwaderno ang
mga pangungusap. Salungguhitan ang
mga pang-ukol sa bawat bilang.

1. Ang mga bagong laruan ay para kay


Russel.
2. Ayon sa balita, magtataas na naman
ang singil ng kuryente sa susunod na (Mag-uumpisa ng gumawa ang mga mag-aaral)
buwan. 1. para kay
3. Ang patalastas na ito ay hinggil sa 2. Ayon sa
mga dapat gawin upang maiwasan ang 3. Hinggil sa
pagkaat ng nakahahawang sakit. 4. Mula sa
4. Darating na si Tita Josie mula sa 5. Tungkol kay
kanilang paglilibot sa Europa at uuwi sa 6. Para sa
makalawa. 7. Tungkol sa
5. Tungkol kay Tiyo Marne ang liham ni
Lola Marina na dumating kahapon?
6. Nais tayong kausapin ng punong-
guro para sa parating na kompetisyon
sa ating lungsod.
7. Laging tungkol sa pag-aalaga ng isda
ang pinag-uusapan sa shop na iyon.

I. Takdang aralin

Bago matapos ang aralin natin ngayon


araw, kuhanin ang kwaderno at kopyahin
ang inyong takdang aralin.

Takdang-Aralin:
Gumawa ng pangungusap gamit
ang mga salitang hinuha na marahil,siguro
at pang-ukol na di-tiyak,hinggil, at para kay:
1. Marahil –
2. Di-tiyak –
3. Hinggil –
4. Para kay – (Isusulat ang takdang aralin sa kwaderno)
5. Siguro -
Dito na natatapos ang ating aralin. Tumayo
para sa ating pangwakas na manalangin.

https://youtu.be/YABDElWYQFs?si
=zN1Gvy8mXFxTZQXu (Tatayo upang manalangin)

Paalam mga bata.

Prepared by:

ANGELINE L. MABUYO
Student Teacher

Checked:

Mrs. LORADEL DELAS-ALAS QUINICIO


Resource Teacher

CPL = ________

You might also like