You are on page 1of 3

Grade 6 PAARALAN FORTUNE ELEMENTARY SCHOOL BAITANG/ANTAS 6

Daily Lesson Log


GURO MARK ANTHONY P. LIM ASIGNATURA FILIPINO
(Pang-araw-araw na Pagtuturo)
PETSA/ORAS SEPT 11-15, 2023 MARKAHAN UNA

7:20 – 8:10 - MAKATAO ROOM 203


8:10 – 9:00 - RESPONSABLE ROOM 204
9:50 – 10:40 - MAPAGPAHINUHOD ROOM 202
11:20 – 12:10 - MATIMYAS ROOM 306

I.LAYUNIN/ (ALAMIN)

A.Pamantayang Pangnilalaman Naipamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan

B. Pamantayang Pagganap Nasasaulo ang isang tula/awit na napakinggan at naisadula ang isang isyu o paksa mula sa
tekstong napakinggan

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto/Tiyak na Layunin Nagagamit ang pangngalan at panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon (F6WG-Ih-J-12)
Isulat ang code ng bawat kasanayan

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kwento

D. Nilalaman/Paksang Aralin Paggamit ng Pangngalan at Panghalip sa Pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon

II. KAGAMITANG PANTURO

A. SANGGUNIAN

1.Mga pahina sa Gabay ng Guro

2. Mga Pahina Sa Kagamitang Pang-mag-aaral Filipino 6- Q1-Modyul 3- pah.1-20

3. Mga Pahina Sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan Mula Sa Portal Ng


Learning Resource

B. Iba Pang Kagamitang Panturo Video Presentation, TV

III. PAMAMARAAN

UNA AT IKALAWANG ARAW (Guided Concept Exploration-Direct Instruction)


A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/ o Panimulang Gawain: 1. Pagdarasal
pagsisimula sa bagong aralin/ (BALIKAN) 2. Pagdampot ng mga kalat
3. Pagtsek ng attendance
4. Pagpapaalala kaugnay sa “Safe Learning Environment” at iba pa

A. Diyagnostikong Pagtataya
Sa pamamagitan ng estratehiyang KWL aalamin ng guro ang kanilang nalalaman tungkol sa Pangngalan at Panghalip

K-W-L TSART

Ano ang iyong Ano ang iyong Ano ang iyong


Alam Mga Katanungan Natutuhan
sa Pangnalan at Panghalip tungkol sa Pangnalan at Panghalip tungkol sa Pangnalan at Panghalip

B. Paghahabi sa layunin ng aralin/ (TUKLASIN) Pagganyak (TOTAL PHYSICAL RESPONSE)


Basahin ang bawat pangungusap nang pasalita. Suriin ang salitang binigyang pansin. Itaas ang kamay ng mataas kung ito ay pangngalan at mag-thumbs-up kungito ay

panghalip.

1. Kaming mag-anak ay pupunta sa Palawan sa susunod na Linggo upang magbakasyon.

2. Nakita ni Juan ang kanyang natitipuhan o crush na si Maria.

3. “Huwag kang mag-alala makakaraos din tayo sa hirap”

4. Napagalitan ka ng iyong magulang at guro sa hindi paggawa ng iyong modyul.

5. “Ano ang gagawin natin? Hindi ako nakagawa proyekto sa Filipino?”

(Ipaliliwanag ng guro ang mga layunin sa pag-aaral. Tiyakin na maipaliwanag ito batay sa antas/level ng mga bata upang madaling maunawaan.)

Handa na ba kayo? Kung handa na, magbigay ng tatlong bagsak (palakpak). Magbigay ng tatlong bagsak! (uulitin ang palakpak)

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa layunin ng A. Integrasyon sa Teknolohiya


bagong aralin Pagpapanuod ng Deped TV: Pangngalan at Panghalip

IKATLONG ARAW (Experiential & Interactive Engagement)

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng Ang pangngalan at panghalip ay dalawang uri ng salitang pambalarila na ginagamit sa ating wika.
bagong kasanayan #1
(SURIIN) Ang pangngalan ay isang salita na ginagamit para tukuyin ang mga bagay, tao, hayop, lugar, ideya, at iba pa. Ito ang mga salitang nagbibigay ng pangalan o tawag sa
mga bagay na ating nararanasan. Halimbawa, "bahay," "puno," at "lungsod" ay mga halimbawa ng pangngalan.
Sa kabilang dako, ang panghalip ay isang salita na ginagamit bilang kapalit ng pangngalan. Ito ay ginagamit upang maiwasan ang paulit-ulit na paggamit ng mga
pangngalan sa isang pangungusap. Halimbawa, sa halip na sabihin "Si Maria ay nagtrabaho," maaari nating gamitin ang panghalip na "Siya ay nagtrabaho."

Ang pangngalan at panghalip ay mahalaga sa pagbuo ng mga pangungusap at nagbibigay ng kahulugan sa mga ideya at mga bagay. Ang mga ito ay ginagamit upang
maipahayag ang mga saloobin, impormasyon, at mga konsepto sa ating wika.

Sa simpleng salita, ang pangngalan ay ginagamit para tawagin o bigyan ng pangalan ang mga bagay, tao, at iba pa. Samantala, ang panghalip ay ginagamit bilang kapalit
ng pangngalan upang maiwasan ang paulit-ulit na paggamit ng mga ito sa isang pangungusap.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng Ngayon, ipapakita ko sa iyo ang halimbawa ng paggamit ng mga pangngalan at panghalip sa isang pangungusap:
bagong kasanayan #2
(SURIIN) Pangngalan (Noun):

"Ang pusa ay nasa ilalim ng puno." (The cat is under the tree.)

"Ang libro ay mahalaga sa pag-aaral." (The book is important for studying.)

Panghalip (Pronoun):

"Siya ay nagluto ng masarap na pagkain." (He/she cooked delicious food.)

"Ang mga estudyante ay nag-aaral ng kanilang leksyon." (The students are studying their lessons.)

F. Paglinang sa Kabihasaan Bumuo ng isang usapan o diyalogo tungkol sa pangyayaring ipinagtanggol mo ang iyong kaibigan na si Meynard dahil pinagbibintangan na siya raw ang nagtago sa bag
(Tungo sa Formative Test) ng katabi niya sa
(PAGYAMANIN) upuan. Hanggang sa opisina ng punong-guro at sa harapan ng mga magulang ninyo ay hindi mo pinabayaan ang iyong kaibigan. Tiyaking gumamit ng mga pangngalan at
panghalip sa pagtatanggol.

Pamantayan 1 2 3 4 5

Naisagawa nang maayos ang bawat gawain

Nakasulat ng mahigit 5 pangngalan at panghalip

Nagpakita ng pagkakaisa ang bawat kasapi

Natapos ang gawain sa takdang oras

Kabuoan

IKAAPAT NA ARAW (Experiential & Interactive Engagement)

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na PANGKATANG GAWAIN


buhay (ISAGAWA) A. Halimbawa, ikaw ay tatakbo sa pagkapangulo sa Supreme Pupil Government (SPG). Binigyan kayo ng pagkakataon para magsalita sa loob ng mga klase. Ipakilala
mo ang iyong sarili at mga kapartido. Ilatag ang iyong plataporma o kayang gawin ng grupo ninyo sakaling kayo ay manalo. Gawin ito sa harap ng klase. Tiyaking
gumamit ng mga pangngalan at panghalip sa pagpapakilala.

Pamantayan 1 2 3 4 5

Naisagawa nang maayos ang bawat gawain

Nakasulat ng mahigit 5 pangngalan at panghalip

Nagpakita ng pagkakaisa ang bawat kasapi

Natapos ang gawain sa takdang oras

Kabuoan

H. Paglalahat ng Aralin (ISAISIP) Share Mo Naman!


I-share mo naman ang iyong natutuhan sa tinalakay nating aralin.
Sumulat ng mga natutuhan mula sa ating aralin at ibahagi ito sa klase.

IKALIMANG ARAW (Learner Generated Output)

I. Pagtataya sa Natutuhan (TAYAHIN) Pagpapakita ng presentasyon sa pangkatawang gawain:


Pagbibigay ngpuna o suhestiyon sa presentasyon ng mga mag-aaral

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at Panuto: Gumawa ng Punan ng hinihinging impormasyon ang Frayer Model na nasa ibaba.
remediation
(KARAGDAGANG GAWAIN)

KAHULUGAN KATANGIAN KAHULUGAN KATANGIAN

Pangngalan Panghalip

HALIMBAWA DI-HALIMBAWA HALIMBAWA DI-HALIMBAWA


IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa


pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba


pang gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial bilang ng mga mag-


aaral na nakaunawa sa aralin.

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa


remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang Stratehiyang dapat gamitin:


nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong? __Kolaborasyon
__Pangkatang Gawain
__ANA / KWL
__Sanhi at Bunga
__Paint Me A Picture
__Decision Chart
__Data Retrieval Chart
__Discussion
Iba pa: _________________________________________________________

F.Anong suliranin ang aking naranasan na Mga Suliraning aking naranasan:


solusyon sa tulong ng aking punungguro at __Kakulangan sa makabagong kagamitang panturo.
superbisor? __Di-magandang pag-uugali ng mga bata.
__Mapanupil/mapang-aping mga bata
__Kakulangan sa Kahandaan ng mga bata lalo na sa pagbabasa.
__Kakulangan ng guro sa kaalaman ng makabagong teknolohiya
__Kamalayang makadayuhan
Iba pa: ___________________________________________________________

G.Anong kagamitang panturo ang aking __Pagpapanuod ng video presentation


ginamit/nadiskubre na nais kong ibahagi sa mga __Community Language Learning
kapwa ko guro? __Ang “Suggestopedia”
__Ang pagkatutong Task Based
__Instraksyunal na material
__Differentiated Instructions
__Guided Instructions
__Targeted Instructions
Iba pa: ___________________________________________________________

Inihanda ni:

MARK ANTHONY P. LIM Sinuri ni:

Guro sa Filipino 6

WILFREDO A. SANTOS JR.

DalubGuro sa Ika-6 na Baitang

Pinagtibay ni:

SHERLY ANN D. HERNANDEZ

Punong-guro

You might also like