You are on page 1of 10

School Loawan Elementary School Grade Level Grade Six

LESSON Teacher Nelia B. Rustia Learning Area Filipino


EXEMPLAR Teaching Date Quarter Fourth Quarter
Teaching Time 50 mins. No. of Days 1

I. LAYUNIN 1. Nasusuri ang pagkakaiba ng kathang-isip o piksyon at di- kathang-isip na teksto o


di- piksyon.
2. Naibibigay ang kahulugan ng kathang-isip o piksyon at di kathang-isip na teksto o
di-piksyon.
3. Natutukoy kung ang sumusunod na teksto, kwento o larawan ay kathang-isip/
piksyon o di-kathang-isip.
A. Pamantayang Pangnilalaman Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t-ibang uri ng teksto at napapalawak ang
talasalitaan.
B. Pamantayan sa Pagganap Naibibigay ang kahulugan ng kathang-isip o piksyon at di kathang-isip na teksto o di-
piksyon.
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC) Nasusuri ang pagkakaiba ng kathang isip at di-kathang isip na teksto (fiction at
(Kung mayroon, isulat ang pinakamahalagang kasanayan sa nonfiction )
pagkatuto o MELC
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang kasanayan.)
II. NILALAMAN Pagkakaiba ng Kathang-isip at di-kathang isip na teksto

III. KAGAMITAN PANTURO


A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC FILIPINO 6 (week 4) F6PB-IVc-e-22 Learners Packet ( LeaP)

b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral Learners Packet ( LeaP)


c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa mga Gawain Powerpoint presentation, manila paper, Lcd projector
sa Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula)
Balik-Aral
Bago natin ang talakayin ang panibago nating aralin, ay balikan muna natin ang ating
pinag-aralan kahapon.

Natatandaan nyo pa ba mga bata?

Ano nga ulit ang Reaksyon?


-isang damdamin o emosyon na nagpapakita ng pagsang- ayon o pasalungat hinggil sa
paksa o isyu.

Ano naman ang Opinion?


-tumutukoy sa paniniwala, sariling saloobin o mga palagay hinggil sa isang paksa,
bagay o pangyayari.
Halimbawa:

1. Paghinto sa pag-aaral ng maraming estudyante dahil sa pandemya.


Reaksyon :
Para sa akin hindi dapat huminto sa pag-aaral ang mga estudyante dahil sa
pandemya sapagkat napakaraming paraan para maituloy ang edukasyon sa mga
tahanan, gaya ng paggamit ng modyul, telebisyon, online classes at iba pa.
Opinion:
Nakalulungkot isipin na maraming mag-aaral ang nahinto sa pag-aaral dahil sa
pandemya
Ibigay ang inyong opinion at reaksyon tungkol sa isyung ito.

Magaling mga bata! Ngayon ay tatalakayin na natin ang bagong aralin.


Pagpapakilala ng Aralin:
(Magpapakita
ang guro ng mga
larawan)

Kilala nyo ba mga bata kung sino-sino ang mga nasa larawan?
Magaling! Sila ay sina glaiza de castro, gabbi Garcia, sanya lopez at si kylie padilla.
Sila ay mga actress na napapanuod natin sa telebisyon o sa pelikulang encantadia.
Kung saan sila ay gumanap bilang amihan, Danaya, Pirena at alena.

Sa tingin nyo ba mga bata ang pelikulang “encantadia” ba ay hango ba sa totoong


pangyayari?

Magaling!
Dahil ang encantadia ay isang pelikulang hindi makatotohanan at hindi kelan man
nagkakaroon ang isang tao ng kapangyarihan o super power.

Ano naman ang napapansin nyo mga bata sa pangalawang larawan?

Yan ay imahe ng isang uri na virus na kilala natin sa tawag na covid 19.
Ngayon, ang covid 19 ba ay nakakahawa?
Sa anong paraan nakakahawa ang virus na ito?
Sa pamamagitan ng pag bahing

B. Development (Pagpapaunlad) Nararanasan ba natin ito ngayon?


Magaling! Ito ay totoong nangyayari sa kasalukuyan, Dahil dito, marami ang
naghirap, nawalan ng trabaho at marami ang nagkakasakit at namamatay dahil sa virus
na ito.

Gusto nyo ba mga bata makabasa o makarinig ng kwento?

Bago tayo magbasa ng kwento ay ano-ano muna ang mga pamanatayan sa pagbasa o
pakikinig.

BAgo natin basahin ang kwento ay sagutan muna natin ang mga sumusunod.

Hanapin ang kahulugan ng Hanay A sa Hanay B.

Paghahawan ng balakid:
Uhay- tangkay na kinaroroonan ng mga butil ng palay.
Salatin- kunin o tanggalin
Kulay-ginto- hinog o malapit ng anihin
Masamang gawi-masamang binabalak
Sising-alipin-nagsisisi sa ginawang kasalanan

Yan ang mga salitang maiencounter nyo mamaya sa teksto o kwento ating babasahin.
Bago tayo dumako sa kwento ay basahin muna natin ang mga tanong
na masasagot nyo pagkatapos nyong basahin ang kwento.

Mga tanong:
1. Ano ang palaging ginagawa ni Manuel L. Quezon noong bata pa siya?
2. Bakit kulay ginto ang mga uhay ng palay?
3. Anong aral ang natutunan ni manuel?
4. Ano ang ibig sabihin o nais iparating ng pangungusap na “mababa ang loob
kahit maraming alam at maraming katangian”?
5. Ano ang kalagayan sa buhay nina Bantay at Muning?
6. Bakit pinaparusahan ng amo si Muning?
7. Kung ikaw si muning, gagawin mo rin ba ang ginawa nya kay bantay?
8. Paano nagkakaiba ang dalawang kwento? Alin sa dalawa ang kathang isip at
alin ang hindi?

Ang Uhay ng Palay


Noong bata pa si Manuel Luis Quezon ay lagi siyang kasama ng kanyang ama sa
bukid. GUstong-gusto niyang sumama rito. Isang araw ay may napansin siya.
“Tatay, Bakit po kulay-ginto na ang mga palay?, tanong niya sa ama. “at saka bakit po
nakayuko ang mga uhay?”, dagdag pa niya.
“Malapit na kasing anihin ang mga palay kaya kulay-ginto na ang mga ito. Salatin mo
ang mga uhay”.,sabi ng ama niya
“Matataba po ang mga nakayukong uhay. Wala pong laman at payat ang mga
nakatuwid na uhay”, sagot ni manuel.
“Ganyan dapat ang tao, Manuel, Mababa ang loob kahit maraming alam at maraming
katangian.” Mabagal na nag- isip si Manuel saka sumagot.

Si bantay at si Muning
Nakatira sina Bantay at Muning sa isang malaking bahay. Lagi silang busog, maayos
ang lugar na tulugan at may tahimik na kalagayan.
Sa Kabila ng maayos nilang buhay, itong si Muning ay parang walang kasiyahan.
Kinaiinggitan niya si Bantay. Pakiramdam ni Muning siya walang dila. Magagalitin
siya at madalas kalmutin si Bantay.
Ang isang pagkakataong ito ay nasaksihan ng kanilang amo. Galit na galit ito dahil sa
masamang gawi ni muning. Dahil dito, agad niyang ipinaghiwalay ng lugar ang
dalawang alagang hayop. Sising-alipin ngayon si Muning.
Mula sa binasa nating kwento o teksto, meron na ba kayong ideya kung anong topic
ngayong araw?

Sa unang kwento ano ang napapansin ninyo?


Sa unang kwento ay ang buhay ni manuel l. quezon.
Yan ba ay katha lamang o tunay na nangyari sa totoong buhay?
Sa pangalawang kwento naman, ano napapansin nyo?
Ito ba ay katha o tunay na nangyayari sa tunay na buhay ng isang tao?

meron na ba kayong ideya kung anong topic ngayong araw?

Ang aralin natin sa araw na ito ay tungkol sa piksyon at di- piksyon.

Mayroon ba kayong ideya kung ano ang piksyon?


Ang piksyon ito ay guni-guni, hindi totoong nagyayari o imposibleng mangyari sa
tunay na buhay. Ito ay kathang-isip lamang ng mga manunulat at hindi tunay.
( magpapakita ng larawan na halimbawa ng piksyon)
Iba pang Halimbawa;
Alamat
Pabula
Mitolohiya
Epiko
nobela
Di-piksyon-ito ay nangyayari sa tunay na buhay at ginagawa natin sa realidad.
-mga pangyayari na nangyayari sa totoong buhay o realidad ng isang tao at tungkol ito
sa makatotohanan.
( magpapakita ng larawan na halimbawa ng piksyon)

Iba pang Halimbawa:


Balita
Talaarawan
Dokumentaryo

Ngayon mga bata alam na ang ibig sabihin ng piksyon at di-piksyon.


Magaling!
Tingnan nga natin kung may natutunan kayo sa ating aralin.

C. Engagement (Pagpapalihan)

.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:.

Panuto: tukuyin ang mga sumusunod na talata kung K kathang-isip o piksyon at DK


kung di- kathang isip o di- piksyon.
1. Ako’y naglalakad sa dakong Malabon,
Ako’y nakakita ng isang balong hipon
2. Ang Banawe Rice Terraces ay tanimang inukit n gating mga ninuno sa gilid
ng bundok.
3. Ang ating mga ninuno ay masayahin at mahilig sa musika, na masasalamin pa
rin samga Pilipino sa kasalukuyang panahon.
4. Nagkakasayahan ang lahat nang buglang lumitaw ang isang napakalaking
tandang. Lalo silang namangha nang isang iglap ay nagbago ito ng anyo at
naging isang napakisig na prinsipe.
5. Batid mo ba kung bakit napabilis ang paggana ng mga kompyuter? Bunga ito
ng pinaka-unang single-chip graphical user interface Accelerator na ipinalabas
ni Diosdado Banatao.

Magaling mga bata nasagot nyo ang unang pagsasanay. Ngayon ay higit pa nating
sasanayin ang inyong natutunan.

Hahatiin ng guro ang klase sa dalawang grupo at bibigyan ng kanya kanyang


aktibidad.
Pangkat 1
Gawain sa pagkatuto Bilang 2:
Suriing mabuti ang mga nakatalang pamagat ng kuwento at ilagay ito kung ang napili
ninyong pamagat ay nabibilang sa piksyon o kathang-isip at di-piksyon o di-kathang
isip.

Piksyon Di-Piksyon

Ang Unggoy at ang Rebolusyon sa EDSA


Buwaya

Ang Mahiwagang
Ang Batas Militar sa Lampara
Pilipinas

Melchora Aquino,
Ang Alamat ng Pinya Ina ng Katipunan

Pangkat 2
Gawain sa pagkatuto 3:
Lagyan ng ( ) ang sumusunod na pamagat ng kuwento kung piksyon at (X) kung di-
piksyon. Isulat ang inyong sagot sa patlang.
_____1.Maria Paz Mendoza Guanzon, Unang Pilipinong manggagamot.
_____2. Ang utak ng Katipunan, Emilio Jacinto.
_____3. Ang Alamat ng Damong Makahiya
_____4. Si Juan Tamad
_____5. Pia Adelle Reyes, Kampeon sa gymnastics
_____6. Ang Talambuhay ni Apolinario Mabini
_____7. Ang Leon at ang Unggoy
_____8. Ang Kasaysayan ng Bansang Hapon
_____9. Panauhin si Alimango
_____10. Si JOsefa Llanes Escoda
Mahusay mga bata! Nasagot nyo ng tama
Ang ikalawang pagsasanay.
D. Assimilation (Paglalapat) Paglalahat:
Ano ang natutunan ninyo sa ating aralin?
Tandaan:
May ibat ibang uri ng babasahin ang makikita sa aklatan. Ang piskyon ay isang kathang
–isip o sariling imbento ng manunulat. Ang Di-piksyon o di-kathang-isip ay mga
babasahing may kaugnayan sa totoong buhay.

Alam nyo na mga bata ang pinag kaiba ng piksyon at di- piksyon?
Pagtataya:
Ang sumusunod na mga talata ay hinango sa ibat ibang seleksyon. Suriin kung ito ay
piksyon o di-piksyon. Isulat sa patlang ang tamang sagot.
_____1. Ang globo ay nahahati sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig. Ang mapa ay walang
mga bahagi tulad ng nakikita sa globo. Ang ordinaryong mapa ay nagpapakita ng isang
bahagi lamang ng daigdig samantalang ang globo ay nagpapakita ng lahat ng bansa ng
daigdig.
_____2. Isang umaga tumawag ng pulong ang pinuno ng mga hayop na si Kapitan Leon.
Magtatagpu-tagpo ang mga hayop-gubat, mga ibon at maging ang mga hayop sa
kapatagan sa sapa na nasa may bundok. May mahalaga silang pagpupulong.
____3. Sa kahahanap ng pagkain, nahulog ang lobo (uri ng hayop na nabibilang sa
angkan ng mababangis na aso) sa balong walang tubig. Nakita niya ang kambing na
nakatingin sa kanya. “Ano ang ginagawa mo diyan kaibigang Lobo?” tanong ng
kambing. Sagot ng lobo, “Hindi mo ba alam na nagagalit si Tigre at ako ay nagtatago
dito?” Lumundag sa balon si Kambing dahil sa takot. Biglang sumampa sa likod ng
kambing ang lobo at nakalabas siya sa balon.
____4.Ang pagtatanim ng punungkahoy ay makatutulong sa lumalaking suliranin sa
tubig sa kalakhang Maynila. Sinabi ng DENR (Department of Environment & Natural
Resources) na ito ang sagot sa matagal nang suliraning ito.
____5. Si Pangulong Ramon Magsaysay ang pangatlong pangulo ng Ikatlong
Republika ng Pilipinas. Bilang Pangulo, siya ay ilang ulit nang pinarangalan sa ibang
bansa dahil sa mga nagawa niya sa ating bansa. Tinagurian siyang Idolo ng
Karaniwang Tao dahil sa kanyang katapatan at pagmamalasakit sa kapakanan ng
mahihirap.
Takdang Aralin:
Gumawa ng sariling kwento na may piksyon at di- piksyon. Isulat ito sa inyong
kwaderno
V. PAGNINILAY Kompletuhin ang mga sumusunod na pangungusap

Ngayon araw ay Nauunawaan ko na _________________________


Nabatid ko na_______________________________
NAisasagaw ko na___________________________

Inihanda ni: Sinuri ni:

NELIA B. RUSTIA EDITHA B.


Teacher 1 MONTENEGRO
Head Teacher III

You might also like